Home / Romance / Into Your Arms Tonight / Chapter 27- Isip Ba o Puso?

Share

Chapter 27- Isip Ba o Puso?

last update Last Updated: 2022-01-07 17:15:35

NAKABIBINGING katahimikan ang namayani sa paligid ni Cassandra nang lumabas na sa opisina si Ian upang dumalo ng meeting.

Napahinga siya nang maluwag at isinandal ang likuran sa upuan upang ma-relax ang kaniyang katawan at upang makapag-isip nang mabuti sa desisyong hinihingi ni Ian sa kaniya.

Tumingala sa kisame si Cassandra. Kulay puti lamang ang kaniyang nakikita na pintura ng opisina. Bagama’t naririnig niya ang ugong ng umaandar na aircon ay ang tanging naglalaro sa isipan niya ay ang alok ni Ian kanina.

“I want you to be the mother of my child.”

Ilang beses na gumugunita sa kaniyang isipan ang mga katagang binigkas ng binata sa kaniya sa restaurant.

Nasa punto si Cassandra na gusto niyang tanggapin ang alok nito upang makasama pa ng matagal ang binata at upang hindi siya makaramdam ng guilty sa kung anumang namamagitan sa kanila ngayon. At least, kung pahihintulutan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 28

    MAGAAN ang mga paa at maaliwalas na mukha ang bungad ni Cassandra sa Ramson Electronic Company kung saan siya nagtatrabaho. Bagama’t dumaraan pa rin siya sa dating kumpanya sa Brilliant Skincare Company upang mag-report at tapusin ang mga files na naka-assign sa kaniya ngayong linggo roon.Napagpasyahan na ng dalaga na mag-resign sa dating kumpanya at pagtuunan na muna ang inaalok ni Ian sa kaniya na pagiging surrogate mother.Alam niyang kapag pumayag siya sa alok nito ay matitigil siya sa trabaho upang alagaan ang sariling katawan at ang pagbubuntis niya.Kailangan nilang pag-usapan ni Ian ang magiging set up nila sa bagay na iyon.Nang pagbukas ng pintuan ng elevator sa fifth floor ay nasalubong pa niya si Secretary Jo na galing sa opisina ni Ian. Lumapad ang ngiti niya sa isiping dumating na ang binata.“Good morning, Secretary Jo!” nakangiting bati niya sa sekretarya. Tila naman nagulat ito nan

    Last Updated : 2022-01-08
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 29

    “HA! I’m so worked up!” daing ni Cassandra.Ibinagsak niya ang sariling katawan sa sofa nila sa sala. Makalipas ang isang linggo noong napagkasunduan nila ni Ian ang pagiging surrogate mother niya rito at ang plano nitong dalhin siya sa resthouse nito sa Pampanga.Sa nakalipas na linggo ay naging abala siyang tapusin ang mga gawain niya sa Brilliant Skincare Company kung saan siya nagtatrabaho at kanina nga lamang ay nakapagpasa na siya ng kaniyang resignation letter sa kanilang management. Mabuti na nga lamang na smooth at walang hassle ang proseso ng pagre-resign niya na animo ba ay hinihintay na ng management ng company iyon.Napabuga siya ng hangin bago napailing-iling. Nang dahil sa kasalanan ng mas nakatataas sa kanila kung kaya ang biktima ay lalo pang naaapi.“Kailan kaya magkakaroon ng hustisya ang bansa sa mga kagaya nila?” tanong ni Cassandra sa sarili at napatingala sa kisame.Ilang

    Last Updated : 2022-01-11
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 30- Ang Katotohanan

    “PARANG sinabi mo na rin na pinatawad mo na siya sa mga kasalanan niya, Inay?” nakangusong saad ni Cassandra sa tinuran ng ina. “Nang dahil sa kaniya kung kaya namatay si Itay. Siya rin ang dahilan kaya nasira ang pamilya natin, naghirap tayo noon dahil tumatakas at nagtatago tayo sa kaniya!” aniya pa na may halong poot ang tinig.Bagama’t sinabi niya sa sarili na panapatawad na niya si Manuel sa nangyari noon dahil iyon ang nais ng kaniyang ina subalit hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng galit sa tuwing maaalala ang nangyaring paghihirap nila noon na maaaring hanggang ngayon ay dinaranas pa rin nila ang hirap kung hindi sa tulong dati ni Ian sa kaniya.Blessing in disguise ang pagbibigay sa kaniya ni Ian ng malaking halaga noon na naging starting point niya upang guminhawa ang kanilang buhay. Bagaman at sinubok siya ng tadhana sa pagkakaroon niya ng anak sa katauhan ni Cassey ay hindi niya iyon pinagsisisihan.&nb

    Last Updated : 2022-01-13
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 31

    —One Week LaterINILIBOT ni Cassandra ang paningin sa resthouse na pinagdalhan sa kaniya ni Ian. Ang akala niya noong una ay maliit lamang na disenyong bahay-kubo ang itsura nito subalit nagkakamali siya. Ang nakikita niya ngayon ay isang tila isang mansyon na noong panahon pa ng mga kastila itinayo. Bagama’t hindi ito mukhang luma at tila kare-renovate pa lamang upang maging bahay-bakasyunan.Ang buong paligid ng mansyon ay napapalibutan ng iba’t ibang klase ng puno kagaya na lamang ng narra, linden, walnut at iba pang hindi na niya matukoy ang pagkakakilanlan. Marami rin siyang nakikitang mga puno ng niyog na matatayog.“Koprahan ba ang pangunahing hanapbuhay dito sa lugar n’yo?” wala sa loob na tanong pa niya habang inililibot ang mga mata sa buong paligid.Narinig naman niyang tumawa si Ian at inakbayan siya. Dinampian pa siya ng halik nito sa kaniyang noo na animo i

    Last Updated : 2022-01-18
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 32

    “TAMA na ang iyak, apo. Mommy is working there for us.” Narinig ni Cassandra na wika ng kaniyang ina na si Dolores.Mariin niyang nakagat ang ibabang labi dahil sa guilt na nararamdaman. Tila punyal sa kaniyang puso ang mga katagang binitiwan ng ina. Natanong niya sa sarili kung para sa pamilya nga ba ang ginagawa niyang ito o pansariling kaligayahan lamang?Bagaman at pinangakuan siya ng malaking halaga ni Ian sa pagpayag niya na maging surrogate mother ng magiging anak nito ay mas nangibabaw sa dalaga ang kadahilanang ginagawa niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa binata.Ngayong naririnig niya ang palahaw ng anak ay tila gumuguhong parang buhangin ang ipinundar niyang pasya na magagawa niyang mawalay sa pamilya upang paluguran lamang ang selfish niyang puso.“Anak, huwag kang mag-alala rito sa amin. Si Cassey ay masasanay rin ito paglipas ng ilang mga araw. Mag-concentrate ka lang diyan sa trabaho mo,&rdq

    Last Updated : 2022-01-20
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 33

    TAHIMIK ang dalawang nag-aalmusal. Masasarap ang pagkain sa kanilang harapan, sinangag na may halong assorted veggies and shrimp na halatang sariwa pa, small fried fishes, tocino, longganisa, may fried egg pa na mula sa native na manok, at ang pinakanagustuhan talaga niya ay ang hot chocolate drink na mula pa sa cacao bean na minano-mano ang paggiling at isinalang sa traditional na palayok upang malasap ang tunay na lasa ng local cuisine.Maganang kumakain si Cassandra habang kinukuwentuhan siya ni Manang Bell. Ipinapakilala nito ang mga pagkain sa kanilang harapan na ito pa pala mismo ang naghanda at ang asawa nitong si Manong Rene ang nanghuli sa maliit na fishpan malapit sa dagat doon.Ang sabi pa ng matanda ay mahilig ang asawa nitong mag-alaga ng mga hayop na ang karamihan ay imported pa galing ibang bansa. Mahilig din itong magtanim ng iba’t ibang klase ng puno at halaman na nakikita nila sa buong paligid ng resthouse.

    Last Updated : 2022-01-22
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 34

    NAPABUGA ng hangin si Ian bago muling hinarap ang matanda. Halata sa mukha nito ang pag-aalala sa ikinilos ng dalaga. Marahil ay iniisip ni Manang Bell na nag-away silang dalawa kung kaya umiiyak ito. Subalit maging siya ay hindi rin naman alam ang ipinagkakaganoon ni Cassandra.“Masakit yata ang tiyan, Manang Bell,” kapagdakan ay biro niya sa matanda upang hindi na ito mag-alala pa sa dalaga.Ganoon kasi ang matanda, hindi ito natatahimik at labis ang pag-aalala kapag may nangyayari sa kaniyang pamilya.Naalala pa ng binata noong panahong iwanan sila ng kaniyang stepmother. Ilang buwan na hindi nagsalita at tahimik lamang si Manang Bell na kaiba sa tunay na gawi nito. Inakala pa nila na kukunin ito sa kanila ng Maykapal sapagkat bigla na lamang na bumagsak ang katawan nito.Ipinag-alala nilang mag-ama ang naging kalagayan ni Manang Bell noon dahil ina na at lola ang turing nila sa matanda, lalong-lalo na ang kaniyang ama dahil ito

    Last Updated : 2022-01-22
  • Into Your Arms Tonight    Chapter 35- The Shadow Behind The Scene

    SAMANTALA, hindi na napigilan ni Cassandra ang mapaluha sapagkat hindi niya kinakaya ang ngumangatngat na selos sa kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.“Nakakainis! Napakamanhid talaga niya!” inis na wika niya sa sarili na nahahampas pa ang inuupuang silya sa ilalim ng malaking punong mangga. Nasisipa rin niya sa hangin ang mga paa dahil sa iritang nadarama. “Bakit pa kasi kailangang tanungin kung nagseselos ako? Hindi pa ba obvious?” muling saad niya at hindi na naman maampat ang luha sa kaniyang mga mata.Kaninang nasa silid siya at mag-isa, upang makalimutan ang sakit na nadarama ay nagpasya ang dalaga na maglaro na lamang ng candy crush saga na paborito niyang laruin sa kaniyang cellphone.Ayos na nga sana siya dahil kahit papaano ay nawawala na ang panliliit niya sa sarili dahil sa pagkukumpara niya sa asawa ni Ian.Alam niyang siya rin lang naman ang nagpapasakit sa sarili n

    Last Updated : 2022-01-23

Latest chapter

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 201

    —One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 200

    Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 199

    “What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 198

    “Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 197

    “Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 196

    “What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 195

    Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 194

    “W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 193

    Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali

DMCA.com Protection Status