MATAPOS i-check ng doctor ang kondisyon ko ay pinakiusapan ko itong huwag ipaalam kay Iñigo ang totoo kong kalagayan. Ikinuwento ko rin sa doctor ang totoo kong dahilan kung bakit kailangan kong magpanggap na may amnesia kaya't agad naman itong pumayag. Ngayon ay nasa labas na ng silid ang doctor at masinsinan na silang nag-uusap ni Iñigo Makalipas ang ilang minuto ay muling bumukas ang pinto ng ward. "My dear Samantha! OMG! Mabuti naman at nagising ka na!" bulalas ni Nocole. Akmang tatakbo ito papalapit saakin ngunit mabilis soyang napigilan ni Iñigo. "Just stay here." Ani Iñigo sa seryoso at maawtoridad na tinig. "Ano ba? Kukumustahin ko lang 'yong kaibigan ko!" Pagprotesta nito habang pilit pa rin siyang hinahawakan ni Iñigo sa braso. "Sandali! Makinig ka nga muna." Ani Iñigo na puno na ng iritasyon sa tinig. "Bakit ba kasi ayaw mo akong palapitin? Eh gising na ang kaibigan ko oh!"giit pa ni Nicole. "Nicz, gising na nga si Sam, ngunit nakakalungkot ang sitwasyon niya ngayon.
MAHABA na ang leeg ko sa kahihintay kay Iñigo ngunit hindi pa rin ito dumadating."Hoy! Akala ko ba masakit pa 'yang leeg mo. Eh bakit, kanina ko pa napapansin na parang may tinatanaw ka sa malayo? Hinihintay mo pa rin ba siya?" Ani Nicole.''Tsk...kailangan niyang pumunta rito upang alagaan ako." Sagot ko na ang tinutukoy ay si Iñigo.Napagkasunduan kasi namin na tuwing umaga at hapon ay pupunta rito si Iñigo upang asikasuhin ako."Sus, 'yon lang ba talaga ang dahilan?" Pangungulit ni Nicole habang nakataas ang isang kilay."Oo naman! Bakit, may iba pa ba?"Hindi na nito nagawa'ng sagutin ang tanong ko dahil may biglang kumatok.Bahagya akong nakaramdam ng excitement dahil inisip kong si Iñigo iyon. Ngunit gayo'n na lamang ang aking panlulumo ng si Jordan pala ang dumating.Tinitigan ko siya at gano'n rin ang ginawa niya. Sa huli ay ako rin ang unang nag-iwas ng tingin."Uhm...ikaw na naman? Pa-pa'no mo nalaman ang bahay ko?"pambungad na tanong ko sa kanya."Matagal ko ng alam 'to. K
MATULIN na lumipas ang mga araw at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako sa pagpapanggap. Unti-unti ko na rin'g nasasaktan si Iñigo sa tuwing magpapang-abot sila ni Jordan. At kahit anong gawin ni Iñigo ay hindi niya pa rin maawat si Jordan sa pagdalaw sa'kin. Nakakasawa rin pala minsan na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ang parehong mukha na lang nila ang palagi kong nakikita. Ngunit hindi ko inaasahan na sa araw na ito ay maiiba ang bisita ko."Anong ginagawa mo rito?" dinig kong tanong ni Nicole matapos pagbuksan ang kumakatok."Dadalawin ko si Samantha."Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay batid kong si Lesley ang nagmamay-ari ng boses na iyon.Bigla akong nakaramdam ng kaba at bahagyang panghihina. Subalit nang maalala ko ang panloloko nila sa'kin ni Iñigo ay muli akong nagkaroon ng lakas para harapin siya."Aba't ang-""My dear Samantha! Where are you frenny?" Maarteng pagtawag nito sa'kin at hindi man lang nagpaawat kay Nicole. Nagtuloy-tuloy ito sa buong kabahayan a
NGAYON'G araw ay nagsimula akong magtrabaho'ng muli sa kompanya ni Iñigo. Sinundo niya ako sa amin kahit pa nga labag sa kalooban niya na magtrabaho na ako lalo pa't alam niyang may amnesia ako. Kapwa kami tahimik sa buong biyahe. Kaya naman nang dumating na kami sa kanyang office ay hindi ako nakatiis at ako na ang unang kumausap sa kanya."Okay ka lang ba?""Yeah." Tipid niyang tugon."Kanina mo pa akong hindi kinakausap eh. May nagawa ba akong mali?" Muli kong tanong sa kanya."Wala. May iniisip lang ako. By the way, ano nga pala ng gusto mong almusal? Magapapa-deliver na lang ako.""Huh? Kumain na ako bago umalis ng bahay Di'ba't naabutan mo pa nga ako na kumakain?" kunot noong sambit ko. "Okay ka lang ba talaga Iñigo?" Naguguluhan'g usisa ko pa sa kanya."Oh, sorry i forgot!" Napahawak pa ito sa kanyang sentido.Kukulitin ko pa sana siya kaya lang ay naunahan ako ng pagtunog ng kanyang cellphone. Bahagya ko itong sinulyapan at nahagip ng tingin ko ang pangalan ni Lesley sa screen
SA halip na umuwi sa bahay ay naisipan kong magpahatid muna kay Jordan sa isang park na malapit lang sa bahay."Sigurado ka ba na dito ka muna?" Ani Jordan. Habang magkatabi kaming nakaupo sa isang bench."Yeah. Puwede mo naman akong iwanan dito, tutal malapit naman na ito sa bahay.""Hindi. Sasamahan kita rito. Alam kong kailangan mo ng makakausap." he insisted."Salamat Jordan.""Wala 'yon. Hmm...bakit nga ba nakipaghiwalay ka kay Iñigo?"bigla ay tanong niya saakin.Isang malalim na buntonghininga muna ang aking pinakawalan bago ko siya sinagot ng isang panibagong katanungan."Ikaw ba, kapag nalaman mo bang niloloko ka ng taong mahal na mahal mo, magagawa mo pa bang ipagpatuloy at ipaglaban ang pag-iibigan niyo?" seryosong tanong ko sa kanya."Syempre hindi. Bakit ko pa ipipilit, kung araw-araw naman akong nasasaktan at nahihirapan? Mas pipiliin ko pang bumitaw na lang lalo na kung alam kong ako na lang ang mag-isang lumalaban.""Tama. So, ngayon alam mo na ang sagot sa tanong mo sa
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong sunud-sunod ang pagyugyog sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at naiinis na sinigawan ko si Nicole.''Ano bang problema mo? Natutulog pa ako eh.'' reklamo ko. Pumihit ako ng higa at muli kong ipinikit ang aking mga mata."Ano ba frenny, bumangon ka nga diyan!''Sa halip na sumagot ay dinampot ko ang unan at itinakip ko iyon sa aking dalawang tainga.''Parang bingi lang eh! Bumangon ka na Sam! May naghahanap sa'yo sa labas.''''Sabihin mo tulog ako!'' dumapa ako sa kama at muling ipinagpatuloy ang pagtulog.'' Nakakainis naman 'to! Bumangon ka diyan at harapin mo 'yong makulit mong ex!''Nang marinig ko ang salitang "ex" ay agad kong ibinalibag ang unan at mabilis rin akong umupo sa kama.''Huh? Sinong ex? Ex fiance or ex boyfriend?''paniniyak ko sa sinabi ng aking kaibigan.''Gaga! Nakuha mo pang magbiro. Dalian mo na!''''Sino ba kasi 'yon?'' muli kong tanong.''Si Iñigo.'' Tipid nitong sagot.''Ano?'
KINABUKASAN ay napabalikwas na lamang ako sa higaan dahil sa kakaibang pakiramdam na gumising sa'kin. Pakiwari ko ay hinahalukay ang loob ng aking tiyan kaya't patakbong tinungo ko ang banyo. Ngunit sa halip na umupo ako sa bowl, dahil sa pag-aakalang sira lang ang aking tiyan eh taliwas 'yon sa nangyari. Halos isubsob ko na ang aking mukha sa bowl na 'yon dahil kasabay ng pagbaliktad ng aking sikmura ay siya naman'g sunod-sunod na pagduwal ko.''Frenny, okay ka lang ba?'' Sigaw ni Nicole na sumunod pala sa banyo.Hindi ko magawang sumagot dahil patuloy pa rin ako sa pagsusuka.''Frenny naman, ano bang nangyayari sa'yo?'' giit pa nito. Puno ng pag-aalalang nilapitan niya ako at walang humpay ito sa pag hagod ng aking likuran.Ilang minuto rin bago ako nahimasmasan at bago ako nakalabas ng banyo."Okay ka na ba?''aniya.''Oo, salamat ah.''''Ano ba kasi ang nangyari sa'yo?''muli niyang tanong habang naroon pa rin ito sa aking tabi.''Hindi ko rin alam eh. Basta nagising
ISANG buwan na rin ang muling lumipas buhat ng mapag-alaman namin'g nagdadalantao ako. Medyo nahahalata na rin ang aking tiyan kung kaya't nahirapan talaga akong maghanap ng trabaho. Mabuti na lang at nariyan si Nicole. Bumalik ako sa pagdidesenyo ng mga damit at hindi ko inaasahan'g magugustuhan ng kanyang boss ang ipinasa kong mga design. Kaya heto ako ngayon, halos wala pang gaano'ng tulog dahil kailangan kong tapusin ito para sa gaganapin'g fashion show next week."Frenny, may five days pa naman na natitira. Baka gusto mo munang magpahinga?" Ani Nicole na naka-ready na pauwi."Eh, kahit pa. Ayoko naman na gahulin ako sa oras kaya't kahit malayo pa ang deadline eh kailangan ko na 'tong tapusin.""Sus, halika na. Umuwi na muna tayo. Kailangan mo rin ng pahinga. Remember, hindi ka na lang nag-iisa sa buhay. Sige ka, baka kung mapa'no pa 'yan si baby mo." Dagdag pa ng kaibigan ko na bahagya pang ngumuso upang ituro ang aking tiyan.''Sige na nga.'' Napipilitan'g pag
BUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga
PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na
KINABUKASAN ay tinotoo nga ni Iñigo ang galit niy saakin.Maaga daw itong umalis sabi ni Ellie. Dadaan daw ito sa school niya para kausapin mismo ang kanyang teacher. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko maiwasan'g kausapin ang aking sarili. "Napagod na ba si Iñigo sa ugali ko?"Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad at muli akong bumalik sa tabi ni Ellie."Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay na ako tita mommy. Pwede na nga po akong pumasok sa school eh." nakangiti niyang sagot saakin."Masaya ako na okay ka na. Pero, kailangan muna natin na kausapin nag dad mo kung papayag na ba siyang pumasok ka sa school.""Okay po.""Iwanan na muna kita ah. Puntahan ko lang si Sammuel.""Sige po tita mommy."Nang makalabas ako ng silid ay bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Kaya naman dahan-dahan akong nangapa ng pwede kong makapitan at gayo'n na lamang ang pagkagulat ko nang mismong ang balikat ng presidente ang nahawakan ko."Hey, are you okay, Sam?" Aniya na puno ng pag-
LINGGO ngayon kaya't sinadya kong gumising ng maaga. Araw ng pamamalengke ni Aling Flor kaya naman, sasamahan ko na lang siya nang sa gayo'n ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Iñigo." Nay!" tawag ko sa matanda nang hindi gad ito nakita sa kusina."Oh, bakit? May problema ba?" aniya na galing pala sa silid niya."Punta ka na ba ng palengke 'nay?""Oo.""Tara na po, sasamahan na kita.""Huh? Eh, wala ba kayong lakad ngayon ni Iñigo?""Wala po." determinadong sagot ko."Who told you that?"Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Iñigo 'yon. Nakasuot pa ng pantulog at halatang kakagising lang."Uhm, ako. Narinig mo naman di'ba?" pamimilosopo ko rito."Naku, mukhang iba na naman ang ihip ng hangin dito. Mabuti pa siguro ay mag-isa na lang akong magtungo sa palengke." Anang matanda."Sasama ako 'nay!" patuloy na pagpupumilit ko."Just stay here, Sam." maawtoridad na pahayag ni Iñigo.Nakasimangot na tinalikuran ko si Iñigo. Pumunta ako sa sala at walang imik na naupo
NANG makalabas na ng silid si Iñigo ay dahan-dahan rin akong lumabas at maingat akong lumipat sa silid ni Ellie.Nakabenda pa rin ang kanan nitong paa. Kaya naman naroon lang ito sa kanyang kama. Nakaupo at doon na rin mismo kumakain."Tita mommy!" sigaw niya na agad ko rin'g sinenyasan na tumahimik.Nilapitan ko ito at umupo ako sa tabi niya. "How are you, baby?""I'm not okay tita mommy." malungkot niyang tugon. "Gusto ko ng alisin 'tong benda ng paa ko."Ba't ikaw lang mag-isa ang kumakain. Bakit hindi ka man lang inalalayan ng dad mong kumain?"Nakagat pa nito ang pang-ibabang labi bago sinagot ang katanungan ko."As I told you before, tita mommy...my dad is so damn strict. He won't tolerate you to -""Nasobrahan naman siya ng pagka-strict. Dapat man lang sama sinubuan ka niya o kaya naman inalalayan kang lumabas patungo sa hapag kainan.""That's impossible! Sabihin pa no'n sa'yo...you're not a disable person. So you better do it with your own.""Ang harsh naman ng da
PAGDATING sa hospital ay nakita ko agad si Iñigo. Patakbong nilapitan ko ito at mahigpit kong niyakap."How's Ellie?" nag-aalalang tanong ko sa kanya."She's okay now. Sorry hindi na ako akapagpaalam sa'yo kanina.""It's okay. Ang mahalaga okay na si Ellie. Uhm, hindi pa ba siya pwedeng dalawin?""Makakalabas na siya ngayon. Hintayin na lang natin 'yong doctor." Aniya ngayon ay nakangiti na."Mabuti naman. Halika, maupo na muna tayo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko papunta sa may waiting area. Nagpatianod naman ito at maya-maya lang ay bigla na naman'g naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha."Hey, what's wrong?""Wala. May naisip lang ako." aniya na sinundan ng isang malalim na buntonghininga."Hmm, ano 'yon? Magkuwento ka. Makikinig ako.""Uhm, actually...tungkol 'to sa'yo eh. Naisip agad kita kanina habang dinadala si Ellie sa emergency room.""Huh? But why?" gulat kong tanong sa kanya."Sam, alam ko na ngayong kung ano ang pakiramdam na makitang nakahi
KINABUKASAN ay sinadya kong huwag sumabay sa kanila ng pag-aalmusal. Ayokong makasabay si Iñigo lalo pa't naaalala ko ang nangyari kagabi.Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatakip ng unan ang aking mukha. Kapagkuwa'y may kumatok. Ngabingi-bingihan ako. Ngunit hindi ko inaasahan na si Iñigo pala iyon.Naramdaman kong binuksan niya ang pinto at naglakad palapit sa'kin."Baby, mag-aalmusal na." Aniya habang pilit na hinihila ang unan na naroon sa aking mukha."Ano ba, Iñigo! Mauna na kayong kumain." reklamo ko."Tss, galit ka pa rin ba?""Lumabas ka na nga lang!""Hmm...galit ka pa rin nga. Akala ko pa naman okay na tayo. Tumugon ka na sa halik ko kagabi, kaya't inakala ko na okay na tayo." naging malungkot na naman ang tinig nito.Ibinato ko sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Nakakainis ka! Ba't pinaalala mo pa ang halik na 'yon? Kaya nga ayaw ko lumabas dahil do'n eh."Nakangisi na lumapit ito saakin."Kaya pala eh. Gusto mo bang ulitin natin 'yon at-""S
BIGLA na naman akong nakaramdam ng inis, matapos magtago nina Iñigo at Ellie. Kaya naman nakasimangot na umupo ako at walang pakundangan na sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. At batid kong si Iñigo ang may kagagawan no'n.Malapit na akong matapos ng magsilabasan sila. At tama nga ang hinala ko,nagtago nga sila at kasabwat pa nila si Nicole."Baby, ba't nauna ka ng kumain?" sita saakin ni Iñigo. "That was supposed to be a surprise for-""Surprise niyo 'yang mukha niyo!" naiinis na singhal ko sa kanya.Naiinis na binalingan ko si Ellie. Kanina pa ito ngumingisi habang pinagmamasdan niya ang pag-irap na ginagawa ko."Ellie, sabayan mo 'yang ama mo at 'yang Tita Nicole mo! Nawalan na ako ng gana'ng kumain.""Hala, tita mommy naman! Makikipagbati na nga sa'yo si dad ngayon eh." reklamo nito."Mag-aayos na ako ng gamit. Kailangan ko ng makahanap ng malilipatan." giit ko pa dahilan upang mawindang sina Nicole at Iñigo."Frenny, umayos ka nga! Nandito si Iñig
KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan ng manuot sa ilong ko ang mabango'ng amoy ng pagkain. Kaya naman bumangon ako at sinundan kung saan nagmumula ang amoy na 'yon.Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. At halos himatayin ako sa tumambad saakin.Napatakip ako sa aking bibig. Pakiwari ko ay nakadikit na rin ang aking mga paa sa pinto ng kusina pagkakita ko sa hubad na likuran ng lalaking abala sa pagluluto.Kahit nakatalikod ito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga bang Poncio Pilato iyon."Hindi ka pa rin ba tapos na titigan ang aking likuran? Halika, pwede kang lumipat sa harapan para mas lalo mong maaninag ang maganda kong katawan." Puno ng sarkasmo ang kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ilang segundo rin na hindi ako nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Kaya't napilitan itong humarap at lapitan ako."I-Iñigo?" sa wakas ay garalgal ang tinig na naibulalas ko."Mmm...ba't gulat na gulat ka yata? Ayaw mo bang ipagluto