Nagbabasa ako ng libro ng lumabas mula sa banyo si Raphael na nakatapis lang ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya.Nakahubad siya at hindi ko mapigilan ang hindi mamula dahil hindi pa rin ako sanay na makita siyang nalahubad."Love can you dry my hair?" Napatingin ako bigla sa kanya kaya tumayo ako nasanay na siya na ako ang nagtutuyo ng buhok niya kaya lumapit ako agad sa kanya."Mahaba na ang buhok mo." Sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at hinawakan ako sa baywang ko."Kapag nagpagupit ako makikita ang ka gwapuhan ko." Sabi niya kaya napatawa ako sa sinabi niya."Ito yong sinasabi ni Alyssa minsan kay Kuya Miko, mahangin at mayabang." Tumawa siya ng malakas at saka ako hinila kaya napahiga ako at nakaibabaw na siya sa akin.Napatitig ako sa kanya ng haplusin niya ang mukha ko kaya pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko."I love you my Inima Luna." Bulong niya kaya napapikit ako kasabay ng paghalik niya sa akin na tinugon ko ng buong puso.Napayakap na lang a
Nagising ako na malakas ang hangin sa labas mukhang masama pa ang panahon, kaya pala malamig rin ay dahil nakahubad rin pala ako kaya dali-dali akong nagbihis.Sinara ko ang bintana dahil baka pumasok ang ulan dahil madilim na rin ang kalangitan.Apat na araw na kami rito ni Raphael at tumutulong rin siya sa paggawa nitong bahay, at ako ang ginagawa ko ay nagluluto dahil ito ang pinakagusto ko sa lahat.Kahit ayaw ni Raphael na mapagod ako ay ayoko naman na walang gawin.Pumasok ako sa banyo na malaki at may bathtub naalala ko na sabay kaming naliligo dito ni Raphael at bigla na lang nag-init ang pisngi ng maalala ko kung ano ang ginawa namin dito kagabi.Napailing ako at naghilamos na lang at nagsepilyo na may pagmamadali, nang matapos ako ay lumabas na ako at pumunta sa walk in closet at naghanap ng jacket na pwede kong isuot para hindi ako lamigin.Masarap sana na mahiga lang sa malambot na kama pero may kailangan akong gawin ngayong araw kaya agad ko ng sinuot ang jacket na napili
Pababa na kami ng biglang lumapit si Alyssa sa amin at agad akong inalalayan kaya nginitian ko siya."Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti lang siya."May mga bisita sa labas at boss yata ng mga nagtatrabaho rito." Sagot niya kaya napatingin ako kay Raphael na agad na lumabas kaya napasunod na lang kami sa kanya."Anong ginagawa niyan dito?" Narinig ko na tanong ni Raphael kay Kuya Miko."Hindi ko rin alam akala ko nasa Europe siya kaya nagulat ako ng nandito siya bigla." Sagot ni Kuya Miko, napatingin ako sa labas at tila pamilyar sa akin ang lalake na nakatayo sa labas ng bahay."What are you doing here Mr. Davis?" Tanong ni Raphael sa lalake na nakatingin sa akin kaya kinabahan ako."We need to talk Mr. Leviste about Heart Serenety." Seryoso nito na turan kaya kinabahan ako lalo pero agad akong hinawakan sa kamay ni Raphael at pinisil ito."What do you mean?" Nakakunot na tanong ni Raphael kaya napahinga ng malalim ang lalake at tinitigan ako."Can we talk in approp
Nagising ako na nilalamig yon pala ay bukas ang bintana at nakalimutan ko marahil ang pagsara nito.Napatingin ako sa paligid at hindi ko na naman naabutan si Raphael umalis na naman yata ito kaya nalungkot ako.Pababa na ako ng maabutan ko si Raphael at si Kuya Adrian sa sala na nakaupo at kaharap si Kuya Matheo ang nagpakilala ko na kapatid."Good thing you already here Serenety." Turan ni Kuya Matheo, napatingin sa akin si Raphael at pinaupo ako sa tabi niya."This is the result of DNA test and i will give to you." Seryoso na turan ni Kuya Matheo na binigay kay Kuya Adrian ng lalake na kasama nito."At ito naman ang result ng sa amin." Binigay rin ni Kuya Adrian ang hawak niya na papel kaya kinabahan ako sa resulta nito.Napatingin ako kay Kuya Matheo habang binabasa niya ang resulta at kinabahan ako ng mapatingin siya sa akin."Sa wakas after fifteen years, i already found you my princess." Turan nito at nakita ko ang panunubig ng mga mata nito."Hindi ito totoo." Napatingin ako k
Nakasuot ako ng puting gown at may hawak na bulaklak habang nasa tabi ko si Kuya Matheo na siyang maghahatid sa akin sa altar.Gusto kong maiyak sa mga sandaling ito pero nandito pa rin ang saya sa dibdib ko.Ikakasal ako kay Raphael at nandoon siya sa harap at naghihintay sa akin.Si Alyssa ay napakaganda sa suot niyang puti rin na gown at katabi niya si Kuya Miko na nakangiti.Si Kuya Adrian naman ay katabi si Raphael na parehong mga gwapo sa suot nila.Halos iilan lang kami na nandito at kabilang na dito ang pari at kasama niya at ang tatlong tauhan ni kuya na mga butler pala niya.Nandito kami sa gilid ng talon dito sa gitna ng kagubatan ang lugar kung saan binigay ko kay Raphael ang sarili ko.Ang saksi ng pagmamahalan naming dalawa."Don't cry my princess." Bulong ni kuya kaya napahigpit ang kapit ko sa kanya, kahapon ay siya na mismo ang nagsabi kay Raphael na magpakasal kami dahil hindi niya nasisiguro ang kaligtasan ko at si Raphael lang ang alam niya na tao na mapagkakatiwal
Nagwawalis ako sa sala ng umupo si Alyssa sa sofa at may dalang bowl ng binalatan ko na mansanas.Nakasimangot siya at parang umiyak dahil namumula ang mukha niya.Napatingin siya sa akin at inalok ako pero umiling lang ako."Nety mataba na ba ako?" Tanong niya kaya iniwan ko saglit ang ginagawa ko at lumapit sa kanya saka umupo sa tabi niya."Tumaba ka po kasi lumalaki na ang tiyan mo." Sabi ko sa kanya sabay haplos sa tiyan niya na nakikita na ang umbok pero napasimangot siya."Totoo nga ang sabi ni Miko mataba na ako." Bigla siyang umiyak kaya nataranta ako at pinatahan siya."Alyssa tumaba ka kasi nga may baby ka na at saka gusto mo ba na hindi baka mapaano si baby kung kulang ka sa sustasya." Sabi ko sa kanya kaya napatigil siya at hinaplos ang tiyan at paulit-ulit na nag-sorry kaya napailing na lang ako.Dahil buntis si Alyssa ay masyado siyang iyakin at kaunting kibot lang ay umiiyak kaya nahihirapan si Kuya Miko sa kanya.Naawa tuloy ako sa kanya dahil madalas siyang awayin ni
Napatingin ako sa biglang pumasok sa opisina ko at nakita ko si mama na halatang galit."Ano ito na narinig ko na kasal ka na?" Bigla niyang tanong at galit pa."Nakasagap na pala kayo ng balita." Wala sa loob ko na turan sa kanya saka tinanggal ang salamin ko sa mata."Raphael mga magulang mo hindi inimbita sa kasal mo?" Hindi makapaniwala niya na turan."Bakit mama nakakasigurado ba ako na hindi mo sisirain ang kasal ko?" Balik tanong ko sa kanya kaya naramdaman ko na lang na sinampal na niya ako."Hindi ako makapaniwala masasabi mo yan sa akin ako na ina mo? hindi mo na ako rinespeto!" Galit niya na turan kaya napahinga ako ng malalim at tinitigan siya."I held my wedding into private just like dad said because he wants me to build my own family." Sabi ko sa kanya kaya nanlaki ang mata niya."Tell me mom why are you so angry? dahil noon pa lang ay alam mo na kung sino at ano ang totoong pagkatao ni Serenety?" Seryoso ko na turan sa kanya lalo kong nakita ang pagkabigla niya.Kahapo
Ngayong araw ay simula na ng klase ko at excited ako dahil sa isang pribadong universidad ako papasok."Mahal nakahanda na ba ang gamit mo?" Napatingin ako kay Raphael ng lumabas siya mula sa banyo at bagong ligo kaya napangiti ako at tumango.Kinuha ko ang isa pa na tuwalya at pinunasan ang basa niya na buhok habang nakaupo na siya.Napangiti ako ng tumingala siya sa akin kaya kinintalan ko siya ng halik sa ilong."Basta nandoon si Adrian at ang isa sa mga kaibigan ko na nagtuturo rin doon kapag may concern ka ay magsabi ka lang." Sabi niya tumango ako at ngumiti."Susunduin mo ba ako mamaya?" Tanong ko kaya tumango siya at ngumiti."Syempre naman maaga akong uuwi para masundo kita." Malambing niya na turan kaya napangiti ako.Walang uniform sa koliheyo kaya simple na jeans at blouse lang ang suot ko at pinaresan ko ito ng puting sapatos.Napangiti ako habang nakatingin sa salamin ang buhok ko na mahaba ay nakatirintas ng maayos, may hikaw ako na maliit, regalo sa akin ito ni Raphael