KINAUMAGAHAN, late na si Cassandra nang makarating siya sa Ramson Electric Company. Dahil hindi siya nakatulog nang maayos kagabi kung kaya tinanghali na siya ng gising. Nagmamadali tuloy siya ngayon.
Pagpasok niya sa office kung saan pareho nilang inookupa ni Ian ang silid ay nagulat na lamang siya nang bulagain siya ng binata ng isang bouquet of red roses.
Gusto sana niyang magdiwang sa galak sa sweet gesture na ipinakikita ni Ian, mangarap ng gising sa kanilang pag-iibigan. Subalit sa tuwing naaalala niyang anumang sandali ay maaari siyang ipagpalit nito, o kung hindi naman ay dahil hindi lamang siya ang nag-iisang babae ni Ian at ginagawan nito ng ganoong pagkalinga ay nalulungkot lamang siya at mas nahihiling niyang sana huwag na lamang nito gawin ang mga ganoong bagay dahil umaasa lamang siya.
Napabuntong-hininga si Cassandra saka kinuha ang bouquet na iniabot nito. Inamoy nang bahagya ang halimuyak niyon bago binali
NANG makalabas sina Ian at Secretary Jo ay nag-ayos na rin ng sarili si Cassandra at lumabas na rin ng comfort room. Napabuntong-hininga siya dahil hindi man niya aminin ay nabitin din siya sa namagitan sa kanila ni Ian.Nang magtungo siya sa executive desk ni Ian ay wala pa ang lalaki. Maging ang sekretarya ay bumalik na rin sa sariling office nito. Bagama’t kanina bago ito umalis ay nilingon muna siya ni Secretary Jo sa nakaawang na pintuan ng CR at nakita niya sa mga mata nito ang tila simpatya patungo sa kaniya na ipinagtaka ng dalaga.Ipinagpawalang-bahala na lamang iyon ni Cassandra at nagpasya nang abalahin ang sarili sa mga trabahong kailangan niyang matapos ngayong linggo. Buo na ang desisyon niya ngayong umalis sa Brilliant Skincare Company.Hindi na rin siguro niya hahabulin si Jason sa ginawa nito sa kaniya. Ipagpapasa-Diyos na lamang niya ang ginagawang kasamaan nito. Alam naman niyang hindi natutulog ang Maykapal at siguradong par
TULALANG nakaupo sa sofa ng kaniyang bahay si Cassandra. Habang nasa labas siya ng kumpanya at bumibili ng coffee sa katabing shop din ng building nila kanina ay muli siyang tinawagan ni Secretary Jo. Sinabi nitong umuwi muna siya sa kanilang bahay dahil day off niya ngayon at upang makapagpahinga siya ngayong araw.“What? Ano na ang gagawin ko dito sa coffee americano mo?” bulalas niya sa babae nang sabihin nitong huwag na siyang bumalik sa opisina at dumiretso nang umuwi.“Sorry, Cass, inumin mo na lang tapos umuwi ka muna, ha. See you tomorrow,” bulong naman nito saka siya pinatayan ng tawag.Nagtataka man sa ginawi ng babae ay wala naman siyang magawa kundi sundin ito. Kahit pa nga sinabi niyang ayos lamang siya at gusto niyang magtrabaho ngayon ay sinabi nitong utos iyon ng kanilang boss na si CEO Ian Ramos, kung kaya kailangan nilang sundin iyon.Napabuntong-hininga si C
KINAUMAGAHAN ay masaya pang pumasok sa opisina si Cassandra. Kahapon ay sapat ang naging pahinga niya kung kaya fresh at marami siyang energy ngayon upang magtrabaho.Pagdating niya sa fifth floor kung saan ang kanilang office ni Ian ay masaya pa niyang sinalubong si Secretary Jo. Subalit ang babae ay agad namang humingi ng tawad sa biglaang pagpapauwi nito sa kaniya kahapon.“Sorry, Cass, it was an emergency at gusto ko lang talagang hindi ka mapahamak, you know I’m your friend, right?” hinging paumanhin nito sa kaniya.Nagtaka naman siya sa sinasabi nito. “Ha? What do you mean? Ang akala ko utos ni Ian...” takang-tanong niya bago napahinto nang ma-realize ang inakto kahapon ng babae kung saan tila ito nag-aatubili na pabilihin siya ng kape sa labas pa mismo ng kanilang kumpanya samantalang may coffee blender naman sila roon. Dahil madalas magkape si Ian kung kaya nagpagawa ito ng personal coffee maker at iyon ang madal
BIGLANG napatitig si Cassandra kay Ian dahil sa sinabi ng lalaki sa kaniya. “What?” bulalas pa ng dalaga na hindi sigurado sa mga narinig.“I said, gusto kong ikaw ang maging ina ng anak ko,” muling ulit naman nito.Hindi siya nakasagot agad at mataman lamang itong pinakatitigan. Napakurap-kurap pa siya ng mga mata para lang makasigurado na hindi nagkakamali ang kaniyang pandinig.“Baliw ka ba?” kapagdakan ay wala sa loob na bulalas niya kay Ian.Nagitla pa siya nang biglang tumawa nang malakas ang binata na tila naaliw sa kaniya. “Yeah, I thought so too,” nakangising tugon nito.Nagsalubong naman ang kilay ni Cassandra. “Anong nakakatawa? Napaka-imposible naman talaga ng gusto mo. Ako, magiging ina ng anak mo samantalang kakasabi mo pa lang kanina na may asawa ka na. What the hell with you, pinaglalaruan mo ba ako?”Nakaramdam siya ng inis dito. Ang kalungkutang nadama
NAKABIBINGING katahimikan ang namayani sa paligid ni Cassandra nang lumabas na sa opisina si Ian upang dumalo ng meeting.Napahinga siya nang maluwag at isinandal ang likuran sa upuan upang ma-relax ang kaniyang katawan at upang makapag-isip nang mabuti sa desisyong hinihingi ni Ian sa kaniya.Tumingala sa kisame si Cassandra. Kulay puti lamang ang kaniyang nakikita na pintura ng opisina. Bagama’t naririnig niya ang ugong ng umaandar na aircon ay ang tanging naglalaro sa isipan niya ay ang alok ni Ian kanina.“I want you to be the mother of my child.”Ilang beses na gumugunita sa kaniyang isipan ang mga katagang binigkas ng binata sa kaniya sa restaurant.Nasa punto si Cassandra na gusto niyang tanggapin ang alok nito upang makasama pa ng matagal ang binata at upang hindi siya makaramdam ng guilty sa kung anumang namamagitan sa kanila ngayon. At least, kung pahihintulutan
MAGAAN ang mga paa at maaliwalas na mukha ang bungad ni Cassandra sa Ramson Electronic Company kung saan siya nagtatrabaho. Bagama’t dumaraan pa rin siya sa dating kumpanya sa Brilliant Skincare Company upang mag-report at tapusin ang mga files na naka-assign sa kaniya ngayong linggo roon.Napagpasyahan na ng dalaga na mag-resign sa dating kumpanya at pagtuunan na muna ang inaalok ni Ian sa kaniya na pagiging surrogate mother.Alam niyang kapag pumayag siya sa alok nito ay matitigil siya sa trabaho upang alagaan ang sariling katawan at ang pagbubuntis niya.Kailangan nilang pag-usapan ni Ian ang magiging set up nila sa bagay na iyon.Nang pagbukas ng pintuan ng elevator sa fifth floor ay nasalubong pa niya si Secretary Jo na galing sa opisina ni Ian. Lumapad ang ngiti niya sa isiping dumating na ang binata.“Good morning, Secretary Jo!” nakangiting bati niya sa sekretarya. Tila naman nagulat ito nan
“HA! I’m so worked up!” daing ni Cassandra.Ibinagsak niya ang sariling katawan sa sofa nila sa sala. Makalipas ang isang linggo noong napagkasunduan nila ni Ian ang pagiging surrogate mother niya rito at ang plano nitong dalhin siya sa resthouse nito sa Pampanga.Sa nakalipas na linggo ay naging abala siyang tapusin ang mga gawain niya sa Brilliant Skincare Company kung saan siya nagtatrabaho at kanina nga lamang ay nakapagpasa na siya ng kaniyang resignation letter sa kanilang management. Mabuti na nga lamang na smooth at walang hassle ang proseso ng pagre-resign niya na animo ba ay hinihintay na ng management ng company iyon.Napabuga siya ng hangin bago napailing-iling. Nang dahil sa kasalanan ng mas nakatataas sa kanila kung kaya ang biktima ay lalo pang naaapi.“Kailan kaya magkakaroon ng hustisya ang bansa sa mga kagaya nila?” tanong ni Cassandra sa sarili at napatingala sa kisame.Ilang
“PARANG sinabi mo na rin na pinatawad mo na siya sa mga kasalanan niya, Inay?” nakangusong saad ni Cassandra sa tinuran ng ina. “Nang dahil sa kaniya kung kaya namatay si Itay. Siya rin ang dahilan kaya nasira ang pamilya natin, naghirap tayo noon dahil tumatakas at nagtatago tayo sa kaniya!” aniya pa na may halong poot ang tinig.Bagama’t sinabi niya sa sarili na panapatawad na niya si Manuel sa nangyari noon dahil iyon ang nais ng kaniyang ina subalit hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng galit sa tuwing maaalala ang nangyaring paghihirap nila noon na maaaring hanggang ngayon ay dinaranas pa rin nila ang hirap kung hindi sa tulong dati ni Ian sa kaniya.Blessing in disguise ang pagbibigay sa kaniya ni Ian ng malaking halaga noon na naging starting point niya upang guminhawa ang kanilang buhay. Bagaman at sinubok siya ng tadhana sa pagkakaroon niya ng anak sa katauhan ni Cassey ay hindi niya iyon pinagsisisihan.&nb
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali