Share

Prologue

Author: LichtAyuzawa
last update Huling Na-update: 2022-06-03 09:38:18

Flashback

Sa kahabaan ng eskinita sa ermita manila.....

Tumatakbo akong lumapit kay nanay na abala sa pag-aayos nung karton na gagamitin namin bilang pansamantalang higaan "Nanay! Nanay! Tignan mo oh meron akong perang napalimusan, meron na tayong pambili ng pagkain." Nakangiti ako kay nanay habang masayang pinapakita ang baryang nalimos ko sa kalsada.

"Anak anong (cough) sabi ko sayo?" Maamo ang boses ni nanay kaya gustong gusto ko pag siya ay nagsasalita.

"Huwag pong nagpapakalat kalat sa kalsada." Nakayuko ako ng sumagot ako sa kanya.

"Sinunod mo ba yung bilin ni Nanay?" Muli ay nagtanong siya na tinugon ko ng pag-iling.

"Ang sabi ni nanay ay siya ang magtatrabaho para sa atin, hindi ba?" Tanong ni nanay, walang magawang napatango ako.

Tumingin ako kay nanay at nagsalita, "pero nanay pag hindi po ako namalimos wala po tayong pambili ng pagkain." Pangangatwiran ko sa kanya.

"Ana-" Hindi naituloy ni nanay yung sasabihin niya dahil agad ko siyang pinutol.

"Nanay, lagi ka ng nagkakasakit tapos hirap pa tayong makakuha ng maayos na pagkain, ayoko po na nakikita kayong nahihirapan, gi-ginagawa ko po ito para makatulong ako sa inyo." May luha sa matang pagsusumamo ko sa nanay ko.

"Pero anak, paano pag nadisgrasya ka sa kalsada? Wala na sa atin ang tatay mo ayokong pati ikaw ay mawawala sa akin, hindi ko yun kakayanin." Nakita kong may tumulo na luha sa mga mata ni nanay.

"Maayos ako nanay, walang mangyayaring masama sa akin, saka isa pa lagi tayong binabantayan ni tatay mula sa langit." Niyakap ko si nanay nang mahigpit.

Si tatay namatay siya nung sangol pa ako, hindi ko siya nakilala. Ang sabi sakin ni nanay ay napakabait ni tatay, wala itong naging kaaway nung nabubuhay pa ito kaya naman madami itong naging kaibigan.

Pero kahit ganon ay hindi ibig sabihin non na kaya na nila kaming iahon sa hirap.

Mula daw nung namatay si Tatay ay naging sunod sunod na ang naging problema ni nanay, kaya naman gusto ko siyang matulungan, ayokong maging pabigat kase sobrang hirap na ang dinanas niya.

Bata palang ako dito na kami sa kalye nakatira, gabi gabi yung tinutulugan namin ay pinagpatong patong na carton, may mga time na namumulot na lang kami ng pagkain sa mga basurahan sa labas ng restaurant.

Kaya sobra sobra ang pagsisikap na ginagawa ko kahit man lang sa maliit na paraan ay mabawasan ang suliranin ng aking nanay.

"Nanay, lagi mong tatandaan na nandito lang ako, hindi kita pababayaan." Ngumiti ako kay nanay at hinalikan siya sa pisngi.

"Ikaw talagang bata ka, may angking tigas ang ulo mo!" Tumatawag si nanay habang kinikiliti ako.

"Nanay ahahaha tama na po hahaha!" Patuloy sa pagkiliti sa akin si nanay habang patuloy naman akong tumatawa at umiiwas sa kanya.

"Pero anak lagi kang mag-iingat ha, ayaw kong mapahamak ka hindi ko kakayanin pag nawala ka sakin ha." Sumimangot ako sa sinabi ni nanay.

"Nay huwag maging negatibo, okay!" Nginitian ko lang si nanay at tumayo na ako para makipaglaro sa mga bata na naging kaibigan ko na din.

Isang araw habang masaya akong nakikipaglaro sa mga batang lansangan kagaya ko ay may humintong sasakyan sa harapan namin at kinausap kami.

"Mga bata, gusto niyong pera?" Tanong nung mamang lalaki habang winawagayway ang mga perang papel.

Dahil sa pare-parehas kaming mga mula sa pamilyang salat sa financial ay madali kaming nauto nung lalaki.

"Opo!" Manghang mangha kaming nakatingin sa mga perang papel na hawak nung lalaki.

"Sige ibibigay ko sa inyo ito pero may ipapagawa ako sa inyo, maliwanag ba? Pinakatitigan ko ang mukha ng lalaki habang ang isip ko ay puno ng pagtataka.

"Bakit kaya gusto niya kami bibigyan ng pera?" Tanong ko sa isip ko.

"Halina kayo, sakay na kayo dito-" hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin niya dahil pinutol ko na ito.

"Saan po tayo pupunta?" Putol na tanong ko sa lalaking nasa harapan.

Matamis na ngumiti ito at nagsalita, "doon sa dance studio, tuturuan kayong sumayaw!"

Napangiti ako ng malaki sa tinuran ng lalaki.

Matagal ko ng pangarap na makasayaw sa iba't ibang Lugar, Hindi sa pagmamayabang pero magaling akong sumayaw.

Minsan ginagawa ko siyang hanap buhay, para may maibigay kay nanay.

Simula ng mawala si tatay ay wala ng tumutulong kay nanay kaya pagkakataon ko na ito para matulungan ang nanay ko.

"Yehey!" Sigaw nung mga batang kasama ko, pero nanatili lang akong tahimik ng nakangiti.

Pero disidido na galingan sa pagsasayaw.

Napatingin ang lalaki sa akin at ngumiti ito ng mas malaki.

Habang nakatingin ako sa lalaking malaki ang ngisi sa akin ay unti unti kong nararamdaman ang balahibo ko na nagtatayuan.

Napalunok ako habang dinadalaw ng kabog ang aking dibdib. May kung ano sa ngiti nito ang naghahatid ng kilabot sa aking katawan.

Nagdadalawang isip man ay sumama pa din ako sa lalaking nasa sasakyan kagaya ng ginawa ng ibang mga batang lansangan kagaya ko.

Nang makasakay kami ay saka lang nagpakilala ang lalaki, "Ako si Clinton Guttierez, isa akong dance instructor", hindi ko maiwasan ang tignan ito ng may paghanga dahil sa kanyang trabaho.

Hindi ko alam kung anong oras na nung makarating kame sa sinasabi niyang dance studio.

Namamanghang nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar.

"Ang ganda!" Nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakatingin sa maluwang na stage na puno ng salamin.

Pero sabi nga ng nakararami huwag masilaw sa malaking halaga dahil Ang lahat ay may kapalit.

Hindi ako nakinig sa sinabi ng nanay ko na umalis na ako sa pagsasayaw na iyon.

Naging matigas ang ulo ko ipinilit ko ang gusto ko, wala ng importante sa akin kundi ang makatulong sa nanay ko.

Lumala ng lumala ang kondisyon niya, naalala ko nun isang araw, humingi ako ng tulong kay Sir Clinton.

"Sir yung nanay ko po tulungan niyo po ako!" Nagmamakaawa ako sa kanya, nang marinig ko ang isang maliit na boses na nagtanong kung sino ako.

"Dad who is she?" Dahan dahan akong napatingin sa pinanggalingan ng maliit na boses and there nakita ko yung batang kasing edad ko.

Habang tumitingin ako sa abuhin na mata ng bata na walang buhay ay nakaramdam ako ng takot.

Natatakot ang itim kong mga mata na tumingin pa kaya dahan dahan akong napayuko.

Ang boses niya ay walang kahit anong emosyon, para lamang siyang robot na nakatingin sa akin habang naghintay ng sagot mula sa kanyang ama.

"Her name is Amara." Ani Sir Clinton sa seryosong tinig.

"Nasaan ang nanay mo?" Seryoso Ang tinig ni sir Clinton.

Dali dali kong tinakbo ang labas ng studio para puntahan ang aking ina sa kung saan ko siya iniwan.

Muli akong lumingon sa pinanggalingan ko at napahinga ako ng maluwag ng makita ko na nakasunod sa akin ang mag ama.

Nang makarating ako sa kay nanay ay mabilis ko itong kinausap.

"Nanay! Nanay! May tutulong na sa atin huwag kang susuko ah!" Pagpapalakas ko sa loob no nanay pero nanatili siyang nakapikit.

Kinakabahan kong inalog along Ang balikat niya habang tinatawag ang pangalan niya, "NANAY! NANAY! Gumising po kayo!"

Nakahinga ako ng maluwag ng dahan dahang idinilat ni nanay ang mga mata niya at nagsalita.

"Anak, (cough) saan (cough) ka ba na-nanggaling (cough) (cough)." Malalim ang paghinga ni nanay habang tinatanong niya ako.

"Nanay andito na po yung tutulong sa atin!" Masaya kong sinabi kay nanay kahit na tumutulo na ang luha ko.

Nang makarating sa kinaroroonan namin ang mag-ama ay kaagad ko silang nilapitan at lumuhod ako sa harapan nila para makiusap.

"Sir parang awa niyo na tulungan niyo po ang nanay ko, handa po akong gawin ang kahit na ano" pakiusap ko habang nakaluhod ako at pinagkikiskis ang mga palad ko sa harap ko na parang nananalangin.

Ngumiti sa akin si sir Clinton, kaya akala ko ay matutulungan niya ako pero unti unting nanlaki ang mga mat ko ng naglabas siya ng baril mula sa kanyang likuran.

Naging mabagal ang lahat sa paligid ko habang nakikita ko siyang kinakalabit ang gatilyong nakatutok sa nanay ko.

Isang tama sa puso ang nagpabagsak sa kawawa kong ina, maging ang pagbagsak niya ay naging mabagal sa paningin ko.

Kasabay ng pagsara ng mata ng nanay ko ay ang pagsigaw ko at pagtawa ng demonyong nasa harap ko.

"AHHHH!!!! NANAYYYYY!!!"

"HAHAHAHA!" malademonyong tawa ang gumising sa akin

Kaugnay na kabanata

  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter One

    "Ahhh" nagising ako sa isang masamang panaginip. Iminulat ko ang nanlalabo kong mga mata at napabuntong hininga ng makita kung nasaan ako."Hoi, hoi, sa tingin ko hindi ito ang oras para managinip ka, Amara!" Nakangisi ang taong nasa harapan ko.Halatang tuwang tuwa sa kalagayan ko, nagngingitngit ang ngipin habang nanlilisik ang mga matang nakatingin ako sa demonyong nasa harapan ko.Luther Gray, sir Clinton's son, a man who doesn't know the word love, siya ay kabaligtaran ng magandang bagay, isa siyang taong halang ang kaluluwa. A gray eyed man na walang buhay ang mga mata.Itong lalaki na ito ang dahilan kung bakit ako naghihirap ngayon."Hahaha!" Tumawa ito na parang baliw kasabay ng sigaw ko."AHHH!!" Isang malakas na latay ang naging dahilan ng pagsigaw ko."Ganyan nga sumigaw ka pa Amara!" Muli ako nitong hinampas ng sinturon sa aking likod."Ugh! T-tama na pakiusap." Hindi ko na napigilan ang magmakaawa dahil hindi ko na kaya pa. Pero kagaya ng unang nakiusap ako dito ay hin

    Huling Na-update : 2022-06-03
  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Two

    Habang nakasakay ako sa bus papunta sa Crystal Bar ay hindi ko maiwasang hawakan ang aking ibabang labi at unti unti kong nararamdaman ang init sa aking mukha ng maalala ang halik na aming pinagsaluhan. "Shit, ano bang nangyari sakin at bakit ako pumayag na halikan niya ako?" Kulang nalang ay kutusan ko ang sarili ko dahil sa kalandian ko, ano nalang ang iisipin niya na mababa akong uri ng babae (well totoo naman dahil stripper ako sa isang bar).Pero unti unti akong napangiti ng malaki habang pinipigil ang mapatili dahil sa kilig.Pero nagulantang ako ng may biglang humawak sa braso ko na nagpahiyaw sa akin "Ahhh!!!".Pero pinigilan ko ang matawa ng magulat din ang mga kasakay ko dahil sa pagsigaw ko.Napapahiyang yumuko ako dahil nakikita ko ang masasamang tingin nung ibang pasahero."Ale, bakit naman po kayo nangguulat?!" Tanong ko sa matandang katabi ko na siyang humawak sa braso ko, jusko kahit kayo matatakot dahil ang lamig ng kamay niya."You will love the person, you hate

    Huling Na-update : 2022-06-03
  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Three

    Nang makarating ako sa locker room ay mabilis kong pinagkukuha yung mga gamit ko.Naabutan pa nga ako ni Mama Mosang na natataranta sa pag-aayos ng gamit ko.Para akong tanga na bawat gamit kong mahawakan ko ay nababagsak, kaya naman nag-aalalang nagtanong si mama sa akin."Amara okay ka lang? Mukhang nagmamadali ka?" Magkasunod na tanong ni mama mosang.Nakalimutan ko yatang ipakilala si mama mosang at ate Angelina sa inyo. Well sila yung pamilyang meron ako ngayon simula nung nawala ang tunay kong pamilya. Inalagaan nila ako na para nilang tunay na anak at kapatid, at utang ko ang lahat sa kanila, nung dumating ako dito ay halos wala ako sa sarili, Sila lang yung nagtyaga sa akin, araw araw nila akong pinapasaya, kaya masuwerte ako na nakilala ko sila."Amara?" Takang tanong ni mama sa pagkakatulala ko."Si Luther po pinapauwi na ako" yun lang ang sinabi ko kay mama ay tumango na siya.Kilala si Luther sa Crystal Bar dahil sila ang may-ari nito, iilan lang ang nakakaalam nito, Ako,

    Huling Na-update : 2022-06-04
  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Four

    "Ugh... Awwww..." Kagigising ko palang pero daing na agad ang naging bungad ko sa magandang umaga na ito."Maganda nga ba?""Pero ano nga ba nangyari kagabi?"Wala na akong naalala kagabi, pagkatapos kong mawalan ng malay kagabi hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.Tumingin ako sa kamang kinahihigaan ko, "mag-isa lang ako?" "Nasaan kaya siya? Sabi niya ay sasamahan niya ako?" "Totoo kaya yung narinig ko or imahinasyon ko lang iyon?"Hindi ko maiwasan ang pagbuntong hininga dahil kaaga aga kong nag-iilusyon sa isang bagay na imposibleng mangyari."Dapat ay galit ka sakanya Amara! Sila ang dahilan ng pagkamatay ng nanay mo wag kang tanga at bobo!" Ani ng isang bahagi ng isip koDahil sa naisip ay unti unti ko na namang naramdaman ang galit at pangungulila, pansamantala akong lumambot at naging mahina.Hindi na dapat ito mangyari pa, kailangan kong maging matatag para makuha ko ang paghihiganting nais ko.Lumabas ako ng guest room nung makaligo ako, pahirapan pa ang ginawa kong pag

    Huling Na-update : 2022-06-05
  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Five

    Pagkadating namin sa Crystal ay dumiretso si Luther sa opisina niya at ako naman ay sa locker room.Nang nasa locker room na ako ay naabutan ko si Ate Angelina na nakaupo at nagtatanggal ng high heels na suot, mukhang kakatapos lang ng show niya."Hi Ate!" Masayang bati ko dito na tinanguan lang at nginitian ."Bihis na, time mo na." Pagkasabi niya non ay dali dali na akong nagpunta sa banyo dito sa locker room at nagpalit ng makintab na string panty and bra.Pagkalabas ko ng banyo ay sumipol pa si ate Angelina habang hinahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.Napatingin ako sa full length mirror na nasa harapan ko at kitang kita ko ang mapula kong mukha dahil sa kahihiyan at ang hubad kong katawan na natatakpan lang ng maliit na tela.Habang nakaharap sa salamin ay narealize ko na my body is just average, mula sa cub b kong bra size at sa baywang kong size 26 walang wala ako compare sa magandang katawan nang mga kasama ko dito. Sa mukha lang kami nagkakatalo dahil kakaiba din an

    Huling Na-update : 2022-06-06
  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Six

    Kinabukasan ay mahapdi ang mga mata ko nung magising ako, siguro ay dahil ito sa pag-iyak ko. Hindi ko na nga maalala kong anong oras ako tumigil sa pag-iyak o kung nakatulugan ko na ito. Ang naaalala ko lang ay niyakap niya ako kagabi ng mahigpit, sobrang higpit na parang takot siyang mawala ako.Sa naalala ay napatingin ako sa tabi ko pero walang ibang naroroon."Ano kayang pakiramdam na mabungaran siya sa umaga?" Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko iyon. Pero napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong hindi mangyayari iyon, nangangarap lang ako ng gising.Hindi na ako nagtagal pa sa kama, dumiretso na ako sa banyo para maligo dahil may pasok pa ako sa trabaho.After doing my morning rituals ay bumaba na agad ako para sana umalis na nang makita ko si Luther sa sala kasama yung babaeng nakayakap sa kanya kagabi."Sino kaya yang babae na yan, kay aga eh nandito na agad?!" Napasimangot nalang ako habang nagrereklamo sa isip ko.Busy pa ako sa panunuod sa dalawa na sobrang s

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Seven

    Nakakasilaw na liwanag ang nabungaran ko matapos kong hawiin ang makapal na kurtina na nagsisilbing dibisyon ng back stage at ng mismong stage.Pero sandali lang iyon dahil nung pagtapak namin sa stage ay napalitan na ang maliwanag na ilaw ng mga ilaw na sumasayaw na animoy naglalaro sa saliw ng malanding musika.Pagkakita nung mga tao sa aming dalawa ni ate ay nagsimula na silang magwala."Amara!" "Moon Star!" Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagchichear sa aming dalawa.Here's another trivia about me pagnagpeperform ako hindi ko pinapakinggan ang music basta lang akong nagsasayaw, feeling ko kase pag may music ay makikinig nalang ako hindi na ako sasayaw, kaya iniignore ko lang ang music kahit ngayon.Naglakad ako papunta sa gitna ng stage kung saan nakalagay yung dalawang pole para sa amin ni ate Angelina.Pagdating ko sa pole ay nag grind ako dito and do the spin, nagpadausdos ako pababa at talagang sinadya ko pang ipakita ang pagitan ng hita ko na humahagod sa malamig na bakal.Nak

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Eight (spg)

    Warning: maselang eksena ang nakapaloob sa kabanatang ito patnubay ang kailangan "HAPPY READING"Nagpatuloy ako sa pag-iyak ng biglang bumukas ang pinto ng bodega.May yabag na papalapit akong naririnig pero patuloy lang ako sa paghikbi. Kung sino man ito ay wala na akong pakealam.Medyo naalarma lang ako ng lumundo yung kamang hinihigaan ko, indikasyon na may mabigat na umupo dito.Dahan dahan kong inalis yung kamay kong nakatakip sa mukha ko at bumungad sa akin ang mukha nung taong dahilan na pag-iyak ko.Habang nakatingin ako sa abo niyang mga mata ay bumabalik sa akin lahat ng sakit na dinanas ko.Pinilit kong makaupo kahit na pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sobrang sama ng lagay ko.Mahinahon akong nakatingin sa kanya hanggang sa hindi ko na kaya, I started to get hysterical."A-alam mo d-dapat galit ako sa iyo eh!" May kataasan ang boses na sumbat ko habang dinuduro siya."Da-dapat masama ang loob ko sa iyo!" nanatili siyang tahimik habang naghihisterya ako.Dahil p-pinata-y ni

    Huling Na-update : 2022-06-10

Pinakabagong kabanata

  • In the arms of The Syndicate Leader   Ending

    Amara POVOne year later.......In life hindi talaga maiiwasan na makagawa tayo ng kamalian, para man ito sa kapakanan ng iba o sa kapakanan ng mga mahal sa buhay hindi natin kailanman mababago na kamalian parin iyon, ang mahalaga ay sa bawat pagkakamali na nagagawa ay may kaakibat na aral kang natutunan para hindi ka lamunin at balikan ng nakaraan.Kagaya nalang ng nangyari sa akin, marami na akong napagdaanan mga masasakit na bagay, ilan pa nga doon ay kamalian pero hindi ko kailanman pinagsisihan ang mga iyon dahil sa karanasan na iyon ako nakatagpo ng tunay na pamilya at kaibigan.What happened a year ago ang nagturo sa akin na walang bagay sa mundong ito ang permanente lahat ay may hangganan, pero hindi ko akalain na yung akala kong hangganan ng taong mahal ko ay maaari pa palang madagdagan at yun ang isa sa pinagpapasalamat ko, kaya ako nakaupo ngayon dito sa loob ng simbahan sa harap ng panginoon na nagbigay ng buhay sa bawat isa."Magsitayo po tayong lahat!" Mula sa made-altar

  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Twenty Eight: The broken friendship

    Castron POV"Nanay paano, nangyari na buhay ka, kitang-kita ng dalawang mata ko ng barilin ka." Puno ng pagtataka at kasiyahan na tanong ni Amara sa babaeng nasa malapit sakin.Lumakad si Crescent papunta sa tabi ko at umakbay bago ngumiti ng matamis at nagsalita, "dahil iyon sa tatay ng taong ito."Yes my father help her nung binaril siya ni Clinton, hindi ko alam ang eksaktong pangyayari pero mula noong araw na iyon ay dun na siya namalagi sa poder namin, at nung nawala ang parents ko ay siya na ang naging katulong ko para mas lumakas ang Raven Syndicate.Tinuruan niya ako sa pasikot-sikot sa negosyo, dahil yun lang daw ang maaari niyang maging kabayaran sa ginawang pagliligtas ng papa ko sa kanya."Bakit hindi ka bumalik, bakit hinayaan mo akong mag-isa?!" Dama ko ang hinanakit ni Amara pero walang puwang ang awa sa mundo na ginagalawan namin."Bakit ako babalik sa taong hindi naman sakin in the first place?!" Hindi ko alam kung nabingi lang ba ako oh ano kaya napatingin ako kay c

  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Twenty Seven: Kidnapping Part Two (ang paghahanap)

    Luther's POV"Find her, do whatever it takes to find her!" I'm stressed out hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Amara nahalughog ko na lahat ng alam kong kuta ng kalaban pero hanggang ngayon ay wala pa din akong lead kung nasaan siya."Dang it, hindi ko dapat siya iniwan, hindi ko dapat siya hinayaan mag-isa!" Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok dahil sa sobrang frustrationHindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari kung sana ay nanatili nalang ako sa tabi niya baka nandito pa si amara ngayon masaya kasama ko."Walang magagawa ang frustration mo ngayon!" James suddenly told me out of nowhere And out of nowhere sumiklab ang galit sa kaloob-looban ko kaya nakapagbitaw ako ng mga salitang labis ko pagsisisihan, "Bakit mo hinayaan na mawala siya?!" I pointed my finger on him."Don't point a finger on me baka magsisi ka!" Galit na dinuro ako pabalik ni James"Pinabantayan ko siya sayo pero hindi mo nagawa ang trabaho mo!" Muli ay sigaw ko ditoMasamang tingin

  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Twenty Six: Ang pag-iimbestiga

    Orlando FloridaLuther's POV"How's the investigation, it's been six months siguro naman ay meron ka ng idea kung sino yung kalaban natin." Napakamainipin din nitong tao na ito pero tama naman siya sa sinabi niyang six months na ang nakararaan mula ng gawin ko ang imbestigasyon ko at hindi naman nabalewala ang mga paghihirap ko dahil ngayon ay alam ko na kung sino ang kalaban ko."Forter!" Simpleng sambit ko na ikinalaki ng mata ng kaharap ko."Huwag mong sabihin na siya iyon?" Napangisi nalang ako sa tanong ni jake at lumagok sa bote ng alak na hawak ko."Anong plano mo ngayon?" Tanong ni Jake na kaagad kong sinagot ng tanong na alam kong magbibigay sakin ng tagumpay"Anong nangyari sa lakad mo?" Tanong ko at muling lumagok ng beer"Laganap sila sa buong mundo sobrang swerte ko nalang na nahanap ko ang bawat kuta nila they have the numbers but not the quality kaya madali lang mabuwag ang pundasyon!" Jake said overconfidentlyHindi talaga ako nagkamali kay James at Jake, kase hindi s

  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Twenty Five: The Kidnapping Part One

    Amara's POV Maaga palang ay nag check out na kame sa hotel para magtungo sa airport dahil maaga ang flight namin pabalik ng pilipinas, as for Castel katulad namin ay bumiyahe na din siya pabalik ng France dahil may trabaho pa siyang dapat ayusin pero nangako siyang bibisita siya ng pilipinas.Kaya ngayon muli kaming nakasakay sa eroplano pero sa pagkakataong ito ay pabalik naman kami sa aming bayang sinilangan.Sa totoo lang hindi ko pa nais ang bumalik dahil baka sa muling pagbalik ko ay lungkot na naman ang sumalubong sa akin, hindi ko alam kung nakabalik na ba si Luther o tuluyan na siyang nawalan ng pakialam sa akin pero ganon pa man ay lihim pa din akong umaasa, pero sa ngayon kailangan ko lang muna sigurong masanay na mamuhay mag-isa.After awhile........Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas na nasa himpapawid kami, basta ang alam ko lang ay ginigising na ako ni mama mosang at bababa nadaw kami ng eroplano, nagmagdali ako sa pagkalas ng seatbelt ko na mukhang si mama din a

  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Twenty Four: The Wedding Part Two

    Amara's POVAlas nueve palang ng umaga ay gising na ako hindi pa sana ako babangon kaso lang ay binubuliglig na kami ni Castel na gutom na gutom na daw.Kaya naman kahit sobrang sakit ng ulo ko ay wala akong magawa kundi ang bumangon at mag-ayos.Nang matapos kaming mag-ayos ay sabay-sabay na kaming nagpunta sa restaurant nitong hotel para mag-breakfast.Nang makarating kami sa restaurant at makaupo ay hindi na napigilan ni ate Angelina ang matawa sa amin, dahil siguro sa itsura namin, "HAHAHA sige inom pa"Lahat kami ay nagsiangil dahil sa sinabi niya.Gusto ko nalang ihiga ito pero dahil sa kasal ni ate mamaya ay kailangan na namin mag-madali para hindi kami ma-late.Natapos kaming kumain siguro ay nasa 11 am na kaya naman minadali na namin ang pag-akyat dahil sabi ni ate Angelina na malapit na din dumating yung mag-aayos sa amin.Nang makarating kami sa floor namin ay nagkanya kanya na kami ng pasok sa banyo para maligo dahil sa dalawa naman ang bathroom dito ay nauna na kami ni Ca

  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Twenty Three: The Stag Party

    Amara's POVMaaga akong nagising kinabukasan dahil sa pagtunog ng cellphone ko indikasyon na may nagtext dito ng magkakasunod.Pupungas-pungas na binuksan ko ang cellphone ko at dun ay nakita ko na si ate Angelina ang nagtext na nagsasabi na umalis na sila ng hotel para puntahan ang magiging venue ng kasal.Sa pangalawang text ay sinabi lang niya na meron ng sasakyan na pupunta dito sa hotel ng alas nuebe ng umaga para ihatid kami sa restaurant.Dahil sa nabasang oras na dating ng inarkilang sasakyan ay mabilis kong tinignan ang orasan na nasa ding ding pero kaagad kong narealize na may hawak akong cellphone na updated naman ang oras.Pagkatingin ko ng oras ay kaagad kong tinapik si mama at ginising."Mama gising na 8:30 na may pupuntahan pa tayo!" Pang-gigising ko kay mama habang binabasa ang huling text na galing kay ate Angelina na may susunduin daw sila sa airport."Saan ang punta natin?" Tanong ni mama na pagkagising palang ay yung cellphone na kaagad ang unang tinignan at nagpip

  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Twenty Two: Angelina's wedding part one

    Amara's POVSix months later....."To all passengers of GX5000LX please fasten your seatbelt because we're about to take off"Nang marinig ko ang boses ay kinabit ko na ang seatbelt at muling tumingin sa maaliwalas na kalangitan.If you all wondering kung saan ako pupunta well sa Los Angeles at pupunta ako dun dahil sa kasal ni ate Angelina.Habang nakatingin ako sa malawak na kalangitan ay naalala ko ang huling beses na nakita ko si Luther.Yun yung time na lasing ako at nagkaroon kami ng pagtatalo na kaagad din naman naming naayos at mula noon ay hindi ko na siya nakita pa.Anim na buwan na pala ang nakalipas mula ng umalis siya at sa loob ng anim na buwan na iyon ay kumikilos ako na parang walang nangyari na parang hindi siya umalis.Pero pakiramdam ko ay dinadaya ko ang sarili ko dahil kahit na sinabi niya sa akin na babalik siya ay unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.In those months na wala si Luther sa tabi ko, dun ko naman mas naging close si Castron.He makes me laugh eve

  • In the arms of The Syndicate Leader   Chapter Twenty One (spg)

    Ang kabanatang ito ay may maselang paksaHappy readingAmara's POVNang idilat ko ang mga mata ko sobrang sakit nito sumasabay pa sa sakit yung ulo ko."Luth-!" I was about to call his name nung bigla akong mapahinto dahil naalala kong wala na nga pala siya iniwan na niya ako.Dahan-dahan na namang tumulo ang luha ko kaya naman mabilis bago pa mangyari iyon ay tumakbo na ako sa banyo at kaagad na pumunta sa ilalim ng shower.Dahil sa automatic ang shower dito ay hindi ko na kailangan pang buksan ito kusa ng nagbuga ng tubig ang dutsa ng ma-sense nito ang presensya ko.Kasabay ng malakas na bagsak ng tubig ay ang tuloy-tuloy kong pagluha at paghikbi.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko gusto ko nalang maglaho na parang-bula.Dahan-dahan akong napaupo sa malamig na tiles ng banyo at muling humagulhol sa pagbabakasakali na pati ang sakit at pangungulila ay maisama na ng luha ko papalabas ng dibdib ko.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nasa ilalim ng shower basta ang alam ko ay

DMCA.com Protection Status