Alessia's POV"ALES, please kumalma ka muna tapos mag-usap tayo ulit." Ramdam ko na kabado si Stefano kahit hindi niya pinapahalata."Hhmm..." Tugon ko na lang para tumahimik na ito. Hindi ito titigil kung hindi ako sasangayon sa sinasabi niya."S-sige, lalabas na muna ako. Dadalhan kita ng pagkain dito." Paalam naman niya sa akin ngunit nagmamadali itong lumabas.May ideya na ako na hindi sa kusina ang tungo nito kundi kay Elijah. Hindi ko naman hahayaan na magtagumpay si Stefano."Sushi, help me escape this place. It is time to leave." Mahinahon na saad ko kay Sushi at otomatikong nagising ito at tumalon pababa. Nakita ko naman na umuusok ang katawan nito at tumunog ang mga buto nito. Ilang segundo lang ay malaki na si Sushi, mas malaki pa sa akin.Is this thy real desire, mine own mistress?"Yes, I want to leave this place, far away from Elijah where he will never be able to find me." Yan ay kung hahanapin niya ako. Tugon ko kay Sushi at isinuot ko na ang makapal na balabal.Oft, a
Third Person's POVNAKABALIK na sina Elijah sa palasyo at sinalubong silang lahat ng mga sentinels at mga kawal ng Mythion. Nandoon din ang reyna, tuwang tuwa sa kanilang pagbabalik kahit madaling araw na silang nakauwi.Sinuyod naman ni Elijah ang kanyang mga mata, hinahanap ang isang pigura na nais niyang makita. Sabik na siyang makita at mahawakan muli si Alessia pero hindi niya ito nakikita. Agad na lumapit si Stefano sa kanya at yumukod ito."Maligayang pagbabalik, mahal na hari." Bati ni Stefano dito.Tumango naman si Elijah. "Nasaan si Alessia?" Agad na tanong ni Elijah kay Stefano at gusto naman magtampo ni Stefano dahil halatang walang pakialam ang hari sa kanya. Ang utak nito ay napupuno kay Alessia."Nagpapahinga na siya, kamahalan." Tugon naman ni Stefano."Your majesty, we were worried when we were told that you've gone missing, especially Alessia." Nag-aalalang saad ni Natalia ngunit ngumiti naman kaagad ito. "But I am glad that you are back now. It's been dreadful days
Third Person's POVNATAPOS na ni Elijah ang mga dapat niyang pirmahan kaya naman ay lumabas na siya sa kwarto at pumunta sa isang maliit na salas. May sofa doon, maliit na lamesa at bintana. Gusto niyang mag-isip at kalmahin ang sarili niya. Wala pa sa kamay niya ang mga ebidensya kaya hindi niya pwedeng lapitan si Alessia dahil tatraydorin lang siya ng sarili niya.Nakatayo lang si Elijah doon, madilim ang paligid at malakas ang hangin. Hindi niya magawang matulog lalo na at marami siyang kailangan gawin. Pagkatapos ng lahat ng ito ay aamin na siya kay Alessia. "E-Elijah?" Napalingon naman si Elijah dahil sa boses na tumawag sa kanya. Nakita niya si Erenea, kiming nakatayo at natatakot. "M-maaari ba a-akong s-sumama s-sa iyo?" Napakunot naman ang noo ni Elijah. Hindi mabasa ni Elijah kung ano man ang tumatakbo sa isipan nito para masabi iyon. Kakatwang wala na rin siyang maramdaman dito na hindi maipaliwanag ni Elijah. Pero masaya si Elijah dahil wala na siyang poproblemahin pa tun
Third Person's POVNAGKUKUMAHOG na tumakbo si Stefano papalapit kay Elijah. Kinakabahan ito lalo na sa pakikitungo ni Alessia. Hindi mapigilan ni Stefano na matakot sa mga posibleng mangyari."Kamahalan, si Alessia mukhang aalis na siya. May dala na siyang mga gamit." Kinakabahan na saad ni Stefano. Hindi ito mapakali dahil na rin sa reaksyon ni Alessia.Tila tinakasan naman ng dugo si Elijah at mabilis itong lumitaw sa harapan ng pintuan ng kwarto. Maraming sentinels doon na tila naalarma at hindi alam ni Elijah kung ano ang nangyayari. Marahas na binuksan ni Elijah ang pintuan at sumalubong sa kanya ang malamig na hangin. Nakita niya na basag na ang salamin ng bintana at nakakalat ang mga bubog nito sa sahig. Nililipad ang kurtina dahil na rin sa malakas na hangin mula sa labas at may mga iilan na niyebe na pumapasok sa silid.Itinuon niya ang kanyang pansin kay Alessia. Nakasakay na ito sa likod ni Sushi. Nakasuot ito ng isang puting coat at may scarf ito sa leeg na kulay pula. Nak
Alessia's POVNAGISING na lang ako dahil sa tunog ng mga tilaok ng manok. Pakiramdam ko ay nasobrahan ako sa tulog dahil kakagising ko pa lang ay inaantok na ulit ako. Bumangon naman ako at napatingin ako sa bintana. The sky is painted with the colorful hues in yellow, white and blue.Napakunot naman ang aking noo dahil kasisilang pa ng araw. Kung tama ang pagkakaalala ko, dapat ay hapon na sa oras na ito. Buong araw ba akong natulog? Kaya ba ganito ang nararamdaman ko dahil nasobrahan ako sa tulog?Walang akong magawa dahil nangyari na kaya ay kumuha na lang ako ng damit mula sa tokador. Nagtaka pa ako nang makita ko ang mga damit na nakatupi sa loob. May puti, asul, dilaw at kung anu-ano pang kulay. Ngunit nakakapagtataka na iba ang estilo ng mga iyon kaysa nakasanayan ko na kasuotan dito sa Valeria.Kumuha ako ng isa at tiningnan iyon. Kulay asul ang pinulot ko. There is a gold chain that serves as a tie from the front cover to the back. "Aren't this...a greek style dress?" I blur
Third Person's POVILANG araw na ang lumipas mula nang umalis si Alessia. Ilang araw din na walang pahinga si Elijah, sinuyod niya ang buong Wysteria mahanap lang ang nawawalang kasintahan. Napupuno ng pag-aalala at takot si Elijah dahil alam niya kung gaano kadelikado ang Wysteria lalo na kung gabi.Bawat araw ay tila pinapatay si Elijah ng paulit-ulit, walang buhay ngunit hindi humihinto sa paghahanap at pagdarasal na sana ay mahanap na niya si Alessia. Mas lalong nakonsensya si Elijah dahil sa pagtatalo nila ni Stefano noong araw na umalis si Alessia."Kamahalan, ano ba talaga ang nangyayari? Hindi aalis ng ganoon na lang si Alessia ng walang mabigat na dahilan. Naiintindihan ko na nasaktan ka, ngunit hindi ibig sabihin ay hindi nasasaktan si Alessia." Halos hindi mailarawan ang sakit at takot sa mukha ni Stefano. "Bata lang siya, kamahalan. Ikaw na higit na mas matanda sa kanya, ikaw dapat ang mas umintindi. Gustohin kong man magalit sa iyo ngunit wala akong karapatan.""Nothing h
Alessia's POVDAHIL sa bagot ko ay nagpasya ako na bumisita sa bayan ng Caracass. Nagsuot ako ng puting talukbong at hindi naman iyon kakaiba dahil madalas magsuot ng ganito ang mga kababaihan dahil na rin sa kasuotan ng Caracass.Narating ko ang bayan at napapayuko ako tuwing may mga dumadaan na mga sentinels. Kahit hindi ako magtanong, alam ko na may hinahanap sila. Kaya laking pasalamat ko na lang din dahil hindi nila ako napapansin.Pumunta ako sa mga tindahan kung saan may ibinebentang mga alahas na gawa sa mga makukulay na mga shells. Hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay ngunit masyadong magaganda ang mga kulay nito na alam ko na hindi artipisyal kaya tiningnan ko ang mga iyon."Bili ka na binibini, sampung bronse lamang ang halaga ng bawat isa at bagay na bagay ito sa iyo." Nakangiting saad sa akin ng babae. All merchants will really say these things to their prospective buyer kahit ang totoo ay hindi naman talaga bagay. Nabiktima na din ako sa ganito noon. Kagaya ng mga dam
Third Person's POVNAKATAYO si Elijah sa harap ng selda ni Natalia. The fall of the queen is painted in every Natalia's skin. In just a matter of time, she became boney, the hallow on both sides of her cheeks, the dark bags beneath her eyes, chapped lips, dress like rags stained with old and dried blood, and her hair is a mess. Elijah did not feel any amount of pity towards her. For Elijah, every bit of suffering she deserved are a well served payback.Nakita naman si Natalia si Elijah at kahit hirap ito ay nagmadali itong lumapit sa harang. Ang maruming kamay ni Natalia ay mahigpit na kumapit sa bakal na kulungan."E-Elijah, tulungan mo ako...ayoko na dito, hindi ko na kaya." Nagmakaawa na saad nito at mangilid ang luha habang sinasabi iyon. "W-wala akong kasalanan. Hindi ko ginagawa ang mga ibinibintang nila sa akin. I was only set up. That bitch Alessia is jealous of what I have so she did everything to frame me. She's poisoning your mind." Parang hibang na saad nito. Her iris is d