NANG makarating si Joshua sa Pampanga ay marahan niyang itinabi ang sasakyan sa isang gilid na malayo pa sa mismong resthouse ng mga Ramos. Pagkatapos ay bumaba na siya ng sasakyan at nagpasyang maglakad-lakad muna sa paligid nito. Tutal ay maaga pa siyang nakarating doon kaya naman hindi siya nagmamadaling makita ang lover ni Ian.
Marahan lang niyang binabagtas ang masukal na daan. Bagama’t maraming puno siyang nakikita ay hindi naman niya masasabing kagubatan na iyon sapagkat halatang sadyang itinanim lang iyon doon.
Alam ng binata na mahilig maghalaman si Manong Rene, ang matandang katiwala ng mga Ramos na nakatira doon. Noong maliit pa siya at madalas niyang kalaro si Ian, dahil iyon ang utos ng kaniyang ama, ay nakilala niya ang mag-asawang Rene at Bell na itinuturing nang kapamilya ng mga ito kahit pa nga ba mga katiwala lamang ang dalawang matanda.
“Tsk!” pumalatak siya nang bahagay nang muling maalala kung paano niya nasaksihan an
“CAN I talk to the caretaker here? I know Manang Bell is currently working here,” kapagdakan ay tanong ni Joshua sa babaeng kaharap upang maiba ang kanilang usapan sapagkat hindi niya mapigilan ang pagtaas ng kaniyang libido. Ayaw niyang pagsisihan sa huli na magpadalos-dalos at pilitin ang babae sa gusto niya. Siguradong hindi siya masisiyahan sa ganoon.“Oh, kilala mo si Manang Bell?” manghang bulalas din naman nito.Malapad siyang ngumiti saka ito sinagot, “Yes, I’m one of her children. Magkababata kami ni Ian and Manang Bell was the one who had taking care of us.”Agad naman siyang pinaniwalaan ng dalaga at inutusan ang batang babae na katabi nito na tawagin si Manang Bell. Tinanong pa siya nito kung ano ang pangalan niya. Marahil ay hindi nito narinig ang pagpapakilala niya kanina.“I’m Joshua Alarcon,” muli niyang pagpapakilala rito.Tumango-tango naman
Chapter 71: Give Me An Exciting ViewNAHIHIYANG kumawala naman sa pagkakayakap ni Joshua si Cassandra at humingi ng tawad sa kaniya. Lihim siyang napataas ng kilay sa kaartehan nito.Hindi siya mahilig sa iyaking babae na ginagamit ang luha upang kaawaan ng napupusuang lalaki. Kapag inaakit siya sa ganoong paraan ay doon niya labis na nais na paslangin ito hanggang sa unti-unting malagutan ng hininga.“Ah, what a great scene kapag nagkataon,” pipi niyang wika sa sarili habang nakatingin kay Cassandra at naglalaro sa isip ang pagpapahirap na maaari niyang isagawa rito kapag nabigyan na siya ng tamang panahon.“I’m sorry, hindi ko alam na matatakot ka for my safety. I just want to be friend with you. So please, forgive me this time? Promise, I will never do that again,” aniya rito na kinukuha ang loob ng dalaga.Palakaibigan ang binata at bahagyang nagbibiro pa upang tuluyang gumaan ang loob nito
NAISIP ni Joshua, kung hindi niya mapapatay ngayon ang dalaga, bakit hindi niya muna paglaruan ito sa paraang gusto niya? Bagama’t ang pinaka-goal talaga ng binata ay ang maakit ito at maangkin, subalit mas masisiyahan siya kung bumigay ito sa paraang hindi niya pinipilit at hindi gumagamit ng dahas.Nakikini-kinita na niya ang magiging ekspresyon ni Ian kapag nalaman nitong niloko ng babaeng muling pinagkatiwalaan.“Ilang buwan ka na bang nagbabakasyon dito?” kapagdakan ay tanong niya sa dalaga kahit na alam niyang ilang araw pa lang itong nagbabakasyon doon, base na rin sa report sa kaniya ni Carlos.“Three days pa lang kaya ako dito,” tugon din naman nito.“Si Ian ang nagdala sa ‘yo rito?” muling usisa niya.“Yeah,” anito.“Then, why he isn’t here?” aniya pa.Naghahanap siya ng dahilan upang pagdudahan nito ang kaibigan at up
MAKALIPAS ang ilang sandaling hindi pa rin dalawin ng antok si Joshua ay nagpasya na siyang ayusin ang mga gamit at umalis na roon. Balak niyang magtungo sa villa nila sa Tarlac dahil kating-kati na siyang makaamoy ng dugo.“Should I massacre this residence?” nagdadalawang-isip na tanong pa niya sa sarili.Gayunpaman ay alam ni Joshua na hindi niya maaaring gawin iyon doon dahil masisira ang kaniyang mga plano na matagal na niyang napag-isipan.Napabuntong-hininga ang binata habang sinasalansan ang mga gamit. Nang maayos niya na ang lahat ng mga dadalhin ay saka niya naisipang dukutin sa bulsa ngsuot na short ang kaniyang cellphone.Nag-dial siya roon at makalipas nga lamang ang ilang ring ay may sumagot na sa kabilang linya, “Hello, boss,” taranta pang sagot ng kabilang linya na hindi inaasahan ang pagtawag niya rito.Isa ito sa mga tauhan niya na nagbabantay at nangangalaga sa hideout niya roon. Isa laman
NAKAPANGALUMBABA pa si Joshua habang nakaupo sa kama ni Cassandra at pinagmamasdan ang paglabas ng dalaga sa pintuan ng silid nito.Entertaining sa kaniya ang mga nangyayari ngayon dahil sa natuklasan ng dalaga na pinaglalangan ito ng pinagkakatiwalaang binata na si Ian.“Ahh, what a great scene,” mahinang kausap pa niya sa sarili saka tumayo na upang maghalungkat sa mga gamit ng dalaga. Iyon naman talaga ang pakay niya roon.Humuhuni pa ang binata habang marahang iniisa-isang binubulatlat ang laman ng cabinet ni Cassandra. Nagbabaka-sakali siyang may sikretong pindutan doon na maghahatid sa kaniya sa nakatagong mga dokumento.Subalit ilang minuto na siyang naghahanap ay wala siyang nakikitang kakaiba roon. Maging sa mga gamit ni Ian ay wala siyang makita kahit susi man lang.“Damn it!” marahas na mura niya at nasuntok nang bahagya ang cabinet.Tumayo na si Joshua at inayos ang mga
NANG tuluyang makalapit si Joshua sa dalaga ay kinuha niya ang maleta nito at inilagay sa likuran ng kaniyang sasakyan. Pagkatapos ay pinagbuksan pa niya ang dalaga ng pintuan sa passenger seat at doon niya ito pinaupo.“We can rest in the middle of the road kapag pagod ka na,” kapagdakan ay suhestyon nito noong ikinakabit na niya ang sariling seatbelt.Matamis siyang ngumiti rito saka pinaandar ang sasakyan. “It’s alright, I can manage,” ang tipid niyang tugon.Ang hindi alam ni Cassandra ay saglit lamang ang biyahe nila at ilang oras lamang ang tatakbuhin sapagkat hindi naman kalayuan ang Tarlac sa kinaroroonan nila ngayon. Of course hindi rin niya ipinaalam sa dalaga na hindi talaga sila uuwi ng Manila sa mga sandaling iyon at sa halip ay dadalhin niya ito sa hideout niya.Ilang sandali ang lumipas ay binabagtas na ng dalawa ang daan palabas ng Pampanga. Wala rin silang imikan ng dalaga bagaman at paminsa
ILANG sandaling natigilan si Joshua nang maalala ang kaniyang nakaraan. Nang maramdaman niya ang pagbaba ng sasakyan at paglapit ni Cassandra sa kaniyang tabi ay saka pa lamang siya nagbalik sa kasalukuyan.“Let’s go,” kapagdakan ay ganyak niya sa dalaga at nagpatiuna na rito sa paglalakad.Nang malapit na siya sa bodega ay nagmamadaling lumabas ang dalawang tauhan niyang si Noli at Gabo. Ito ang namamahalang maglinis ng hideout niya roon na madalas ay ginagamit din naman ng mga ito kapag may natitipuhang babae. Dinadala ng mga ito iyon sa hideout at doon pinagsasamantalahan hanggang sa mamatay.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bodega. Ilang tao na rin ang namatay sa gusali na iyon na kung sakaling may magmumulto roon ay hindi na siya magugulat pa.Maliban pang sa likuran niyon ay may malaking hukay kung saan inililibing ng dalawang tauhan ang bangkay ng mga biktima na halos karamihan ay mga babae.Gayunp
NANG masabi na ni Joshua kay Ian ang mga kondisyones niya rito ay agad na niyang pinutol ang tawag. Bagama’t binanggit niya rito na unang pakawalan si Carlos na spy ng kaniyang ama ay umaasa siyang hindi sundin ni Ian.Subalit kalahati ng kaniyang isipan ay gusto rin niyang makawala ang lalaki at makita sa mukha nito ang pag-asa na makaliligtas sa kamay ng mga Ramos. Maliban pang sigurado si Joshua na sa kaniya ito tutungo upang humingi ng tulong sa kaligtasan ng sarili nitong buhay. Ngunit malalaman lamang nitong siya pala mismo ang kikitil dito.“Ahh, I want to see his hope and despair,” bulong pa ni Joshua sa sarili habang nakikini-kinita sa isip ang itsura ni Carlos.Pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang nag-dial sa kaniyang cellphone. Mabilis din namang sumagot ang sa kabilang linya.“Hello... Brother?” bungad ni Stephanie na animo nahihirapang magsalita.Nakaririnig din siya ng boses ng lalaki na
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali