NAKANGITI si Earl habang pabalik sa kainan. Nasa kamay niya ang isang maliit na kahon na may lamang singsing. Isang diamond ring ang kanyang napili na tiyak niyang magugustuhan iyon ni Kaye. Kung sakali na mapawalang bisa ang kasal nila ni Sandra, aalukin na niya ito ng kasal. Nakikini-kinita na niya ang mangyayari kung sakali. Ang kanina lamang ngiti ay unti-unting napawi nang matanaw si Sandra. Minadali niya ang paghakbang patungo sa kainan. At habang papalapit ay napagtanto niyang wala na roon si Kaye. Ang asawa na niya ang naroon at isa-isang tinitingnan ang mga damit na binili niya. Hindi siya pansin ni Sandra dahil abala ito sa pag-isa-isa ng mga damit. "What the hell are you doing?" mahina ngunit mariing tanong niya nang makalapit na rito. "Ow, nandito ka na pala, asawa ko!" Nilakasan nito ang pagbitiw ng salita upang marinig ng mga naroon. Hindi pinansin ni Earl ang mga nagbulongan sa paligid nila. "Anong ginawa mo kay Kaye?" Madilim ang titig niya rito. Yung tipong tingin
"INAY, Itay, patawarin niyo po sana ako." Luhaan si Kaye matapos ipaalam ang kalagayan sa magulang. Kumpirmadong buntis siya. Nanginginig ang kamay habang hawak ang pregnancy test at positive ang lumabas. Hindi niya magawang ilihim sa magulang ang kalagayan. Ipinaalam na rin niya ang tungkol kay Earl, ang tungkol sa maling pagmamahalan nila.Lumapit sa kanya si Caridad, "Okay lang iyan, anak. Ang importante ay narito ka. Lahat naman tayo ay nagkakamali. Sabi nga ay walang perpektong tao sa mundo. Lahat ay makasalanan. Ang mahalaga ay ang ngayon at ang magiging anak mo, ang apo namin." Hinagod-hagod ng ginang ang likod ng anak. "Inay..." Agad siyang napayakap sa ina. Umiyak siya nang umiyak. Sabay na napalingon silang mag-ina nang tumayo at umalis si Arturo. Napatitig si Kaye sa ina. Humihingi ng saklolo. Bigla siyang kinabahan."Hayaan mo lang siya, anak. Kung nagtatampo man siya o galit, alam kong hindi ka niya matitiis." Pinasadahan ng palad nito ang lampas-balikat niyang buhok at
"SWEETHEART, please! Huwag mo namang gawin sa akin 'to. I'm begging you, please. Please, sweetheart." Lumuluha si Earl. Lumuhod na rin siya na yakap ang binti ng dalaga. Ayaw nang balikan siya ni Kaye. Nakapagdesisyon na raw ito na hiwalayan siya. Paano na siya ngayon? Hindi niya kakayaning mabuhay kung mawawala rin ito sa kaniya. Bakit kasi hinayaan niyang umabot sa ganito ang pangyayari? Kung mapapagalaw lang sana niya ang kamay ng orasan, ibabalik niya iyon sa panahong ikinasal sila ni Sandra. Hindi sana siya pumayag sa kagustuhan ng ina. Mariing napapikit si Kaye. Masakit man pero iyon ang tama. "Umuwi ka na, Earl. Hindi na kita mahal!""Sweetheart, no..." Lalong humigpit ang kapit ni Earl sa binti ng dalaga nang maramdaman na tinatanggal nito ang braso niya. "I'm begging you, please!" Halos mamaos na siya pero tila bato ito."Earl, tumayo ka na!" "No! Ayaw ko!""Ayaw ko na ngang makasama ka, Earl. Balikan mo na lamang ang asawa mo.""No!" Hindi siya bumitaw sa binti nito. Wala
NAKAHINGA nang maluwag si Kaye matapos ibalita ng doktor na ligtas na sa kapahamakan si Earl. Kasalukuyan na itong nagpapahinga sa pribadong silid pero hindi pa nagkakamalay. "Kaye..."Nilingon niya ang ama na nakatayo sa may pinto. Lumapit siya rito nang sumenyas ito. "Anak, alam ko na mahal mo ang taong iyan pero alam mo na mali, hindi ba?"Kagat-labing nagyuko siya ng ulo. Alam naman niya iyon. At hindi man niya aminin, umaasa siyang mapa-aannul ang kasal ng dalawa."Hindi ako tututol sa inyong pag-iibigan kung wala siyang sabit o tulad nang sinabi niya, mapawalang bisa ang kasal nila lalo na't siya ang ama ng apo ko. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo, 'nak, hintayin mong itama niya ang gusot na napasukan niya." "Opo, itay." Napayakap siya rito.Hindi kala-una'y nagpaalam na ang matanda. Si Menchi nama'y pumasok na may bitbit na pagkain. "Kumain ka muna, Kaye." Ini-abot nito ang piraso ng sandwich. "Umiling siya, "Salamat, wala pa akong gana.""Makakasama sa baby ang magpalipas
NGITNGIT na ngitngit sa galit si Rose. Ang plano sanang pahiyain si Kaye ay nabaligtad. Siya ang napahiya at ang masaklap, naroon pa ang lalaking minamahal niya--si Juancho. Magkaibigang matalik sila nito. Mula elementary hanggang sa high school ay sila ang palaging magkasama. Masaya itong kasama at siya lamang ang tanging babae sa buhay nito. Nag-iba nga lang nang makilala nito si Kaye. Ang huli na ang palaging bukang-bibig nito. Unti-unting nagkaroon ng pader sa pagitan nila lalo nang makatapos sila sa pag-aaral sa sekondarya.Hindi na ito madalas pumunta sa bahay nila at nabalitaan pa niya mula sa isa ring classmate nila na nililigawan nito si Kaye. Namuo ang galit sa dibdib niya dahil doon. At nang magkasama sila sa isang trabaho ay lalo siyang nakadama ng galit nang ito pa ang kampihan ng lahat. Sa tingin niya'y palagi na lamang ito ang pinapaburan ng lahat na dati nama'y siya. Pakiramdam niya'y pinagkaisahan siya. Nadagdagan pa ang galit sa dibdib niya nang mapagtantong si Kaye
ILANG araw ang inilagi ni Earl sa hospital at sa bawat araw na naroon siya ay hindi nakaliligtaang dumalaw ni Kaye. Labis ang kaligayahan niya sa tuwing dumadalaw ito. Sabik na sabik na rin siyang masilayan ang sanggol na bunga ng kanilang pagmamahalan. Maya't maya niya iyong kinakausap. Hindi rin umalis sa tabi niya si Jacob. Pero nang araw na ma-discharge siya ay parang ayaw na niyang pumayag. Mas gusto na niyang mamalagi sa pagamutan, dahil tiyak na ibabalik siya ni Jacob sa Manila at matatagalan pa ang pagkikita nila ni Kaye. Muntik na siyang batukan ng kaibigan nang sabihin niya iyon dito. "May sayad ka na nga talaga!" naiiling na lang nitong turan. "Sige na, sweetheart. Magkikita pa naman tayo at hindi ba, usapan natin na aayusin mo ang problema mo sa Manila." "Isang araw na lang, please!""Naku, pare, hindi na raw puwede sabi ng doktor. Marami pa ang nakapilang pasyente.""Sabihin mong uukopahin ko ang silid na ito. Kahit magbayad ako ng isang milyon.""Huwag ka nang tumawa
MASAYANG bumalik si Kaye sa kanila. Habang pauwi ay naraanan niya si Juancho, nasa gilid ito ng puno na paborito nilang tambayan noon. Tinawag siya nito, "Puwede ba tayong mag-usap?"Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito kahit magpahanggang ngayon ay naiilang pa rin siya rito. Lumayo siya rito dahil sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Hindi niya ito mahal o kahit kapiranggot na pagtingin ay wala siyang maramdaman para rito. Kaibigan lang ang turing niya rito. Sinabi niyang lahat iyon dito nang paulit-ulit siyang kulitin nito. Labag man sa kalooban niya, kanyang nasabi na mayroon siyang nobyo kahit ang totoo'y wala naman. Simula noo'y nilayuan na niya ito. "Totoo ba?""Ang alin?""Ang aking narinig.""Kung ano ang iyong narinig, iyon ang pawang katotohanan."Napangisi ito, "Pumatol ka sa may asawa?" Napailing ito. "Desperada ka na bang talaga? Narito ako na naghihintay sa iyo pero sa may asawa pala ang bagsak mo. Sinamba kita pero isa ka lang palang kabit!" bulyaw nito. Is
NASA anyo ni Sandra ang matinding galit, sakay na sila pauwi at hindi mawaglit-waglit ang sinabi ni Earl. "How?" angil niya. "Ma'am, okay ka lang ba?"Napasulyap siya sa katabing si Rose, "Yeah! I'm fine!" Ngunit ang isipan niya'y gusto nang sumabog sa pag-iisip, kung paano nasabi ni Earl ang bagay na iyon. Paano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang lihim?Agad siyang dumiretso sa sariling silid nang makarating sa bahay ang kotse na sinasakyan nila. Pabalibag na isinarado ang pinto. "Gosh! Ahh..." hiyaw niya kasabay ang pagbato sa bag. "It can't be!" Nagparoo't parito siya sa loob ng silid at mataman na nag-isip. Nang hindi nakatiis ay tinungo ang isang kabinet, binuksan at kumuha ng alak. Nagsalin sa kopita at halis ubusin din agad ang laman niyon. "No! Hindi mo ako maiisahan, Earl. Walang natira sa kopya ng scandal ko, pinasunog ko na!"Muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Sandra. Maya't maya pa ay nabalot ng takot ang kaniyang mukha. "Shit!" angil niya. "Paano kung hindi
NAKATANGGAP si Kaye ng isang text message mula sa 'di kilalang number. Sobra ang takot na naramdaman niya matapos basahin ang text message. Agad niya iyong ipinaalam sa asawang si Earl at tulad niya kinakitaan din ito ng takot. Matagal silang nakatitig sa isa't isa at nang mahimasmasan ay mabilis na kumilos ang kaniyang asawa. Agad nitong kinontak ang kaibigang si Jacob. Pinaimbestigahan nito kung sino ang nagmamay-ari ng number na 'yon at nalaman nilang nakatakas sa bilangguan si Gener, ang lalaking may-ari ng napasukang bar niya noon. Halos maiyak siya sa sobrang takot, nanginginig pa habang kalong ang kaniyang anak. Lumapit ang asawa at yumakap sa kaniya. "Natatakot ako." "Relax, sweetheart. Walang masamang mangyayari. Hindi ko hahayaang saktan kayo ni Gener." Ikinulong siya nito sa mga bisig, naramdaman pa ang munting halik sa ulo. Ilang sandali pa ay dumating si Jacob, kasama ang mga kapulisan. Hindi muna pinaalis ni Earl ang ilan sa nga pulis para magbantay sa kanila. "Bro
NAKATAYO si Earl sa gitna ng ataol ni Sandra, sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang naging kabiyak. Hindi niya maitatanggi na minsa'y pinatawa rin siya nito nang mga panahong nalugmok siya kadiliman. Ngunit,ni minsa'y hindi niya naramdamang tumibok ang puso para rito. Naramdaman niya ang paglapit ng babaeng tunay niyang mahal, si Kaye. "Sana, matahimik siya no!" anito na kumapit sa braso niya. Napahinga siya ng malalim, "Sana nga'y mahanap niya ang katahimikan sa kabilang buhay. Naging matapang lang sana siyang harapin ang dagok na dumating sa kanyang buhay.""Tulad mo," tumingin sa kanya si Kaye. "Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan.""Muntik na," sinulyapan din niya at ikinapit ang braso sa baywang nito. "Pare," tinig ni Jacob. "Saan ka--Jay!" Bahagyang nagulat si Earl nang makita ang kapatid ng kaibigan. Mapait na ngumiti si Jay. "H-hi," bati rin nito. Tipid siyang ngumiti. Binigyang daan niya ito upang masilayan ang labi ni Sandra. "Sandra," gumaralgal ang tinig nito
"ITAY, sige na po, payagan niyo na ako. Hindi ako matatahimik sa sitwasyon ni Earl.""Paano naman ang sitwasyon mo, Kaye? Buntis ka pa naman!" mariing tugon ni Arturo. Nagbaba siya ng paningin. Nakikiusap siya sa ama na payagang lumuwas sa Manila ngunit ayaw siya nitong payagan. "Gusto ko lang ho naman na damayan si Earl sa problema niya, itay. Walang ibang dadamay sa kanya kundi ako. Kundi dahil sa kanya, baka'y kung ano nang nangyari sa akin sa Maynila. Pupunta ho ako roon para tulungan siya.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Arturo. Hindi na ito nakapagsalita. Tinalikuran na siya ng ama.Laglag ang balikat na pumasok si Kaye sa silid. Inapuhap ang cellphone para tawagan si Earl ngunit hindi ito sumasagot. Humiga na lamang siya hanggang sa dalawin ng antok. Nagising siya sa yugyog ng ina, "Nak, kumain ka muna.""Wala po akong gana, inay." Bumangon siya at muling inapuhap ang cellphone. Napahinga siya ng malalim matapos iyong tingnan. Walang tawag o kahit message si
"PAANO nangyari iyon?""Hindi ko alam, sweetheart. Ilang linggo ko na siyang hinahanap. Nagpabalik-balik na ako sa alam kung lugar na pinipirmihan niya--""Pinapatay mo siya?"Napatitig ng deritso si Earl sa dalaga. Nakarehistro ang gulat sa sinabi nito. "What? Of course not, sweetheart!" mariin niyang tanggi. "Kailanman ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko, lalo na't magkakaroon na ako ng anak."Natahimik si Kaye. Halatang nagugulumihan ito sa nangyayari. Mukhang hindi siya pinapaniwalaan."Kung ganoon ay sino ang pumatay sa asawa mo? Bakit siya pinatay?" singit na tanong ni Arturo. Kasalukuyan nang nasa maliit na sala sila, pinatuloy na siya ng ginoo para mapag-usapan ang nangyari. "Hindi ko rin ho alam. Wala ho akong maisasagot sa inyo maliban sa hindi ko alam."Natahimik ang lahat ngunit naaninag niya kay Kaye na tila hindi ito kumbinsido. "Papasok po muna ako sa aking silid. Sumakit bigla ang ulo ko," hayag nito kasabay ang mabilis na p