NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong sunud-sunod ang pagyugyog sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at naiinis na sinigawan ko si Nicole.''Ano bang problema mo? Natutulog pa ako eh.'' reklamo ko. Pumihit ako ng higa at muli kong ipinikit ang aking mga mata."Ano ba frenny, bumangon ka nga diyan!''Sa halip na sumagot ay dinampot ko ang unan at itinakip ko iyon sa aking dalawang tainga.''Parang bingi lang eh! Bumangon ka na Sam! May naghahanap sa'yo sa labas.''''Sabihin mo tulog ako!'' dumapa ako sa kama at muling ipinagpatuloy ang pagtulog.'' Nakakainis naman 'to! Bumangon ka diyan at harapin mo 'yong makulit mong ex!''Nang marinig ko ang salitang "ex" ay agad kong ibinalibag ang unan at mabilis rin akong umupo sa kama.''Huh? Sinong ex? Ex fiance or ex boyfriend?''paniniyak ko sa sinabi ng aking kaibigan.''Gaga! Nakuha mo pang magbiro. Dalian mo na!''''Sino ba kasi 'yon?'' muli kong tanong.''Si Iñigo.'' Tipid nitong sagot.''Ano?'
KINABUKASAN ay napabalikwas na lamang ako sa higaan dahil sa kakaibang pakiramdam na gumising sa'kin. Pakiwari ko ay hinahalukay ang loob ng aking tiyan kaya't patakbong tinungo ko ang banyo. Ngunit sa halip na umupo ako sa bowl, dahil sa pag-aakalang sira lang ang aking tiyan eh taliwas 'yon sa nangyari. Halos isubsob ko na ang aking mukha sa bowl na 'yon dahil kasabay ng pagbaliktad ng aking sikmura ay siya naman'g sunod-sunod na pagduwal ko.''Frenny, okay ka lang ba?'' Sigaw ni Nicole na sumunod pala sa banyo.Hindi ko magawang sumagot dahil patuloy pa rin ako sa pagsusuka.''Frenny naman, ano bang nangyayari sa'yo?'' giit pa nito. Puno ng pag-aalalang nilapitan niya ako at walang humpay ito sa pag hagod ng aking likuran.Ilang minuto rin bago ako nahimasmasan at bago ako nakalabas ng banyo."Okay ka na ba?''aniya.''Oo, salamat ah.''''Ano ba kasi ang nangyari sa'yo?''muli niyang tanong habang naroon pa rin ito sa aking tabi.''Hindi ko rin alam eh. Basta nagising
ISANG buwan na rin ang muling lumipas buhat ng mapag-alaman namin'g nagdadalantao ako. Medyo nahahalata na rin ang aking tiyan kung kaya't nahirapan talaga akong maghanap ng trabaho. Mabuti na lang at nariyan si Nicole. Bumalik ako sa pagdidesenyo ng mga damit at hindi ko inaasahan'g magugustuhan ng kanyang boss ang ipinasa kong mga design. Kaya heto ako ngayon, halos wala pang gaano'ng tulog dahil kailangan kong tapusin ito para sa gaganapin'g fashion show next week."Frenny, may five days pa naman na natitira. Baka gusto mo munang magpahinga?" Ani Nicole na naka-ready na pauwi."Eh, kahit pa. Ayoko naman na gahulin ako sa oras kaya't kahit malayo pa ang deadline eh kailangan ko na 'tong tapusin.""Sus, halika na. Umuwi na muna tayo. Kailangan mo rin ng pahinga. Remember, hindi ka na lang nag-iisa sa buhay. Sige ka, baka kung mapa'no pa 'yan si baby mo." Dagdag pa ng kaibigan ko na bahagya pang ngumuso upang ituro ang aking tiyan.''Sige na nga.'' Napipilitan'g pag
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita at nagkakausap ni Jordan, simula no'ng huling beses namin'g magkasagutan sa restaurant. Tatlong araw na rin ang lumipas at hindi niya rin sinubukan'g makipagbati saakin.Hindi ko rin kasi maintindihan ang aking sarili kung bakit nasasaktan ako sa mga sinabi niya kay Iñigo. Marahil ay hindi pa nga talaga ako nakaka-move on. Lalo pa ngayon na dinadala ko ang anak namin ni Iñigo, paniguradong mas lalo ko lang siyang maa-alala."Are you done with the designs frenny?" Ani Nicole. Kailangan ko na kasi itong maipasa lahat para sa gaganapin'g fashion show next week."Yeah. Naipasa ko na rin at nakausap ko na ang boss natin.""Good. Makakapagrelax ka na.""How about you?" balik tanong ko sa kanya."Naipasa ko na rin. At sana, mapili ang mga design natin, nang sa gayo'n ay more incentives tayo at tayo ang kunin na magde-design sa wedding gown ng sikat na artista sa New York." Excited na pahayag ni Nicole."Naku, sana nga." Tanging nasabi ko."H
SA halip na dumiretso sa bahay ay niyaya ko muna si Jordan na mag midnight snack sa isang cafe na malapit sa bahay. Agad naman itong pumayag kaya't hindi ko maiwasan ang mapangiti."Kape lang ang oorderin ko. Busog pa ako eh." Ani Jordan nang nakaupo na kami sa loob."Hmm...okay. Akin, tuna carbonara pa rin." Nakangiting tugon ko. Kapagkuwa'y sinenyasan ko ang waitress na kaagad naman'g lumapit. Ilang minuto lang din ay nai-serve na ang aming order kaya naman sinimulan ko ng kumain at dahan-dahan ko siyang kinausap."Uhm...Jordan, what if nalaman mong may itinatago pala ako sa'yo? Mapapatawad mo kaya ako?"Huminto ito sa pagsimsim ng kape at diretsong tumingin saakin. "Huh? Ba't mo naman naitanong?""Basta, sagutin mo na lang.""Well, depende siguro sa kasalanan." kibit balikat niyang sagot. "Bakit? May itinatago ka ba saakin?""Hmm...what if nalaman mong wala pala akong amnesia?"Isang malalim na buntonghininga ang agad niyang pinakawalan bago ako sinagot. Pagkata
ISANG malusog at guwapo'ng sanggol ang isinilang ko kagabi.Karga ko ito ngayon habang kausap ang doctor na nagpaanak saakin."Sammuel po doktora." Nakangiti'ng sagot ko nang magtanong ang doktora. "That was the name na matagal kong pinag-isipan, once na lalaki ang maging anak ko." Dagdag ko pa."Wow!Very nice name. Ang cute ng baby mo mommy. Kamukhang- kamukha no'ng daddy oh." Nakangiting wika ng doktora at bahagya pang sinulyapan ang natutulog na si Iñigo."Naku, mapagbiro ka talaga doktora. Hin-""Seryoso po ako mommy. Tingnan mo naman'g maigi carbon copy ni sir. Buti na lang tulog si sir, baka parehong-pareho pa pati ang mga mata nila." Dagdag pa ng doktora.Hindi na lang ako kumibo para lumayas na ito sa silid na iyon. Ayokong magising si Iñigo at marinig ang mga pinagsasasabi ng tsismosang doktora na ito. Mabuti na lang at nagpaalam na ito, dahil kung hindi ay baka umandar na naman ang kamalditahan ko.Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan ng ward at si Nicole ang iniluwa no'n.
KAMI na lang nina Jordan at Baby Sammuel ang naiwan sa loob ng aking silid. Kaya naman inunahan ko ng magsalita si Jordan.''Oh, nakabalik ka na pala ng Manila." walang buhay na sambit ko.''Yeah. Actually, kakarating ko lang. Dito na ako dumiretso nang malaman kong nanganak ka na pala.'' Seryosong tugon niya."Mmm...kakauwi lang din namin ni baby.''Nakangiting sinulyapan ko pa ang natutulog na si Sammuel.''Mabuti naman at pareho kayong ligtas.''Dagdag pa niya.Nilapitan ito ni Jordan at gaya nga ng mga naunang komento ay hindi ko inaasahan'g gano'n din ang lalabas sa bibig niya.''Samantha, hindi sa iniinsulto kita ah, pero...sorry huh! Carbon copy talaga 'to ni Iñigo. I already saw some pictures of Iñigo no'ng baby pa siya and imposibleng magkamali ako ng tingin sa hitsura ngayon ni baby.'' Seryosong wika ni Jordaan habang patuloy pa rin sa pagtitig sa sanggol.''Ano ka ba? Magulat ka kung ikaw ang kamukha niyan.'' Natatawa na lang na sambit ko.''Uhm...Sam, is it true na si Inigo
One year ago..."HAPPY BIRTHDAY!" Sabay-sabay na sigaw ng mga batang dumalo sa first birthday ni Sammuel.Labis naman ang pasasalamat ko kina Jordan at Nicole pati na rin sa lahat dahil kahit pa'no ay nairaos na ang kaarawan ng anak ko."Baby, say Thank you to Tita Ninang and Tito Ninong." paglalambing ko kay Sammuel na ang tinutukoy ko ay sina Nicole at Jordan."Tenchu." utal na pagbigkas ni Sammuel ng salitang "Thank You". Nabubulol pa ito sa ibang mga salita ngunit may mga pagkakataon naman na matuwid ang kanyang pagbigkas."Ay, ang sweet naman." Papuri rito ni Nicole. Kapagkuwa'y kinarga niya ito. Ngiting-ngiti naman ito matapos siyang kargahin at nagtawanan kami nang bigla itong magpumiglas. Gusto pa 'lang lumipat kay Jordan at doon naman magpapakarga."Uhm...Sam, 'yong ninong Iñigo niyan, hindi mo man lang ba inimbita?" pabulong na tanong saakin ni Nicole."Ah, eh...syempre inimbita ko. Ewan ko do'n at hindi naman dumating." Nakangusong sagot ko."Uy,, .masama ang loob mo at hin
BUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga
PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na
KINABUKASAN ay tinotoo nga ni Iñigo ang galit niy saakin.Maaga daw itong umalis sabi ni Ellie. Dadaan daw ito sa school niya para kausapin mismo ang kanyang teacher. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko maiwasan'g kausapin ang aking sarili. "Napagod na ba si Iñigo sa ugali ko?"Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad at muli akong bumalik sa tabi ni Ellie."Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay na ako tita mommy. Pwede na nga po akong pumasok sa school eh." nakangiti niyang sagot saakin."Masaya ako na okay ka na. Pero, kailangan muna natin na kausapin nag dad mo kung papayag na ba siyang pumasok ka sa school.""Okay po.""Iwanan na muna kita ah. Puntahan ko lang si Sammuel.""Sige po tita mommy."Nang makalabas ako ng silid ay bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Kaya naman dahan-dahan akong nangapa ng pwede kong makapitan at gayo'n na lamang ang pagkagulat ko nang mismong ang balikat ng presidente ang nahawakan ko."Hey, are you okay, Sam?" Aniya na puno ng pag-
LINGGO ngayon kaya't sinadya kong gumising ng maaga. Araw ng pamamalengke ni Aling Flor kaya naman, sasamahan ko na lang siya nang sa gayo'n ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Iñigo." Nay!" tawag ko sa matanda nang hindi gad ito nakita sa kusina."Oh, bakit? May problema ba?" aniya na galing pala sa silid niya."Punta ka na ba ng palengke 'nay?""Oo.""Tara na po, sasamahan na kita.""Huh? Eh, wala ba kayong lakad ngayon ni Iñigo?""Wala po." determinadong sagot ko."Who told you that?"Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Iñigo 'yon. Nakasuot pa ng pantulog at halatang kakagising lang."Uhm, ako. Narinig mo naman di'ba?" pamimilosopo ko rito."Naku, mukhang iba na naman ang ihip ng hangin dito. Mabuti pa siguro ay mag-isa na lang akong magtungo sa palengke." Anang matanda."Sasama ako 'nay!" patuloy na pagpupumilit ko."Just stay here, Sam." maawtoridad na pahayag ni Iñigo.Nakasimangot na tinalikuran ko si Iñigo. Pumunta ako sa sala at walang imik na naupo
NANG makalabas na ng silid si Iñigo ay dahan-dahan rin akong lumabas at maingat akong lumipat sa silid ni Ellie.Nakabenda pa rin ang kanan nitong paa. Kaya naman naroon lang ito sa kanyang kama. Nakaupo at doon na rin mismo kumakain."Tita mommy!" sigaw niya na agad ko rin'g sinenyasan na tumahimik.Nilapitan ko ito at umupo ako sa tabi niya. "How are you, baby?""I'm not okay tita mommy." malungkot niyang tugon. "Gusto ko ng alisin 'tong benda ng paa ko."Ba't ikaw lang mag-isa ang kumakain. Bakit hindi ka man lang inalalayan ng dad mong kumain?"Nakagat pa nito ang pang-ibabang labi bago sinagot ang katanungan ko."As I told you before, tita mommy...my dad is so damn strict. He won't tolerate you to -""Nasobrahan naman siya ng pagka-strict. Dapat man lang sama sinubuan ka niya o kaya naman inalalayan kang lumabas patungo sa hapag kainan.""That's impossible! Sabihin pa no'n sa'yo...you're not a disable person. So you better do it with your own.""Ang harsh naman ng da
PAGDATING sa hospital ay nakita ko agad si Iñigo. Patakbong nilapitan ko ito at mahigpit kong niyakap."How's Ellie?" nag-aalalang tanong ko sa kanya."She's okay now. Sorry hindi na ako akapagpaalam sa'yo kanina.""It's okay. Ang mahalaga okay na si Ellie. Uhm, hindi pa ba siya pwedeng dalawin?""Makakalabas na siya ngayon. Hintayin na lang natin 'yong doctor." Aniya ngayon ay nakangiti na."Mabuti naman. Halika, maupo na muna tayo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko papunta sa may waiting area. Nagpatianod naman ito at maya-maya lang ay bigla na naman'g naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha."Hey, what's wrong?""Wala. May naisip lang ako." aniya na sinundan ng isang malalim na buntonghininga."Hmm, ano 'yon? Magkuwento ka. Makikinig ako.""Uhm, actually...tungkol 'to sa'yo eh. Naisip agad kita kanina habang dinadala si Ellie sa emergency room.""Huh? But why?" gulat kong tanong sa kanya."Sam, alam ko na ngayong kung ano ang pakiramdam na makitang nakahi
KINABUKASAN ay sinadya kong huwag sumabay sa kanila ng pag-aalmusal. Ayokong makasabay si Iñigo lalo pa't naaalala ko ang nangyari kagabi.Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatakip ng unan ang aking mukha. Kapagkuwa'y may kumatok. Ngabingi-bingihan ako. Ngunit hindi ko inaasahan na si Iñigo pala iyon.Naramdaman kong binuksan niya ang pinto at naglakad palapit sa'kin."Baby, mag-aalmusal na." Aniya habang pilit na hinihila ang unan na naroon sa aking mukha."Ano ba, Iñigo! Mauna na kayong kumain." reklamo ko."Tss, galit ka pa rin ba?""Lumabas ka na nga lang!""Hmm...galit ka pa rin nga. Akala ko pa naman okay na tayo. Tumugon ka na sa halik ko kagabi, kaya't inakala ko na okay na tayo." naging malungkot na naman ang tinig nito.Ibinato ko sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Nakakainis ka! Ba't pinaalala mo pa ang halik na 'yon? Kaya nga ayaw ko lumabas dahil do'n eh."Nakangisi na lumapit ito saakin."Kaya pala eh. Gusto mo bang ulitin natin 'yon at-""S
BIGLA na naman akong nakaramdam ng inis, matapos magtago nina Iñigo at Ellie. Kaya naman nakasimangot na umupo ako at walang pakundangan na sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. At batid kong si Iñigo ang may kagagawan no'n.Malapit na akong matapos ng magsilabasan sila. At tama nga ang hinala ko,nagtago nga sila at kasabwat pa nila si Nicole."Baby, ba't nauna ka ng kumain?" sita saakin ni Iñigo. "That was supposed to be a surprise for-""Surprise niyo 'yang mukha niyo!" naiinis na singhal ko sa kanya.Naiinis na binalingan ko si Ellie. Kanina pa ito ngumingisi habang pinagmamasdan niya ang pag-irap na ginagawa ko."Ellie, sabayan mo 'yang ama mo at 'yang Tita Nicole mo! Nawalan na ako ng gana'ng kumain.""Hala, tita mommy naman! Makikipagbati na nga sa'yo si dad ngayon eh." reklamo nito."Mag-aayos na ako ng gamit. Kailangan ko ng makahanap ng malilipatan." giit ko pa dahilan upang mawindang sina Nicole at Iñigo."Frenny, umayos ka nga! Nandito si Iñig
KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan ng manuot sa ilong ko ang mabango'ng amoy ng pagkain. Kaya naman bumangon ako at sinundan kung saan nagmumula ang amoy na 'yon.Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. At halos himatayin ako sa tumambad saakin.Napatakip ako sa aking bibig. Pakiwari ko ay nakadikit na rin ang aking mga paa sa pinto ng kusina pagkakita ko sa hubad na likuran ng lalaking abala sa pagluluto.Kahit nakatalikod ito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga bang Poncio Pilato iyon."Hindi ka pa rin ba tapos na titigan ang aking likuran? Halika, pwede kang lumipat sa harapan para mas lalo mong maaninag ang maganda kong katawan." Puno ng sarkasmo ang kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ilang segundo rin na hindi ako nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Kaya't napilitan itong humarap at lapitan ako."I-Iñigo?" sa wakas ay garalgal ang tinig na naibulalas ko."Mmm...ba't gulat na gulat ka yata? Ayaw mo bang ipagluto