Nakarating kami sa isang pribadong hospital na pinagdalhan raw kina Raphael at nanginginig pa ako na akay ni papa habang nasa unahan namin si Kuya Miko.Nakatawag na rin si papa kay kuya at lolo at pipilitin ng mga ito na makapunta dito."Miss nasaan ang kwarto ni Mr. Leviste at Mr. Mendez dito?" Tanong agad ni papa sa nurse na nasalubong namin."Nasa room ICU po sila sir pero nagbilin ho si Mrs. Leviste na bawal raw ho ang ibang tao sa VIP room." Sagot nito na kinagalit ni Kuya Miko dahil sa sinabi nito."Wala kaming pakialam pamilya kami ng pasyente." Galit na turan ni kuya kaya natakot ang nurse at nagpaalam na.Hindi ako makapaniwala na nandito agad ang ina ni Raphael at ang lakas ng loob nito na mag-desisyon ng mag-isa."Miko nandito na pala kayo." Nakita ko si Daddy Enrique at ang kapatid ni Raphael na lumapit sa amin.Niyakap ako ni daddy kaya napaiyak ako at nagkamay lang sila ni papa.Sabay-sabay na kami na pumunta sa kwarto raw nina Raphael at naabutan namin dito ang lola ni
Hapon dumating si lolo at ang dalawa niyang kasama na doktor, kasing-tanda lang sila ni Kuya Matheo at mga kaibigan rin sila ni kuya.Niyakap ako ni lolo na nangako na gagawin ang lahat para lang maging maayos ang lagay ni Raphael at Kuya Adrian."This is not just a simple accident." Napatingin kami kay Lazaro ang agent na nagpakilala sa amin at isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan ni papa at lolo."We know it dahil sa pagimbestiga ng mga pulis ay isang ex-convict ang nagdadrive ng kotse na bumangga sa sasakyan ng mag-pinsan." Seryoso na turan ni kuya kaya napayuko ako pero hinawakan ako ng mahigpit sa kamay ni papa kaya napatingin ako sa kanya."Kung ganun ay may kinalaman dito ang mga kalaban natin at dahil dinamay nila ang parte ng ating pamilya ay hindi ko ito palalampasin." Sabi ni lolo na alam ko na galit ito dahil sa mahinahon niyang boses."Na-track na namin ang ginamit na cellphone ng suspect at nagsagawa na rin kami ng imbestigasyon at pinakilos ko na sila." Sabi ulit ni L
Napaupo na lang ako matapos sabihin ni Kuya Miko na kailangan mailipat na si Kuya Adrian sa mas magandang hospital at ito ay sa Amerika inaasikaso na pala ng mga magulang niya ang papeles nito para sa pagbabyahe kay Kuya Adrian.Almost four months now ay wala pa rin sa kanyang progreso kahit na eighty five percent na ang tyansa na magigising siya pero wala pa rin.Napahawak ako sa tiyan ko na lumalaki na medyo maselan ang dinadala ko dahil halos kakapanganak ko lang kay Riley.Nagulat ang lahat kahit nga ako ay hindi ko inaasahan ito dahil buntis na naman ako pero ikinatuwa nila ito dahil madadagdagan na naman ang anak namin ni Raphael."Anak ayos ka lang?" Tanong ni mama ng tabihan niya ako dito sa sofa kaya napatingin ako sa kanya."Opo mama nalulungkot lang po ako na dadalhin na sa Amerika si Kuya Adrian." Malungkot ko na turan sa kanya kaya napahawak siya sa kamay ko."Kung ikabubuti naman ito ni Adrian ay maganda nga na dalhin siya doon." Sabi niya kaya napatango na lang ako.Si
Nagising ako na umiiyak si Riley kaya agad akong tumayo at nilapitan ito sa kuna niya. "Riley bakit umiiyak ang baby ko?" Malambing ko na tanong sa kanya at kinarga ko siya. "Ano ba Serenety patahanin mo nga ang anak mo!" Napatingin ako kay Raphael ng magising siya kaya pinadede ko ang anak ko sa akin kaya natigil ito sa pag-iyak. "Pasensya na Raphael nagutom lang si Riley." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. "Marami akong meeting kanina at pagod ako pero makakarinig ako ng ingay sa pagtulog ko!" Galit niya na turan kaya napaiyak ako at umupo na lang dito sa sofa at tahimik na umiyak. Ilang buwan na ba ang nakararaan mula ng bumalik siya pero nag-iba na ang ugali niya mula noon. Marami na siyang pinagbago kahit ang ugali niya ay nagbago rin nagsasama kami bilang mag-asawa dahil sabi niya ay ito ang responsibilidad niya bagay na masakit para sa akin. Pero maraming nagbago sa ugali niya hindi na siya ang dating Raphael ang pinakamamahal kong asawa. Kapag kaharap naman ang pamilya
Nilapag ko ang isang bungkos ng bulaklak dito sa puntod ng pinakamahalagang parte ng buhay ko at pagkatao ko. My baby Raion lumuhod ako at hinaplos ang pangalan niya saka ako umiyak hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit dito sa dibdib ko. Pero dahil sa mga taong hindi ako sinukuan ang pamilya ko at dahil kay Riley ang pinakamamahal kong anak ay nagawa kong makawala sa kalungkutan. "My baby happy fifth birthday to you kumusta ka diyan sa heaven kasama mo na ba ang ate mo?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak ako. Sinama ko siya sa kapatid niya kaya magkasama na sila ngayon, ang una kong anak ay walang pangalan pero ang nakalagay dito ay moon angel at ang pangalan ni Raion. Hindi ako makapaniwala na dalawa na pala ang anak ko na anghel na ngayon napakamalas talaga ng buhay ko dahil parehong nawala sa akin ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ko. "Okay lang kami ni Riley masaya ako anak." Iyak ko lalo at nakahawak sa dibdib ko. Limang taon na ang lumipas at ilang taon pa lang mul
Napakuyom ako ng kamao habang kaharap ko si Raphael alam ko na sa sarili ko na galit na galit pa ako pero kaya ko ng kontrolin ang sarili ko. "Kumusta ka na Heart?" Tanong niya mayamaya nakakuyom ang kamay ko na nanginginig dahil hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. "Ayos lang aalis na ako." Mabilis ko na sagot sa kanya akma na akong aalis ay nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa likod. Para akong natuod ng maramdaman ko siya ulit pilit kong inaalis ang braso niya pero lalo niya akong niyakap kaya lalo akong nanigas. "Bitaw Raphael!" Galit ko na sabi sa kanya kaya natigilan siya ng maramdaman ko na medyo lumuwag ang yakap niya ay pinilit ko na makawala sa kanya at ng makawala ako ay humarap ako sa kanya at sinampal ko siya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at masama ko siyang tinignan. "Kung akala mo na natutuwa ako sa ginawa mo ay hindi na!" Sigaw ko sa kanya saka ako tumalikod at kusa na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Diretso ako sa labas ng gate nina Alyssa
Napahawak ako sa braso ni Raphael ng alalayan niya ako na makaupo dito sa sofa wala na akong nagawa ng tulungan niya ako dahil nahihilo talaga ako. "Ito ang tubig inumin mo na yan na gamot na hawak mo." Sabi niya na kinuha ang kamay ko at pinahawak sa baso kaya napatingin ako sa kanya. Ininom ko na ito at naubos ko ang isang baso ng tubig na binigay niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya imbes na magpasalamat kaya napatitig siya sa akin. "Hindi ko alam na nandito ka pala pinapunta ako dito ni Miko dahil nakiusap siya na dumito na muna ako wala naman na kase akong ibang matutuluyan mula ng makalabas ako." Sagot niya kaya tumingin ako sa kanya at tumayo na. "Basta hindi tayo magkikita mula ngayon." Sabi ko sa kanya at lumakad na paakyat mamaya na ako kakain kapag umalis na siya. Parang ako mismo ang nasasaktan sa inaasta ko sa harap ni Raphael kaya napahawak na lang ako sa dibdib ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang sketchpad ko
Isang malakas na suntok ang natamo ko mula sa aking ama at kay Roy sa kapatid ko matapos nila akong puntahan dito sa isla. Bumalik agad ako rito matapos kong malaman na nawala ang batang nasa sinapupunan ni Heart ng asawa ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos para akong nawalan ng hangin sa katawan habang nakita ko na sumisigaw ang asawa ko dahil nawala na naman ang anak namin dahil sa sarili kong ina. Tinalikuran ako ng pamilya at mga kaibigan ko dahil sa sarili kong kapabayaan, sinira ko ang tiwala nila at nasaktan ko ng husto ang pinakamamahal kong babae. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin mula ng magising ako mula sa comatose at sa pagbabalik ng lakas ko. Napabayaan ko ang asawa ko ang anak ko na hindi ko halos magawang hawakan, nakaranas ako ng deppression na naging sanhi ng pagkasira ng buhay ko at ng pamilya ko. At ngayon pinagbabayaran ko ang sarili kong kasalanan, nakulong ako dahil sa ginawa ng pamilya ni Heart pero hindi ko ito pinagsisihan dahil alam ko ang ka