Pinagmamasdan ni Irish ang repleksyon sa salamin, napabuntong-hininga s'ya at marahang hinaplos ang bahagi ng balat na may mangilan-ngilan ng maiitim na marka. Ipinagpapasalamat n'yang nasa tagong bahagi ito ng katawan. Pinag-iisipan n'ya kung paano itatago sa asawa? "Irish..." Narinig n'yang tawag ni Gab mula sa labas ng banyo. Mabilis s'yang nagbihis at lumabas, bumungad ang asawang nakaabang sa labas ng pinto. Nahigit n'ya ang paghinga nang makita kung gaano ito ka-presko sa suot nitong t-shirt at khaki short na bumagay rito. Mamasa-masa pa ang buhok ng asawa habang naka-plaster ang ngiting hanggang ngayon ay naghahatid pa rin sa kan'ya ng ibayong kilig."Alam kong gwapo ako, Irish." Biro nito sa nakitang reaksyon n'ya."Yabang!" Ingos ni Irish na ikinahalakhak nito. Hinawakan na s'ya nito sa kamay saka iginiya palabas ng bahay.Tatlong araw na sila sa bahay-bakasyunang iyun. Nasa dulong bahagi na ng Lemery, Batangas ang private resort na ayon kay Gab
"Kailangan mo ng tutukan ang health condition mo, Irish." Seryosong nakatingin ang doktor sa kaharap. "Kailangan ng malaman ng pamilya mo.""Hindi pwede, Dok. Ayoko." Napailing si Irish, isipin n'ya pa lang na masasaktan ang pamilya n'ya nasasaktan na s'ya. "Irish, kung gusto mong gumaling hindi mo kailangang itago ang totoo sa pamilya mo. Mas kailangan mo ng karamay ngayon." Malungkot na umiling si Irish. "Ayokong makasakit." "Hindi ka makakasakit ng damdamin, dahil binibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong gumaling pa." "Ano pong gagawin ko?" Matamlay na sagot ni Irish."Kailangan mong sumailalim sa cellular immunotherapy. Tatawagan ko ang mommy mo." Napabuntong-hininga si Doktor Balmonte at hinanap sa phone ang numero ni Mrs. Amanda No, ang ina ni Irish."Please Doc, hayaan mong ako ang magpaliwanag sa mommy ko."Naiiling na tiningnan s'ya ng Doktor."Wala pa akong naging pasyente na kasin-tigas ng ulo mo. Bumalik ka next week dahil kapag hindi ka
Napapalatak si Gab nang makita ang nakahaing pagkain sa lamesa. Saucy beef with broccoli, supreme chicken adobo, bahagya pang umuusok ang kanin, lemon meringue juice at dalawang basong watermelon juice. Natuwa s'ya sa isipang health conscious na ang asawa. Napapansin n'yang may sinusunod ng healthy diet recipe ito. Pumuwesto agad ng upo si Gab at hinanap ng paningin ang asawa."Hi!" Bungad nito mula sa pinto ng laundry room. Nakasuot ito ng kupasing t-shirt na pinaresan ng pajama ang pang-ibaba. Itinaas ng hairclip ang katamtamang haba ng buhok. Hindi maikukubli ng kasimplehan nitong mag-ayos ang natatangi nitong ganda. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ni Gab ang pamumutla nito."Anong meron? May nakalimutan ba ako?" Tanong ni Gab habang nakatingin sa mga nakahain."Wala naman gusto lang kitang ipagluto." Nakangiting sagot ni Irish at ipinaglagay ng kanin sa plato ang asawa."Maswerte talaga ako sa pagkakaroon ng misis na bukod sa maganda na masarap pang magluto."
Nanlumo si Gab ng hindi madatnan ang asawa sa bahay, mabilis n'yang tiningnan ang closet na kinalalagyan ng mga damit nito. Maayos pa ding nakatupi at naka-hanger ang mga gamit nito. Nasapo ni'ya ang noo. Saan naman pupunta si Irish ng ganung oras? Wala itong kaibigan na mapupuntahan o kamag-anak man lang na malapit rito.Nagbakasakali s'yang tawagan ang lahat ng kakilala at kamag-anak nila pero wala doon ang asawa. Napilitan s'yang tawagan ang Mommy n'ya kahit alam n'yang mapapagalitan s'ya.At tama nga s'ya, napagalitan lang s'ya nito dahil wala doon ang asawa. Maging ang Daddy n'ya ay halos murahin na s'ya."I-report na natin sa pulis Gab!" ang mommy niya."Mom, alam n'yo namang twenty-four hours ang kinakailangan diba?" naguguluhang ini-off n'ya na ang cellphone at umupo sa sofa.Puno ng pag-aalalang naghintay sa pagbukas ng pintuan, nagba-bakasakaling uuwi 'din ito.M
Tiniyak ni Irish na nabili n'ya na ang mga personal n'yang pangangailangan. Maliban sa wallet na naglalaman ng atm card, cash at ilang identification card ay wala s'yang dala na kahit ano. Kaya bumili na lamang s'ya ng mga gamit. Muli n'yang binasa ang mensahe ni Alma, ibinigay nito ang eksaktong address kung saan ito nakatira. Wala s'yang ibang maisip na maaaring puntahan kundi ang dating sekretarya na kasalukuyan ng naninirahan kapiling ang pamilya sa probinsya nito sa Palawan. Matapos bumaba sa eroplanong sinakyan ay sumakay s'ya ng tricycle at nagpahatid sa bus terminal. Maswerte s'ya dahil mabait ang driver ng nasakyang tricycle. Maya't mayang tumatawag si Alma para mai-guide s'ya kung paano matutunton ang pupuntahan."Ma'am, three hundred-eighty po ang pamasahe." Untag ng driver. Humugot si Irish ng pera si Irish mula sa wallet at iniabot sa driver. Inayos n'ya ang pagkakasandal ng likod at ipinikit ang mga mata. Iidlip muna s'ya dahil ayon kay Alma ay bibilang pa ng li
"Sir, may appointment po kayo ng 3 pm." Nag-angat ng tingin si Gab. Humpak ang pisnge, at malalim ang eyebags, may hawak ang kanang-kamay na kopita ng wine. Mula ng umalis at iwan s'ya ni Irish hindi na s'ya pumalya ng pag-inom ng alak."Paki-cancel." Matamlay nitong sagot."Pero Sir, 'antagal n'yo pong hinintay ito." Nag-aalala si Ice, ilang buwan ng hindi ito humaharap sa mga kliyente ng Garments. "Ice...hindi ko pa kaya." "At kailan mo kakayanin?" Sarkastikong tanong ng tinig na ikinalingon nilang pareho ni Ice.Si Leonard. "Gab, hindi mo kailangang magpakamatay para sa babae." Galit na tiningnan ni Gab ang kaibigan. "Hindi s'ya basta babae, asawa ko ang tinutukoy mo!" "Okey, sorry!" Nagtaas ito ng kamay. "Ang akin lang naman, hindi mo kailangang pabayaan ang kompanya na maraming umaasa." Malumanay nitong paliwanag.Tahimik na nakamasid lang si Ice. Dama n'ya ang matinding pagsisisi at lungkot ng amo."Hindi ko kayang mawala si Irish..." "Pwes! Kayanin mo!" Umiling-iling na
Panay ang iyak ng Mommy ni Gab. Kasalukuyan silang nasa International Airport. Babalik na ng America si Irish, matapos makapagpaalam sa mga empleyado ng Gabrish Garments ay buo na ang pasya n'yang umuwi na sa Mommy n'ya. Higit kanino man ang ina ang unang kailangan niyang maging karamay. Kailangang-kailangan n'ya ito ngayon kahit pa alam niyang ibayong sakit na naman ang idudulot nito sa inang minsan ng nawalan ng mahal sa buhay. Tahimik at seryoso si Gab. Hindi na s'ya nito napilit pang manatili sa piling nito. Hindi s'ya tinitingnan ng asawa ng hilain niya na ang de-gulong na bag matapos yakapin ang biyenan. "G-gab..." Hindi ito lumapit at tumingin man lang.Alam n'yang hindi nito tanggap ang desisyon niyang makipaghiwalay na rito. Hihintayin niyang magpasya itong magfile ng annulment. Palihim niyang kinausap ang abogado ng pamilya, gusto niyang malipat kay Gab
Stem Cell Transplantation.Immunotherapy.Chemotherapy.Ilan sa paraan para madugtungan ang buhay ni Irish. Hindi madali ang magiging proseso pero seventy percent ang tsansang madugtungan ang buhay ng asawa. At dahil hindi naman rare ang sakit na Leukemia, sa 'Pinas na nila ni Mommy Amanda napagdesisyunang gawin ang gamutan sa isang kilalang pribadong hospital. Bukod kasi sa makakasama niya ang asawa ay magiging madali para sa kaniya ang pumasok twice a week sa opisina. Humugot ng malalim na hangin si Gab at pinagmasdan ang asawang nakaupo at nakatanaw sa dalampasigan. Pinagmamasdan ang kulay pulang liwanag ng sikat ng araw. Napagpasyahan nilang manatili na lamang sa private resort sa Lemery, Batangas. Mas makabubuti kasi kay Irish kung makakalanghap ito ng sariwang hangin. Naghire si Gab ng dalawang private nurse na mag-aalaga sa asawa. Isang oras lang ang biyahe ng resort patungo sa ospital kung saan ito regular na nagki-chemotherapy para hindi i
"Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa
"Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu
Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin
"Umalis na naman ba ang Ma'am Irish mo?" Tanong ni Gab sa katulong na si Nikay , pamangkin ito ni Aling Magda."Opo Sir, nagmamadali nga po eh." Sagot nito sa gitna ng pagdidilig. Tila nawalan na 'din kasi ng ganang mag-alaga ng mga halaman ang asawa at hinayaan na lamang na ang mga maid ang mag-asikaso. Napakalayo na nito sa dating Irish na pinakasalan at minahal. Mabilis n'yang tinapos ang pagkain at dinampot ang celphone at tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang celphone nito. Napabuntong-hininga si Gab. Tinawagan ang sekretaryo at ipina-cancel ang meeting. Aalamin n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Irish ng bahay. Kahit hindi n'ya alam kung papaano? Ni hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta?Binabagtas na ng kotse ni Gab ang kahabaan ng Highway, awtomatikong napatingin s'ya sa isang fastfood chain. Naisip n'yang bumili ng ng yumburger na paborito ng asawa. Kumabog ang dibdib ni Gab nang dumako ang paningin sa isang sulok ng mesa at makita ang magkapares na masayang nagtatawanan.
"Ohhhhh....bilisan mo pa!" tila idinuduyan sa sarap si Jeanny, hubo't h***d na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama habang patalikod na binabayo ni Leonard. Lalo nitong binilisan ang pagbayo na nagpawala na ng katinuan ng dalaga. Nilingon nito ang kaniig, pawisan at naghahabol ng hininga. "Fuck! I'm cominggg!" Ibinigay nito ang makakaya, mas mabilis. Dama ni Leonard na kapwa malapit ng humulagpos ang maligamgam nilang likido. Mabilis nitong hinugot at hinayaang pumulandit at kumalat sa sahig. H***d na naglakad si Jeanny, kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Padekwatrong umupo sa two seater na sofa. Hinayaan ang katawang manatiling h***d.Kasalukuyan silang nasa hotel ni Leonard. Madalas nilang gawin ito sa tuwing magkikita. Magsi-sex, ibibigay ang hilig ng laman. Magkasundong-magkasundo sila ni Leonard, wild at mahilig mag-explore. "Mukhang hindi ka nagtagumpay na makuha si Gab. Sabagay, hindi nga pala mahilig sa malandi si Gabriel." Nakangisi si Leonard.
"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Nilingon ni Gab ang asawa."Hindi naman pwedeng makulong na lang ako sa bahay, dahil lang cancer survivor ako." tumingin sa labas ng bintana ng kotse si Irish. "Ang akin lang..." pinutol ni Irish ang sasabihin nito."Ayokong makulong sa bahay!" May diin ang boses ni Irish, natilihan si Gab na tumahimik na lang at itinutok na ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan n'yang habaan ang pasensya sa nakikitang pagbabago ng pag-uugali ni Irish. Naging aburido ito at madaling magalit. Marahil dahil sa kondisyon nito. Nag-aadjust pa pagkatapos ng ilang taong pakikipagbaka sa sakit. Alam n'yang hindi naging madali rito ang pinagdaanan. Kaya ipinangako n'ya sa sariling higit n'ya itong iingatan. Wala siyang hindi kayang gawin para sa asawa. Kumuha na 'din s'ya ng dalawang maid para hindi ito napapagod.Nauna na itong bumaba ng kotse at nagpatiunang naglakad. Ni hindi s'ya sinabayan ng asawa. Sinundan n'ya na lamang ito nang isa-isang bisita