HINDI pa lumabas ng agency si Aaron at sa halip ay nagtungo siya sa training room na nakatalaga sa loob ng kumpanya.Hindi pa niya nagagamit iyon dahil iyon lamang ang pangalawang pagkakataong nakapasok siya roon.Ang una ay nang mag-apply siya bilang detective doon at ito ang pangalawa, nang tuluyan na siyang makapasok sa naturang kumpanya.Marahan pa niyang itinulak ang pintuan ng training room at nagulat na lamang siya nang makarinig na animo may sumusuntok sa sandbag sa loob.Tuluyan na siyang pumasok sa loob at nakita niya ang pawisang babae na naka-focus sa ginagawa na animo kaaway ang sandbag sa harapan."Ugh!" daing niya nang makilala ang babae.Agad siyang pumihit patalikod dito upang takasan ito.Subalit sa kasamaang palad ay nakita na siya nito bago pa man siya makalabas."Hey, Mr. Vasquez!" tawag ni Cassey sa binata habang pinupunasan ang pawis sa noo.Ayaw sana niyang lumingon dito at magkunwa na hindi niya ito nakita at narinig subalit lalo lamang lalala ang samahan nila
KAHIT nang makauwi si Cassey sa kanilang tahanan ay hindi pa rin mawala sa kaniyang alaala ang nakitang luto ng Diyos ni Aaron. "Argh! I'm a sinner," laglag ang balikat na tugon pa niya sa sarili habang pumapasok siya sa loob ng kanilang tahanan."Ate!" sinalubong naman siya ni Railian, ang bunso niyang kapatid na ngayon ay sampung taong gulang na. Hinimas niya ang buhok nitong nakayakap sa kaniya at nakatingala. Kamukhang-kamukha talaga ng ama ang nakababatang kapatid. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi pa rin nila makalimutang mag-ina ang ama dahil may araw-araw na nagpapaalala sa kanila rito. "How's your day, bro?" tanong niya naman dito. "Ah, wala ka kanina, Ate, kumain kami ng ice cream lola, iyong vanilla," nakangising pang-iinggit pa ng kapatid sa kaniya. Mapakla siyang napangiti dahil naalala niyang pareho nilang paborito ng ama ang ice cream na iyon. Maliban pang iyon ang unang beses na nagtagpo sila na hindi pa niya alam na ito ang kaniyang ama."Oh, hindi mo
Humihingal ang dalawa na lumabas ng kumpanya. Lumingon pa siya sa loob at nakita niyang patakbo sa gawi nila ang boss ng ina na si Mr. Alvar.Nanlaki ang mga mata niya nang matitigan ito.Kanina habang pinakikinggan niya ang naging usapan ng dalawang lalaki ay hindi niya ito nabosesan. Subalit ngayong nakita niyang muli ang ang lalaki ay nasisigurado na ng dalaga na ang isang boses na iyon ay mula kay Mr. Alvar!"Shit! Let's go, Rai!" biglang hila niya sa kapatid patakas sa lugar na iyon. "Cassey, wait!" tawag naman ni Mr. Alvar sa kaniya subalit hindi niya na ito nilingon pa. Nang may dumaang taxi sa kanilang tabi ay agad niya itong pinara. Pagkatapos ay nagpahatid siya sa agency ni Uncle Raid. Nanginginig pa ang mga kamay ni Cassey habang dina-diala ang numero ng tiyuhin.Mabuti na nga lamang na pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot na agad ito ni Raid. "Uncle, are you still there in your office?" agad niyang tanong sa tiyuhin.Nagtataka naman si Raid sa tanong ng dalaga bagama'
Sabay na naglalakad sa mahabang overpass sina Cassey at Aaron. Tinulungan pa siyang magbitbit nito ng kaniyang mga pinamili kung kaya magaan ang loob niya ngayon sa binata."Thank you for your help," pasalamat pa niya rito.Subalit hindi na siya sinagot pa nito at tahimik na lamang na naglalakad. Hindi na rin umimik si Cassey subalit lihim niyang sinusulyapan ito.Ngayong hindi siya buwisit sa binata ay saka niya nakikita na talagang may itsura si Aaron. Unlike sa iba na tila may halong american ang lahi, ang binata ay animo Korean ang itsura. Marahil ay dahil sa makinis at maputla nitong balat, maging ang buhok nito ay gupit Korean na usong-uso sa mga K-pop idol ngayon. At dahil Asian ang binata kung kaya hindi kalakihan ang mga mata nito na saktong-sakto lang na mapagkakamalan talagang Korean. Nitong mga nakaraang buwan na pag-iimbestiga niya sa bawat estudyante ng paaralang pinapasukan ay isa ang binata sa nakakuha ng atensyon niya dahil ito ang number one sa survey na isinaga
SA kabilang banda naman, sa mansyon ng mga Castillan, nakaluhod habang nakataas ang dalawang braso ni Macky. Isang oras na ang binata sa ganoong ayos subalit hindi pa rin nababawasan ang galit ng ama rito.“Are you still out of your mind?” dumadagundong ang boses ni Mr. Castillan habang dinuduro ang anak.Tumataas ang dugo nito sa sobrang galit sa anak.“What? It’s not so bad, dad,” ang sagot naman ng binata.Dahil sa sagot nito ay hindi napigilan ng ama na damputin ang golf club nito na animo ihahambalos sa binata.Napapikit na lang sa takot si Macky at bahagyang napaurong palayo sa ama.Mabuti na nga lamang na hindi naituloy ni Mr. Castillan ang binabalak gawin sa nakikitang takot sa mukha ng anak.Lumaki sa luho at hindi man lang nasasaktan ni Mr. Castillan si Macky kaya malakas ang loob ng binata na gawin ang kahit na anong gustuhin nito.“Hindi mo pa rin naiisip ang mangyayari sa ‘yo kapag lumabas ang balitang gumagamit ka ng marijuana?!” muling turan ng ama. “Because of you and
NAKASIMANGOT na bumaba ng sasakyan si Cassey nang makarating sila sa kanilang bahay sa Quezon City. Nagpatiuna na siya sa dalawa sa pagpasok sa loob dahil mahimbing pa rin ang tulog ni Rei kung kaya binuhat na ito ni Uncle Raid upang ipasok sa loob ng kanilang tahanan. Pagpasok ni Cassey sa gate ay nakaabang na ang kaniyang ina na si Cassandra sa labas pa lamang ng pintuan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa dalawang anak.Agad na inalis ni Cassey ang busangot sa mukha at matamis na ngumiti sa ina. Humalik pa siya sa pisngi nito.“Hi, mom,” bati pa ng dalaga kay Cassandra. Tinanguan lang siya ng ina subalit nabawasan na ang pangamba nito sa mukha nang makita siya. Pagkatapos ay muling humarap sa labas ng gate upang hintayin ang pagpasok ni Uncle Raid at ng bunsong kapatid na si Rai. “Oh,” anas pa ni Cassandra nang sa wakas ay makita na ang dalawa. Agad nitong nilapitan si Raid at sinuri ang kalagayan ni Rai.“He’s just sleeping,” agad na paliwanag naman ng binata na nakuha agad
Ang usapan nilang mag-ina ay sasabay si Cassey kay Cassandra pagpasok nito kinaumagahan. Dahil Sabado ng araw na iyon kung kaya wala siyang pasok sa eskwelahan. Subalit, at the last minute, bago siya lumabas ng kaniyang silid ay tumawag si Aaron sa kaniyang personal cellphone. Nagulat pa ang dalaga dahil hindi naka-register ang number nito kung kaya noong una ay nagdalawang-isip siyang sagutin iyon. “This is Aaron, kailangan nating pumunta ng school right now,” agad na wika nito sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag nito. Nahinto sa kaniyang lalamunan ang itatanong sana niya kung sino ito dahil nagpakilala na agad ang binata.“Ahem,” tumikhim muna siya bago nag-usisa rito. “What’s going on?” “I saw, Macky, may bitbit siyang malaking bag and nakita ko siyang pumasok ng school,” imporma pa nito na animo bumubulong. May hinala si Cassey na nasa labas ito ng eskwelahan habang nagtatago sa kung saan. “Why not you go inside by yourself?” iritableng saad niya sa sarili na pin
Dahil sa sikip at liit ng cabinet na kanilang pinagtataguan ng mga sandaling iyon kung kaya hindi komportable ang dalawa. Sa pakiwari din ni Cassey ay ilang minuto na siyang hindi humihinga dahil sa posisyon nila ngayon ni Aaron na kung saan ay gahibla na lang ng kaniyang buhok ang layo nilang dalawa sa isa’t isa at kulang na lang na magdikit na ang kanilang mga mukha. Maliban pang dinig na dinig ng dalaga ang tibok ng puso ng binata at ang ilang beses nitong paglunok ng laway.Bagama’t nakatukod si Aaron sa cabinet na kaniyang sinasandalan upang hindi sila tuluyang maglapat ay hindi pa rin niyon naiwasan ang pagkakalapit nila. Bukod pang animo nakayakap ang binata sa kaniya na tila gustong magpatuliro sa pandama ng dalaga. Sabay pang napalingon sa siwang ng nakapinid na pintuan ng cabinet ang dalawa nang marinig na nila ang mga yabag ng paa na pumasok sa silid-aralan na iyon. Dalawang nilalang ang pumasok, babae at lalaki base sa pag-uusap ng mga ito. “Tsk! Sawang-sawa na ako s
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali