Isang tawag ang natanggap ko mula sa asawa ko na medyo mahuhuli ito ng uwi kaya naunawaan ko naman siya.Kahapon ay binisita kami ni Daddy Enrique kaya masaya ako maging ang panganay na kapatid ni Raphael ay nandito rin.Excited kase sila na makita ang anak namin ni Raphael dahil pwede na rin kaming tumanggap ng paisa-isa na bisita ay baka bumisita na rin dito si Kuya Adrian.Matagal na rin namin siyang hindi nakakasama maging si Kuya Miko at Alyssa na gusto nang dalhin ang anak nila dito.Nagluluto ako ng hapunan para sa amin ni mama at sila muna ang nagbantay sa anak ko.Pakanta-kanta pa ako habang hinahalo ko ang adobo na niluluto ko.Gusto ni mama at papa ang medyo may mantika na at may kaunti lang na sause kaya alam ko na mapapdami na naman ang kain nila."Napakabango naman ng niluluto mo anak." Napatingin ako kay papa na lumapit sa akin."Gutom ka na po ba papa?" Tanong ko sa kanya kaya napatawa siya."Hindi pa naman iniwan ko muna saglit ang mama mo at ang anak mo para matulung
Napangiti ako habang tinatanaw sina mama at papa na karga ang anak ko habang pinapaarawan ito sa balkonahe.Nagising ako kanina na wala na si Raphael at ang anak namin at ng bumaba ako ay nagluluto ng almusal ang asawa ko at ang mga magulang ko ay hawak ang anak ko."Good morning mahal ko." Yumakap ako sa kanya sa likod niya kaya humarap siya at hinalikan ako sa labi."Good morning my beautiful wife." Bati rin niya at pinaupo na ako sa lamesa."Want milk?" Tanong niya kaya tumango ako at ngumiti."Sina Alyssa?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin."Maagang pumunta ng palengke silang mag-anak." Sagot niya kaya tumango ako."Gusto mo bang sumama sa akin sa Manila bukas?" Tanong niya mayamaya kaya naisip ko ang anak namin."Don't worry sina mama at papa raw ang bahala sa anak natin." Sabi niya kaya napangiti ako."Mag-pupump na lang ako ng gatas ko para hindi siya magutom ganun?" Natatawa ko na turan sa kanya kaya tumawa siya ng malakas."Oo nga pala may baby na tayo pero pwe
Nakarating kami sa isang pribadong hospital na pinagdalhan raw kina Raphael at nanginginig pa ako na akay ni papa habang nasa unahan namin si Kuya Miko.Nakatawag na rin si papa kay kuya at lolo at pipilitin ng mga ito na makapunta dito."Miss nasaan ang kwarto ni Mr. Leviste at Mr. Mendez dito?" Tanong agad ni papa sa nurse na nasalubong namin."Nasa room ICU po sila sir pero nagbilin ho si Mrs. Leviste na bawal raw ho ang ibang tao sa VIP room." Sagot nito na kinagalit ni Kuya Miko dahil sa sinabi nito."Wala kaming pakialam pamilya kami ng pasyente." Galit na turan ni kuya kaya natakot ang nurse at nagpaalam na.Hindi ako makapaniwala na nandito agad ang ina ni Raphael at ang lakas ng loob nito na mag-desisyon ng mag-isa."Miko nandito na pala kayo." Nakita ko si Daddy Enrique at ang kapatid ni Raphael na lumapit sa amin.Niyakap ako ni daddy kaya napaiyak ako at nagkamay lang sila ni papa.Sabay-sabay na kami na pumunta sa kwarto raw nina Raphael at naabutan namin dito ang lola ni
Hapon dumating si lolo at ang dalawa niyang kasama na doktor, kasing-tanda lang sila ni Kuya Matheo at mga kaibigan rin sila ni kuya.Niyakap ako ni lolo na nangako na gagawin ang lahat para lang maging maayos ang lagay ni Raphael at Kuya Adrian."This is not just a simple accident." Napatingin kami kay Lazaro ang agent na nagpakilala sa amin at isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan ni papa at lolo."We know it dahil sa pagimbestiga ng mga pulis ay isang ex-convict ang nagdadrive ng kotse na bumangga sa sasakyan ng mag-pinsan." Seryoso na turan ni kuya kaya napayuko ako pero hinawakan ako ng mahigpit sa kamay ni papa kaya napatingin ako sa kanya."Kung ganun ay may kinalaman dito ang mga kalaban natin at dahil dinamay nila ang parte ng ating pamilya ay hindi ko ito palalampasin." Sabi ni lolo na alam ko na galit ito dahil sa mahinahon niyang boses."Na-track na namin ang ginamit na cellphone ng suspect at nagsagawa na rin kami ng imbestigasyon at pinakilos ko na sila." Sabi ulit ni L
Napaupo na lang ako matapos sabihin ni Kuya Miko na kailangan mailipat na si Kuya Adrian sa mas magandang hospital at ito ay sa Amerika inaasikaso na pala ng mga magulang niya ang papeles nito para sa pagbabyahe kay Kuya Adrian.Almost four months now ay wala pa rin sa kanyang progreso kahit na eighty five percent na ang tyansa na magigising siya pero wala pa rin.Napahawak ako sa tiyan ko na lumalaki na medyo maselan ang dinadala ko dahil halos kakapanganak ko lang kay Riley.Nagulat ang lahat kahit nga ako ay hindi ko inaasahan ito dahil buntis na naman ako pero ikinatuwa nila ito dahil madadagdagan na naman ang anak namin ni Raphael."Anak ayos ka lang?" Tanong ni mama ng tabihan niya ako dito sa sofa kaya napatingin ako sa kanya."Opo mama nalulungkot lang po ako na dadalhin na sa Amerika si Kuya Adrian." Malungkot ko na turan sa kanya kaya napahawak siya sa kamay ko."Kung ikabubuti naman ito ni Adrian ay maganda nga na dalhin siya doon." Sabi niya kaya napatango na lang ako.Si
Nagising ako na umiiyak si Riley kaya agad akong tumayo at nilapitan ito sa kuna niya. "Riley bakit umiiyak ang baby ko?" Malambing ko na tanong sa kanya at kinarga ko siya. "Ano ba Serenety patahanin mo nga ang anak mo!" Napatingin ako kay Raphael ng magising siya kaya pinadede ko ang anak ko sa akin kaya natigil ito sa pag-iyak. "Pasensya na Raphael nagutom lang si Riley." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. "Marami akong meeting kanina at pagod ako pero makakarinig ako ng ingay sa pagtulog ko!" Galit niya na turan kaya napaiyak ako at umupo na lang dito sa sofa at tahimik na umiyak. Ilang buwan na ba ang nakararaan mula ng bumalik siya pero nag-iba na ang ugali niya mula noon. Marami na siyang pinagbago kahit ang ugali niya ay nagbago rin nagsasama kami bilang mag-asawa dahil sabi niya ay ito ang responsibilidad niya bagay na masakit para sa akin. Pero maraming nagbago sa ugali niya hindi na siya ang dating Raphael ang pinakamamahal kong asawa. Kapag kaharap naman ang pamilya
Nilapag ko ang isang bungkos ng bulaklak dito sa puntod ng pinakamahalagang parte ng buhay ko at pagkatao ko. My baby Raion lumuhod ako at hinaplos ang pangalan niya saka ako umiyak hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit dito sa dibdib ko. Pero dahil sa mga taong hindi ako sinukuan ang pamilya ko at dahil kay Riley ang pinakamamahal kong anak ay nagawa kong makawala sa kalungkutan. "My baby happy fifth birthday to you kumusta ka diyan sa heaven kasama mo na ba ang ate mo?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak ako. Sinama ko siya sa kapatid niya kaya magkasama na sila ngayon, ang una kong anak ay walang pangalan pero ang nakalagay dito ay moon angel at ang pangalan ni Raion. Hindi ako makapaniwala na dalawa na pala ang anak ko na anghel na ngayon napakamalas talaga ng buhay ko dahil parehong nawala sa akin ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ko. "Okay lang kami ni Riley masaya ako anak." Iyak ko lalo at nakahawak sa dibdib ko. Limang taon na ang lumipas at ilang taon pa lang mul
Napakuyom ako ng kamao habang kaharap ko si Raphael alam ko na sa sarili ko na galit na galit pa ako pero kaya ko ng kontrolin ang sarili ko. "Kumusta ka na Heart?" Tanong niya mayamaya nakakuyom ang kamay ko na nanginginig dahil hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. "Ayos lang aalis na ako." Mabilis ko na sagot sa kanya akma na akong aalis ay nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa likod. Para akong natuod ng maramdaman ko siya ulit pilit kong inaalis ang braso niya pero lalo niya akong niyakap kaya lalo akong nanigas. "Bitaw Raphael!" Galit ko na sabi sa kanya kaya natigilan siya ng maramdaman ko na medyo lumuwag ang yakap niya ay pinilit ko na makawala sa kanya at ng makawala ako ay humarap ako sa kanya at sinampal ko siya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at masama ko siyang tinignan. "Kung akala mo na natutuwa ako sa ginawa mo ay hindi na!" Sigaw ko sa kanya saka ako tumalikod at kusa na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Diretso ako sa labas ng gate nina Alyssa