Zanevy Frealiza.
“HOY babae! Labhan mo na ang damit ko, inilagay ko na lahat sa labas dahil hindi pwede ang basura sa kwarto ko!” Pagpasok ko sa bahay ang na kakairitang boses ni Grace ang sumalubong sa akin. Napalingon ako sa kinaruruonan niya. Printi itong naka-upo sa sofa habang naka-taas na nunuod ng TV.Naglakad ako papalapit sa kaniya habang tinatanggal ang gloves na suot ko. Galing ako sa Farm at maghapon na nakabilad tapos ito pa ang bubungad sa akin? Wala na ba talaga akong lugar para magpahinga?“Pwede ba Grace... Ikaw na muna ang maglaba ng damit mo? May gagawin pa ako, ikaw lang naman ang walang ginagawa dito pwede mo naman sigurong gawin iyon para sa sarili mo.” Mahinang sambit ko sa kaniya. Maghapon siyang buhay princessa.Ang daming katulong na pwedeng utusan niya na maglaba pero bakit ako? Ipinanganak ba talaga ako para maging utusan? Ano ako dito tau-tauhan?“Ako ba inuutusan mo Isay?!” Galit siyang tumayo at walang sabi-sabing sinampal niya ako.Wala akong na gawa kundi ang umiyak habang nakahawak sa pisngi na damang-dama ang sakit. Ganito naman palagi dapat sanay na ako pero hindi ko matanggap.“Wala kang karapatan na sagot-sagotin ako! Kapag sinabi kong labhan mo ang damit ko labhan mo kaagad wag kang t-tanga-tanga!” Marahas iyang hinablot ang buhok ko.“A-aray! G-grace na sasaktan ako! Aray tama na...” Mahigpit akong nakahawak sa kamay niya na walang tigil sa paghila sa buhok ko papunta sa likod bahay kung saan ang Lugar para maglaba.Pakiramdam ko matatanggal na ang buhok sa ulo ko dahil sa lakas ng pagkakahila niya dahilan para mas mapa-iyak ako sa sakit. Kitang-kita ko rin ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit.Maharas niya akong iniharap sa kaniya. “Maglaba ka diyan! Wala kang karapatan para mag reklamo! Gawin mong lahat ng inuutos ko dahil hindi ka princessa rito, ah? Itatak mo 'yan sa kukuti mo!” Binitawan niya ako ng makarating kami sa likod at sumalampak ako sa seminto habang umiiyak, dinuro niya ang ulo ko.Bakit hindi ako pwedeng magbuhay princessa? E, sa pagkakatanda ko ako ang princessa ng bahay na ito?“Bakit sino ba sa ating dalawa ang mas may karapatan na mag buhay princessa, 'di ba ako?”Matapang kung tanong sa kaniya na ikinatigil niya akala ko aalis na siya pero bago iyon tinadyakan niya ako sa dibdib dahilan para masubsob ako sa palanggana bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.Pinagwalang bahala ko na lang ang sakit na nararamdaman ko at patuloy sa pag-iyak habang ginagawa ko ang inuutos sa akin ni Grace dahil gusto ko ng kumain at magpahinga.Napatingin ako sa ni labasang pinto ni Grace ng marinig ko ang nakakakilabot na tunog ng takon ni Auntie Gloria.“Buwisit kang babae ka! Anong karapatan mong sagut-sagotin ang anak ko?! Walang hiya ka!” Sigaw nito.Hindi ako nagkamali, papalapit siya sa akin na galit na galit ang itsura niya. Sunod-sunod akong napalunok sa takot dahil kung si Grace ay kaya niya akong api-apihin ay mas malala ang ginagawa sa akin ni Auntie Gloria.“A-aray! Auntie tama na po... M-maawa kayo sa akin!”Pakiusap ko ng bigla niyang hawakan ang buhok ko at isinubsob ang mukha ko sa washing machine.“Wag mo akong ma Auntie-Auntie! Buwisit ka sa buhay namin ng anak ko! Kung ayaw mong sumunod sa pinag-uutos niya mas mabuting lumayas ka rito sa pamamahay ko! Naiintindihan mo ba ako ah?”Hindi pa ako nakakabawi ng hininga ng ilublob niya ulit ang mukha ko na halos hindi na ako makahinga.Pilit ko mang makawala sa pagkakahawak niya sa akin 'di ko magawa dahil sobrang sakit na nito, iyak lang ang tanging na gagawa ko. Kung may dapat mang magpalayas sa bahay na ito ako ‘yon! Bakit ko ba nararanasan ang ganitong paghihirap?Bakit ako pa...Bakit kailangan kong mag mukhang alipin sa sariling akin? Bakit kailangan akong ipagtabuyan palayo sa aking tahanan? Bakit mas lumalabas na siya ang mas may karapatan kaysa sa akin?“Ma'am Gloria! Tama na po iyan maawa kayo sa bata!” Rinig kong saway ni Manang.Naramdaman kong bumitaw na si Auntie Gloria sa pagkakasabunot sa akin. Na pa luhod ako sa sahig dahil sa hirap na akong humingga.“Ano bang kasalanan sayo ng bata at inaalipusta niyo ng ganito?” Galit na sigaw ni Manang kay Auntie Gloria, kaya hinawakan ko siya sa kamay dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.Nanlisik ang mata ni Auntie Gloria. “Hoy Matandang gurang! Baka nakakalimutan mong katulong ka lang rito? Wala kang karapatan na pagsabihan ako sa kung anong gusto kung gawin sa babaeng 'to kung ayaw mong palayasin ko kayong dalawa rito! Kikilalanin mo ang binabastos mo! Buwisit!” Tinuro niya si Manang bago naglakad papalayo.Nakatanaw ako sa papalayong bulto ni Auntie Gloria."Anak ayos ka lang ba? Ah? Anong nangyayari? Jusko patawarin niyo ko dahil hindi ko mapigilang patayin sa isipan ko ang demonyetang mag-ina na iyan!"Nag-aalalang sabi ni Manang habang niyayakap ako, niyakap ko siya ng mahigpit at humagolhol ng iyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at indahin ang sakit na nararamdaman ko. Palagi na lang ganito gusto ko mang makawala sa paghihirap na nararanasan ko pero hindi ko magawa, ayaw kung iwan si Papa at ipaubaya sa kanila ang lahat ng pinaghirapan ni Papa.Ako si Zanevy Frealiza Acosta, kilala ako sa pangalang Isa dahil iyon ang palayaw na binigay sa akin ni Papa, 20 years old, anak ng isang Alkalde sa probinsiya na tinitingala ng lahat, nirerespeto at ginagalang na si Francisco Acosta.Lumaki ako na walang Ina dahil ng ipanganak ako ay siya namang ikinasawi niya. Mula ng magkamalay ako si Papa na ang palaging kasama ko, masaya ako na kahit kaming dalawa lang pero may parte sa akin na parang kulang kahit na sobra-sobra pang pagmamahal ang ibinigay sa akin ni Papa. Ang pagmamahal at alaga ng isang Ina.Kaya ng ipakilala sa akin ni Papa si Auntie Gloria na magiging asawa niya tuwang-tuwa ako dahil sa loob ng labing-walong taong gulang wala akong kinagisnang ina. Akala ko magiging mabuti siya para sa akin, mapaparamdam niya ang pagmamahal na dapat na naibigay sa akin ng isang Ina pero nagkamali ako.Noong una ay mabait ito sa akin at asikasong-asikaso ako nito kahit alam ko naman na labag sa loob nito lalo na kapag ka harap si Papa. Nang ganap na siyang asawa ni Papa, nawala na ang sayang nararamdaman ko, nawala na lahat ng nakasanayan ko, hindi na ako ang Isa ni Papa dahil kapag wala si Papa palagi niya akong inaapi at sinasaktan—sila ng anak niya. She's just my step Mom and Grace is my step sister.Pinapahirapan nila ako at pinagtatabuyan na para bang isang alipin, kahit alam naman nilang ako ang may mas karapatan sa bahay na ito dahil bago pa sila na punta rito ako na ang may ari nito.Papa give this house to me as his birthday gift to me and he give me a permission to manage the Ranch, nag-aaral pa ako pero kaya ko ng pamahalagaan ang rancho, dahil lahat naman ng bahay ay napag-aaralan at natutunan, but I am not the one who managing the Ranch, I am like a worker here when my stepmom own what's mine.Yes. Sapilitan niyang kinuha sa akin ang karapatan na pamahalaan ang buong Rancho. Wala akong na gawa ni hindi ko kayang isabi kay Papa pero ginagawa ko ang lahat para hindi ako tuluyang maging basura sa bahay na ito.Ginagawa ko ang lahat para mabawi ang lahat ng sa akin, I need to get proof that Auntie Gloria is stealing all what's mine that she doesn't deserve. I need to do it cause I know Papa won't believe me if I just say this.Iyong masakit na palagi mong nararamdaman ang pananakit nila pero mas masakit iyong pagtabuyan ka nila sa sarili mong bahay, ako ang nagmumukhang sampid sa pamilyang ito.Dalawang taon na ang nakalipas na si Manang lang ang nakaka-alam ng pinagagawa sa akin ng mag-ina, madaming nakakakita kung paano ako itrato nila pero kahit isa walang may lakas ng loob na magsubong kay Papa dahil takot sila kay Auntie Gloria.Si Manang ang nag-aalaga sa akin mula ng bata ako kaya ramdam ko na may kakampi ako at hindi niya ako iniiwan kahit papaano ay masaya pa rin ako na mayroong isang taong nagmamahal sa akin lalo't na palaging abala sa trabaho si Papa."Hoy! Isay! Anong tinutulog-tulog mo diyan! Bumangon ka na riyan dahil oras na para mag trabaho ka sa bukid! Hindi porket anak ka ng isang Mayor hindi ka pwedeng mag trabaho ano ka Princessa?!"Kaagad akong napabangon ng marinig ko ang sigaw ni Auntie Gloria."O-opo..." Mahinang sagot ko para tumigil na siya sa kakalampag sa pintuan ko.Tiningnan ko ang orasan ko, ala-sais na pala. Kaya ginagambala na naman ako ni Auntie Gloria. Isa isang linggo dalawang beses lang umuuwi si Papa dahil busy siya sa office. Gusto ko sanang makatulong sa kaniya hindi sa pamamaraang ganito na ako mismo ang nag t-trabaho sa bukid, araw-araw.Marunong akong magtrabaho sa bukid dahil iyon na ang araw-araw na ginawa ko mula ng agawin ni Auntie Gloria ang karapatan ko bilang taga-pamahala nitong Rancho at kapag nandidito naman si Papa parang naka day off lang ako dahil hindi ako nagtatrabaho at tiwala si Papa sa akin na maayos ang Rancho. Hindi alam ni Papa ang nangyayari sa akin, kahit gustong-gusto kung sumama sa kaniya sa office hindi pwede kasi hindi na ako bata para palaging nakabuntot sa kaniya.Kaagad kong dinampot sa mesa ang cellphone ko ng marinig kong may tumatawag when I read it's Papa, masaya ako kasi naalala niya ako."Hello Papa! Good morning! Kamusta ka na po?" Masayang bungad ko sa kaniya.["Hello my only one princess! Good morning... Hindi ba dapat si Papa ang nagtatanong niyan dahil wala ako? By the way my Isa, I'm okay. Ito busy sa trabaho.”][“Tumawag ako para sabihing may darating na bisita mamaya, anak ng kaibigan ko gusto kong masaya ang pagtanggap mo sa kaniya sa bahay, at habang wala pa ako ikaw na munang bahala sa kaniya, sinabi ko na naman na matagal pa akong nakaka-uwi at ayos lang sa kaniya na maghintay dahil magbabaksyon siya."] Mahabang sabi ni Papa na ikinatango ko.[“May isa pa pala Princessa ko, gusto kung mag-aral sa magandang paaralan sa Manila. Iyong pangarap mo naman ang asikasuhin mo, gusto mo ba iyon?”]"Talaga Papa?" Tugon ko rito.Hindi ko alam kung saan ako exited sa sinabi ni Papa. Iyong may darating na bisita—na hindi ko naman Kilala. O iyong mag-aral ako sa Manila na matagal ko ng pangarap?["Siguro mamayang hapon, hindi ko alam ang eksaktong oras pero darating siya. Ipaayos mo ang isang silid para sa kaniya ah? Maasahan ko ba ang princessa ko? At kapag na gawa mo iyon, I’ll send you to Manila to enroll in the best school taking you course you’d like."]Kung alam mo lang Papa, masabi mo pa kayang Princessa mo ako kung pagdurusa lang ang nararanasan ko rito? Siguro nga magandang paraan para makalayo ako sa paghihirap ko dito kung sa Manila na ako mag-aaral pero papaano naman ang karapatan ko? Parang ipinaubaya ko na kay Auntie Gloria ang lahat..."O-okay Papa! Kailan ka uuwi? Alam ba ni Auntie Gloria na may bisita kang darating?"]May bahid ng pag-aalala kung tanong dahil baka magalit na naman 'yon sa akin na hindi niya alam ito.["Si Gloria? Hindi ba nasa Manila sila ni Grace? Hindi niya nabangit na umuwi na pala sila diyan, oh siya. Ikaw ng bahalang magsabi sa kaniya anak, kailangan ko ng ibaba ito may gagawin pa ang Papa."] Hindi alam ni Papa?Nag bakasyon kasi sila sa Manila at nitong nakaraang linggo umuwi sila ng walang pasabi tapos palagi silang Galit tapos sa akin nila binubuhos lahat.Halos palagi nga silang nasa bakasyon nitong mga nakaraan kaya nakikita kong maganda ang nangyayari sa Rancho, nakapagpagawa pa nga ako ng bagong bakud para sa mga alagang hayop para hindi makapunta sa kabilang Rancho. Pero ngayon, mahihirapan na naman akong makita ang mga record at kita ng mga products lalo't na si Auntie Gloria na ang mamahala nito."S-sige po Papa. Mag-iingat ka po diyan, mahal na mahal kita..." Matamis kong sabi kay Papa.["Mas mahal na mahal kita princessa ko, pasensiya ka na kung palagi kitang naiiwan pero tandaan mo 'di kita pababayaan kaya kung may problema diyan sabihin mo kaagad kay Papa ah?"]Tumulo ang luha ko ng marinig ko ang sinabi ni Papa, paano ko sasabihin kung ayaw kitang masaktan Papa? Kaya ko pa naman eh, kaya ko pa!"Bye na po... Papa ko!"["Sige anak, maasahan talaga kita na alala ko tuloy ang Mama mo. Hayst! Sige na, ibaba ko na."]Niyakap ko phone ko ng marinig ko ang sinabi ni Papa kasabay ng pagpatak ng luha ko, ako din miss na miss ko na sila ni Mama.Sana buhay pa si Mama para hindi ako naghihirap ng ganito. Sana nandidito pa siya para may kakampi naman ako maliban kay Manang. Sana hindi ko nararanasan ang ganito pero tanging hiling ko na lang ngayon ay kung na saan man siya ay masaya siya, kasiyahan nila ni Papa ang gusto ko kahit na nahihirapan na ako.Natigilan ako ng mahagip ng mata ko na nakabukas ang drawer ko. Nilapitan ko ito at kinuha ko ang larawan, ito ay ultrasound picture nang nasa tummy pa ako ni Mama.“Para sa fetus na ako, kumapit ka d’yan ng mahigpit kay Mama kasi… Walang Mama na makakapitan dito.”I whispered to myself while my tears leaky down to my cheek. My heart is in pain and bleeding.Hayst tama na Isa! Magtatrabaho ka na. Breath in, breath out!Kaagad akong nagtunggo sa banyo para maligo, hinubad ko ang lahat ng saplot ko bago pumailalim sa malamig na shower at wala pang kalahating oras tinapos ko na ang pagligo dahil baka sigawan na naman ako ni Auntie Gloria. Kaagad akong nagbihis ng pang bukid na damit, isang long sleeve na kulay pink at stretchable pants na kulay itim at pinarisan ko ng isang boots.Pinagmamasdaan ko ang sarili ko sa salamin, pilit akong napangiti ng makita kong namumula ang aking pisngi at namamaga pa pati na ang mata ko kakaiyak ko ito ngayon, halos araw-araw akong nakakatanggap ng sampal paano namang hindi mamaga?Kinuha ko ang isa kong bowler hat dahil, manganabayo muna ako ngayong umaga para naman libangin ang sarili ko. Gusto ko munang bisitahin ang kabayo ko bago ako pumunta sa taniman. Kaagad naman akong bumaba at nakasalubong ko si Manang na nakangiti sa akin kaya ngumiti rin ako sa kaniya."Magandang umaga anak, halika pinaghanda—""Sampong minuto ka ng late sa trabaho mo, hindi ka pwedeng kumain ng almusal. Umalis ka na sa harapan ko bago pa mandilim ang paningin ko sayo!"Biglang sabat ni Auntie Gloria. Napayuko na lang ako. Kahit uminom man lang ako ng gatas? O kaya kape na lang para may laman ang tiyan ko?"B-busog pa naman po ako Manang, aalis na po ako."Nginitian ko si Manang at niyakap ko siya nakita ko namang nalukot ang mukha niya na para bang hindi sang-ayon sa sinabi ni Auntie Gloria."Oh siya mag-iingat ka anak, ah?" Bilin niya sa akin."Opo." Sagot ko at naglakad papalabas ng bahay.Hindi pa ako nakakalayo sa bahay namin, kumakalam na kaagad ang sikmura ko pero kailangan kung tiisin dahil baka kapag nakita pa ako ni Auntie Gloria hindi niya pa ako pakain ng tangahalian. May sasabihin pala ako kay Manang pero umurong na ang dila ko dahil kay Auntie Gloria. Siguro aagahan ko na lang sa pag-uwi mamaya para makapaghanda."Good morning Ma'am Isa!" Napangiti ako ng salubongin ako ni Becca.Isa siyang trabador dito sa Rancho namin at the same time naging kaibigan ko na rin. Kilala ako rito sa amin bilang Isa pero Isay ang tawag sa akin sa bahay siguro para magmukhang kasambahay dahil 'yon naman talaga ang role ko kapag nasa bahay."Magandang umaga rin Becca," Nginitian ko siya."Ang ganda-ganda niyo talaga Ma'am! Iyong ganda niyo po ay hindi nababagay rito sa Rancho, dapat nasa Mansion ka lang naka-upo at pinagsisilbihan." Papuri niya sa akin, at pilit naman akong pilit na napangiti."Good morning Ma'am Isa!" Bati sa akin ng dalawang lalaki na dumaan, dito rin sila nagtat-trabaho tanging ngiti lang ang sinagot sa kanila.Kung alam niya lang na mas gusto kung nandidito ako sa labas, malayo sa sakit at pang-aapi na nararanasan ko sa loob ng bahay.Akala niya sobrang saya ng buhay ko kapag nasa bahay, buhay princessa kabaliktaran lahat ng inaakala niya dahil mas mukha pa akong princessa kapag nasa labas dahil kahit papaano tinatawag nila akong ‘Ma'am’ samantalang sa loob ng bahay ay Isay. Kung pwede nga lang na hindi na umuwi, gagawin ko pero ayaw kong mag-isa roon si Manang dahil siya ang pag-iinitan ng mag-ina."Maganda ka rin naman eh," Nakangiting sagot ko sa kaniya."Hay naku Ma'am! Gutom lang 'yan tara saluhan mo na muna akong mag-almusal nagluto si Lolo ng kamote at mayroon ring saging na saba paresan natin ng mainit na kape, alam ko kumakain ka no'n kaya inaabangan kita, hihi!" Sambit niya at hinila niya ako papunta sa kubo kung saan sila nakatira ng Lolo niya."Lolo! Lolo nandidito na po kami ni Ma'am Isa!" Sigaw ni Becca habang papasok kami sa bahay nila."Halina kayo, nakahanda na ang pagkain." Sabi ni Lolo habang sinasalubong kami, kaagad naman akong nagmano sa kaniya. He is Lolo Tatang.Noong una nahihiya ako na makikain sa kanila pero sa tuwing umaga na walang ka laman-laman ang tiyan ko sila ang naging tahanan ko, pinapakain nila ako."Salamat po Lolo sa masarap na pagkain. Sobrang na busog po ako, sa uulitin po!" Nakangiting sabi ko kay Lolo ng palabas na kami ni Becca ng bahay nila."Walang anuman Hija, Basta welcome ka sa munting tahanan ko kagaya kung gaano ko gustong palaging naririto ang mga magulang mo. Alam mo noon kasi madalas silang bumisita sa pananiman at paborito ng Mama mo na kumakain ng pagkaing bukid kaya kapag alam kung darating sila pinaghahanda ko lahat ng gusto nila." Napangiti ako sa kwento ni Lolo.Ang saya pala talaga ni Mama at Papa noon, kasalanan ko kung bakit wala na si Mama ngayon. Kung hindi lang ako dumating sa kanila ni Papa ide sana buhay pa siya."Lolo sa ibang araw ka na lang po mag kwento aalis na po kami." Saway ni Becca."Oh siya mag-iingat kayo..." Bilin niya."Opo, salamat po ulit." Kumaway ako kay Lolo."Hija? Mag-iingat ka ah? Alam kung hindi ka masaya sa buhay na mayroon ka ngayon pero tandaan mo na palaging bukas ang tahanan ko para sayo... Kung nahihirapan ka na, pwede kang magpahingga pero wag mong susukuan. Matuto kang lumaban..."Madamdaming bilin sa akin ni Lolo na kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.Lahat ng sinabi niya ay tinamaan ako, hirap na hirap na ako, gusto ko ng sumuko pero 'di ko magawa dahil mahal ko si Papa."Salamat po Lolo..." Niyakap ko si Lolo Tatang.Siguro nakikita o nababalitaan niya ang nangyayari sa loob ng bahay pero kahit isa walang may lakas ng loob na magsabi kay Papa. He's 76 year's old matagal na talaga siyang naninirahan rito.Tama siya kailangan ko ng pahinga pero hindi ko kailangan sumuko, siguro oras lang ang kailangan para makapag-pahinga tapos laban ulit."Balang araw makakawala ka rin sa paghihirap na nararanasan mo, napakabuti mong bata kaya hiling ko sa maykapal na bigyan ka ng isang taong handang ibigay sayo ang lahat, pakamamahalin at iingatan ka, hindi sa ngayon pero sa tamang panahon..."Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Lolo basta ang alam ko si Papa ang gumagawa ng lahat ng iyon sa akin. Si Papa lang ang kailangan ko.Hapon na ng makatapos kami sa bukid, dali-dali akong umuwi sa bahay dahil tumawag sa akin si Grace na may naiwan siyang gamit sa bahay at kailangan ko itong ihatid sa Lugar kung na saan siya. Pagod man ako sa maghapong trabaho, kailangan ko pa ring sundin ang inuutos niya para makapag-pahinga na ako pagkatapos nito. Para na rin iwas na sa mga pwede niyang gawin sa akin.Hapon na ng makatapos kami sa bukid. Hindi na ako nakapunta kanina sa kuwadra kaya ngayong hapon ako pumunta roon. Sumakay ako sa paborito kong kabayo which is ang kabayong dating pagmamay-ari ni Mama.Dinaanan ko na rin ang iba pang mga alaga at nakikita kong maganda at malulusog ang mga baka at kambing na masaganang kumakain sa damuhan ng malaya, kaya pinaayos ko ang bakud para hindi sila makapunta sa ibang Rancho.Maliban kasi sa kabayo may iba pa rin kaming mga alaga, tulad na doon ang mga manok at baboy na mayroon ring isang malaking building na manok at baboy lang ang naroroon at ilang mga tauhan na nag-aalaga.Madaming tauhan ang mayroon kami kaya madami rin ang pinapasahod namin kada sabado. Kada uri ng hayop ay mayroong 100 na trabador na mag-aalaga rito maliban sa limang taga-pamahala na siyang nag rereport sa akin sa mga nangyayari sa mga alagang hayop, at sa taniman naman. Iyong mga taong nagtatanim ng gulayin at mga prutas ay may roong tig-50 katao kada uri ng prutas katulad ng manga, mais, pineapple, strawberry, banana, dragon fruit, vegetables at iba pa. Mayroong pang mga veterinary, to take a monthly check to the animals.Madalas akong tumulong sa mga nagtatanim kasi hindi madali ang trabaho doon, isa pa maghapon na nakabilad sa araw, iba pa rin 'yong sa mga nag-aalaga lang ng mga hayop. May mga Trainor for the animals para sure na matuturuan sila ng magandang asal. Kasi ang mga hayop ay parang tao lang 'yan kapag naturuan mo ng maayos paniguradong paglaki niyan ay may magandang asal, may puso at isipan rin sila na nakakaunawa.Malawak ang rancho kaya madaming tauhan ang kailangan. Madaming trabador ang na buong buhay ng nagt-trabaho kay Papa kaya nais ko itong manatili sa akin dahil sila ang malaking bahagi ng paglago ng rancho.Nakasakay ako sa kabayo habang papauwi sa bahay dahil tinatamad akong maglakad. Pinahinto ko si Queenie ng makita kong may nakaharang sa daan iyong mga trababador na nagbaba ng mga kargamentong ginagamit sa pagtatayo ng bakud na pinapagawa ko."Wait lang Queenie, patapusin muna natin sila."Hinaplos ko ang balahibo ni Queenie, bagay na nakuha ko mula kay Mama. Bata pa lang ako marunong na akong mangabayo dahil tinuturuan ako ni Papa, kasi dati sa akin lang ang buong oras niya nakatuod kaya naman heto ako daddy's girl.*Beeeep* *Beeeep*Nagulat ako ng biglang magwala si Queenie ng magulat sa malakas at sunod-sunod na busena na hindi ko alam kung saan nanggagaling.Pinipigilan ko si Queenie na wag lumikot, ginawa ko ang lahat para kumalma siya pero hindi ko magawa paikot-ikot at naka-taas ang dalawa niyang paa sa unahan na para bang ihuhulog niya ako.Matinding kaba ang nararamdaman ko dahil hindi ko siya makontrol at kapag hindi siya tumigil maari akong mahulog. Tatakbo na sana si Queenie dahilan para mawalan ako ng balance sa pagkakasakay sa kaniya ipinikit ko ang mata ko. Inihanda ko ang sarili ko na bumagsak sa lupa ngunit...Naramdaman kong may sumampa sa likuran ko at kaagad na pumatong ang kamay sa kamay ko na nakahawak sa tali ni Queenie, he's now the one who controlling Queenie.I immediately look at my back and I saw a man riding with me. Napatitig ako sa kaniyang napaka-among mukha, nakakaakit na azul niyang mga mata, makapal ang kaniyang kilay, matangos ang kaniyang ilong at mapupulang labi. Samahan pa ng kaniyang itim na itim na buhok side part hair style.Ang gwapo niya! Ang kinis ng kutis niya! Pakiramdam ko nag-iinit ang buong katawan ko sa iisiping magkadikit ang aming mga katawan na parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko galing sa kamay niya.Nang magtagpo ang aming mga mata. Naramdaman ko na lang ang mabilis na tibok ng puso ko, hindi ko maiwasang kabahan dahil sa kakaiba ang reaction ng puso ko. Palagi akong may nakakasalamuhang mga lalaki pero kahit isa walang nagpatibok ng ganito sa puso ko. Bakit ko ba ito nararamdaman? May kakaiba ba sa lalaking ito para maramdaman ko ang kakaibang pakiramdam?"Next time your going to ride in the horse, make sure you know how to manage when they are startled."Nanlaki ang mata ko ng mapag-tanto ko na nakapatong na siya sa akin, habang nakahiga ako sa damuhan. Napakalalim ng boses at masyado itong bago sa pandinig ko na para bang walang kasing ganda ng baritono ng boses niya at bakas ang malamig na tono. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa damuhan na kanina lang ay magkasama kami na nakasakay kay Queenie, kaagad akong na tauhan.Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakita kong nakatingin sa amin ang mga trabador na kanina lang ay nagbubuhat ng mga materyales, nakita ko namang kinuha na ni Kuya Vic si Queenie—ang taga-pamahala sa mga kabayo."Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Tanong ng isang trabador at lumapit sa akin at tinulungan akong nakatayo matapos umalis sa ibabaw ko ang lalaking hindi ko kilala.“A-ayos lang po ako Kuya Aldo, salamat po.”Pinagpag ko ang suot ko. Si Kuya Aldo naman ay ang Taga-pamahala sa pagawa ng bagong bakud."Sir, ang galing niyo ah! Para kang isang superhero para iligtas si Ma'am Isa, salamat Sir. Aldo pala..." Iniabot ni kuya Aldo ang kamay niya sa lalaking nagligtas sa akin. Tiningnan niya ang kamay nito bago tinanggap."Where is the house of Mayor Acosta?"Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi niya, wait! Hala hindi! Siya ang bisita ni Papa? Hala! Hindi ko pa nabangit kay Manang na may bisita paniguradong hindi pa nalilinis ang kwarto na pagtutuluyan niya."Ay! Ito na po 'yon Sir ang nag-iisang magandang bahay dito sa amin," Sagot ni Kuya Aldo.Tumango lang ito at bumaling sa akin tiningnan niya sa ako sa mukha at muling nagtama ang aming mga mata na siya na namang ikinatibok ng puso ko pero kaagad ring bumaba ang tingin niya mula ulo hangang paa na para bang sinusuri niya ako."Keep that in mind Woman."Itinuro niya pa ako bago siya sumakay sa sasakyan niya napabuga naman ako ng hangin ang kapal naman ng mukha niyang pangaralan ako tungkol sa pangangabayo eh, siya naman itong may kasalanan kung bakit nagwawala ang kabayo dahil sa bigla-bigla siyang bubusena kahit alam niya ng may ginagawa pa sa daan.Nakatitig lang ako sa papalayo niyang sasakyan at hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko ng maramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko ng biglang pumasok sa isip ko ang kaniyang mukha na malapit sa aking mukha."Yiee... Si Ma'am ngumiti ng walang dahilan, tinamaan kay Boss Pogi!"Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Kuya Aldo kinapa ko pa ang mukha ko at nahawakan ko ngang nakangiti ang mga labi ko, nahiya tuloy ako kay Kuya Aldo."Ayusin niyo 'yang trabaho niyo kong ayaw niyong mawalan ng trabaho!" Seryoso kong saad sa kanila para matakpan ang hiyang nararamdaman ko."O-opo ma'am! Sorry po!"Nakayukong tugon ni Kuya Aldo. Waaah!! Ang bad mo Isa! Huhu sorry rin Kuya Aldo...Zanevy Frealiza."ISA RIGHT?" Nginitian ko ang lalaki.Bababa sana ako para uminom ng tubig ng nakasalubong ko siya. Oo nga pala hindi pa ako nagpakilala sa kaniya at hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Isa pa itong si Grace ayaw akong makipag-usap sa kaniya parang kanina lang kumain sila ng sila lang dahil ayaw nila akong kasabay, kaya umakto na lang akong busog at nagpahingga sa silid ko.Hindi ako interesadong makilala siya dahil sa ginawa niya kanina."Oo, bakit?" Inirapan ko siya."Thyme. Thyme Sandoval your future, is nice to finally meet you Miss Acosta." He properly introduce himself and handed me his hands for shake hands. Wait Sandoval? Saan ko na nga ba narinig 'yon? "Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Ang kapal naman ng mukha niya!"Nothing, I said you're beautiful can I court you Miss Acosta?" Ano raw? Nagbibiro ba siya? Nanaginip na ba ako?"Hindi mo ako madadaan sa mga ganiyan-ganiyan mo! Baka nakakalimutan mong m
Zanevy Frealiza."MARUNONG ka bang mangabayo?" I flipped my hair."Ililigtas ba kita kung hindi?" He smirked. Sumakay siya sa kabayo ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, ang daming pagpipilian talagang iyong akin pa ang nagustuhan."Baba ka diyan! Sa akin si Queenie, marami doon oh..." Tinuro ang ibang kabayo na nasa loob ng kuwadra."Tch. Come on, sumakay ka na rito bago pa magbago ang isip ko. I'll teach you how to drive it properly," He winked. Iniabot niya sa akin ang kamay niya, tinanggap ko naman ito dahil wala namang masama kung matutunan ko ng maayos ang pagmamaneho ko kay Queenie.He's my suitor after all, I trust him. Hindi ko alam pero ang bilis ng pangyayari, basta isang araw na sanay na ako na manliligaw ko siya katulad ng sinabi niyang liligawan niya ako hindi ako pumayag pero patuloy pa rin siya sa panliligaw, nagdadalawang isip ako dahil sa hindi namin kilala ang isa't-isa unang kita niya sa akin tinanong niya na kaagad ako nakatawa nga at nakakagulat siya pero
Zanevy Frealiza.NAKITA kung na gulat si Thyme ng makita ako. Dali-dali naman siyang tinakpan ang poste niya na kumakaway sa akin. Nagtungo sa kama at ipinupulot sa lower part ng katawan niya ang kumot. Napalunok ako ng makita ko ang katawan niya halos naka-ilang kurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Puno ng tattoo ang katawan niya. Hindi ko malaman kung anong ibig sabihin ng mga arts sa katawan niya pero isa lang ang alam ko sa isang tingin dito. Nakakatakot. Para itong mga symbol na may malalalim na kahulugan. "Wahh! Papa!" Natataranta kung sigaw dahil hindi ako maka-move on sa nakita ko. Huhu ang baboy ko, kay babae kung tao nakakita ako ng higanteng poste na mahabang malusog tapos iyong katawan niya wahh! nakakahiya. Tatakbo na sana ako papalabas ng kwarto niya ng maramdaman kong hilain niya ako. Nanlaki ang mata ko ng mawalan ako ng balance at bumagsaka ako sa kama dahil hawak niya ako na hila ko rin siya. Nanlaki ang mata ko ng mapag-tanto ko na nakapato
Zanevy Frealiza.KAKATAPOS lang naming mag lunch. Ayaw ko sanang sumabay sa kanila dahil nahihiya ako kay Grace at Auntie Gloria lalo na kay Papa pero hindi ako makatanggi kay Papa. Ang pinagtaka ko lang ng walang Thyme ang sumabay sa amin sa pagkain.Hindi ko siya nakita pagkatapos ng nangyari. Hindi kaya iniwan niya na ako sa ere?Kailangan kong matapos ang ginagawa ko lalo pa at bukas pupunta kami ni Auntie Gloria sa doctor. Hindi ko maintindihan kong bakit kailangan ko pang gawin 'to pero kung sa ikakatahimik ng lahat at para napatunayan ko na wala akong ginagawang masama na ikakasira ng tiwala ni Papa ay kailangan kung gawin, ayaw kong mapahiya si Thyme lalo't pa wala naman talaga siyang ginagawa sa akin.Iniisip ko na sana nandidito si Mama sa tabi ko at nakakasama ko. Gusto kung maramdaman ang pagmamahal niya kahit na impossible iyon palagi ang dalangin ng puso ko kahit sa panaginip man lang..."Come in," Ibinaba ko ang papel na binabasa ko ng may kumatok sa pintuan.Napansin k
Zanevy Frealiza.NASA LOOB kami ng sasakyan ni Thyme pagkatapos namin sa hospital pumunta kami sa mall. Na masyal kami at doon na nag lunch. Ang saya niyang kasama dahil sobrang careful siya sa akin, alagang-alaga niya ako, hindi ko alam pero sa tuwing ginagawa niya iyon ay hindi ko iwasang napangiti. Hindi ko mapigilang kiligin ng bigyan niya ako ng bulaklak, ganito pala ka sweet at maalaga si Thyme kaya siguro hindi siya mahirap mahalin."Hey!" Napatingin ako kay Thyme ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko."Kanina ka pa tahimik may problema ba?" Dagdag niya pa."W-wala, okay lang ako." Nginitian ko siya. Naramdaman ko namang hinalikan niya ang kamay ko na ikinasikdo ng puso ko.Hindi ko siya na iintindihan kanina kung bakit kailangan kong dalawang beses i-check up pero na isip ko na may possiblity na may gawin ngang mali si Auntie Gloria sa results ko dahil alam kong matagal niya na akong gustong mapalayas sa bahay at mas lalong ayaw niya namang mapahawak ang anak niya."
Thyme Xenon."HEY, SWEETY." Hinalikan ko siya labi ng makarating ako sa kinaruruunan niya.Nakaupo siya sa swivel chair dito sa opisina, ka gagaling ko lang kasi sites na ako ang kinuha niyang mag assist bukas na bukas rin tapos na iyon.Pumayag na rin siya na pakasalan ako dahil sinabi niya na kung pinandigan ng Papa niya ang salita nito kailangang gawin niya rin sa kaniya hindi dahil sa iyon ang kondisyon ko, kundi dahil sa mahal niya ako."Hm... Hi! How's work?" Tanong niya ng magkatapat ang mukha namin.Ngumuso ako sa kaniya at kaagad niya namang nakuha ang ibig kong sabihin, siya naman ang humalik sa akin ngayon."Good news, bukas na bukas tapos na. Pwede ko na bang makuha ang rewards ko?" Kinindatan ko siya na ikinangiti niya at mahinang tinampal ang pisngi ko."Heh! Isang linggo na lang kaya ikakasal na tayo kaya pagkatapos na nang kasal ang rewards mo." Psh. Kasal na naman na kami ah?"Sino bang nagsabi sayong ikakasal pa lang tayo? Zane, baby, we are already married." Binuks
Thyme Xenon."LOVE?" Sambit namin ni Charley ng makita namin ang apat na nakatayo sa harapan namin.It's Love, Travis, Than and Thyne.Akala ko hindi sila pupunta pero anong ginagawa nila dito? Buwisit! Nakakainis, kong kailan ko pa makukuha ang reward ko gumawa pa naman ng gulo si Tristan! Buwisit!"The one and only!" She flipped her hair before she walk toward us like a mode. She hug Charley."What's with that look? What happened?" Hinawakan ni Love ang pisngi ni Tristan pero kaagad ring iniwas ni Tristan ang mukha niya ginulo niya ang buhok ni Love. "Nothing," Tipid niyang sagot dito kaya naman bumaling sa akin si Love habang malawak ang ngiti."Happy birthday to you my man! Hihi I love you," Lumapit sa akin si Love.Yumakap sa akin na para bang magpapabuhat kaya muntik pa siyang matumba kaya inalalayan ko siya, I hug her too. Nagkatinginan kami at hinalikan ko siya sa noo.“I miss you so much, baby.”Zanevy Frealiza.NATIGILAN ako ng maramdaman kong naka-higa na ako sa malambot
Zanevy Frealiza.TUMAKBO ako pabalik sa kwarto ko ng bumuhos ang mga luha ko sa harapan niya. Masakit sa akin na marinig ang mga sinabi niya, na makita kung paano niya ito alagaan. Ang sakit!Akmang isasara ko na ang pinto ng kwarto ko ng maramdaman kong bumundol dito at naramdaman kong may marahas na humila sa kamay ko. Isinandal ako sa nakasarang pinto na ipikit ko ang mata ko dahil alam kung tatama ng malakas ang ulo ko sa pinto ngunit laking gulat ko na palad ang napatungan ng ulo ko, kasabay ang paglapat ng labi sa labi ko.Iminulat ko ang mata ko at nakita kong si Thyme ang humalik sa akinm Nakaramdam ako ng inis at galit sa kaniya dahilan para itulak ko siya ngunit hindi siya nagpatinag, mas lalo niya akong isinandal sa pinto ng ilapit niya sa akin ang katawan niya at mas pinag diinan ang halik. Lasang alak ang kaniyang labi.Nagpupumiglas ako sa kaniya habang itinulak siya ngunit hindi ko magawang maka-alis, hindi ko mapigilang maiyak dahil sa inis na nararamdaman ko sa kaniya
Finally, ITMH officially reach the finished line.To the person who take time to read IMPREGNATING THE MAFIA HEIR until the end, thank you so much.To the person who sent gems, comment and recommend this story, thank you so much!There's a lot of typical, grammatical and whatsoever error it is, thank you for understanding and criticism, I appreciate it.To everyone of you, thank you very much for the love and support. No word can explain how gratitude to all of you. Thank you for being part of my writing journey!I will work hard to develop, improve and learn more for the better!See you on my many more upcoming stories!Sincerely,Black_JaypeiFacebook: Jaypei Smith WPGmail: blackjaypei20@gmail.com
THYME XENON “Daddy, bye!” Nanlaki ang mata ko ng mag-overtake sa akin si Empress. Bumitaw pa siya sa manibela ng motor at pinatalon ito. Bumuga ako ng marahas na hangin dahil siya lang talaga ang nakakapagpakaba sa akin ng ganito katindin pagdating sa race track. “Slow down!” Paalala ko sa kaniya. Yes, she's a racer at the age of 4. Pinatunayan niya sa akin na hindi ko kailangan magkaroon ng anak na lalaki dahil kahit babae siya kayang-kaya niyang gawin ang mga bagay na ginagawa ng lalaki. “Yeah! I did it, Daddy!” “Wow! That's my Empress! Give me, five! High five!” I chuckled. As her Dad, I'm so proud of her. She have my full support and I give her everything she needs and want to. Nagkakaroon kami ng argument ni Zane pagdating sa kaniya pero sa huli masusunod kung ano ang gusto ni Empress. Zane want her to act like a normal little girl at her ages who loves studies, making friends with other kids and also be a good girl just like her sister Fria. At the ages of 4 she have
THYME XENONAs I left my home for work. My heart is broken into pieces. Seeing my daughter's crying and begging not to leave is the least I can't imagine. May my wife won't stop me but I know deep inside she doesn't want me to left too just like how I don't want to be away from them.Hindi ako pumayag na ihatid nila ako dahil ayoko na magbago pa ang isip ko na hindi tumuloy ngunit kahit hindi nila ako hinatid ramdam ko 'yong bigat ng paa na ayoko ng humakbang palayo sa kanila.I don't want to leave anymore but I can't escape to my responsibility as a grandchild of Maximo Sandoval. I'm one of his heir that I need to take care of the family legacy and got what is belong to mine.“Ako na ang bahala sa mag-ina mo, aalagaan ko sila para sa'yo sa ganitong paraan magawa ko man lang sa mag-ina mo ang bagay na hindi ko na gawa sa asawa ko.” Inakbayan ko si Tristan. Alam ko ang pinagdaanan niya at kung may magagawa man lang ako para sa kaniya gagawin ko. Hindi ako nagdadalawang-isip na ibigay a
ZANEVY FREALIZA Hindi ko maintindihan ang lalaking 'to, sobrang close na siya kay Fhara kaysa kay Fria. Ilang taon na si Baby Fria, kahit kailan wala akong natatandaan na pinagbuhatan ko siya ng kamay, napagsasabihan oo.Masamang tingin ang itinapon ko kay ng lumingon ito sa amin. May isinuot itong bracelet kay Baby Fhara, may bago na naman siyang ibinigay sa bata. Imbes na si Baby Fria ang tingnan niya inuna niya pa si Baby Fhara na regaluhan. At mas concern pa siya sa bata na wala naman akong ginagawa.“It suit you, My Empress Baby.” Umupo siya sa tabihan ko at hinaplos ang pisngi ni Baby Fria. Inilabas niya ang tatlong lollipop kaya kuminang naman ang mata ni Baby Fria. “Thank you, Daddy.”“Ang aga mo naman yata.”“Don't cry, my prince—op! Ops! No, don't do that.” Mabilis na tumayo si Thyme ng aabutin ni Baby Fhara ang buhok ni Baby Fria. Ito namang baby ko na 'to obsess sa buhok nitong Ate niya palibhasa curly ang sa kaniya tulad ng sa Daddy niya. “Ang hilig mong hilain ang bu
ZANEVY FREALIZA Maghapon siyang nasa bahay at ang attention niya kay Baby Fria. Akala ko pa naman nagbago na ang tingin niya kay Baby Fhara pero sa tingin ko ganu'n pa rin ng dati. At mayroon na siyang bagong pamilya na mas mahahati ang oras niya.Pagkatapos kumain ng dinner umakyat na ako sa kwarto. Iniwan ko silang mag-ama na naglalaro at naliligo sa pool. Inasikaso ko si Baby Fhara. Nilinisan ko siya at pinalitan ng damit pantulog. Dinala ko siya sa veranda.“Yakapin mo ako ng mahigpit, baby ko, kailangan ni Mommy ng strength ngayon.”Umiiyak na hinalikan ko ang noo ng anak ko. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil pakiramdam ko mauubusan ako ng lakas kung hindi ko mailalabas ang luha na kanina ko pa tinitiis.Alam kung masakit at mas masakit para sa mga anak ko na malaman nila ang bagay na 'yon. Ayoko na magbago ang tingin sa kaniya ni Baby Fria kaya mananatili siyang mabuting ama sa mata ni Baby Fria hangga't kaya kung magtiis para sa kanila, gagawin ko.“Can you see the moon, baby?
ZANEVY FREALIZA Tatlong araw pang nanatili sa hospital si Baby Fhara bago naka-uwi sa bahay. Hindi ako umalis sa tabi niya at wala akong ibang gusto kundi ang makita na gumaling siya ng tuluyan.Hindi rin na wala sa tabi ko si Bea na palagi kung kasama sa hospital at nag-asikaso ng lahat ng babayaran. Malaki rin ang na gastos ko mula sa pera ni Thyme ngunit saka ko na iisipin kung paano ko ito maibabalik kapag magaling na ang anak ko.Bumisita si Mama ng malaman ang nangyari. Nakakapagtaka nga na hindi niya kasama si Paul pero na iintindihan ko ito dahil abala sa company. Ang parents naman ni Thyme ay agad na pumunta kasama si Thyne kahit na galing pa sila sa ibang bansa. Sila pa mismo ang naghatid sa amin pa uwi sa bahay dahil discharge na si Baby Fhara ng makarating sila.“Zane, kumain ka na muna...” Nilingon ko si Bea at sininyasan ko siya na wag maingay at sumenyas ako na susunod ako. Kanina pa tulog si Baby Fhara sa bisig ko pero ayaw ko itong ilapag dahil gusto ko siyang pagma
ZANEVY FREALIZAMabilis akong bumaba ng sasakyan niya at pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong ko ang isang worker kaya inutusan ko itong kunin ang pinamili ko sa sasakyan ni Thyme.Pagpasok ko sa loob ng bahay. Nagulat ako sa sunod-sunod na putok ng confetti. Nayakap ko pa si Baby Fhara dahil akala ko kung ano na ito 'yon pala ang apat na binata.“Happy birthday, Fhararaaa!” Nag-uunahang sumalubong sa amin si Thyne at Tahn na sila may kagagawan ng kalat sa sahig. Si Tristan naman tahimik sa gilid habang si Travis naman may hawak ng round milk cake na mayroon pang baby bottle sa itaas.“Ang aga niyo namang dumating.” Puna ko sa kanila at pinahid ang luha na naglalandas sa pisngi ko. Natigilan naman si Tahn at Thyne pero ngumiti ako sa kanila.“Excited kaming makikain, eh!” Pinisil ni Thyne ang pisngi ni Baby Fhara. “Hello, Baby Fharara! Ang ganda naman this baby in pink! Teka... Bakit na sobrahan naman sa puti?”“Oo nga coz! Kitang-kita naman sa mukha na Thyme na Thyme ang dating p
ZANEVY FREALIZAUmuwi nga kaming mag-ina sa rancho na hindi siya kasama. Hindi na rin namin napag-usapan pa ang nangyari. Nag-uusap kami ng maayos hindi nga lang kasing sweet ng dati. Inisip ko rin na ayos na 'yon na nasa malayo siya para hindi ko nararamdaman 'yong pakiramdam na may ayaw siyang makasama sa aming mag-iina niya. Hindi ko inilalapit sa kaniya si Baby Fhara pero hindi ko rin inilalayo, sadyang ginagawa ko lang ang tama na alam ko na makakabuti para sa anak ko. Sa tuwing pumupunta siya dito sa rancho si Baby Fria lang ang sadya niya at hindi ko nilalabas sa kwarto si Baby Fhara para naman hindi siya magalit na makita ang anak ko. May kirot sa dibdib ko na wala talaga siyang ka amor-amor kay Baby Fhara.“Zane, na saan ang bata?” Natigilan ako sa pagliligpit ng laruan ni Baby Fria dito sa nursery room. Napapikit ako bago ko siya nilingon na nakasandal sa nakasarang pinto.“Bakit mo hinahanap? Hindi pa siya marunong gumapang kung iniisip mo na malalapitan ka niya.”“Sa tu
ZANEVY FREALIZA“Manganganak na ako!”Ito na ang araw na pinakahihintay ko at the same time natatakot ako. Maaring ibang karanasan na ang nadanas ko sa pangalawang beses kung pagbubuntis na mas masasabi kong madali pero hindi mawala ang kaba sa dibdib ko habang nakahiga ako sa stretcher na itinatakbo papunta sa delivery room.Punong-puno na ng pawis ang buong katawan ko at ramdam ko ang matinding pagod dahil sa pag-ere ko at the same time sobrang sakit ng buong katawan ko na parang hinahati ako sa dalawa.“Push, Mommy, push!” Sinunod ko naman ang utos ng doctor.“One more, big push mommy. Ayan na si Baby. Push!” Mahigpit akong napahawak sa magkabilaang gilid ng unan ko at inipon ko ang buong lakas ko para umere.“Ahhhhhhhhh!” Wala akong ibang nasa isip kundi ang maisilang ko ng ligtas ang aking anak. Hirap na hirap na ako pero kinaya ko na isilang siyang normal delivery. Sumilay ang ngiti sa labi ko at hindi alintana ang pagod at hirap na pinagdaanan ko ng marinig ko ang iyak ng anak