"She’s a perfect ten, isn’t she?" Pagtatanong ng kaibigan ni Tyrone sa kan’ya habang abalang-abala siya sa pagtitig sa babae sa dance floor. Hindi niya magawa na alisin ang mga mata niya sa babae na iyon na parang hinihipnotismo siya sa bawat galaw na ginagawa nito. "Tyrone, baka matunaw na iyan sa kakatitig mo."
"Who is she?" tanong na lamang niya. Madalas sila ng kaibigan niya sa bar na iyon pero ito ang unang beses na nakita niya ang babae roon. The woman is undeniably attractive, and he is unable to divert his attention from her. "Ngayon ko lang siya nakita rito sa bar na ito."
"I was told that she is the guest model for the event tonight. Ang ganda, hindi ba? Kaso suplada talaga, but I have some information about her already."
"Spill." utos pa niya.
"She is still a college student but works as a part-time model. Clearly, she is not one of your listed dateable women, Tyrone. Hindi ba at ayaw mo sa mga bata?" Pang-iinis pa ng kaibigan niya sa kan’ya.
Naiiling na lamang siya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa babae na iyon. "If that’s the case, move on to the next subject then." Move-on daw pero hindi niya magawa na ilihis ang mga mata niya, lalo nang magtagpo ang mga mata nila at bahagya na ngumiti ang babae sa kan’ya.
He doesn't believe in love at first sight, but at this point, Tyrone feels that he is in love. Pero kung ano man ang nararamdaman niya para sa babae na iyon ay hanggang doon na lamang iyon. Wala siyang plano na magmahal ng mas bata sa kan'ya. He wants mature women who can drive him wild in bed.
-----
"Trey, wake up. Let’s go." Naiinis na ginigising ni Raven ang lalaki na kanina pa mahimbing na natutulog. Naiinis na siya dahil hindi na naman tumupad sa oras ng usapan nila ang lalaki. "Trey!" sigaw pa niya.
Dahil sa malakas na boses na iyon na sumigaw sa kan'yang tainga ay napabalikwas si Trey sa kan’yang pagkakahiga at pupungas-pungas na dumilat upang makaharap ang nanlilisik na mga mata ni Raven. "Rave, babe."
"Babe?! Anong oras na, Trey? You were supposed to pick me up, but guess what? Walang Trey na dumating at ako pa ngayon ang sumusundo sa’yo rito."
"Kalma muna, babe. Pasensya ka na dahil nalasing ako kagabi. Dumating si Ty at nagyaya na mag-inuman kami. Sorry na, please. Alam mo naman na bihira na kami magkita ng mokong na iyon." Pabigla siya na hinatak ni Trey kaya naman sa gulat niya ay nawalan siya ng balanse at bumagsak sa ibabaw nito habang ang mga kamay niya ay nakalapat sa matipuno na dibdib nito.
"Trey!" Sigaw pa niya habang pinamulahanan pa siya ng mukha dahil sa sobrang pagkakalapit nila.
"Kapag hindi ka nakipagbati sa akin ay hahalikan talaga kita. At kapag hinalikan kita, sigurado ako na hinding-hindi mo iyon makakalimutan."
"Bastos!" Naiinis na itinulak niya si Trey sa dibdib habang pilit siya na tumatayo, ngunit ipinulupot pa nito ang mga braso sa kan’yang beywang at lalo pa siya na idinidikit sa katawan nito.
Natatawa naman si Trey na hinalikan siya sa noo. "Ang sungit-sungit talaga ng babe ko."
"Alam mo na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako. Hindi mo man lamang nakuha na tumawag at mag-text sa akin." Pagsisimangot pa ni Raven.
"Babe, naman, tulog nga ako, hindi ba? Paano ko magagawa ang mga bagay na iyon kung mahimbing na mahimbing ang tulog ko?"
"Basta, galit ako sa’yo ngayon." Laking gulat ni Raven ng bigla na lamang pagbaligtarin ni Trey ang puwesto nila at pangibabawan siya nito. Hawak pa nito ang dalawang kamay niya na itinaas sa may ulo niya kaya naman hindi siya makagalaw. "Trey!"
Tatawa-tawa naman si Trey habang pinagmamasdan ang reaksyon niya. Si Raven ay simangot na simangot habang namimilog ang mga mata sa gulat at kaba sa puwesto nilang dalawa. Titig na titig sila sa isa't-isa at kung may ano na parang mga paro-paro na nagliliparan sa tiyan niya sa mga sandali na iyon. Unti-unti na nawawala ang pagtawa ni Trey at napapalitan iyon ng mga makahulugan na tingin para sa kan'ya.
Namalayan na lamang nila na pareho na sila na natulala at nakatitig na lamang sa bawat isa. Walang salita, pero ang mga mata nila ay pareho na nangungusap sa mga bagay na hindi nila masabi sa isa’t-isa. Pareho nilang alam ang nilalaman ng mga puso nila, pero pareho rin nila na ayaw na sumugal at sirain ang kung ano ang mayroon sila ngayon.
Unti-unti na lumalapit ang mukha ni Trey kay Raven at halos mabingi na si Raven sa lakas ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa pero nag-iinit ang pakiramdam niya. Alam na niya ang susunod na mangyayari sa ganitong tagpo, at sa punto na iyon ay handa siya at nais na rin niya na mangyari ang bagay na iyon sa pagitan nila.
Napapikit na lamang si Raven at hinihintay ang pagdampi na iyon ng labi ni Trey sa kan'ya. Wala sa kan’yang isip ang tumanggi dahil para rin siyang nahihipnotismo sa mga ikinikilos ni Trey sa kan’ya.
"Rave." Malambing na bulong ni Trey sa kan’ya. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kan’yang mukha at inaasahan na niya ang paglapat ng labi nito sa labi niya. At wala siyang iba na naiisip kung hindi ang tugunin ang mga halik kapag nagkataon. "Rave, I love-"
"Trey! What’s your-, what the fuck?!" Napamulagat si Raven sa masungit na boses na iyon na kan’yang narinig at agad niya na naitulak si Trey sa dibdib papalayo sa kan'ya.
"What the fuck, Ty?! Hindi ka ba marunong na kumatok?" Inis na turan ni Trey na hindi pa rin umaalis sa ibabaw ni Raven.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng lalaki na nasa may pintuan kay Raven at kay Trey. Pigil na pigil ang tawa na nais na kumawala sa kan’ya sa itsura ni Trey na buwisit na buwisit sa kan’ya at sa babae na pulang-pula ang mukha dahil sa pagkakahuli niya sa balak na gawin na milagro ng dalawa.
"Itatanong ko lang kung ano ang plano mo ngayon. Hindi ko naman akalain na may kasama ka pala. But you don’t need to answer dahil alam na alam ko na ang balak mo na gawin dito sa kuwarto mo." Sagot ni Tyrone na may bahid pa ng pang-aasar ang tono.
"Trey, umalis ka na nga riyan sa ibabaw ko at nakakahiya na." Bulong ni Raven kay Trey dahil sa sobrang hiya na kan’yang nararamdaman sa oras na iyon.
Dinampian muna ni Trey ng isang halik sa noo si Raven saka siya umalis sa ibabaw nito at hinarap si Tyrone. "Why, what’s your plan?" Balik-tanong niya sa kausap niya habang pinupulot ang t-shirt na hinubad kagabi na nasa sahig.
"Babalik na ako sa condo mamaya, just checking if you’re free." Sumulyap pa si Tyrone kay Raven na hindi na nagawa na kumilos sa kama gawa ng pagkapahiya na kan’yang nararamdaman. "But it’s okay; we can bond some other time. Mukhang busy ka, at kung may ganyan din naman kaganda na nakahiga sa kama ko, hindi na rin ako lalabas at magkukulong na lang kami."
"Gago ka, Ty!"
"Hi, and who are you?" Hindi pinansin ni Tyrone ang pagmumura sa kan’ya ni Trey at itinuon ang atensyon niya sa babae na nasa kama pa rin nito.
"Leave, Tyrone. Lintik ka! Huwag ka nga manggulo rito." Inis na pagpapaalis sa kan’ya ni Trey.
Hindi naman iyon pinansin ni Tyrone at diretso pa na pumasok sa silid, "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kan’ya? Pang-ilan mo ba siya? Bago ba?"
"Off-limits, Tyrone. At nag-iisa lang iyan sa buhay ko. Now, leave." Ipinagtulakan pa ni Trey si Tyrone papalabas ng silid na wala naman na rin na nagawa kung hindi ang lumakad papalabas ng kuwarto na natatawa-tawa pa. "I’ll just see you tonight before you leave. Aasikasuhin ko muna ang babe ko."
"Your babe? How possessive of you, Trey! This is the first time that you are this possessive of a woman." Hindi matapos-tapos na pang-iinis ni Tyrone kay Trey.
"Ang dami mong satsat, alis na. Panira ka ng araw. Lintik!" Hindi na nagawa ni Tyrone ang sumagot dahil mabilis nang isinara ni Trey ang pintuan sa kan’yang mukha.
Nang makaalis si Tyrone ay hinarap naman ni Trey si Raven ngunit laking gulat niya dahil sa muling pagharap niya sa dalaga ay isang unan ang sakto na tumama sa pagmumukha niya sabay ang matinis na sigaw ng babae, "Trey!"
"What the fuck, babe?!" Ibinato ni Trey ang unan pabalik sa kama at naiinis na lumakad papalapit kay Raven. "What was that for?"
"Nakakahiya ka! What are you even thinking? And really not locking your door?" Gigil na gigil si Raven dahil sa sobrang hiya niya kahit na wala naman talaga sila na ginagawa ni Trey.
Bigla na bumunghalit ng tawa si Trey sa kan’ya na lalo lamang niya na ikina-inis. "Ako pa talaga ang sinisisi mo? Hindi ba at ikaw ang huling pumasok dito sa kuwarto ko at inis na inis na ginigising ako? Bakit ngayon ay naging kasalanan ko na hindi naka-lock ang pintuan?"
Lalo naman ang pamumula ni Raven nang mapagtanto niya na siya nga ang salarin kaya hind na-i-lock ang pintuan. Pero bakit naman niya iyon gagawin kung wala naman silang ginagawa na masama? Hindi ba at mas lalo na iisipin ng mga tao roon na may milagro sila na ginagawa kung naka-lock ang pintuan?
“Stop overthinking, Raven. Si Tyrone lang iyon, and he’s always been an asshole to me."
"Kahit na, nakakahiya pa rin. Wala naman tayong ginagawa na kalokohan pero baka isipin niya na mayro’n." Pagsisimangot pa ni Raven.
"Don’t think about it, okay. Kung gusto mo naman ay gawa na lang tayo ng kalokohan para tumama na ang hinala ni Tyrone?!" Isang malakas na hampas ang natamo ni Trey buhat kay Raven dahil sa sinabi niya na iyon.
"Stop it!" Sigaw ni Raven sa kan'ya habang patuloy naman ang makahulugan na tingin na ibinibigay sa kan'ya ni Trey. "Magbihis ka na nga at nang makaalis na tayo."
Akma nang tatayo si Raven sa kama pero bago pa niya iyon magawa ay mga braso na ni Trey na pumulupot sa kan'yang beywang ang muli na nagpahiga sa kan'ya. "At saan ka pupunta? You stay here in my bed." malandi na turan pa nito sa kan'ya.
Bigla na kumabog ang puso niya dahil sa mga titig na iyon ni Trey na muli ay nagpapagulo sa kan'yang sistema. Pareho na naman sila na natahimik at dinarama ang mga emosyon na sa kanila ay pareho na lumulukob.
And in that moment, they felt it. They felt something deeper for each other. A feeling they've felt before but have been trying so hard to suppress and fight all along. And a feeling that they both can't seem to disregard right now.
Namalayan na lamang nila ang unti-unti na paglapat ng kanilang mga labi, at pareho sila na napapikit sa sensasyon na kanilang naramdaman sa biglang pagdaloy ng kuryente sa kanilang mga katawan. At ngayon ay alam na nila ang tunay na isinisigaw ng kanilang puso. Isang halik lamang ang susi upang pareho nila na aminin ang mga damdamin na pilit nila na itinatakwil.
"I love you, Raven."
-----
Napapakuyom na lamang si Tyrone ng kan’yang kamao nang makabalik siya sa kan’yang silid. Patawa-tawa siya kanina at patuloy na iniinis ang kapatid niya pero sa totoo lamang ay nagngingitngit na ang kalooban niya pagkakita pa lamang niya sa tagpo na iyon ni Trey at ng babae na kasama nito. It can't be. Hindi maaari ang naabutan niya na tagpo na iyon sa pagitan ng dalawa.
The woman with Trey right now is the same woman he had seen at that bar a couple of months ago. The same woman, whom he never saw again but who had never left his mind—the same woman who made him fall in love at first sight—ang babae sa bar at ang babae sa silid ng kapatid niya ay iisa, at hindi niya makuha na maging masaya para kay Trey.
That woman should be his. She may not be on his list of dateable women, but he would surely find a way to get her to be his. Trey cannot have her at sa punto na ito hindi siya handa na magparaya para sa kapatid niya.
"Good morning, hon; wake up." Nagising ako sa malambing na tinig na aking narinig at sa mga halik na iginagawad sa aking labi at pisngi, at agad ako na napangiti kahit na patuloy na nakapikit. "Gising na, hon, tanghali na.""Hmm, maaga pa, honey. Mamaya na lang." sagot ko sa kan’ya."Wake up, sleepy head. Tanghali na kaya gumising ka na." Muli na pangungulit niya sa akin."Mamaya na, inaantok pa ako." sagot ko sa kan’ya. Nagulat na lamang ako nang pangibabawan niya ako kaya agad ako na napadilat. "Royce!" sigaw ko."What? Ayaw mo na gumising, at ito lang ang alam ko na magpapagising sa iyo, pati sa akin." Muli niya na idinampi ang labi niya sa aking labi habang pilit ko siya na itinutulak, ngunit lalo lamang niya na diniinan ang paghalik sa akin."Royce, stop." Pagsasalita ko pa sa gitna ng mga halik na iginagawad niya sa akin."I don’t like to stop. I like kissing you every hour of every day." Tumigil siya sa paghalik at matiim siya na tumitig sa akin. Hinimas pa niya ang pisngi ko at
Nagising na lamang ako sa tuloy-tuloy na pagtunog ng aking telepono. Agad ako na dumilat at inabot iyon, nagmamadali pa ako na sagutin iyon nang makita ko na tumatawag na si Ashley sa akin."Ash." Walang kalatoy-latoy na bungad ko sa kan'ya."And where are you, Raven?" mataas ang boses na sabi niya pa sa akin."Sa bahay, saan pa ba ako pupunta?""At bakit nariyan ka pa? We were supposed to meet today, Rave." Agad ko na tiningnan ang oras sa telepono ko, maaga pa naman para sa meeting namin, kaya OA na naman si Ashley sa pagmamadali niya sa akin."Maaga pa, Ash, mahigit dalawang oras pa bago ang usapan natin na magkikita tayo.""Nakalimutan mo na ba na isang malaking oportunidad ito para sa’yo? Kailangan natin na maaga na makarating doon sa casting. Get your lazy ass up, at mag-ayos ka na. Hindi ito ang oras para mag-inarte ka pa riyan.""Ash, sabi naman kasi sa’yo na ayaw ko na pumunta sa casting call na iyon.""No, Raven, na pag-usapan na natin ito. Bumangon ka riyan at pupunta tayo r
"Ty, ayos ka lang ba? Bakit ba kadarating mo lang ay salubong na salubong na naman agad ang kilay mo?" tanong ni Trey kay Tyrone."Hi, Mr. Tyrone Lorenzo, I am Ashley Buenaventura, Ms. Raven De Ocampo’s agent." Inilahad pa ni Ashley ang kan’yang kamay kay Tyrone at kahit na salubong ang kilay niya ay inabot niya pa rin iyon."Rave, natatandaan mo si Ty, right?" muli na tanong ni Trey sa akin. "Sigurado ako na hinding-hindi mo siya nakalimutan pagkatapos niya tayo na mahuli sa kuwarto ko noon." Tumango na lamang ako at napahalukipkip kay Trey dahil sa pagpapaalala pa sa akin sa tagpo na iyon. "Hindi ko na kayo kailangan pa na ipakilala sa isa’t-isa dahil sigurado naman ako na natatandaan ninyo ang bawat isa. And, Ty, I know very well that you remember my babe.""Your babe?!" Lalo naman ang pagsasalubong ng kilay ni Tyrone dahil sa sinabi ni Trey sa kan’ya. And at this moment, I just want to disappear and leave this scene.Hindi naman pinansin ni Trey si Tyrone at muli na itinuon ang ate
"What the hell is that all about? Kailangan ba talaga na maabutan ko kayo ni Trey sa gano’n na puwesto? At gustong-gusto mo pa talaga na nilalandi ka ng gago na kapatid ko!" Nagulat ako nang madatnan si Tyrone sa apartment ko sa pag-uwi ko. Hindi ako nakahuma at na-estatwa na lamang ako sa may pintuan nang marinig ang galit na tinig niya pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang. Hindi ko na rin kasi inaasahan na pupunta siya rito ngayon na wala man lamang pasabi. "And where the hell have you been? Kasama mo ba si Trey sa maghapon? Did you spend time with my brother again? Fuck it! What did you two do?" Galit na galit siya nang tumayo siya at agad na hinaklit ako sa braso."Royce, what is wrong with you? You're hurting me." Pilit ako na kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mahigpit ang kapit niya roon at ramdam ko ang galit niya sa akin. Pasalya niya ako na itinulak sa may sofa habang nanatili siya na nakatayo at madilim ang mga mata na nakatitig sa akin. "Ano ba ang mga sina
Magdadalawang linggo na kami na hindi nagkikita ni Tyrone matapos ang araw na iyon na sumugod siya sa apartment ko dahil sa labis na selos niya para umalis din naman agad nang tawagan siya ng asawa niya. Maski ang mag-text ay hindi na nga rin niya nagawa pa sa loob ng dalawang linggo, habang ako naman ay patuloy na umaasa at naghihintay.Ganito ang buhay ko sa piling ni Tyrone Lorenzo. Kung hindi niya ako tatawagan o ite-text man lamang ay hindi rin puwede na ako mismo ang kokontak sa kan’ya. Kailangan namin na pareho na mag-ingat sa mga kilos namin dahil baka sumakto na kasama niya si Ivory kapag bigla ako na tumawag at mag-text.Ang kailangan ko lamang na gawin ay ang maghintay kung kailan niya ako ulit maaalala at kung kailan niya ulit ako mapupuntahan. As always, I don’t own him; I don't have the right to demand anything from him because I am just a mistress and I am just borrowing him from the rightful owner.Mabuti na lamang din at naging abala kami ni Ashley sa mga kakailanganin
"Sino ang kasama mo?" Nagpalinga-linga pa si Ivory sa paligid namin na animo hinahanap kung sino ang kasama ko ngayon. "Ano ang ginagawa mo rito?""I’m here for a costume fitting with my agent, Mrs. Lorenzo. Actually, sa boutique lang sa kabila." mabilis na tugon ko."Oh! Talaga? That's nice. I hope that everything is going well for the project. And by the way, you are perfect for the job.""Hindi naman. Hindi ko nga alam bakit ako pa ang pinili ni Trey. But, thank you, Mrs. Lorenzo." Nakangiti man ako ay nagngingitngit ang kalooban ko dahil din sa paulit-ulit ko na pagtawag sa kan'ya ng Mrs. Lorenzo."Call me Ivory. Ikaw naman, para ka naman na iba pa sa amin. I feel like I know you so well already. Both Trey and Tyrone have stories to tell about you. And Trey is ecstatic about seeing you again." Mabait naman si Ivory sa akin pero sa kabila noon ay inis ang nararamdaman ko dahil ang nasa isipan ko ay karibal ko siya."I hope what they've told you about me is all good.""They sure do.
Alalang-alala sa akin si Trey pero hindi niya ako pinilit na magkuwento kung ano ang aking problema. Nanatili lamang siya na nakatunghay sa akin habang hinihimas-himas ang braso ko, and I gladly welcome the comfort that he is offering me.Matapos ang biglaan ko na pagluha sa harapan niya ay nagpasya kami na huwag na muna dumiretso sa boutique, kaya nag-text na lamang ako kay Ashley na nagkita kami ni Trey at nagyayaya lang na mag-snacks.Well, it was not entirely a lie, dahil totoo naman na magkasama kami na nag-sa-snacks ngayon. He was actually inviting me to the coffee shop, but of course, knowing that Tyrone and Ivory were there, I chose to go to the pastry shop instead. At dito nga ay hindi ko pa rin nakalimutan ang tagpo kanina, kaya naman patuloy pa rin ang pangingilid ng mga luha ko kahit pa pilit ko na pinipigilan ito."Whatever it is, Rave, I am here for you. You know that I’ll always be here for you." He kept comforting me, and I couldn't help but compare him to his brother.
Mga braso na pumulupot sa beywang ko ang nagpatigil sa akin sa pagpasok ko sa boutique. "Damn, that was a hot exit that you did back there, babe."Naparolyo na lamang ang mata ko nang harapin ko si Trey na ngising-ngisi sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin. "Bakit sumunod ka na naman sa akin?""I need to check on you. And, babe, don't you ever do that again. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na mag-isa ka na umaalis sa harapan ko.""I’m a grown woman now, Trey; I can go wherever I want to go and whenever I want to go." Tinulak ko pa siya at bahagya na lumayo sa kan’ya."But since I am here now, I will go wherever you go and whenever you want to go." Sagot niya sa akin sabay hakbang pa palapit sa akin."Are you flirting with me?" I asked seductively. I don’t know what came over me, pero dahil narito si Trey at nilalandi ako ay naisip ko na bakit nga ba hindi?Si Tyrone lamang ba ang may karapatan na makipaglampungan sa asawa niya? Siyempre, hindi rin. At ang presensiya ni Trey ngay
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an
"Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin
Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon
Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n