MAKALIPAS ang ilang buwan...Muli na namang nasa ospital si Cassandra subalit sa pagkakataong iyon ay masaya ang dating sa kanila ng pagkaka-ospital niya, at iyon ay dahil nadagdagan na naman sila ng isang kapamilya.Walong buwan ang nakakaraan nang malaman niyang buntis siya sa pangalawang anak nila ni Ian. Hindi niya malaman ang nadarama niya ng mga sandaling iyon, lungkot at saya ang naghahalo sa kaniyang damdamin habang dinadama ang hindi pa namang kaumbukang tiyan. Gusto niya na matawa nang mapakla dahil naulit na naman ang dinanas niya nang ipinagbuntis niya si Cassey. Ang akala ng dalaga ay nadala na siya sa katangahan niya subalit heto na naman ang pangalawa. Iyon nga lamang sa pagkakataon na iyon ay hindi siya nag-iisa, dahil inalalayan sila ni Raid na hindi umalis sa tabi niya sa walong buwan na nagdaan na iyon. Tandang-tanda pa ni Cassandra nang muling magtapat ng pag-ibig ang binata sa kaniya. "Bakit mo ba ginagawa sa amin ito, Sir Raid?" nagtatakang tanong niya rito
NANG gabing iyon ay kabado pa ang dalaga habang inaalalayan ni Raid papasok sa isang malaking restaurant sa loob lang din ng Quezon City. Nagpa-reserve ang binata roon kung kaya hindi na sila nahirapan pa sa pag-order. Subalit ang malaking pinangangambahan niya ay ang mga palamuting bulaklak sa kaniyang paligid na sinabayan pa ng mga umipormadong musikero sa tabi ng isang lamesa na pangdalawahan lang. Wala rin siyang nakikitang ibang mga customer doon na animo inarkila ni Raid ang buong restaurant. Napalunok siya ng laway dahil nagkakatotoo na ang sapantaha niya. "Oh, Lord, huwag naman sana," tanggi niya sa isip dahil ayaw niyang saktan ang binata. Ngunit nang lumuhod ito sa harapan niya at dinukot sa bulsa ang maliit na box ay bahagya siyang napaatras. Gusto niyang tumakbo palayo roon at iwanan ang binata. Subalit dahil sa dami ng tulong at kabutihang ipinakita nito sa kanilang mag-anak kung kaya hindi niya iyon magawa. "Why? Why are you doing this to me?" mahinang anas ng d
ISANG taon ang muling lumipas na walang natatanggap na balita si Cassandra mula kay Ian.Isang taon na rin siyang lihim na nangungulila sa binata at gabi-gabing inaasam na muling makapiling ito. Gustuhin man niyang hanapin ito subalit maging si Raid na isang detective ay hindi ito mahanap. Paano pa kaya siyang isang ordinaryong mamamayan lamang?Ang tanging magagawa lamang ng dalaga ng mga sandaling iyon ay ang ituon ang pansin sa lumalaking anak na si Rai at ang Cassey. Nang taon ding iyon ay nagpasya nang maghanap ng bagong trabaho ni Cassandra dahil hiyang-hiya na siya kay Raid na walang sawang tumutulong sa kanila. Mabuti na nga lamang na may eksperyensiya na siya sa pagma-manage ng kumpanya kung kaya hindi siya nahirapang makapasok sa isang entertainment company na nakatalaga rito sa Pilipinas bagama't ang main branch ay sa Japan. Kumukuha ng mga modelo ang agency dito sa Pinas upang dalhin sa ibang bansa.Ang tanging trabaho niya ay ang tulungan ang mga aplikante sa daily tr
—Ten Years Later"Cassey, wait for me!" humahangos si Bella habang hinahabol ang papalayong dalaga. "Yeah?" lingon naman ni Cassey rito at hinintay itong makalapit sa kaniya nang husto.Sampung taon nang nakalilipas at dalagang-dalaga na ang batang si Cassey. Mula sa pagiging matalino at bibong bata ay isa na siya sa may magandang mukha sa kanilang Campus bagama't may pagkamisteryosa ang aura ng dalaga na animo may lihim na hindi maaaring ibunyag. Sampung taon na rin ang nakalilipas nang huli niyang makita ang ama na si Ian Ramos. Subalit dahil sa talas ng kaniyang memorya kung kaya kilala pa rin niya ang ama. Maging ang itsura at pananalita nito ay nakatatak pa rin sa kaniyang isipan. "Saan ka pupunta? Nag-aaya si Macky ng hangout sa bahay nila. You know, Macky, ipagyayabang na naman ang magara nilang ‘meynsion’," pumulantik pa ang kilay nito sa huling sinabi. "Tsk! I'm not interested." Rolyo ng kaniyang mata saka tinalikuran ang kaklase."Hey, friend, hindi raw buo ang barkada
Animo pinanlamigan ng buong katawan si Macky sa sinabi ni Cassey. Hindi ito makapaniwala na magagawa iyon ng dalaga rito. Unang pagkakataong maramdaman ng binata ang ganoong ibayong sakit dahil pinalaki sa layaw ito ng ama't ina.Nang abutin ni Cassey ang hintuturong daliri ng binata na ginamit nitong panduro noon sa dalaga ay nahigit ni Macky ang hininga habang titig na titig sa daliring hawak ng dalaga.Pagkatapos ay walang sabi-sabing binali ni Cassey iyon at ang tanging nagawa lamang ng binata ay ang mapahiyaw sa sakit na nadama."Argh! Bitch! I'll kill you, bitch!" banta pa nito na maluha-luha na sa sakit na nadama."Okay, next," ang kalmante namang tugon ng dalaga rito na hinawakan ang palagitnaang daliri ng binata na katabi lamang nang naunang binali niya rito."No! No!" marahas na iling ni Macky na pilit kumakawala sa kaniya."Fuck it, guys! Help me here!" kapagdakan ay tawag na nito sa apat na natutulala pa rin sa mga pangyayari.Animo natauhan din naman ang mga ito na isa-is
Paano nga bang nagawa ni Cassey iyon gayong isang buwan din niyang pinagpasensyahan ang pambu-bully ni Macky at ng mga barkada nito?Simple lang, dahil nakakuha na siya ng weakness ng mga ito.Nang araw na dalhin siya ni Bella sa mansyon ng mga Castillan. Mula sa blusa na suot ni Cassey ay may maliit na hidden camera ang nakatago sa isang butones niya na bigay pa ng kaniyang Uncle Raid.Agad na nakuhanan niyon ang session nina Macky. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nakatayo lamang siya sa harapan ng mga ito upang makuha mismo ng anggulo kung paano hithitin ng mga ito ang marijuana.Sinigurado rin ni Cassey na makukuhanan ang buo pang dahon niyon upang wala na talagang ligtas ang mga ito.Simula nang pagkaisahan ang dalaga sa naturang eskwelahan ay naging gawi na niya ang kuhanan ng video ang bawat bahagi ng dinaraanan niya na animo ay isa siyang personal CCTV camera.Pagdating niya sa sariling kuwarto ay pinapanood niya iyon at inaanalisa kung may nakuhanan siyang magandang magagam
Hindi siya komportable sa pagkakaupo at kapag natatagtag ang jeep ay dumadausdos ang puwet niya sa hita ni Aaron kung kaya muli na naman niyang isisiksik ang puwetan upang hindi siya mahulog. "Damn it, this is so awkward," anang kabilang isip ni Cassey subalit dahil kinakailangan niyang abutan si Uncle Raid sa agency kung kaya tiniis niya ang nararamdaman.Nang mga sandaling iyon ay hindi napansin ng dalaga na kanina na naninigas ang katawan ni Aaron sa pagkakaupo. Animo hindi rin ito humihinga bagama't tuwing uusog siya rito ay pinanlalakihan ito ng mga mata. "Oh, malapit na akong bumaba," kapagdakan ay bulalas ni Cassey nang matanawan ang karatula ng agency ng tiyuhin. Napangiti siya nang malapad at balak sanang magpasalamat kay Aaron kung kaya lumingon siya rito."Thank y..." napahinto siya sa sinasabi nang makita niya ang gulat sa mukha nito at ang nararamdamang matigas sa bahagi ng puwetan niya. Ilang segundo muna niyang inisip kung ano ang nangyayari dito bago gimbal niyang
HINDI pa lumabas ng agency si Aaron at sa halip ay nagtungo siya sa training room na nakatalaga sa loob ng kumpanya.Hindi pa niya nagagamit iyon dahil iyon lamang ang pangalawang pagkakataong nakapasok siya roon.Ang una ay nang mag-apply siya bilang detective doon at ito ang pangalawa, nang tuluyan na siyang makapasok sa naturang kumpanya.Marahan pa niyang itinulak ang pintuan ng training room at nagulat na lamang siya nang makarinig na animo may sumusuntok sa sandbag sa loob.Tuluyan na siyang pumasok sa loob at nakita niya ang pawisang babae na naka-focus sa ginagawa na animo kaaway ang sandbag sa harapan."Ugh!" daing niya nang makilala ang babae.Agad siyang pumihit patalikod dito upang takasan ito.Subalit sa kasamaang palad ay nakita na siya nito bago pa man siya makalabas."Hey, Mr. Vasquez!" tawag ni Cassey sa binata habang pinupunasan ang pawis sa noo.Ayaw sana niyang lumingon dito at magkunwa na hindi niya ito nakita at narinig subalit lalo lamang lalala ang samahan nila
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali