"ETHAN, SIGURADO ka pa ba diyan sa ginagawa mo? Pre, kamukhang-kamukha nga ni Issiang iyan si Aiah pero hindi pa rin iyan si Enie."
Nakatayo ang dalawa malapit sa bintana ng kwarto kung saan piniling dalhin ang dalaga. Hindi ito isang tipikal na hospital bagkus isang lugar kung saan namalagi noon si Aiah sa ilang taong wala siyang malay.
"Of course, I know she is not Enie. She loves the sun. Ayaw niya ng dagat kaya siguro nahilo siya kanina.” He tried convincing himself. “Kalat din siyang tao, hindi tulad ni Enie na organisado."
Ano nga bang laban ni Aiah kay Eniessia? Kung nabubuhay ito ngayon, siguradong hindi na naman siya makikita ng maraming tao. Subalit hanggang ngayon pa rin naman, nasa anino pa rin siya ng kahapon.
"Tapatin mo nga ako, Ethaniel," Seth uttered seriously. "Pinagpapalit mo na ba talaga si Issiang diyan kay Aiah?"
Napalunok si Ethan. Ni hindi niya pa rin masagot ang katanungan ukol sa pagkakahati ng puso niya. Bagaman may
2027. ETHAN CAME TIRED from work. It was an emergency call from his engineering firm saying that they had an investor problematic about their partnership, which made him fly back to Manila. Naiwan niya sa isla ang kaniyang pamilya at iilan nilang mga kaibigan na abala sa pag-aayos ng pagdiriwang ng kapanganakan ng kaniyang anak. “Are you okay?” mahinahong tanong nito sa kaniya. Napalingon siya rito nang maupo sa sofa at pinagmamasdan ang kagandahan ng kaniyang asawa. Lumapit ito sa kaniya at marahang hinaplos nito ang kaniyang likod. “I am fine, Agape,” he said unto his wife. “Pagod lang ako dahil sa nangyari sa Manila.” “Anong nangyari?” mahinhing tanong nito. Ginawaran siya nito ng marahang masahe sa likod hanggang sa napapapikit na dahil sa antok. Gabi na nang marating niya ang isla, ika-labing isang araw nilang pamamalagi sa lugar. “At first, of course it was not good pero nadaan naman sa mabuting usapan,” mahina n
“PAANO NA AKO NGAYON?” Iyon ang naging tanong ni Aiah habang tinutulungan siya ni Anne na ayusin ang mga gamit na dinala sa ospital. “Paano ko pakikisamahan si Raius?” ‘Suntok sa buwan’ ang pakiwari ni Aiah sa kaniyang gagawin. Kung ang pakisamahan nga ang VESTIGE at ang AL ay nahirapan siya at tumagal ng higit dalawang taon, paano pa kaya ang pakisamahan ang ngayon niya lang muling nakilala? “Aiah, I am clueless as well, but knowing that Raius was your fiance, marami na kayong napagsamahan kaya mas magiging madaling maibalik ang dating kayo,” katuwiran nito nang mailagay ang huling gamit ni Aiah. Napabuntong-hininga na lang siya habang pinapanood ang dalaga. Kung siya ang tatanungin, lalong mahirap ibalik ang nakaraan gayong masyado silang malapit sa isa’t isa noon. Their closeness doesn’t define how possible they could be together again. “Hindi madali iyon, Anne,” malungkot niyang ani. “Being together again with someone I cannot remember is fixing m
HINDI INAKALA ni Aiah na tinabihan niya kagabi ang lalaking minsan na niyang minahal, sabi nila. Himala ring wala siyang napanaginipang masama kagabi o kahit anumang may kaugnayan kay Enie. Mabuting tao si Raius, gustuhin ng kababaihan kung tutuusin. His eyes are something that will definitely magnetize women. Marahil ito ang nagustuhan niya rito noon. Subalit may kulang sa kaniya na patuloy na hinahanap ni Aiah – ang pag-ibig. Hindi niya iyon makita sa mga mata ng binata. Aiah cannot imagine how she was able to love somebody like Raius. He is too perfect for her flawed love. Tila ang isang tulad ni Raius ay minsan lang magmamahal subalit ibinibigay ang lahat. She can clearly sense that the moment that their eyes met. Nakita niya rin iyon sa mga larawan nila noon. She just wishes that she will be able to give equal or more than what he can give to her. “You slept beside me last night.” It was nonchalant. “Hindi ko napansin na pumunta ka pala sa kwarto ko kaga
ISANG TASA NG KAPE ang kadaupang palad ni Aiah habang isang balot naman ng pan de sal ang hawak niya sa kabila. Hindi gaanong maayos ang tulog niya kagabi dahil magdamag niyang inisip ang mga nangyari sa pagitan nila ni Raius. Tuso ang kausap niya kahapon. Maingat ito at hindi basta-bastang namimigay ng sagot sa kaniyang mga katanungan. O baka talagang nasa harap na ni Aiah ang mga sagot at kailangan niya lang unawain at buksan ang kaniyang mga mata para makita ang katotohanang iyon. “Yes, Tita, I am trying my best to persuade her to accomplish it…” Aiah can clearly hear Raius talking over the phone. Naroon ulit siya sa hardin kung saan niya ito nakita kahapon, may kausap, at tila ba seryoso sa kaniyang tinuturan. “You can rely on me. I promise.” Pinagsawalang-bahala niya ang mga narinig. Saktong narating ni Aiah ang labas ng bahay nang matapos ang tawag ni Raius sa telepono. Agad itong napabaling sa kaniya at himalang nagliwanag ang mukha.
IT WAS ANOTHER MORNING for Aiah in de Villenas’ house. Wala naman siyang ibang ginagawa roon kundi ang matulog, gumising, kumain, maglakad-lakad sa buong bahay, at makipagbardagulan kay Raius. She is trying to be civil with him but it seems like he just gets deeper into her nerves. Bihira lang yata siya nitong hindi asarin. Maliban doon, na-receive niya na rin ang papeles tungkol sa pagkawala ni Elio Oliveria. Just like what other people tell her and just like what she believes, it is a hopeless case. Malinaw na nakasaad sa mga papeles kung paano ito namatay papunta sa isang kasal. The Oliverias were few of the guests and while in their way to the parking lot, they did not expect an ambush. Saglit lang na lumabas si Miss Jed ng kotse upang tingnan kung ligtas na makalalabas ang mga naak niya subalit inulan sila ng bala bago pa man makapunta sa kasal. Inilabas ni Miss Jed si Enie at nang si Elio na ang kukunin, biglang sumabog at nasunog ang sasakyan. Mainit
BUONG ARAW SIYANG PINAGSILBIHAN ni Raius kahapon. To her surprise, nagbago ang timpla nito matapos ang maliit nilang away noong umaga. Raius is becoming a little sweet to Aiah. Ramdam niya iyon. There are instances in her stay in his house that Raius will just make her feel special. Ngayon niya lang na-realize ang lahat ng iyon. On the other hand, hindi niya alam kung bakit kinakagat niya ang pa-sweet gestures in Raius. She caught herself cooking breakfast for him! Halos alas onse na rin ng umaga at hindi niya pa ito nakikitang bumaba para kumain. He just stays in his room so might as well be good to him and bring him some late breakfast and early lunch. “Knock, knock!” aniya habang sinusubukang ipangkatok ang kamay niyang may hawak na tray. “Raius?” Ilang segundo ang lumipas nang pagbuksan siya nito. He seemed surprised seeing Aiah holding a brunch for him. Nagkatinginan at napapikit-pikit pa silang dalawa. “I-I prepared som
WALANG NAKUHANG SAGOT si Aiah mula kay Raius. He didn’t even say ‘no’ to her. She didn’t even bother to ask again either. Basta, kuntento na siyang ganoon ang turing sa kaniya ng binata. She had no issues about it. Nagpaalam kanina si Raius na may pupuntahan na agad naman niyang hinayaan. He is free to do whatever he wants though. Ano namang karapatan niya maliban sa pagiging alleged fiancée nito? And it was seven in the evening when she decided to freshen up. Napapaltik na lang siya nang mapagtantong walang tubig na lumalabas mula sa gripo sa kusina. Gaya ng nabanggit ni Raius noong nakaraang linggo, madalas na mawalan ng tubig sa isla dahil hindi pa napapagawa ang bagong water supply system ng Nayon Kinahidlawan. She had to go upstairs, in Raius’ room. Ang banyo lang sa second floor ang sakop ng tanke ng tubig ng bahay at alam naman niyang maiintindihan naman nito kung makikiligo siya roon saglit. She better just be quick. Wala naman doon si Raius
WALA SI RAIUS sa kaniyang tabi paggising sa umaga. Parang ganito rin ang dinatnan niya noong unang beses na nagtabi sila subalit ngayon, tila may pakialam na ito sa kaniya. Kinumutan siya nito at pinaligiran ng mga unan. Hindi maiwasang mapangiti ni Aiah. She feels like Raius starts to care more about her. Gusto niya sanang simulant ang bawat umaga nang ganito. Indeed, a good way to start her morning. Tila biglang hinanap ng sistema niya si Raius kaya agad siyang bumangon at inayos ang higaan. Pagkabukas ng pinto, nabato na lang siya sa kinatatayuan nang tumambad doon ang binata. Halos bumangga pa siya sa d****b nito. Lalo siyang kinilabutan dahil wala itong pang-itaas at tanging cargo pants lang ang suot. Ayaw na lang niyang magkasala kaya hindi niya ito matingnan. “H-Hey,” nakatingala at ilang na bati niya rito. Tiningnan lang siya nito. Napakurap-kurap naman si Aiah. “H-How are–” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad siya n
Hello! Every day updates will resume on January 2022. I will just edit the content to give you a good read and soon be worthy of your payments. Rest assured that this story will remain free to read until further notice. <3 Sobrang napagod lang si Aiah these days. Kailangan niya muna ng pahinga. Likewise, nag-iisip na si Ethan kung babalik pa ba siya para habulin si Aiah or he will just stay with his child and runaway abroad. Syempre, hindi natin kalilimutan si Raius, ang malupet na second lead. Pero hindi natin sure... sino nga ba talaga ang second lead? Anyway, maraming salamat sa suporta at pang-unawa!
“ANG LABO MO namang kausap.” Napakunot ang noo ni Ethan nang marinig na naman ang komento ni Seth. Napatigil siya sa pagtitipa sa laptop at nilingon ang binata. “Hindi ako malabong kausap, Seth.” “Anong hindi?” halos pasigaw nitong turan sa kaniya. “Akala ko ba handa ka nang gawin ang plano natin? Sang-ayon na rin si Trev. Siya na raw maglalapit sa kakilala niyang–” “Wala na akong pakialam ngayon, Seth,” inis niyang sambit. “I thought we are clear that it was just a drunk conversation kaya natin naisip ‘yon.” “Pero,” anito nang magsalin ng alak sa baso at dumekwatro sa couch sa opisina ni Ethan. “There is no harm in trying, right? Isa pa, hindi ka ba curious kung si Aiah nga talaga ‘yon o si Enie?” “Hindi.” “What?” agad na alma ni Seth. The last time they talked about Enie and Aiah, naisip nilang isagawa ang isang bagay na makapagpapatunay kung iisa nga silang dalawa, or at least tell that Aiah is Enie. Matagal nang tumatakbo s
BAHAGYA NIYANG KINUSOT ang mga mata nang maalimpungatan sa matinding sikat ng araw. Agad niyang nilingon ang katabi subalit wala na roon ang anak niya. Surely, Uno is on his way doing something para asikasuhin ang sarili nito. Napatulala na lang si Ethan sa kisame habang walang anumang tumatakbo sa isip niya. He is just tired and probably suffering from hangover. Hindi na niya mapagtanto kung ano ang nararamdaman o kung dahil nga lang ba sa pagkalasing iyon kagabi. He is used to drinking all night, having hangovers the next day, until he felt differently about his routine. Parang tinutubig na lang niya ang alak sa bawat araw na lumilipas. Muntikan na nga siyang dalhin sa ospital dahil sa alcohol intoxication na buti na lang, alam ng kaibigan niyang si Trevor, isang doktor, ang gagawin. Saglit pa sanang iidlip si Ethan subalit na ulabog ang kaniyang ulirat nang may magkalampagang mga kaldero sa labas ng kaniyang kuwarto. Agad siyang naalarma at napabangon upan
“GAGO.” Pagak na natawa ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. “Anong gago, Ethan?” nang-aasar na tanong sa kaniya ni Seth, isang kaibigan niyang kabanda niya rin. “Trivial lang naman ang tanong ko sa ‘yo kanina.” Tumayo ito at inabot ang bote ng alak bago salinan ang sariling baso. “Ano lang naman ang gagawin mo kung si Enie nga si Aiah tapos nagse-sex na sila ngayon ni Ra–” Isang maliit na baso ang lumipad at tumama sa pader na halos matamaan si Seth. “Tangina. Imposible.” Agad na nilagok ni Ethan ang rum na diretso mula sa bote nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ng asawa. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang masaksihan niya ang unti-unting pagtupok ng apoy sa kinalalagyan nitong sasakyang nahulog sa bangin. Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin siya dahil wala man lang siyang nagawa upang mailigtas ito. Ginusto niyang habulin ang sasakyan pababa. Ginusto niyang babain ang bangin upang tulungang makalabas si En
HINDI MAGPAPATALO SI AIAH sa mga katulad ni Raius na palagi na lang ang sariling kagustuhan ang nasusunod. She knows herself that she will never give up on people like her ‘fiancé.’ Ngayong gabi, siya naman ang masusunod. Iyon na nga siguro ang isa sa pinakamahabang araw ng buong buhay niya. Aiah went out of the bathroom in her robe. Pagkalabas ay nakita niya ang nagtitipa sa laptop nitong si Raius. Mukhang seryosong-seryoso ang binata at tutok na tutok sa kaniyang ginagawa. Hindi niya alam kung ano nga ba ang talagang trabaho ni Raius dahil hindi naman sila nag-uusap tungkol doon. She never bothered to ask anyway dahil good provider naman ang binata. Never in her stay in his mansion that they ran out of stock. But one thing that she is sure, buo pa sa isip ni Raius ang galit nito kanina nang magkasagutan sila sa loob ng banyo. Mukhang mas hahaba pa ang away nilang dalawa sana kanina kung hindi lang dahil n*******d siya. And of course,
HALOS ALAS ONSE NA nang mapagpasiyahan niyang mauna nang pumasok sa bahay habang naiwan naman ang lalaki sa terasa, nagmamasid pa rin ng full moon. Bahagyang may kagaanan ang loob ni Aiah sa gabing ito. Bagaman naging mahaba ang kaniyang araw, nasulit naman niya ang natitirang mga oras ng gabi kasama ang binata. Nakapagkuwentuhan na rin silang dalawa tungkol sa buhay. Subalit ang hinihintay niyang tungkol sa sarili ay hindi naman nito naikuwento sa kaniya. Saglit na humiga si Aiah sa kaniyang kama at panandaliang ipinikit ang mga mata. What a long day. Wala na siyang ibang nais sanang isipin subalit biglang tumunog ang telepono sa kuwarto ni Raius. She nervously stared at the open door of Raius’ room. Halos nanunuyo ang kaniyang lalamunan habang binibilang ang mga segundo ng pagtunog ng telepono. She was about to stand up and take her way to Raius’ room, but the telephone stopped to ring. Napabalik siya sa kaniyang kama at inisip na wala lang ang pagt
RAIUS HEAVED A SIGH. “Ang daya nga kasi napapayag nila ako. Walang-wala rin ako noong mga panahong iyon, eh. Ako na lang ang mayroon ako. Kahit ikaw, wala ka na sa akin noon dahil hindi ka naman na nakakaintindi noon. You were bedridden. I was caught off guard, Aiah. I had no choice but to let you go.” Those times that she is in the hospital, there were no Raius. Sa mga panahong iyon, she assumed that Ethan was her significant other. Ilang linggo, ilang buwan ding inisip ni Aiah na tama ang akala niya. Unti-unti na niyang minahal si Ethan noon sa pag-aakalang ito nga ang karapat-dapat sa kaniyang pagmamahal. Hindi pala. “I was a poor man back then. I had to give you up to give you a better…” saglit na lumalim ang hininga ni Raius, “…life.” How was it to live far away from each other? Hindi alam ni Aiah ang sagot. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang isang bagay na hindi niya alam noong mga panahong iyon. Kahit ang kaniyang isip ay hindi kayang maa
SANAY NA SI AIAH sa katahimikan habang pinagmamasdan ang kadiliman ng langit. Kadalasan niya iyong ginagawa noong mga panahong walang bumibisita sa kaniya sa underground hospital. Iyon ang mga panahong hindi rin siya nakakapagsalita dahil kagagaling lang sa mahabang pagkakatulog. Iyon din ang mga panahong tanging si Ethan at Uno lang ang dumadalaw sa kaniya. The kid would always tell his father to go visit his “Nanay.” “Napakalalim talaga ng iniisip mo, Aiah. I can feel it,” puna ni Raius. “Care to share, fiancée?” At sa puntong iyon, mukhang desidido na talaga si Raius na kulitin si Aiah sa kaniyang iniisip. Tuluyan na lang siyang sumuko at pinagbigyan ang binata. “I always remember Uno whenever I look at the night sky,” pag-amin niya. Raius heaved a sigh. “Uno? The kid of Montellano.” Aiah nodded. “They visit me very dusk until the night tapos kapag malalim na ang gabi, nakatingin na lang ako sa labas ng bintana ng kuwarto ko sa ospital.” Sh
"STOP BULLSHITTING ME." Mahinahon si Raius habang sinusubukang kalmahin ang sarili matapos sagutin ang isang tawag mula sa taong hindi niya akalaing muling tatawag sa kaniya. "I'm not bullshitting you, Mr. De Villenas." "Quit being too formal, damn it!" Napalakas ang sambit niya kaya bahagya niyang nilingon ang paligid upang alamin kung naroon si Aiah. "Hindi ba puwedeng patahimikin n'yo muna ako kahit ngayon lang?" Malokong tawa ang pinakawalan ng babae sa kabilang linya. "Hindi uubra ang katahimikan sa pinasok mo, Raius. Have you forgotten that?" Of course, he does not. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin nalilimutang ang pinasok niya ay isang gulo, isang pagkakautang na hanggang ngayon ay pinagbabayaran niya pa rin. "That is fucking ridiculous of you, Raius." Napapaltik si Raius. "Can you just get straight to the point? I told you not to call here anymore." "Chill there, Mr. De Villenas. Nangangamusta lang naman ako." And it