“I can double time in my work as a secretary and work for you as a graphic artist to pay you my huge debt. I need money and you have it. But if I can pay everything with one night with you, just tell me and I am willing to do it para makalayo na ako sa iyo bago mo gawing impiyerno ang buhay ko.” Natigilan si Xander sa kanyang mga narinig. Nagkatitigan pa silang dalawa ngunit tumulo ang luha ni Victoria. Hinila ni Xander ang kanyang kamay at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng babae. Pinahid nito ang luha ng babae. Dumating ang mga foreign investors ni Sir Xander. Bandang hapon na rin iyon. Napailing si Xander ng tingnan niyang muli ang kanyang itinerary. Mukhang ngayon lang niya tiningnan kung sinu-sino ang mga investors na iyon. “Victoria! I mean Miss Secretary…” Nagulat siya ng bigla niya siyang tawagin sa mismong pangalan nito. Wala sa loob niya ang pagtawag sa kanya. “Nabanggit mo ba sa akin kung sinu-sino ang mga foreign investors na ito?” “Hindi po kasi, sabi lang ninyo,
Mahigpit na nagyakapan ang apat dahil sa tagal ng hindi nila pagkikita. Napaiyak pa sina Billie at Veronica dahil ni hindi man lang daw siya nagparamdam sa akinng social media account. “What happened to you?” “Akala namin ay kung ano na ang nangyari sa iyo.” “Ehem, hindi mo ba ako ipapakilala, Victoria?” ulit ni Xander. “Ah siyangapala, si Sir Xander. Siya ang boss ko. I am his secretary.” He is expecting to be introduced as husband. Nagkatitigan silang dalawa. “WHAT? Oh my ghad!” Lalong nalungkot ang mga ito ng malaman na secretary pala ang trabaho ng kaibigan. “Nasaan na ang ipinagmamalaki mong kompanya ng iyong papa? Mayabang ka kasi eh! Mabuti at suwerte ka dito sa boss mo. Kailangan ka magre-resign, Victoria para ako naman ang maging secretary ni Sir. If you don’t mind, I can be a mistress too.” “Hey, Julia. Hanggang dito ay dala-dala mo pa rin ang pagiging kiri mo. Ganyanin mo si Carlo sa harapan ni Victorina and for sure, may kalalagyan ka. Sa hukay ang bagsak mo! Malandi
Ang akala ng lahat ay hindi na makakatagal si Victoria sa opisina lalo pa’t mahigpit na nakamatyag si Geneva sa lahat ng mga kilos niya. Maging si Xander ay istrikto at hindi niya pinalalampas ang mga mali ni Victoria. Slowly, naka-adjust na si Victoria. Kasundo na niya ang lahat maliban kay Geneva. Wala nang masyadong reklamo ang kanilang boss tungkol sa kanyang sekretarya at hindi na niya naipapatawag si Geneva to check on Victoria. Lahat ng inaasahan niya sa kanyang sekretarya ay wala lahat kay Victoria. Hinihintay ni Geneva na ipatawag siya ni Xander para sisantehin na siya pero umabot pa rin si Victoria ng higit isang buwan. “Geneva, wala ka bang napapansin kay Sir,” usisa ni Farida sa group chat nila sa messenger. Pero busy din siya para mapansin kung anuman iyon. “Napapadalas ang ngiti ni Sir kapag binabati siya ni Lily.” Hindi niya pansin. Hindi rin halata. “What do you think, guys?” “Remember, nag-joke si Sir na manglibre ng kape kasi may first time na susuweldo and that
Himalang dumating ang kanyang Tita Ella sa kanyang unit. Nagmamadali na siyang umalis dahil baka ma-late pa siya.“Victoria…”“Yes, Tita.”“Nabanggit mo ba kay Xander na may kakambal si Calix?”“Hindi ko na po kailangang banggitin ‘yan kay Xander. Do you think, he is really serious with me? He had a girlfriend.”“But you are his wife.”“Hay naku, Tita Ella. Sa papel lang po ang aming pagiging mag-asawa. Hindi ko alam kung ano talaga ang motibo niya. If only I have money to pay him eh, sana binayaran ko na siya para malaya na ako sa obligasyon ko sa kanya. Hindi po ako naniniwala na daddy siya ni Calix.”“Eh, sino nga ba ang daddy ni Calix?”Victoria is in big dilemma right now. Gusto niyang layuan si Xander. Kailangan niyang makausap ang kanyang Ate Victorina because she was set up to see Carlo. Siya ang gumawa ng reservation na iyon sa Hotel Majorica.“I got a problem, Billie.”“WHAT? OMG, Victoria! Totoo ba ‘yang sinasabi mo? Asawa mo si Sir Xander.” Hindi makapaniwala sinabi ng kai
Maganda ang gising ni Xander ng umagang iyon. Medyo tinanghali na siya ng gising. Hindi ko inaasahan na magigisnan niya si Victoria sa loob ng kanyang condo unit. Napalingon siya sa kanyang kuwarto. Malinis na ang buong paligid. Wala na ang mga throw pillow na ipinagtatapon ko kung saan dahil nagwala siya. Bumangon na siya. Paglabas ay amoy niya ang kape at may pagkain na sa lamesa. Nice feeling to wake up with someone inside the condo unit, preparing breakfast for you and probably, puwede na ring kasamang kumain ng almusal sa kauna-unahang pagkakataon ng kanyang buhay. “Victoria….” Hinalikan siya nito sa leeg at yumakap sa beywang. Isinuksok ang kanyang kamay sa apron at kinapa ang matabang alaga doon. “Xander…” Lalong anglakas ng attraction ng marinig ang tawag nito sa kanya. “Xander, ano ba?” Kinarga tuloy siya ni Xander. “Ambango mo pa rin ha! In fairness, I like your scent. So, tempting and inviting.” “Mamaya na ‘yan. Kain muna. But first, change your clothes.” Si Victoria n
Kinalunesan lalo kaming nagtaka ang lahat sa superduper ganda ng aura ni Xander. Para bang nakapagrelax eh dalawang araw lang naman siyang umabsent sa opisina. “GOOD MORNING, EVERYONE! Did you have a nice weekend?” “OPO…” Wow! 100% ang energy level ni Xander ha! Sabay-sabay naman tumugon ang kanyang mga staff except Victoria, parang dedma. Hanggang sa kalabitin siya ni Tanya. “Good morning, Sir.” Pormal ang kanyang bati. Ngumiti siya at bumati rin. Ngunit nagulat ang lahat ng biglang salatin ni Xander ang kanyang baba na tila ba nanggigigil pa sa kanya. ”Eh, ano ba?” Sumimangot ang sekretarya. “Ang cute mo kapag nakasimangot ka. Pero ‘di yan maganda kapag nakasanayan mo na.” “Tsss…” Parang bad mood si Victoria. Umirap pa si Victoria. Pumasok na sa opisina nito ang lalaki. “Uy, anong nangyari sa iyo? Nakapunta ka ba kay Sir?” “Maysakit si Sir. After that, he asked me for a lot of errands inside his unit. OMG, akala ko sekretarya lang ako. I turned out to be a helper. I cannot te
Hindi na natapos ni Valdemor ang kanyang hapunan. Pagud na pagod pa naman siya at inip na inip siyang naghintay na makauwi ng maaga. Mapilit si Ella. Gusto niyang magkasundo na ang mag-ama. “Victoria, baka puwede mo nang hawakan ang kompanya ng iyong papa?” “Tita, Ella, now I realized the heavy task of running a big company like ours.” “Exactly, Iha. Kaya nga kita hinihikayat na makipagkasundo na sa iyong ama. Hihintayin mo pa bang may mangyari sa papa mo bago mo siya tulungan? Paano kung isang umaga ay nasa business partner na pala niya ang buong kompanya?” “May problema po ba sa business partner ni Papa?” “Alex is a good businessman. Kaya lang, kahit anong buti ng isang tao, pagdating sa pera ay lumalabas ang tunay na kulay at nagkakalimutan na ng kagandahang asal.” “Do you think, magagawa niya iyon? Have you met this guy?” “I am not yet ready for a very big responsibility lalo na sa kompanya natin. Patingin po ng scheduler ni Papa.” Ipinadala iyon ni Ella sa messenger. Napail
Magkasabay na lumabas sina Daniel at Victorina sa MTC. Kumindat si Victorina sa lalaki. Unang humarurot ang kanyang kotse at sinundan naman ito ng lalaki. Napangiti lang si Daniel. He used to know Victorina. Minsan siyang naging tampulan ng usapan nila tuwing may Friday Night Clubbing sila. Xander used to go with them until they found out na ikakasal ang dalawa. Nalaman niya na runaway bride ang babae at naging bagong CEO ng Newman Company pagbalik nito from US. “Any problem?” tanong ni Daniel. Sumenyas siya sa bartender na bigyan din siya ng shotglass. Kababalik lang ni Victorina from a long vacation at problema ang sumalubong sa kanya. Nagkaroon sila ng sagutan ni Ella sa bahay at doon niya nalaman ang kondisyon ng ama. “Huwag mong sayangin ang pagkakataon habang nakakasama mo ang iyong ama. Patunayan mong karapat-dapat kang tawaging isang Newman.” “How dare you say that to me?” Umigkas ang kamay niya ngunit siya ang sinampal ni Ella. “Gusto mo bang ipaalam ko sa iyo na inagaw
Kaya ang pag-aasawa ay parang biyahe lang talaga. Minsan, may nauuna sa biyahe at mayroon namang nagpapa-last trip. May mga taong hindi naman nagmamadali pero susunod na lang o ‘di kaya naman ay hahabol na lang. Mahuli man daw sa biyahe ay makakabuo pa rin naman ng pamilya. Iyon ang mahalaga. Xander’s life started the day Victoria cross each other’s path even in the most unimaginable way. There is a reason why they have to meet again. He met several women but nothing compares to the young Newman. Hinangaan naman talaga noon si Xander ang kanyang Economics Professor. He was a graduating student by then. Hindi naman niya niligawan ang batam-bata pa noong teacher niya, si Miss Grace. Mahiyain at soft-spoken ang batang propesora. Si Xander lang ang tutok na tutok na nakikinig sa kanya. She never raises her voice. She always smiles and very calm ang kanyang boses that Xander would even dose off. Hindi niya namalayan, na silang dalawa na lang sa classroom. Hinintay pa siya ng guro na magi
Pinalapit ng pari sina Xander at Victoria sa mismong altar upang pumirma sa kanilang tipan sa Diyos. Isang sagradong kasunduan sa hapag ng Panginoon na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa sakit o kalusugan hanggang kamatayan ang maghiwalay sa kanilang dalawa. “This is what it feels to be under God’s grace, receiving his blessings through the sacraments. Thank you, Lord!” Tahimik na usal ni Xander ng mapatingala siya sa malaking krus. “Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan sina Mr and Mrs. Alexander Damien Yu.” Walang pagsidlan ng tuwa ang bagong kasal at ang lahat ng dumalo matapos ang buong seremonya. Binati sila ng lahat ng nandoon ng malakas na palakpakan at humiling ng halik mula sa sa kanila. Hindi naman nila binigo ang kanilang mga bisita. Tuluyang bumalon ang luha sa mata ng dalawa. “I can’t believe it, Xander.” “This is our new beginning, Victoria.” Luhaan silang pareho. “Akala ko talaga ay tuluyan ka nang mawawala sa akin. Ah, Lord! Salamat!” “Thank God!” L
Pili lang ang mga bisita sa kasalang Newman - Yu. Sino ang makapagsasabi na ang sanggol na ipinanganak noong araw ding maaksidente si Xander at ang mga magulang niya ay nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa. He never told them one thing. “Xander, napakabait mo talaga!” “Salamat po, Tita.” “Gusto ko din sanang magkaroon ng anak na lalaki na kasing pogi at kasimbait mo.” “Kung may anak lang po kayo eh, siya na ang pakakasalan ko para maging mama ko na rin po kayo.” tugon ng lalaki. Buntis na noon si Cecilia. Nagulat na lang siya ng muli silang dumalaw sa kanya. Malaki na ang tiyan ng babae. “Xander, puwede mo bang ingatan ang anak ko kapag lumabas siya?” Nilapitan siya ng binatilyo at kinuha ni Cecilia kamay niya saka inilagay sa kanyang tiyan. Naka-total bed rest daw siya dahil delikado ang kanyang pagbubuntis. “Po?” “Babae ang magiging anak namin ng Tito Val mo. I like you for my Victoria to be his husband.” “Hala, Tita, mabuti po ba kung magugustuhan niya ako paglaki bala
Gustong magsisi ni Victoria sa kanyang mga ginawa. Hindi kasi niya naiintindihan ang lahat. Hindi naman nagalit si Xander sa kanya bagkus ay naawa siya para pahirapan ng ganoon. “Sigurado ka bang ikakasal tayo bukas? What about our reception and the entourage?” “It’s all done, my darling. I handled every tiny details for you. Ayokong ma-stress ka but I am so sorry to make you angry and worry. Mahal na mahal kasi kita kaya sinunod ko lang ang mahigpit na bilin ni Papa. In this way, I’d be able to redeem myself from having you disgraced for the first time. I never meant to play a game with you. I am not a great pretender infront of you. I really love you, Victoria.” “Oh, Xander!” Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Victoria habang mahigpit niyang niyakap ang unan at inamoy ang pabango ni Xander ng bigla siyang mapabalikwas sa kanyang kinahihigaan. Pagkaalis na pagkaalis ni Xander ay nagulat siya sa sopresang inihanda ng mga kapatid ng kanyang fiance. All of them bought gifts for Victori
“I think so!” “Maalala pa kaya niya ang mga sinabi niya?” Napangiti lang si Xander dahil naaalala niya ang nangyari. Hindi na nakapasok si Victoria kinabukasan dahil sa dami ng nainom niya. Wala na ang magkakapatid na Yu. Umuwi na rin si Xander. Hindi niya alam kung anong nangyari. Lumabas siya ng kuwarto at nakitang naglalaro ang kambal sa bakuran. Nandoon din ang Mama at Papa niya. Lumabas siya para halikan ang mga bata at nilapitan na siya ni Ella. “Gising ka na pala. Do you want to eat?” Nagmamadaling umiwas ang babae ngunit hinila siya ni Ella sa kusina. “Let’s go out, Victoria. Gusto ko sanang mag-window shopping.” “Sige po. Tayo lang po ba o isasama natin si Papa at ang mga bata?” “Kung gusto mo…” Tumango siya. Tahimik na lang si Victoria. She doesn’t feel well that day. Masakit ang ulo niya sa hang-over. Hindi niya mapahindian ang ina na minsan lang magyaya sa kanya. Madalas nila iyong gawin kapag wala siya sa mood. Either, ibinubuhos niya sa pagkain o pagbili ng kung an
Kinabukasan ay maaga silang nagsalu-salo sa almusal. Hindi na nakaiwas si Victoria sa good morning kiss ni Xander. Hindi pa rin siya umimik. Hinayaan lang niya ang binata. “I’ll fetch you by six.” “Medyo busy ako eh. Huwag na lang.” “I said 6pm.” “I said I’m busy. Nakikinig ka ba sa akin?” “Okay, fine! Pero kapag mag-asawa na tayo, hindi na puwede ang ganyang sagot mo sa akin. Kapag sinabi kong susunduin kita ng 6pm, I’d be there before six and don’t keep me waiting.” “Kung magiging asawa mo ako?” “Victoria!” “Bakit, Mr. Alexander Damian Yu? Anong drama mo? Bakit mo ako susunduin ng bandang six? Ano? Tapos mo na akong paglaruan? Tsss!” “Hanggang dito ba naman sa pagkain eh magsasagutan kayong dalawa! Victoria!” “Sorry, Pa.” Yumuko ng tingin ang babae. “Wala ka nang pinipiling lugar!” "Kumain ka ng mabuti kung marami kang gagawin ngayon. You need that. Una na ako.” At nagdikit ang kanilang mga labi. “Victoria, okay ka lang ba?” tanong ni Ella. Halatang hindi siya masyadong
“OO bakit? Inggit ka sa buhok ko,” pagtataray niya. “Victoria!” sigaw ni Xander. Halos kaladkarin siya ni Xander. Na-hold siya sa Management Room for questioning. “Ano bang problema mo? Nakakahiya sa management.” sabi ni Xander. Mahigpit na hinawakan ni Xander si Victoria sa braso. “Pasensiya na sa abala.” Nagmamadaling umalis ang dalawa sa opisina. “Aray, nasasaktan ako!” Pinindot ng lalaki ang password pero tinakpan pa niya ito at hindi ipinakita sa babae. “Why did you change your password?” “Para wala nang makapasok dito na kung sinu-sino.” “Pati ako?” “OO, pati ikaw?” “Xander, why are you so cruel to me? Pagbalik natin from vacation, you changed,” bumuntung-hininga lang siya. ”Tell me!” “Tell you what? Halika, ihahatid na kita sa inyo.” “NO! Ayoko!” “Huwag ka ngang mag-asal bata. Tumigil ka ha!” “I am almost half of your age and still immature. Bata pa talaga ako.” “You stop it! Sumusobra ka na ha! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan sa teacher ko!” “So, why is you
Nahintakutan si SallI. Inumangan ni Xander ng suntok ang bunsong kapatid sa pagiging taklesa niya. Hindi marunong maghinay-hinay ang kanyang bibig. “Papa naman eh. Huwag po kayong sumigaw.” Sumiksik siya sa likuran ni Xander. Alam niyang magagalit ito sa kanyang nalaman. “Pakakasalan ko naman po si Victoria, Papa. Huwag na po kayong mag-alala. Mahal na mahal ko po siya.” Hindi na pinalampas ni Xander ang pagkakataon. Kinontak na niya si Xity ng OLI GROUP. Hindi siya pahihindian ng fashion designer kahit rush niyang kakailanganin ang damit para sa entourage ng kasal nila ni Victoria. Hindi na rin ko siya inusisa pa. “Ms. Vanilla…” “Yes, Ms. Vanilla Oli speaking…” “Gusto ko sanang ipaggawa mo ako ng gown on my wedding day.” “Huh, who is this please?” “Mr. Alexander Damian Yu…” “My gosh, Xander! Kailan pa?” “Anong kailan pa?” “Ikaw? my gosh! “ “Malapit na akong ikasal.” “Should I come and see you? Anong wedding gown ang gusto mo?” Teka nga, parang iba na ang tinatakbo ng kani
Panay ang iyak ni Victoria. Hindi rin napigilan ang pagpupuyos ng galit ni Ella pati ni Val. Halos ma-high blood ang dalawa sa nangyari. Nagpatawag sila ng medic sa mismong gusaling iyon upang mabigyan ng first aid si Yaya Lita at Yaya Melai. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat nila sa ulo. “Delikado ang lakad namin. Huwag kang mag-alala dahil hindi mapapahamak ang mga bata.” “Xander…” Pinahid ng lalaki ang luha ni Victoria. “Babalik ka ha! Babalikan ninyo ako ng mga bata.” “OO naman. Saan pa ba kami uuwi kundi rito sa iyo?” Lalong hinigpitan ni Victoria ang yakap sa kanya. Hinalikan siya ni Xander ng madiin. ”Hayan, huwag ka nang mag-alala.” Hindi pa sana siya bibitiw ngunit sumenyas na ang mga pulis. Naka-black suit na silang lahat. May mga helmet na itim pa at doon niya nakita ang mahahaba nilang armalite. Mukhang pinag-aralan din ni Geneva ang kanyang mga hakbang upang lansihin silang lahat habang abala sa burol. Hinawakan ni Luna si Victoria. Pinagitnaan siya nina Amber. “