Share

CHAPTER FIFTY-TWO

***

"Honey, baunin mo ang wagas kong pagmamahal sa iyo. Alam kong wala akong maririnig mula sa iyo pero tandaan mo, Honey, mahal na mahal kita at sana mag-ingat ka lagi lalo at malayo ang pupuntahan mo. Huwag kang mag-alala sa amin ni Samantha Clyde dahil aalagaan ko siya."

"Kayo rin dito mag-ingat kayo lagi. Sige alis na ako baka maiwan pa ako ng last trip paluwas ng Manila."

"Mag-ingat ka lagi, Duncan Honey," sagot ni Isadora.

Hindi niya ipinahalata ang pait at sakit na bumalatay at lumukob sa kaniyang damdamin. Dahil hindi man lang siya iniwanan ng asawa kahit simpleng halik man lang sana kahit sa pisngi o 'di naman kaya ay sa noo. At mas masakit pa dahil tanging tango na lamang ang sagot nito at sumakay na sa tricycle na maghahatid sa terminal ng bus.

Aalis ito para magtrabaho sa Gitnang Silangan bilang isang engineer. Kung tutuusin ay hindi na nito kailangang umalis ng bansa dahil sa katunayan ay mataas ang position nito sa kumpanyang pinaglilingkuran. Nagkataon lama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status