REMINDER
(Amber POV)
"Amber, kumusta ang luto ng Uncle mo? Pinaghandaan niya talaga yan para sayo." Ngiting sabi ni mommy.
Nasa hapagkainan kami nina Uncle Van,Harry at Mom. Si Vaz lang ang wala.
Ayaw nga talaga ni Vaz na nandito kami. Halata naman.Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sagutin si mom.
"It's super delicious mom. Thankyou so much for the food Uncle." Ngiting sambit ko tukoy ang pagkain."How about this place Amber,your room? Hows your sleep? Baka may gusto kang ipadagdag o ipabago." Ngiting tanong ni Harry.
"This place is lovely. My room is super comfortable. Kaya napasarap ang tulog ko." Sagot ko tapon ng tingin ang wall clock.
7 am. 8:30 ang pasok ko kaya may oras pa."That's good. Mas okay sana kung kasabay natin si Vaz kumain." Sambit ni Harry.
Yeah, but he seems na di niya gusto ang presence ko.
"Hayaan mo na ang kapatid mo. Baka naninibago lang na may makakasabay na tayo." Sabi ni Uncle Van.
Napatingin ako kay mom. Masaya siya at umaliwalas na ang mukha niya. Nag-iba na Ang awra ni mom. Mukhang gusto niya ang lugar na to, mahal niya si Uncle Van at mukhang mahal din siya neto.
Isn't it too early to say? Bago pa kaya siguro ganon sila kabait, baka kapag tumagal na biglang mag-iba ang ugali nila.
"Mom, Uncle, kailangan ko nang pumasok kaya di ko na kayo matutulungan sa pagliligpit." Ngiting paalam ko.
"Don't worry Iha, kaya na ng mga maids natin to. Baka malate ka na." Sagot ni Uncle.
"Salamat po sa masarap na pagkain." Sabi ko at tumayo na.
"Thankyou too Amber." Ani Uncle, todo ngiti naman si Mom.
"Get ready and Manong will drive you." Ani pa ni Uncle.
Ngumiti lang ako at humakbang na.
"I'll drive her to her school dad." Ani Harry at tumayo na.
"No,no thanks Harry. Mas malayo ang school ko saiyo." Kako.
"It's fine. 10 am pa pasok ko.Lets go." Ani Harry hila ako papunta sa hagdan.
Napangiti na lang ako.
"May kukunin lang ako sa kwarto ko." Ani Harry pagdating sa harap ng silid ko.
"Sige, kukunin ko lang din ang gamit ko." Kako at pumasok na ng silid ko.
Pulutin ko na sana ang bag ko nung may kumatok sa pinto.
"It's me, Vaz. May I come in." Ani Vaz sa labas.
Si Vaz? Anong kailangan niya?
Binuksan ko agad ang pinto at tumambad saakin ang napakatangkad na si Vaz at mamasamasa pa ang buhok.
Dahan-dahang pinagmamasdan ako ng mga mata niyang kulay light brown, bumaba ang paningin niya papunta sa katawan ko bago bumalik sa mukha mo. For once in my life, wala akong pakialam kung maganda ba ako tingnan o hindi, ngayon lang ako parang nanliit dahil sa tingin niya. Ang puti kong uniform ay medyo masikip kaya alam kong hulma ang aking mga suso, at kurba ng katawan ko.
Nagmamadali nga akong maka-alis para di siya makasalubong, pumasok naman siya sa kwarto ko.
Sa totoo lang gusto ko ang mukha ni Vaz.
Alam kong mali kakatangahan na maakit sakanya kase may boyfriend ako, pero tumatalon ang puso sa tuwing naririnig ko siya o sa tuwing nararamdaman ko ang presensya niya.O baka ganyan talaga kapag alam mong binabaliwala at ayaw sayo nacha-challenge ka.
Pero kung tutuusin iba siyang lalaki, di tulad ng ama at kapatid niya. Para siyang isang lalaking cold at mukhang mayabang.Balita ko may girlfriend na siya."Kailangan ko nang pumasok. May kailangan ka ba?" Sabi ko umatras ng konti.
Tinitigan lang ako nito.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko uli. Nagmamadali na kase ako at baka ma late pa ako.
Nagulat ako nung tinulak niya ako papasok ng silid ko nilock ang pinto at hinarap ako.
Napaatras ako nung humakbang ito papalapit."What is it you want." Natatakot na sambit ko.
Nagulat ako nung hinablot ako nito at napapikit nung diniin niya ako sa dingding.
"Why did you come here!" Matigas na tanong niya.
Obvious ba?
"I'm here for my mom!" Nanginginig na sagot ko."Liar!" Diin niya. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa mga balikat ko at ang lapit ng mukha niya saakin. Di ko alam Ang mararamdaman ko kung mamangha ba ako sa kagwapuhan niya o matakot sa pinapakita niyang katapangan!
Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa mukha ko.
"If you do something wrong, I'll shout!" Banta ko sakanya.Tiningnan lang ako nito.
"I'm serious! Let me go!" Diin ko.Di ko mabasa ang nakikita ko sa mga mata niya, panghuhusga ba, pangmamaliit o pagkamangha.
Parang gusto ko tuloy maiyak!Napabuntong hininga ito nung tumunog ang phone ko.
"Magingat ka kay Harry!" Bulong ni Vaz bago ako bitawan at humakbang palabas ng silid ko.
Napahugot ako ng hininga. Kinabahan ako dahil sakanya!
Ako? Magingat kay Harry? Mas malayong mas mabait si Harry kesa sa kanya. Mas nakakatakot nga siya! Pero bakit niya sinabi yon? Babala ba yon? Pero bakit?
Naguguluhan na ako.Napatingin ako sa phone ko.
=Rhyz Calling=
Ang boyfriend ko pala tumatawag.
"Hello Rhyz?" Sagot ko ng cellphone.
Niyakap ko pa ang sarili ko dahil nanginginig pa ako sa takot dahil kay Vaz.
"Nasa school ka na ba?" bungad ni Rhyz.
"Papunta palang ako, bakit?" Tanong ko ayos ng sarili.
"Ah ganon ba, nandito kase ako sa bahay niyo para sunduin ka pero walang tao at nakakadena ang gate at pintuan. Lumipat na ba kayo? Saan?" sunod sunod na utal ni Rhyz.
"Mahabang paliwanag, sa school ko na lang ikwekwento sayo ha." Sabi ko. Nakalimutan ko papalang sabihin sakanya na lumipat na kami.
"Okay, okay see you then."
"See you."
"Take care. I'll wait you here."
"You too Rhyz. Bye"
"Bye."
Pinatay ko na ang phone at nilagay sa bag.
Kinarga ko na ang bag ko at lumabas na ng silid.Kailangan ko si Rhyz at Paige ngayon. Kailangan ko ng kausap. Tama ba tong pamilya na pinasok namin?Lumabas na ako ng silid.
"Shall we go?" Tanong Harry na nasa gilid pala ng pinto.Nakakagulat naman!
Napatingin ako sa kanya.Bakit nasabi ni Vaz na magiingat ako sa kapatid niya? Mukhang harmless naman tong si Harry. Baliw na yata yong si Vaz. Haist.
Humugot na lang ako ng hininga at bumaba na ng hagdan. Nasa likod ko si Harry.Pagkatapos magpaalam sa mga magulang namin nakisakay na ako kay Harry dahil ihahatid daw ako nito sa school.
Nasa garage din si Vaz may dinidikit sa kotse niya.Di man lang kami nito tinapunan ng tingin hanggang sa nakaalis na kami.Sa daan papunta sa school ko tahimik lang si Harry at kapag napapatingin ako sakanya ngumingiti naman ito.Naguguluhan tuloy ako sa sinabi ni Vaz na magingat ako kay Harry. Kainis!Nadaanan pa namin ang Crown University kung saan nagaaral sina Harry at Vaz.
Mas malapit kase ang school nila sa bahay kaysa sa school kong Williams University......
(Minutes later)
"Sunduin kita mamayang uwian. Hintayin mo ako." Sabi ni Harry, pagkababa ko ng kotse niya.
Di pa man ako nakasagot pinaharurot na neto ang sasakyan niya.Arghhh ano kaya yun? Weird!
Napatingin ako sa mga estudyanteng kanina pa nakatingin saakin.
Dumeretso na ako sa loob ng school building, umakyat papunta sa room ko na nakatungo lang.8 am pa. May half hour pa ako.
Tumunog ang phone ko.
"Nasa rooftop ako, beb." Message from Rhyz.Napailing na lang ako at sumakay ng elevator papuntang rooftop.
Pagdating doon nakita ko agad si Rhyz nakatayo nakatingin sa baba."Hi." Bati ko sakanya.
"Ow hi beb, you are here. I have something for you." Sambit niya angat ang isang cute na bote.
Ang ganda ng mukha ni Rhyz dahil nasinagan ng araw. Medyo mahabang tuwid na kulay itim na buhok. Matangos na ilong, ang maninipis pero mapormang mga labi.
"Here beb, sweetened squash. You'll love this one. It's healthy and delicious. Try it." Sabi niya bukas ang maliit na boteng may dessert.
"Here, try it."
Sinubuan pa ako nito."How was it?" Ngiting tanong nito.Tumango tango lang ako. Napatingin ako sa bote. May pangalan.
From: Sophie.
To: Rhyz.Sabi ko na eh galing sa admirer niya. Laging napupunta sakin lahat ng mga bigay ng admirer niya.
Kapag kasama ko si Rhyz ang gaan ng pakiramdam ko. Palagay ko kami na talaga siguro."Are you alright? Mukhang distracted ka!" Tanong niya lapit ang mukha saakin kaya naginit ang mukha ko.
"You okay? You're so red." Tanong uli nito haplos ang ulo ko.
"Stop patting my head." Sabi ko pigil ang kamay niyang ginugulo ang buhok ko.
"Ow youre such a teasable girl my Amber." Sambit nito pigil ang mga balikat ko.
Naalala ko tuloy si Vaz!
"Yeah I am." Yoko ko tago ang namumula kong pisngi.
"Lets kiss." Biglang utal ni Rhyz kaya napaatras ako.
"WHAT!? I dont want to!" Sambit ko.
"Di mo naman kailangang magpakipot. Boyfriend mo ako at ang halik ginagawa talaga ng magkarelasyon." Sabi Rhyz.
"Napagusapan na natin to." Sabi ko.
Bumutong hininga si Rhyz at lumayo saakin.
Tumunog ang bell.Tahimik lang kaming pumunta sa room namin.Sorry pero di pa talaga ako handa sa ganonh bagay.
<Fast Forward>
Mabilis natapos ang klase at uwian na.
Mukhang nagtampo si Rhyz dahil di ako kinikibo. Si Paige naman absent kaya wala akong napagkwentuhan.Tumuloy na ako sa parking, naalala ko kasing susunduin ako ni Harry. Baka nandoon na siya.
Pagdating sa parking may kaguluhang nangyayari.Sumilip ako at nakita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila.Lalaking nakasandal sa kotse niya at nakasuot pa ng uniform ng ibang school.Para siyang superstar pinagkakaguluhan!
Nagulat ako nung lumingon ang lalaki at napagtantong si..Si Vaz, suot pa ang uniform ng C.U. at nasa parking ng W.U.
Anong ginagawa ni Vaz dito?! Saan si Harry?
...
MY PERFECT EVIL BROTHER(Vaz POV)"Vaz, after this we will go to karaoke with some girls,okay?" Sabi ni Tobby habang nagaayos ng mga papers ng estudyante ng C.U., parte kase kami ng student council kaya kami nandito ngayon sa room of files."I'll go if there will be some beauties!" Sagot ko umupo ng maayos sa bangkong nandoon."Maraming magaganda at cool na babae doon matiwala ka! Paano, sasama ka?" Dagdag pa Tobby umupo sa tabi ko.I sighed."I'll go.""Good then! Lets finish this soon, para makaalis na agad tayo!"I hate home, that is why I spend almost my whole day and night outside.I don't like the atmosphere in the house, naalala ko lang ang mommy ko at palagi kong nakikita ang perpekto kong kuya!5 years ago, ako ay ang perpektong anak,estudyante at bunsong kapatid.Palaging nasa taas,matat
DOUBTS(Vaz POV)Binalot ko ng coat ko si Amber at inalalayan papunta sa gilid ng kalsada. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba pero di ko ito pinahalata sakanya. Pinilit kong huminga ng maayos at iniwasang indain ang hapdinng mga galos ko sa siko at kamay.Si Amber tulala ito at di nagsasalita, nanginginig ang tuhod nito at mga daliri.Pagdating sa gilid ng kalsada.Hinilig ko ang ulo niya sa dibdib ko."It's fine. You're safe now." Bulong ko sakanya habang haplos ang buhok niya. Ramdam ko ang panginginig ng laman niya.Nagulat ito kaya tinulak ako. Napailing na lang ako. Siguro takot siya saakin.I just want her to feel safe. I'm here, ready to protect her.Kinapa ko ang phone ko sa bulsa at mabuti kasi buo pa. Di ito nabasag dahil sa pagtalon at pag gulong gulong ko kanina.Dinial ko agad ang number ni Tobby. Damn, muntik na kaming mamatay!Nakatatlong ring bago ito na sagot. Naiintindihan ko dahil
Scary Harry(Amber POV)Naawa ako kay Vaz, dahil alam kong napuruhan ang kaliwang balikat niya dahil ito ang unang bumagsak at lumapat sa lupa nung tamalon kami galing ng kotse niya, di man lang niya ito ininda at siguro tiniis niya lang ang sakit.He looks like a brave man. Di ko naaninag sa mukha niya ang ano mang takot o sakit. Lalo lang tuloy akong nailang sa sobrang lakas ng charisma niya bilang lalaki.***Nagulat ako nung pagdating namin sa bahay bigla na lang sinugod ni Vaz si Harry.Pinilit kong maglakad ng maayos kahit masakit ang sugat sa tuhod ko, dahil ayaw kong malaman ni Mom at mag-alala pa siya.Wala din naman akong alam tungkol sa alitan nila, siguro nagalit si Vaz dahil siya ang inutusan ni Harry na sunduin ako. Kaya nasira ang kotse niya.Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang laman ko. Ano ba kaseng nangyare sa
Hero Twice(Amber POV)Nagising ako sa lamig na naramdaman ko. Napansin kong nakahiga ako sa malambot na bagay. Ang lamig ng pakiramdam ko. Minulat ko ng maayos ang mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag ng ilaw. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko at parang namamaga. Napansin kong nasa isang pamilyar na silid ako."Vaz?" Tawag ko. Alam kong si Vaz yon. Ang boses na yon ay pamilyar sakin nong tawagin ang pangalan ko.Napansin ko si Vaz sa isang sulok.Nakaupo siya nakaharap sa glass wall nakatingin sa baba. Anong oras na ba? Saang lugar to?"Okay ka na ba?" Baling nito saakin.Dahan dahan akong bumangon at binalot ang sarili ng kumot."Salamat!" Sambit ko. Hindi ko alam kong anong mangyari saakin doon nung nahimatay ako sa gitna ng kalsada kung di dumating si Vaz.Damn!Nanumbalik na naman sa isipan ko ang ginawang kataksilan ni Rhyz at Holly. Napapikit ako. Ang skip ng dibdib ko at ang hirap huminga.
Always A Hero(Event Area)I stopped right beside Vaz.He put his hands in his pocket at palingon lingon, parang may hinahanap.Inayos ko ang gown ko at yumuko upang ayusin din ang heels ko."You need help?" baling ni Vaz saakin."No need. I'm okay." Nahihiyang sagot ko. Masyado ko na yata siyang nagulo at inabala. Mula sa pagsundo sakin galing kina Rhyz at pag-asikaso sakin sa hotel.I finally stood straight in the vertically and challenging high heels. Humakbang ako para hanapin si Mom nung biglang natapilok ang kaliwa kong paa dahil sa high heels. Damn!Buti di ako na-out balance para kasing nakahanda ako at alam kong matatapipilok ako. Minsan talaga malakas ang pakiramdam ko.Maagap akong sinalo ni Vaz. Kasabay ng pagtugtog ng isang kanta, napatingin ako sa mukha niya. Parang tumigil ang lahat, pakiramdam ko kami lang dalawa sa gitna ng nagliliwanagang mga ilaw at malamyos na musika.I scooped in a q
HelpAMBERUmalis lang pala kami ni Vaz papunta sa isang mall para ibili ako ng magkomportableng heels at di na ako mahirapang maglakad. Pagkatapos bumili ng mas komportable at mababang heels ay bumalik na kami ni Vaz sa RH para makisali sa event.Nagtatago lang ako sa likod ni Vaz dahil di ko talaga kayang eenjoy tong event na to.Masaya kaming ipinakilala ni Uncle Van sa lahat. Sa malalaking screen ay makikita mo ang mga mukha namin ni Mom. Nakakahiya man ay umakyat pa ako ng stage para samahan Sina Mom, Uncle Van, Vaz at Harry. Sa kasamaang palad ay kasama ring umakyat si Holly. Ang kapal talaga ng mukha. Napasinghap na lang ako at hinitay kung kailan pwedeng umalis at lumabas.Nanghihina kase ako, nalulungkot at parang magkakasakit. I'm sad and broken.(8 pm)Matapos maipakilala ay lumabas na ako ng hotel para makahinga.Nakasunod naman saakin si Vaz. Halatang ayaw niya rin sa loob at nakikita kong ayaw niyang masapawan
Another Bitch Another Bitch. (Amber POV) Dahil sa mga kaluskos at ingay galing sa kung saan ay naalimpungatan ako. Ang sakit ng ulo ko at ang init sa pakiramdam.Hinilod ko ang mga mata ko upang maaninag ang paligid. "Amber, saan ka?""Amber?""Hanapin niyo si Amber at si Vaz!" Naririnig kong boses mula sa kung saan. Di ko alam kong kay Mom ba yon or sa staffs. Oh baka nabibingi lang ako. Napansin kong nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa parang mainit at matigas? Napatingala ako nung makita ko ang mukha ni Vaz. Napansin ko rin na nasa isang silid kami. "Vaz?" Sambit ko. "Shhhhhhh, quite baka marinig ka nila." Bulong neto. "Teka, bakit ba tayo nagtatago dito?" "Gusto mo bang makita ka nila sa lagay na yan? You look messy." Puna niya. Mukha nga akong bruha at sabog, dahilan siguro ng gamot na pinaamoy saakin ni Rhyz. "Hinimatay ka kaya kita tinago dito. Maraming tao s
With Him Alone (Amber POV) Dali dali akong lumabas ng library dahil ayaw kong maging dahilan ng away nina Vaz at Chloe. Deretso na agad ako sa kwarto ko at tumalon sa kama I pull my blancket at binalot ang sarili. I really should have come in the library. So much embarrassment. Nakakahiya ang mga kinikilos ko. Sana di nagalit si Chloe. Wala naman akong problema sa mga babae bukod sa kagaya ni Holly, pero iba din kase ang datingan ng Chloe na yon. Para din kaseng kumirot ang puso ko nung malamang siya ang girlfriend ni Vaz. I sigh. Tinanggal ko ang kumot sa mukha ko dahil halos di na ako makahinga. Ang lakas pa ng kabog ng puso ko. Lalo na nung nakita ko ang mukha at ang mga mata ni Vaz na nakatingin sakin kanina na puno ng pag-aalala o nagiilusyon lang ako? Sana lumabas na rin ako para mamasyal sa bahay nila Paige. Gumulong gulong ako sa ibabaw ng kama ko na parang baliw kaya lalong nagusot ang bedsheets ng kama ko. Tumayo ako at inayos
(Amber POV)Our honeymoon is like a dream, nasa isang bahay kami sa resort na binili ni Vaz. I would never forget my wedding to the most amazing, gentle, caring and handsome man in the earth.Vaz was more than I ever imagined. He knew how to make me feel so desired, love and cherished.I watched a pair of cute birds running in the side of the beach. The sand so nice, the water so calm and the breeze of the air is so relazing it feels like I'm in a paradise!Nakaupo lang ako sa may bench habang pinapanood ang mga ibon na masayang nagliliparan.Sobrang laki na ng tyan ko parang balloon na malapit ng pumutok. Hinimas himas ko sa may pusod ko banda para maramdaman niya at sumipa. Dahil gusto namin ni Vaz na masurprise nung nagpacheck up ako kinausap namin ni Vaz ang doctor na wag sabihin sa amin ang gender ng baby namin. Pareho kaming weird!My baby been active all night, and I loved feeling his every move in me. Every kick he gave me a burst of
Get So Lucky6 months Later(Vaz POV)I married Amber a month later while her stomach was slightly swollen from our unborn baby.Watching Amber walk down the aisle filled me with such joy, excitement and love. Tobby stood beside me as he waited for my love to come to me."Are you sure about this?" Tobby asked. "What if,..... nevermind." Tobby stammered."There's no turning back. Ito ang matagal ko ng pinapangarap,""I'm not backing away. She's my everything, my only love. My only dream," sagot ko at hinanda ang sarili para sa papalapit na si Amber kasama si Paige. Naiiyak ako pero wala ng luhang nais
This Is Home(Amber POV)"You should open the door," utos ni Vaz.Napasingkit ang mga mata ko. Naeexcite at natatakot ako. Iwan ko ba.Sino kaya ang bisita?Napailing na lang ako at naglakad papunta sa pinto.Baka delivery lang to.Binuksan ko agad ang pinto at...."Paige!?" Laking gulat at tuwa ang aking naramdaman nung makita ang bestfriend ko.Damn!Akala ko talaga magtatagal sila ni Ben sa lugar kung saan dinala si Paige para gamutin.Gosh I miss her so much."How are you my dearest. God, I miss you so much," wika ni Paige sabay yakap saakin ng mahigpit."My heaven I'm fine and I miss you so much too. Bakit ngayon ka lang dumating? Sobrang na miss kita," nangingilid ang luhang usal ko."It's going to be a
Double Blessings(Amber POV)"Aren't you feel cold?" Tanong ni Vaz kakalabas lang galing ng banyo.Napatingin ako sakanya."Should I raise the temperature!" Tanong niya uli turo ang heater."Nope, a little service will do," nakangiting usal ko.Napangiti naman ito at siningkitan ako ng mga mata.Humakbang ito papalapit saakin."Service from me?" Bulong nito halik ang pisngi ko.Tumango ako.Binuhat agad ako nito mula sa upuan at binagsak sa kama."Today, you'll be eaten," wika niya bago kinabig ang mga labi ko."Vaz," usal ko nung halikan niya ang leeg ko.Napahawak ako sa mamasa masa niya pang balat."Amby, I want your everything," bulong nito."Since a long time ago, I've been completely yours. So please don't leave me alone again," bulong niya pa."I'd never leave you again," nginitian ko siya at hinalikan.Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at ginantihan
(Amber POV)9 am.Nakaupo lang ako sa sofa pinapanood si Vaz habang nagaayos ng sout niya. Papasok ng opisina para sa ibang branching at sa inaasikaso niyang mga papeles.Today Oct 12 xxxx is Vaz's birthday.Pero wala parin siyang sinasabi saakin kung anong gagawin niya ngayon. Nakakahiya kase kausapin ang isang to. Iwan ko ba pagdating kay Vaz at talagang napakamahiyain ko. Tsk bahala na.Lumunok muna ako ng tatlong beses at huminga ng malalim bago magsalita."Vaz, is there something you want to do for your birthday?" Tanong ko sakanya at umayos ng upo."Ahh hmp, no need to fuss about it Amby. Sanay akong di nagcecelebrate ng birthday ko mula noong nawala sa Mom," sagot niya nilingon ako."Hindi yon tama, dapat kasi naghanda na tayo para sa ngayon. Nga pala may regalo ako sayo," sabi ko dukot ang isang sobre sa ilalim ng mesa pero nagaatubili pa akong ibigay sakanya. This gift is so lame. I know it!"Oh, talaga? Akin na
The Key(Amber POV)"Akala ko ba ihahanap natin ng kasama si Vazzy?" Pinigil ko ang braso ni Vaz."Yeah but, I have a baby down here, he is lonely too and he is standing straight up right now," reklamo nito turo ang nakaumbok na hinaharap.Napailing ako."No, this is the only free day of yours so lets go get Vazzy his mate," bulong ko bago ko siya tinulak para makababa na ng hagdan.Napasimangot siya pero tumalima naman.Kinakabahan na ako, pero masaya ako dahil di siya namilit at uunahin parin si Zy. Mukhang magiging okay na ang lahat.Sana nga.***"What?! Are you kidding me? A bullmastif? You want me to search a lion?" Di makapaniwalang bulalas ni Nigel."Hey, bullmastif looks like a lion but they're dogs," sagot naman ni Vaz sakanya. Nasa opisina niya kami at magpapatulong sana kung saan hahanap ng bullmastif na babae para may makakasama ang alaga naming si Vazzy.Napahawak si N
Saved Paige(Amber POV)"Nakapagusap na ba kayo ni Paige?" Tanong ni Vaz hawak ang kamay ko."Usap about what?" Nagtatakang tanong ko."Di niya parin ba sinasabi sayo?""Ang alin ba?" Medyo kinakabahan ako sa tono ng pananalita ni Vaz.He sighed."Tsk si Paige talaga. Alam kong ayaw ka niyang magalala kaya siguro di niya pa sinasabi sayo," dagdag niya pa dahilan ng pagtataka ko pa lalo."Ang tungkol saan ba?" Kinakabahan na ako."Tungkol sa sakit niya,""Ah yon ba? Magaling na siya, nagpagaling na siya at nakapagpahinga na. Fatigue daw yon sabi niya kailangan lang ng pahinga," sagot ko."You are wrong Amby, kaya siya umuwi sayo dahil gusto ka niyang makasama, walang makakagamot sa sakit niya sa lugar na pinuntahan nila. Kaya siya di nagpakita sayo pagkabalik mo ng Cordova City dahil na confine siya at ayaw niyang sabihin ko sayo. Mas gusto ka niyang kasama kaya siya bumalik dito akala ko nga gum
Teaser(Amber POV)Arghhh ang silaw ang init.Hinilod ko muna ang mga mata ko bago minulat. Nakabukas ang malaking kurtina ng silid kaya ang sikat ng araw ay lumapat sa mukha ko.Mukhang tanghali na. Nahagip ng mata ko ang wall clock.8 am.Kaya pala pumasok na ang init sa silid dahil mataas na ang araw.Gumulong ako at napansin na katabi ko pala si Vaz mahimbing na natutulog sa tabi ko.I sighed at tinukod ang siko sa unan para mapagmasdan ng maayos ang gwapo at maamong mukha niya habang natutulog.Tinitigan ko ang mala anghel niyang mukha. Napangiti pa ako ang cute niya talaga. It's been a long time mula noong nagkasama kami sa kamang ito.Anong oras kaya siya umuwi kagabi?Hindi ko siya natitigan ng ganito katagal mula nung aksidente kahit ilang araw na kaming magkasama dahil nahihiya ako sakanya.He is really handsome. His lips parted a little and his lashes are sparking because of th
He Has Changed(Amber POV)I had no idea that I was this weak when it comes to Vaz.Nung nakaraang gabi pinuntahan niya ako sa apartment at dinala dito sa bahay niya mabilis naman akong sumunod. Iwan ko ba, parang naging sunod sunuran Ang puso at isip ko sakanya mula nung naaksidente siya. Kasalanan ko kase talaga yon. Guilt really eat all of me.Nakiramdam lang ako sakanya habang nagbibihis yata para pumunta ng opisina. 8 am. Ayaw kong imulat ang mga mata ko at nagpanggap na tulog.Di ko talaga alam kong ano ako sakanya, sa ngayon di ko alam kung bakit niya ako dinala dito sa bahay niya pero wala naman siyang ginawa.Naramdaman ko ang pagsampa niya sa kama at paghawi niya ng buhok ko."Amby, stop pretending that you'are asleep," bulong niya halik ang puno ng tenga ko.Arghhh, am I that obvious?!Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at hinarap siya. Napalunok ako dahil ang fresh niyang tingnan. Bago