DAHIL sa natuklasang kalagayan ni Cassandra kung kaya balisa siya ngayon. Bagama’t nasabi na niya sa kaniyang ina na siya ay nagdadalang-tao at tinanggap naman iyon ng matanda ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala at pagsisisi sa nangyari sa kaniya. Alam ng dalaga kung gaanong sinisisi ng ina ang sarili noong payagan siya nitong magtrabaho sa club. Subalit kung hindi naman siya nagtrabaho sa club na iyon ay hindi niya magagawang maipa-opera agad ang ina.
Ilang beses niyang pinaliwanagan ang ina at binigyan ng katiyakan na ayos lang siya subalit ang tanging sagot lamang nito ay ‘Oo, anak’, pagkatapos ay tatalikuran na siya at hindi na muli pang kauusapin. Labis niyang ikinalulungkot ang makita itong nagkakaganoon.
Sa ngayon ay naghihintay na lamang siyang magtakip-silim upang madalaw ang dating mga kasamahan sa Club Mari. Alas siyete pa kasi ang bukas ng club at alas singko pa lamang ngayon.
Balak niyang maghintay sa natur
TILA napako sa kinatatayuan si Cassandra base sa pagkakatitig ni Ian sa kaniya. Ang sinagot din nito sa tanong ng kasama nitong babae ay tila punyal na tumarak sa kaniyang d****b. Paulit-ulit pa rin sa pandinig niya ang malamig na boses nito na tila namemorya na niya. Sakit, pagkabigo at kalungkutang nadarama ni Cassandra ay tila naghalo-halo habang nilulukob nito ang kaniyang buong pandama. Namanhid siya. Mabuti na nga lamang na hindi siya nakagawa ng kahihiyan sa sarili habang nasa loob ng lobby ng kumpanya. Bagaman at nais niyang pumalahaw ng iyak at magwala roon habang ipagsigawang buntis siya at si Ian ang ama ay nanaig pa rin sa kaniya ang kahihiyan. Nasa mabuti pa rin siyang despusisyon na wala siyang karapatan sa lalaki. Hindi rin kasalanan nito na nakabuo sila ng bata na nasa sinapupunan niya. Dahil doon kung kaya mahinahon siyang nakalabas sa lugar na iyon. Wala ring mababakasang kahit na anong emosyon ang kan
Five years later...“CASS, tawag ka ni Ma’am Goza, go to the HR department before you leave daw!” habol sa kaniya ni Lanie, isa sa mga katrabaho niya sa Brilliant Skincare Company kung saan isa siyang assistant supervisor.Nang maka-graduate si Cassandra at makapanganak ay agad siyang naghanap ng trabaho sapagkat naubos na ang ibinigay na salapi ni Ian noon sa kaniya. Kinakailangan na niyang maghanap ng mapagkakakitaan upang mabuhay silang mag-ina.Mabuti na nga lamang na umaayon pa rin sa kaniya ang pagkakataon nang ma-hire siya sa bagong tayong beauty company, ang Brilliant Skincare. Dahil sa taglay niyang ganda at hubog ng katawan, na main product ng company kung saan ipinapakita nito kung paano mo alagaan ang iyong body skin to make it young and fresh all the time, kaya madali siyang na-hire as a model and a promotional strategies.Hindi rin naman naglaon, dahil sa sigasig niya sa trabaho kung kaya na-promote siya bilang
HINDI pa rin makapaniwala si Cassandra sa kumakatok na oportunidad sa kaniya ngayon.“Are you interested, Cassandra?” Paulit-ulit sa kaniyang isipan ang tanong na iyon ng kaniyang senior supervisor na si Mrs. Goza.Tila siya lumulutang habang naglalakad sa pasilyo ng Brilliant Skincare Company. Mahigpit din ang hawak niya sa papeles na ibinigay sa kaniya ni Mrs. Goza kanina. Pag-uwi niya mamaya sa kanilang bahay ay pag-aaralan niya iyon upang makabuo siya ng proposal na isa-submit niya sa kaniyang superior bukas.“Oh, my gosh!” tili niya nang makalabas na siya sa opisina nito. “Totoo ba ‘to? Hindi ba ako nananaginip?” kausap pa niya sa sarili habang sapo ang dalawang pisngi.“Hi, Cass, ang saya mo yata?” nakangiting tanong naman sa kaniya ni Jason. Hindi pa pala ito umaalis doon at hinihintay siya.Halata rin sa mukha ng binata na may i
“CASS, tawag ka ni Ma’am Goza sa office niya,” tawag kay Cassandra ng kasamahan sa trabaho habang abala siya sa harapan ng sariling computer.Bagama’t ang pinaka-focus niya ay ang promotional candidacy about their new branch company ay hindi pa rin niya pinababayaan ang trabaho niya bilang assistant supervisor.“Okay, thank you, Lanie,” tugon niya rito bago nagpasyang tumayo na upang pumunta sa office ni Mrs. Goza.“Do you think she got the proposal sponsor she’s been aiming for?” narinig niyang bulong ni Chell kay Lanie, isa rin sa mga katrabaho nila.“Do you think it’s possible to achieve those?” sarkastikong singit naman ng katabi nilang si Nica.Napatingin ang dalawa rito bago ngumisi nang malapad ang tatlo na animo iisa ang iniisip.“Sa tingin ko pinatawag siya ni Ma’am Goza para bawiin sa kaniya ang ‘participation candidate’ niya
DIRETSO ang tingin at hindi kumukurap si Cassandra habang papasok sa office ni CEO Ian Ramos. Pinipilit niyang magpakatatag upang hindi bumigay ang kaniyang kalooban at upang hindi siya magtangkang tumakas sa harapan nito.Samantalang si Ian ay kampante lamang na nakaupo sa sariling swivel chair habang hinihintay na makapasok nang tuluyan ang dalaga sa harapan nito. Walang mababakasang emosyon ang mukha ng binata.“G-good morning, S-Sir CEO. I’m from B-Brilliant Skin... care Company,” nanginginig ang boses na pakilala ni Cassandra nang tuluyang makalapit sa binata.Alam ng dalaga na hindi lang ang boses niya ang nanginginig ng mga sandaling iyon kundi ang buo niyang katawan. Ramdam niya ang kabog ng kaniyang dibdib na sinabayan pa ng lamig ng aircon ng silid na iyon. Nangatal siya.Tumayo naman si Ian at lumapit sa kaniya. Pagkatapos ay nilampasan siya nito. Napapikit siya nang mari
HANGGANG sa makarating sa kanilang tahanan si Cassandra ay wala pa rin siya sa sarili. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari sa kaniya sa araw na ito. Ang pagkikita nila ni Ian kanina ay tila isang ilusyon lamang ng kaniyang isipan. Sino ba ang mag-aakalang sa haba ng panahon ay muli silang magkikita ng binata?Laking pagtataka pa ni Cassandra na inalok siya nitong magtrabaho rito. Ang layo sa alaala niya kung paano siya nito balewalain noon. O marahil ay mababa lang ang tingin nito sa kaniya noon dahil sa trabaho niya sa club?Napabuga ng hangin si Cassandra bago nagpasya nang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Ang bahay nilang iyon ay ang dating barung-barong na tinitirhan nila ng kaniyang ina, na hindi naglaon nang makaipon siya ng pera ay pina-renovate niya at pinalakihan. Pinasemento na rin niya ang mga dingding nito at sahig. Pinagawaan pa niya ng dalawang kuwarto para sa kanila ng anak, at ang kabila naman ay sa kaniyang ina.Pagpasok ni Cas
SAMANTALA, tahimik na umiinom ng rum si Ian sa gilid ng cruise ship habang nakasandal sa railings at nakatanaw sa madilim na karagatan. Nagpunta siya sa lugar na iyon upang mag-unwind at upang makalimot na rin sapagkat maghapong si Cassandra lamang ang umuokupa sa kaniyang isipan.Sa tuwing naiisip niya ang dalaga ay tila nais niyang puntahan ito sa kumpanya kung saan ito nagtatrabaho, ikulong sa kaniyang mga bisig at hagkan hanggang sa makuntento silang pareho.Subalit kailangan niyang magpigil dahil siguradong hindi iyon gugustuhin ng dalaga. Maliban pang alam niyang hindi na siya nito natatandaan pa.Nakadalawang baso na siya ng alak na iniinom nang mapabaling sa mga bagong dating na customer ng cruise ship. Sikat at dinarayo ito lalo na ang ship restaurant and bar ng barko. Madalas siya roon lalo na kung kinakailangan niyang mag-isip at lumanghap ng sariwang hangin na nagmumula pa sa karagatan.Habang
HINDI na namalayan ni Cassandra kung ilang minutong magkalapat ang mga labi nila ni Ian. Ang tanging umuokupa sa kaniyang isipan ay ang rumaragasang damdamin na kaytagal niyang tinikis sa mahabang panahon.Ilang beses niyang sinabi sa sarili na wala siyang nararamdaman sa binata at tanging trabaho lamang ang namagitan sa kanila noon. Subalit sa isang halik lamang nito ay agad nalusaw ang pader na iniharang niya sa kaniyang puso at malaya niyang tinanggap ang halik at haplos ng binata.Nang buksan ni Ian ang butones ng suot niyang jeans at ibaba ang zipper niyon ay napahigit ng hininga si Cassandra. Muling naglakbay ang kamay ng binata sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan, kung saan ang hangganan ng bagong karanasan ay muli niyang malalasap at ang ibayong kaligayahan ang tangi niyang mararamdaman.Hindi man aminin ni Cassandra ay inaasam-asam niya ang sandaling iyon. Noong unang may mamagitan sa kanila ng lalaki. Hinahanap-hanap niya ang
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali