"…Ano? Sino ka?" sabi ng nagtatakang security guard. Hindi siya makapaniwala na ang binatang ito na kilala bilang isang mahirap ay maglalakas-loob na sabihin na siya si Mr. Crawford! Talagang hindi siya maniniwala kay Gerald base sa kanyang itsura, ngunit ang guwardiya ay nabigla nang makita niya ang hitsura sa mga mata ng binatang ito. Hindi niya talaga masyadong pinapansin si Gerald kanina, pero naramdaman niya ang mabagsik na aura sa lalaki nang tingnan niya ito sa kanyang mga mata. Kinilabutan ang guard at lalo siyang naniwala sa lalaking ito nang mapagtanto niya ang matinding lakas at aura ni Gerald. Maging si Xavia at ang iba ay nagulat sa sinabi ni Gerald. Maya-maya pa, bumalik sa katinuan ang isip ni Xavia bago siya tumawa at sinabing, “Tama ba ang narinig ko? Sino ka sabi mo? Haha!” Nabigla si Xavia dahil inakala niyang masasaktan si Gerald dahil sa katigasan niya, ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganoon kahusay at kalakas si Gerald! Nakatutok pa rin ang a
Naisip noon ni Zack na medyo matagal bago masanay si Gerald sa transition ng kanyang buhay. Pagkatapos ng lahat, si Mr. Crawford ay lumaki sa kahirapan mula nang bata pa lamang siya! Dahil doon, inihanda ni Zack ang kanyang sarili na salubungin ng isang medyo mahiyain at honest na Mr. Crawford. Hindi niya inasahan na ang Mr. Crawford na makikilala niya ngayon ay matapang at malakas ang loob. Naramdaman niya rin ang malakas na aura ni Gerald mula nang makita niya ito kanina! Ang mga normal na taong titingin sa kanya ay mahihirapang huminga kapag nakita nila ang kanyang kakaiba na aura. “Tama ka. Isa pa, hindi mo lang ito bibilhin para sa akin pero kailangan kong utusan ka na kumuha ng isang engineering team para simulan ang paghuhukay ng Mountain Top ngayon din. Sabihin na nating may napakalaking bato sa loob na kapaki-pakinabang sa akin... Anuman, mayroon kang anim na araw para tapusin ang iyong gawain. May gusto ka pa bang itanong?" bilin ni Gerald. "...Wa-wala naman... gagawi
Natulala ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Gerald. Talagang nagkagulo ang lahat sa romantic gesture ng iba! May mga taong kumukuha pa ng mga pictures ng eksena gamit ang kanilang mga cellphone! Habang namumula ang mukha ni Mila, si Gerald naman ay tumalikod at lumabas sa klase. Nakatitig sila sa likuran ni Gerald at naramdaman ni Mila ang isang hindi maipaliwanag na emosyon na bumabalot sa kanyang puso... Bakit niya ito nararamdaman...? Natural lang na maging laman ng mga usapin ng lahat ang tungkol sa nangyari sa klase ni Mila. Nakikita lang nila sa movie ang romantic gesture ng isang mahirap sa isang magandang diyosa! Dahil sa lakas ng loob ni Gerald, maraming mga mahiyaing lalaki ang pumila sa labas ng pinto ni Mila para magbigay ng love letters sa kanya! Alam ni Mila na hindi na siya pwedeng manatili pa sa kanyang classroom, kaya nagpasiya si Mila na lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan. Pero bago sila makaalis, narinig nila ang isang medyo magandang babae na
Sa katunayan, mukhang malapit lang ang taong sumusubaybay kay Gerald! Palihim niyang nilapitan si Gerald noong isang araw, pero napansin niya na madalas siyang binabantayan ng taong iyon pagkatapos ibunyag ni Gerald ang kanyang tunay na pagkatao tatlong araw na ang nakalipas. Kasalukuyang naglalakad si Gerald sa campus nang pinagana niya ang kanyang holy sense upang makita kung muli niyang nararamdaman ang presensya ng taong iyon... Mabilis niyang napagtanto na may dalawang tao na nakabuntot sa kanya nang malapitan. Ang una ay ang misteryosong stalker at ang pangalawa ay si Peter. 'Totoo kaya na sinira ng taong iyon ang aking Dehlere Foundation...? Malamang malapit sa akin ang taong iyon para gawin niya ang bagay na ito...!’ naisip ni Gerald. Gayunpaman, sino ang kanyang stalker...? Kung gustong malaman ni Gerald ang tungkol doon, ito na ang perpektong pagkakataon niya para gawin iyon... Ngunit biglang nag-alala si Gerald na hindi pa pareho sa stalker ang kanyang kasalukuyang
Nakita nilang dalawa ang lahat ng senior executives ng university na nakahilera sa ilalim ng stage.Para silang mga elementary students na nasa training.Meron pang isang kalbong middle-aged lalaki ang nakaluhod sa tabi ng isang lalaki habang umaagos ang mga luha at uhog mula sa kanyang bibig at ilong.“Ninong?”Nanlaki ang mga mata ni Mallory dahil hindi siya makapaniwala sa nakita niya.Ang lalaki na niluluhuran ng kanyang ninong ay ang sikat na mahirap na nagtapat ng pagmamahal niya kay Mila at ito ay may luxurious na damit ngayon.Nanaginip ba siya?!Sa oras na ito, lumalabas na minalas pala ang kanyang ninong. May tinawagan siya upang gawin ang lahat ng mga pagsasaayos para gawin ang hiniling sa kanya ni Mallory, ngunit nagkataon na si Gerald ay may pambihirang pandinig nang mangyari ang kanilang conversation.Kaya madali lang para kay Gerald na bigyan ng solusyon ang lahat ng ito gamit ang kanyang skills.“Mila, gusto naming humingi ng tawad sa nangyari kanina. Meron ka
Gulat na gulat si Mila. Sa sandaling ito, pakiramdam niya ay parang wala siya sa kanyang sarili.“Mila, ibabalik ko ang lahat sayo at ibibigay ko sayo ang dalawang bagay na utang ko sayo. Gagamitin ko ang buong buhay ko para makabawi siyo!" sabi ni Gerald.Pagkatapos nito, na-unlock niya ang acupuncture point ni Mila gamit ang isang light tap.Hindi man lang kumikibo si Mila dahil pakiramdam niya ay kumikirot ang kanyang puso.Para naman kay Gerald, unti-unting nawala ang kanyang katawan sa harap ni Mila hanggang sa tuluyan na talaga itong nawala.“I… miss you, Gerald!”Hindi makapaniwala si Mila sa sinabi niya dahil talagang lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig!Bakit pakiramdam niya ay parang hindi totoo ang nangyari sa kanya?!Malalim na ang gabi, ngunit parang binabangungot ang isang babaeng nakatagilid na natutulog sa loob ng isang luxurious na kwarto. Ang kanyang katawan ay nagsimulang manginig hanggang sa tuluyan na siyang umiyak ...Papalapit na ng papalapit
Hindi makapaniwala ang middle-aged na lalaki sa nakita niya.Gayunpaman, kailangan niya munang siguraduhin kong totoo ang nakita niya. Kaya naman, nagmamadali siyang pumunta sa direksyon kung saan nawala ang lalaking nakaitim para habulin siya.Boom! Boom! Boom!Ang mga ilaw ay patuloy na kumikislap sa loob ng kweba sa sandaling ito.May gintong liwanag na lumabas mula sa katawan ni Gerald.'Ito na ang tunay na awakening of heaven!'Damang-dama ni Gerald ang sigla at lakas sa bawat cells ng kanyang katawan at ito ay parang rumaragasang tubig na bumasag sa isang dam.Ang lumalakas na kapangyarihan ay patuloy na bumubuhos sa kanya.Iniisip ni Gerald sa puntong ito kung paano niya mapipigilan ang malakas na puwersang ito at iniisip niya rin kung paano niya masusugpo ang malakas na puwersang ito.Pakiramdam niya ay invincible siya at madali niyang masisira ang bundok sa pamamagitan lamang ng pagpihit ng kanyang mga kamay.Masyado siyang malakas at makapangyarihan.Ito ba ang tun
Pakiramdam niya ay nagising siya sa isang panaginip.Dahan-dahang iminulat ni Gerald ang kanyang mga mata.Napagtanto niya na nasa isang isla siya ngayon at ang islang ito ay napapaligiran ng makakapal na kagubatan.Inilatag niya kaagad ang kanyang holy sense para maramdaman niya ang kanyang paligid. Nararamdaman rin niya na maraming mga passengers ships ang dumaraan.‘Nakabalik na dapat ako sa present pero parang nasa ibang lugar ako at napunta ako sa isang isla!’ naisip ni Gerald.Hindi magiging mahirap para sa kanya na bumalik sa Crawford Manor sa Northbay dahil kaya niyang lumipad.Naramdaman ni Gerald na kumpleto at buo pa rin ang kanyang Dehlere Foundation. Isang himala talaga ang Mackusion.Hindi na niya kailangang matakot kung may mangyayari man sa kanya ngayon.Gayunpaman, may mga problema na biglang lumitaw.Naging malakas si Gerald dahil sa awakening ng kanyang Dehlere Foundation ni Gerald. Naramdaman niya na ang kapangyarihang ito ay parang may dala siyang bundok s
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,