HINDI na namalayan ni Cassandra kung ilang minutong magkalapat ang mga labi nila ni Ian. Ang tanging umuokupa sa kaniyang isipan ay ang rumaragasang damdamin na kaytagal niyang tinikis sa mahabang panahon.
Ilang beses niyang sinabi sa sarili na wala siyang nararamdaman sa binata at tanging trabaho lamang ang namagitan sa kanila noon. Subalit sa isang halik lamang nito ay agad nalusaw ang pader na iniharang niya sa kaniyang puso at malaya niyang tinanggap ang halik at haplos ng binata.
Nang buksan ni Ian ang butones ng suot niyang jeans at ibaba ang zipper niyon ay napahigit ng hininga si Cassandra. Muling naglakbay ang kamay ng binata sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan, kung saan ang hangganan ng bagong karanasan ay muli niyang malalasap at ang ibayong kaligayahan ang tangi niyang mararamdaman.
Hindi man aminin ni Cassandra ay inaasam-asam niya ang sandaling iyon. Noong unang may mamagitan sa kanila ng lalaki. Hinahanap-hanap niya ang
IBINAGSAK ni Cassandra ang sariling katawan sa sofa nang pagdating niya sa kanilang tahanan. Tila naubos ang lahat ng lakas niya sa katawan sa maghapong pagtatrabaho sa kumpanya ni Ian.Isang linggo na siyang paroo’t parito sa Ramson Electronic at Brilliant Skincare Companya. Nakakapagod ang haba ng biyahe dahil nagco-commute lamang siya. Gayunman ay tila mas napapagod siyang harapin ang binata at ang pasensya niya para dito ay nasa hangganan na.Ginagawa talaga siya nitong alila at inuutusan ng kung ano-anong wala namang saysay na animo ba ay nang-iinis lamang. Subalit ang mas nakakainis ay ang hindi siya makakontra sa gusto at ipinag-uutos nito dahil palaging ipinangba-blackmail ay ang kontratang hindi pa nito pinipirmahan.“Nakakainis!” matinis na tili niya at ilang beses na sumipa sa ere upang maalis lamang ang inis na kaniyang nararamdaman.Pagkatapos ay muli niyang inalala ang isang linggong kalbaryo na natamasa niya mu
MULING napatili si Cassandra nang maalala ang kahihiyang naranasan niya nang mahuli sila ng sekretarya ni Ian na si Joanne Galvez o Secretary Jo kung tawagin ng binata.Nang araw na mahuli sila nito ay nakikiramdam siya sa babae kung ano ang magiging tingin nito sa kaniya at kung ipagsasabi ba nito sa mga katrabaho nila roon ang tungkol sa nakita nito sa kanila ni Ian.But as of now naman ay tahimik ito at hindi rin nagbago ang turing nito sa kaniya na panaka-nakang kinakausap siya. Marahil ay dahil may asawa na rin naman ang babae kung kaya naiintindihan nito ang nakita sa kanila ni Ian?Subalit sobrang kahihiyan pa rin ang nadarama niya sa tuwing maaalala niya iyon. Maliban pang hindi mawaglit sa isipan ng dalaga ang namumukol na katigasan ni Ian na marahil ay siguradong hindi ito makapagpipigil kung hindi lang sila naistorbo ni Secretary Jo.Muli siyang napahugot ng hininga habang nakahilata pa rin sa kanilang sofa at nagpapahinga.M
NATIGAGAL si Cassandra habang nakatitig sa nakangising si Ian sa kaniyang harapan. Alam naman niyang magkikita sila kagaya nga nang napag-usapan nila sa telepono pero hindi sa ganitong sitwasyon kung saan nakasuot siya ng swimsuit at naka-trunks lang ang binata. “Shit!” mura niya sa sarili saka ipinadyak ang mga paa sa tubig papunta sa gilid ng swimming pool. “And where the hell are you going?” saad naman ni Ian na mabilis siyang nahablot sa beywang upang pigilan. Kinabig siya nito palapit dito at nagdikit ang kanilang mga katawan. Naramdaman ng dalaga ang pagkakadaiti ng kanilang mga balat na hindi natatakpan ng maliit nilang saplot. Agad naitukod ni Cassandra ang mga kamay sa d****b ng binata. Nasalat niya ang matigas na muscle nito na nagbigay ng animo bolta-boltaheng kuryente sa kaniyang mga palad. Maliban pang kumikiskis sa kaniyang hita ang matigas na bagay sa harapan ni Ian. May ideya siya kung ano iyon bagama’t pilit niyang i
A DREAM like experience. Iyan na yata ang nararanasan ni Cassandra sa piling ni Ian ngayon. Ang nangyari sa kanila sa resort ay hindi pa ang una at huling may namagitan sa kanila. Sa tuwing may pagkakataon ang binata na masolo siya ay hindi niya mapigilan ito sa gustong gawin. Bagama’t ayaw niyang aminin na nasisiyahan din naman siya sa ginagawa nito sa kaniya.Nang nasa resort sila ay pinatawad niya ang binata sa nagawa nitong pambabalewala sa kaniya noon. Dahil lamang sa isang maliit na misunderstanding ay naging masalimuot ang naging umpisa nila ni Ian, subalit ngayon ay may pagkakataon na silang itama iyon.“W-wait, Ian,” awat niya sa binata habang pinupupog siya nito ng halik sa leeg.“What?” nakasimangot namang saad ni Ian na ayaw tumigil sa ginagawa.“We’re in the office, baka makita tayo ni Secretary Jo,” pigil at paalala ng dalaga.N
WALA sa loob na napahawak si Ian sa kaniyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng kirot doon dahil lang sa sinabi ng isang bata na ngayon lamang niya nakita. Marahil ay dahil lumaki rin siyang walang matatawag na ina?Lumaki at nagkaisip si Ian na tanging ang ama lamang ang nag-alaga sa kaniya. Ang kaniyang ina na si Donya Kristina ay maagang pumanaw pagkapanganak pa lamang sa kaniya dahil sa komplikasyon dito. Hindi naman siya sinisisi ng ama sa pagkamatay ng asawa at sa halip pa nga ay muli itong nag-asawa upang mabigyan lamang siya ng matatawag na ina.Subalit sa hindi alam na kadahilanan ay biglang naglaho ang babaeng pinakasalan ni Don Manuel at hindi na ito muli pang nagpakita sa kanila. Limang taon lamang siya nang mawala ito kung kaya hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang naging madrasta noon. At simula nga noon ay hindi na muli pang nag-asawa si Don Manuel.Minsan, no
NANG gabing iyon ay tahimik na naghahapunan ang pamilya ni Cassandra. Bagama’t panaka-nakang nagkukuwento si Dolores sa maghapon nilang paglalaro ni Cassey at nabanggit ng matanda ang tungkol sa lalaking nakilala ng apo ay tila hindi naman iyon pumapasok sa isipan ng dalaga sapagkat inookupa niyon ang nadaramang sakit at kalungkutan sa inaakalang pagtataksil ni Ian.Hindi rin napansin ni Cassandra ang pagkabahalang rumehistro sa mukha ng ina na si Dolores nang banggitin nito ang lalaking nakilala. Bagama’t wala itong sinabi na kung ano pa man sa lalaki maliban sa nilaro at ibinili nito si Cassey ng ice cream, nagkakasundo ang dalawa na bihirang mangyari sa apo na pihikan sa mga nakakausap. Kahit nga si Jason ay ilang linggo nito bago nakuha ang loob ng bata.Samantalang si Cassey ay patuloy rin sa masayang pagkukuwento sa naging bonding nila ng bagong nakilala. Ibinibida pa ng bata ang itsura nito.“He’s handsome, mommy, like
KINAUMAGAHAN, late na si Cassandra nang makarating siya sa Ramson Electric Company. Dahil hindi siya nakatulog nang maayos kagabi kung kaya tinanghali na siya ng gising. Nagmamadali tuloy siya ngayon.Pagpasok niya sa office kung saan pareho nilang inookupa ni Ian ang silid ay nagulat na lamang siya nang bulagain siya ng binata ng isang bouquet of red roses.Gusto sana niyang magdiwang sa galak sa sweet gesture na ipinakikita ni Ian, mangarap ng gising sa kanilang pag-iibigan. Subalit sa tuwing naaalala niyang anumang sandali ay maaari siyang ipagpalit nito, o kung hindi naman ay dahil hindi lamang siya ang nag-iisang babae ni Ian at ginagawan nito ng ganoong pagkalinga ay nalulungkot lamang siya at mas nahihiling niyang sana huwag na lamang nito gawin ang mga ganoong bagay dahil umaasa lamang siya.Napabuntong-hininga si Cassandra saka kinuha ang bouquet na iniabot nito. Inamoy nang bahagya ang halimuyak niyon bago binali
NANG makalabas sina Ian at Secretary Jo ay nag-ayos na rin ng sarili si Cassandra at lumabas na rin ng comfort room. Napabuntong-hininga siya dahil hindi man niya aminin ay nabitin din siya sa namagitan sa kanila ni Ian.Nang magtungo siya sa executive desk ni Ian ay wala pa ang lalaki. Maging ang sekretarya ay bumalik na rin sa sariling office nito. Bagama’t kanina bago ito umalis ay nilingon muna siya ni Secretary Jo sa nakaawang na pintuan ng CR at nakita niya sa mga mata nito ang tila simpatya patungo sa kaniya na ipinagtaka ng dalaga.Ipinagpawalang-bahala na lamang iyon ni Cassandra at nagpasya nang abalahin ang sarili sa mga trabahong kailangan niyang matapos ngayong linggo. Buo na ang desisyon niya ngayong umalis sa Brilliant Skincare Company.Hindi na rin siguro niya hahabulin si Jason sa ginawa nito sa kaniya. Ipagpapasa-Diyos na lamang niya ang ginagawang kasamaan nito. Alam naman niyang hindi natutulog ang Maykapal at siguradong par
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali