SAMANTALA, hindi na napigilan ni Cassandra ang mapaluha sapagkat hindi niya kinakaya ang ngumangatngat na selos sa kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.
“Nakakainis! Napakamanhid talaga niya!” inis na wika niya sa sarili na nahahampas pa ang inuupuang silya sa ilalim ng malaking punong mangga. Nasisipa rin niya sa hangin ang mga paa dahil sa iritang nadarama. “Bakit pa kasi kailangang tanungin kung nagseselos ako? Hindi pa ba obvious?” muling saad niya at hindi na naman maampat ang luha sa kaniyang mga mata.
Kaninang nasa silid siya at mag-isa, upang makalimutan ang sakit na nadarama ay nagpasya ang dalaga na maglaro na lamang ng candy crush saga na paborito niyang laruin sa kaniyang cellphone.
Ayos na nga sana siya dahil kahit papaano ay nawawala na ang panliliit niya sa sarili dahil sa pagkukumpara niya sa asawa ni Ian.
Alam niyang siya rin lang naman ang nagpapasakit sa sarili n
MULING bumalik sa kasalukuyan si Ian nang marinig niya ang boses ni Cassandra na animo namamangha sa nakita.Bumaling naman siya ng tingin dito upang alamin ang ikinamangha nito. Nakita naman niya na nakatingin ang dalaga sa paparating na matanda, si Manong Rene, na may bitbit na iba’t ibang klase ng isda kagaya na lamang ng hito, tilapia, bangus at marami pang iba na galing mismo sa fish pond nito.“Ang dami naman po niyan, Manong Rene,” narinig pa niyang bulalas ni Cassandra na sinalubong ang matanda. “Oh, my God, buhay pa!” tili pa ng dalaga noong kumawag-kawag ang isda sa kamay ng matanda.Tipid siyang napangiti sa pagkagiliw sa dalaga, sa pagiging inosente nito na animo isa itong bata na curious sa lahat ng bagay na nakikita nito roon.Nangalumbaba si Ian habang mataman pa ring nakatitig kay Cassandra. Sinusuri niya ang bawat galaw, parte ng katawan at maging ang ekspresy
NAGISING si Cassandra na wala na si Ian sa tabi niya. Kagabi ay hindi na niya namalayan kung anong oras siya pinatulog nito. Maliban pang tila may hangover siya ngayon dahil sa nainom niya kagabi. First time sa kaniya iyon. Kahit na nakapagtrabaho siya sa club kung saan kinakailangang heavy drinker sila ay hindi naman siya nagtagal doon kung kaya hindi siya naging expert sa pag-inom mg alak. Bukod pang simula nang manganak siya ay hindi na nasayaran ng alcohol ang kaniyang lalamunan maliban na lamang kung ito ay wine.Nasapo niya ang noo dahil kumikirot iyon saka marahang hinilot paikot upang maibsan ang sakit. Nang tingnan ni Cassandra ang orasan ay pasado alas-diyes na ng umaga.Agad siyang napabangon nang mapagtanto na tanghali na pala. Nakakahiya sa mga kasama niya sa bahay na tanghali na siya bumangon. Baka isipin ng mga ito na tamad siya or what. Maigi na ang magpakitang gilas siya sa mga ito upang hindi siya ayawan.Minsan talaga ay hind
ILANG beses pinunasan ni Cassandra ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya maiwasang mapaluha dahil sa wakas nakahanap na rin siya ng taong maaari niyang masabihan ng tunay niyang nararamdaman sa katauhan ni Manang Bell.Bagama’t nasasabi naman niya ang lahat sa kaniyang inang si Dolores ay tikom ang bibig niya pagdating kay Ian.Gustuhin man niyang ipagtapat na sa ina ang tungkol sa binata ay sigurado siyang mag-aalala ito sa kaniya. Maliban pang masama ang loob nito sa ama ng kaniyang anak kahit hindi nito sinasabi.Pagdating naman kay Ian, kahit ipinapakita nito ang affection sa kaniya ay hindi rin naman niya maamin dito ang lihim niyang pagtingin.Tanging si Manang Bell lamang ang naging sandalan niya na nakakakilala nang husto kay Ian at ang alam na may pagmamahal siya para sa binata. Kung kaya hindi niya maiwasang ubuhos dito ang nararamdamang kaytagal na niyang kinikimkim.“Thank you, Manang Bell. Hindi n&
NANG marinig ni Cassandra na hinahanap ng lalaki si Ian ay agad siyang napatayo upang kilalanin ang lalaki. Maging si Lotie ay hindi rin nakasagot agad sa tanong nito at bumaling ng tingin sa kaniya. Marahil ay humihingi ito ng permiso kung magbibigay ba ito ng impormasyon patungkol sa amo.Marahan siyang lumapit sa lalaking nakatayo sa hamba ng pintuan. Bumaling din naman ito ng tingin sa kaniya na animo sinusuri ang buo niyang pagkatao.Samantalang napagmasdan din ni Cassandra ang kabuuan nito na nahihinuha niyang kasing tangkad din ni Ian. Bagama’t mestizo ang kulay nito na kabaliktaran naman sa pagiging moreno ng minamahal. Nakikita niya ang asian looking vibes sa lalaki kagaya na lamang sa mga idolo ng mga kabataang Kpop group ngayon.Ang mukha ay makinis na halatang bagong ahit lang, labi na mamula-mula na hindi niya pagtatakahan kung may inilagay itong lipstick doon. Maging ang mga mata ng lalaki ay tila nangungusap na animo nakangiti parati. A boy-
NANG mahimasmasan si Cassandra ay agad siyang kumawala sa pagkakayakap kay Joshua. Mabilis din niyang pinunasan ang basang pisngi. Hindi siya makapaniwala na nagpakita siya rito ng kahinaan na bihira niyang ipakita sa isang estranghero. Nagtataka rin si Cassandra kung bakit ang babaw ng luha niya ngayon?“I’m sorry,” paumanhin niya rito at agad itong tinalikuran.Aalis na sana siyang aalis sa harapan nito subalit mabilis din naman siyang napigilan ng binata at nahawakan sa kaniyang braso.“Cass, I’m sorry, hindi ko alam na matatakot ka for my safety. I just want to be friend with you. So please, forgive me this time? Promise, I will never do that again,” pangakong pakiusap pa ni Joshua sa kaniya. Halatang sencere ito sa paghingi nito ng tawad.Natigilan naman siya sa sinabi nito. Muli siyang bumaling ng tingin dito upang mabistahan nang husto ang mukha ng binata. Nagdadalawang-isip siya kung patatawarin niya
MARAMI pa silang pinuntahan ni Joshua. Iyong mga hindi pa niya nararating ay nakapagtatakang narating nila. Namangha pa si Cassandra nang pumunta sila sa kaloob-looban na animo kagubatan na. Hindi niya alam kung paanong natuklasan ni Joshua iyon subalit tila kabisado nito ang buong kapaligiran?“Nakarating ka na ba rito, Josh?” hindi niya napigilang itanong sa binata habang hinahawi ang nakaharang na makapal na dahon sa kaniyang mukha.“No, this is my first time too,” tipid din namang tugon nito na bumaling sa kaniya saka ngumiti.“Kung gano’n, paano mo nalaman ang pasikot-sikot dito?” tanong pa niya.“Instinct,” sambit ni Joshua na tinapik pa ng hintuturong daliri ang sintido sabay ngisi sa kaniya.“I don’t believe you,” nagdududang saad din naman niya rito. Subalit hindi na siya pinansin ng binata sapagkat sa isang bagay ito nakatuon.Hindi kalayuan sa gawi nila
SAMANTALA, maagang nakarating si Ian sa mansyon nila sa Batangas. Naabutan pa niya ang amang si Manuel na abalang naghahanda dahil tila may pupuntahan itong importante. Aligaga rin itong inaayos ang suot na polo at ilang ulit na sinuklay ang buhok na numinipis na dahil sa katandaan. Bagama’t may ibubuga pa rin naman ang ama na isa sa mga tinitingala ng mga kababaihan noon pagdating sa pagandahang lalaki. Nagkataon nga lamang na mali ang minahal ni Manuel dahil sinaktan lamang ito ng madrasta.Wala sa loob na sinundan ni Ian ng tingin ang bawat kilos ng ama. Hindi rin siya napansin nito na ilang beses nang dinaanan nito. Maging ang mga kasambahay nila ay hindi magkandaugaga sa bawat utos ng matanda. Naisip ni Ian na kung nandito lamang si Manang Bell ay siguradong nakagalitan na nito ang ama.Napailing-iling habang bahagyang napangisi si Ian nang maalala ang kaingayan ng matandang katiwala, at kasabay nga niyon ay ang pag-alala niya kay Cassandra. Sagl
ILANG sandaling nanahimik ang dalawang lalaki. Nagpapakiramdaman lamang sa isa’t isa. Walang gustong sumuko sa argumentong ipinaglalaban.Pagkatapos ay napahawak sa sintido si Manuel at hinilot-hilot iyon. Marahil dahil hindi siya nito mapaniwala na mabuting tao ang pamilya ni Dolores o dahil hindi na nito maalis sa kaniyang isipan ang itinanim nitong masamang binhi sa anak?Nakita niyang malalim na huminga si Manuel upang pagluwagin ang dibdib saka siya hinarap na animo suko na ito sa pagpapaintindi sa kaniya.“Okay, Anak, you won,” malungkot na saad ng matanda.Napahinga naman siya nang maluwag na sa wakas ay nakumbinsi niya rin ang ama. Subalit ang inakala niyang titigilan na nito ang madrasta at ang pamilya nito ay nagkakamali pala siya, sapagkat dinugtungan ni Manuel ang sinasabi.“Nagpa-DNA test kami ng kapatid mo—”“She’s not my sister,” putol niyang bigla sa sinasabi n
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali