Ikinurap lang niya ang mga mata ng tuluyan ng mawala sa kanyang paningin ang sasakyan ni Andres. Akala niya ay naubos na ang kanyang mga luha. Ngunit nagkakamali siya. Sunod-sunod ang pagpatak n'on, ng tuluyan siyang mapag-isa. Sinangag na kanin, pritong itlog at hotdog ang nakahain sa hapagkainan. Humila siya ng upuan na naglikha ng ingay sa buong komedor. Kahit na walang ganang kumain ay pinilit niyang lagyan ang sikmura.“Kailangan mong magpakalakas, Destiny. Walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lang. May mas matinding hamon pang paparating kaya dapat mo ng ihanda ang iyong sarili.” Tinusok niya ng tinidor ang hotdog at dinala iyon sa bibig, kinagat at nginuya. Tila siya kumakain ng bulak. Walang lasa. Bawat lunok ay agad niyang sinusundan ng tubig, dahil maging ang kanyang lalamunan ay tila hindi nakikisama maging ito ay tila pagod na rin at ayaw tanggapin ang pagkain.—----------“Alam mo ba na hindi kamatayan ang pinakanakakatakot at pinakamasakit, Destiny?” Si Tita Cat
“Wag mong kalimutan ang appointment mo kay Atty. Valderrama, Monday next week.” paalala ni Red sa kanya.“Hindi ba dapat si Tita, Catalina ang kinakausap ni Atty. Hindi ako.”“You are the daughter of Melchor Altamerano and the twin of Serenity, kaya dapat na kausapin ka ni Atty. Valderrama. May mga properties ang pamilya nyo and above all, nandyan ang Altamerano Prime holdings. Sa ayaw at sa gusto mo may responsibilidad kang dapat gampanan bilang anak ni Melchor Altamerano.” “Mas gusto ko na ipaubaya lahat kay Tita, Catalina. Isa pa. Hindi ako Altamerano. Isa akong Constantino.”Hindi niya naman kasi kailangan ang kahit na anong meron ang mga Altamerano. Kung meron man siyang gusto at sobrang minimithi ngayon, yun ay ang kapatawaran mula kay Andres. Ganun pa man, ay nakapag desisyon siyang makipagkita parin kay, Atty. Valderama.Mabilis na bumaba si Destiny sa sasakyan ni Red. Hinatid siya nito sa mismong tapat ng bahay ni Andres. “Salamat, Red. Sige na. Umuwi kana.” “Destiny.”Nati
Lutang ang pakiramdam ni Andres, talo pa niya ang may hangover. Sumasakit maging ang kanyang sentido. Ilang oras lang kasi ang naitulog niya. Hindi nga niya alam kung nakatulog ba talaga siya. Tumungo siya sa komedor. Nakita niyang nakahain na ang sandwich sa ibabaw ng mesa. “Mag breakfast ka na. Sandali at gawan kita ng kape.” Bahagya pa siya napapitlag ng bigla ay nagsalita mula sa kanyang likuran si Destiny. Nilingon niya ito. She was wearing a loose white t-shirt na pinarisan ng maong short na hanggang gitnang hita.Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang ilang marka sa hita nito. Marka na siya ang may gawa. Nakatalikod na ito sa kanya at tinungo ang kusina. Ngunit ang kanyang paningin ay nanatiling nakasunod dito.Naka messy bun ang buhok nito dahilan upang mahantad ang makinis nitong leeg. Ngunit mas nakaagaw ng atensyon niya ang marka ng ngipin sa leeg nito. It was he who put it there. Marahas na inangkin niya ito nakaraang gabi. Malinaw pa iyon sa kanyang isip.But he does
Sa kabila ng pananakit ng kanyang katawan ay nagawa parin ni Destiny ang bumangon ng maaga upang gawin ang daily routine. Cooking Andres, breakfast, and fixing his business suit. Pagkatapos magluto ay agad na hinarap niya ang susuotin ni Andres sa araw na ito. Kinuha niya sa loob ng walk-in closet ang nakahanger na business suit nito at dinala sa kabilang silid kung saan ito natutulog. “Handa na ang agahan mo.” In-hang niya ang bitbit na suit sa naroong coat rack na nasa kaliwang bahagi ng kama at agad hinarap ang pag-aayos ng gusot nitong kama. Nakatayo sa kanang bahagi ng kama si Andres. Bagong paligo ito. Amoy na amoy pa niya ang mabangong amoy ng ginamit nitong sabon at shampoo. Nanunuot iyon sa kanyang pang-amoy. Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Ngunit ramdam na ramdam niya ang pagtitig nito sa kanya. Nang matapos ang pag-aayos niya ng kama ay agad siyang humakbang tungo sa pinto upang lumabas. “Be ready at six sharp. Susunduin ka rito ni Mang Armando.” Natigil siya
Ang malamyos na musika mula sa labas ng malaking bahay na iyon at ang tawanan na nagmumula sa katabing silid ay hindi na naririnig ni Destiny.Natuod siya sa kanyang kinatatayuan at nakapako ang paningin sa dalawang taong gumagawa ng makamundong bagay. Wala siyang ibang naririnig sa mga oras na ito kundi ang malakas na tibok ng dibdib. Tila iyon tunog ng pagtambol ng drum at sa bawat pag pintig ng puso ay kaakibat ng di matawarang hapdi at sakit.Her breathing became shallow, and her entire being was shaking. Gusto niya ng umalis sa kinatatayuan ngunit hindi niya magawa. “Ah, Andres! Andres!” Bernadeth moaned as Andres pounded on top of her hard and fast.Naririnig pa niya ang langitngit ng kama, at ang malakas na hingal ni Andres. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. “Umalis kana, Destiny! Umalis ka na!” Sigaw ng utak niya. Ngunit ang kanyang katawan ay hindi nakisama. Her entire being was invaded with an icy cold feeling. She was freezing and couldn't move. Isang malaka
Ang hikbi ay biglang naputol at bigla ay napabangon siya. Nakaramdam siya ng matinding pananakit sa kanyang puson. Napaupo siya sa ibabaw ng kama at napahawak sa puson ng mariin. Marahan na hinilot niya ang puson at nagbabakasakali na mawala ang kirot. Ngunit tila mas tumindi pa iyon. Bumaba siya ng kama. Pupunta siya ng kusina at maaghahagilap siya ng gamot para sa sakit ng tiyan. Nang tuluyan na nakatayo ay naramdaman niya ang tila mainit na likido na lumabas mula sa kanya.Is she having her monthly period? Panandalian siyang natigil at napaisip. Sobrang late ang period niya this month. Hindi niya man lang napansin iyon dahil sa daming masasakit na pinagdaanan. ‘What if, buntis ka? At hindi mo alam. Tapos–’That question suddenly popped up in her mind. Bigla ang pagragasa ng kaba sa kanyang dibdib. Never pa pumalya ang menstruation niya. What if buntis nga siya? It's been a month since may nangyari sa kanila ni Andres. Mabilis na tumungo siya ng banyo. Sinuri niya ang sarili. It'
Nasa ilalim ng rumaragasang tubig ng shower si Destiny. Naka upo sa sahig habang nakabaluktot ang mga binti at salo ng palad ang mukha. Pinapalaya niya ang malakas na hagulgol. “Lumayas ka sa pamamahay ng anak ko. You ruined my son's life, you are a fraud! Ikaw at ang kambal mo ay mga walang hiya, mga malalandi, at hindi marunong makuntento sa iisang lalaki na katulad ng nanay mo! Lumayas ka sa pamamahay ng anak ko, bago ko pa ipagkalat ang sekreto ng buong pamilya mo at ipaalam sa buong mundo ang tunay na pagkatao mo at ni Serenity, you bitch!”Paulit-ulit na nag re-replay sa isip ang masasakit na salita na binitawan ng ina ni Andres. Aminado siyang malaki ang pagkakasala niya at ni Serenity, ngunit hindi sapat iyon upang husgahan ang pagkatao niya at dinamay pa ang kanyang namayapang ina. Nagawa niya ang magpanggap dahil sa kambal niya at dahil sa sobrang pagmamahal niya sa pamilya. Pagpapanggap na nauwi sa pagmamahal kay Andres. Punong-puno ng sakit ang buo niyang pagaktao. Phys
Mabilis na bumaba ng sasakyan si Destiny. Hindi siya nag-aksaya ng kahit konting saglit na lingunin si Bernadeth at Andres. Saktong huminto ang sasakyan sa parking lot ng malaking mall na iyon ay agad siyang bumaba at tinungo ang entrada tungo sa mismong supermarket section ng mall. Ngunit hindi pa siya masyadong nakakalayo ay nahabol siya ni Andres. Agad na pinulupot nito ang matigas na braso sa kanyang bewang. “Stop acting like a jealous wife, Destiny.” pabulong nitong wika sa kanyang punong tenga. “Hindi ako nagseselos dahil walang rason para magselos ako,” tumigil siya sa paglalakad. Hinawakan niya ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang at marahan na tinanggal iyon. Bahagya na inilayo niya ang katawan mula rito at tinitigan ito sa mukha. “Walang karapatan ang isang tulad ko na isang alila na magselos, Andres. Hindi mo ako asawa at mas lalong hindi kita gusto at hindi kita mahal, kaya walang dahilan upang pagselosan ko kung sino man ‘yang mga babaeng lumalapit sayo.
It was six, ngunit maliwanag pa rin ang buong paligid. Destiny was standing at the bedside while staring into the beautiful view in front of her. Tanaw mula sa bed ang buong gold coast, bughaw na bughaw ang karagatan at kulay kahel ang kapaligiran. Nakakamangha sa paningin ang tila octopus na hugis ng mga nakahilerang mini villa na tila nakalutang sa bughaw na dagat. The view was breathtakingly beautiful. “Beautiful!” Hindi mapigilang niyang sambit. “Indeed!” Mahinang sambit nang asawa niya. Marahan na humaplos ang palad nito sa kanyang magkabilang braso at pinatakan ng magaan na halik ang kanyang expose na balikat. Bawat dampi ng labi nito sa kanyang balat ay naghahatid ng kakaibang init sa kanyang buong katawan. Naipikit niya ang kanyang mga mata sabay itinagilid niya ang ulo upang bigyang laya ang labi nito sa paghalik sa kanya na ngayon ay gumagapang paakyat sa kanyang leeg tungo sa kanyang punong tenga. Isang marahas na pagsinghap ang kanyang ginawa ng maramdaman ang m
What if I never knew?What if I never found you?I never had this feelin' in my heart. How did this come to beI don’t know how you found meBut from the moment I saw you Deep inside my heart, I knewBaby, you're my Destiny.Mark 10 verses 8 and 9.And the two shall become one in flesh. So they are no longer two but one in flesh. Therefore, what God has joined together there is no one can separate.“The first time I laid my eyes on you twenty-two years ago, my young heart knew that it was you. It was you whom I wanted to spend my life with. That's why I fought for you, and did everything to have you!” Isang marahas na paghinga ang ginawa niya. Rinig na rinig ang marahas na paghinga niyang iyon sa loob ng simbahan dahil nakatuon ang mikropono malapit sa kanyang bibig. Everyone laughs. Destiny smiled and wiped her tears. “But fate played tricks on me, I fought for the wrong person, kneeled in the wrong person, and even wasted my tears on the wrong person. But gladly that that wrong
Mula sa di kalayuan ay nakangiti na nakatanaw si Red kay Andres at Destiny. Isang marahas na paghinga ang kanyang ginawa sabay tingala sa kalangitan.“Are you happy now, Buttercup? Natupad na ang gusto mo. I hope you are watching right now!” Isang marahas na muling paghinga ang kanyang ginawa, kapagkuwan ay sinenyasan niya ang waiter na may dalang alak. Lumapit ito sa kanya. Agad na kinuha niya mula sa bitbit nitong tray ang alak at marahas na tinungga.“Thank you!” Nakangiti niyang wika sa waiter sabay patong ng wala ng laman na kopita sa bitbit nitong tray pagkatapos ay tumungo sa kinaroroonan ng mga magulang.Humalik siya sa pisngi ng ina at tinapik sa balikat ang ama. “Mauna na ako, Ma, Pa. See you the day after tomorrow!”“Saan ka na naman pupunta ha?”“Somewhere, Ma. Don't worry about me, huh!” “Red—”“I'll go ahead ma!” Agad na pinutol niya ang pag-uusap sa ina. Alam niya naman kasi kung ano ang sasabihin nito sa kanya. “Take care, son!” Ang ama.“I will, Pa!”Nagpaalam muna
“Mama, Papa!” Mga munting tinig na iyon ang nagpamulat sa kanyang mga mata. Bigla ay naitulak niya si Andres. Ngunit hindi ito natinag. Natawa lang ito ng mahina nang bitawan ng labi nito ang kanyang mga labi.Kung kanina ay uminit ang kanyang katawan dahil sa matinding pagnanasa ngayon ay iba na ang dahilan ng pag-iinit na iyon. Init ng pagkapahiya sa mga anak.Nakita kaya ng mga anak nila ang pagpisil nito sa kanyang pang-upo? God, uminit ang mukha niya. Wag naman sana makita ng mga anak ang ginawa nitong pagpisil sa pang-upo niya lalo na si Amaya, siguradong hindi siya tantanan nito ng tanong.“Naghahalikan na naman ba kayo?” si Amihan.“Lagi na lang kayo naghahalikan. Sabi ni lola bumaba na raw tayo. Mamaya na kasi kayo maghalikan mama. Gutom na po ako!” si Amaya na kung makapagsalita ay parang matanda.Pinandilatan niya si Andres na ngayon ay malapad ang pagkapuknit ng labi habang nakatitig sa kanya. Nag-eenjoy ang manyakis sa pamumula ng mukha niya at pagkapahiya.Lumuhod si An
Makalipas ang ilang linggo ay tuluyan ng nakauwi ng mansyon si Senyor Adriano maging ang anak na si Amihan kasama ang tatlong private nurse na mismong si Tita Luisa ang nag-hire at isang physical therapist. Sa halip na sa sariling bahay umuwi ay sa mansyon tumuloy sina Destiny dala ng pakiusap ni Senyora Edith at Senyor Adriano. Gusto ng Senyora at senyor na makasama ang mga bata sa iisang bahay nang matagal. Naging maingay nga sa loob ng mansyon dahil kay Amaya. “Nanay, maraming salamat po!” Niyakap ni Destiny ang tiyahin. Isa si Tiya Rina sa humubog ng pagkatao niya. Ang kanyang yumaong ina, si Tiya Rosa at Tiya Rina ang mga taong nag sakripisyo upang maitaguyod siya. They raised her with so much love. Pinalaki siyang may takot sa Diyos, may pag-unawa at respeto sa kapwa at higit sa lahat mapagkumbaba at mapagmahal. Mga pag-uugali na kanya ring ituturo sa kanyang mga anak. Niyakap niya ang tiyahin ng sobrang higpit at ang mga luha ay kusang kumawala. This past few days, naging
“Bakit wala?” takang sambit na tanong ni Destiny.Sa halip na sagutin ito ay hinila niya ito at mabilis ang mga paa na humakbang sa silid ng ama. Dumagundong ang puso niya at halos hindi siya makahinga. Nakailang hakbang lang sila ay nakita na niya ang nakabukas na silid ng ama. Tumigil siya. Hinarap niya si Destiny. He cupped her face with his trembling hand. “Babe, Tin. Whatever happens, isipin mo na lahat ay malalagpasan natin. Malalagpasan natin ng magkasama. Naintindihan mo ba ako?”“Andres!” mahina nitong usal. Nakaukit ang matinding pag-alala sa mukha nito. “M-May problema ba?”Sa halip na sagutin ito. Muli niyang hinawakan ito ng mariin sa palad at hinila tungo sa silid ng ama. Isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila na kapwa nagpapako sa kanila sa kanilang kinatatayuan.Amaya was feeding his father a grapefruit. Nakaupo sa bed ang kanyang ama at nakasandal sa headboard ng kama. Habang si Amihan naman ay nakaupo sa wheelchair at nakangiting nanood sa pagsubo ni
Hinuli niya ang palad nito na humahawak sa kanyang naghuhumindig na simbolo at ipinako niya iyon sa uluhan nito. He spread her legs with his legs then guided his shaft to enter the cave of wonders.“Ahh!!!”“Tin, ahh!”Kapwa na nagpakawala ng malakas na ungòl ng marahas na isinagad niya ang sarili sa loob nito. Napaarko bigla ang katawan ng mahal niya. Ang maramdaman ang kanya sa loob nito ay ibayong sarap ang dulot no’n sa buo niyang sistema. Agad na humugot baon siya sa katamtamang bilis sabay hinuli ng labi niya ang labi ni Destiny.Destiny kissed him back. Nagsipsipan ang kanilang mga labi, at ang mga dila ay animoy nagpaligsahan sa loob ng kanilang mga bibig, nagpaligsahan sa kung sino ang mangibabaw, at unang makasipsip.Naglilikha ng tunog ang kanilang nag-sipsipan na mga labi na sinasabayan ng nakakaliyong masarap na tunog ng bawat banggaan ng kanilang ibaba.A groan escaped from his throat as Destiny svcked his tongue, pumaikot maging ang mga braso nito sa kanyang leeg kasab
Nanginginig ang mga kamay ni Destiny, ang dibdib ay naninikip, at ang puso ay dumadagundong. Kanina ng dinala siya ni Andres sa mismong silid nito, naglalaro na sa isip niya ang ilang malabong eksena, at maging ang munting mga tinig ay kusa niyang naririnig.Mula sa silid nito hanggang sa gazebo, at sa pagsakay ng private chopper hanggang sa marating nila ang enchanted kingdom. Hindi siya nilubayan ng mga malabong eksena na iyon, at ang mga malabong eksena na iyon ay tuluyang luminaw ng makasampa siya ng tuluyan sa Ferris wheel.Halos gusto niyang sumigaw at sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng galit sa kambal. Tinatanong niya ang sarili kung bakit ito nagawa sa kanya ni Serenity, kung bakit nagawa nitong ilihim sa kanya at Andres ang lahat.Parang pinong kinukurot ang puso niya, ramdam na ramdam niya ang sakit at hirap na pinagdaanan ni Andres sa mahabang panahon. Ngunit sa kabila ng naramdaman na galit sa kambal ay namayani pa rin sa isip at puso niya ang pag-intindi at pagpap
“Everything is set, Sir!”“Good!” Agad na binalingan niya si Destiny. Napatitig ito sa private chopper at kapagkuwan ay lumingon sa kanya. Bumuka ang labi nito ngunit agad na muli nito iyong itinikom. Tila ba ito nahihirapan na sambitin ang katagang gustong sabihin. Nalilito ito.“Gaya ng sabi ko pupunta tayo sa isang masayang lugar. Dadalhin kita sa lugar kung saan isa sa lugar na pinaka-gustong pasyalan noon ni Tin-Tin.” Nababakas ang pagkalito sa mukha ni Destiny. Alam niyang tulad niya ay marami rin itong katanungan sa isip. Marami siyang tanong. Tanong na hindi alam kung masasagot pa ba. Dahil ang kaisa-isang tao na makaka-sagot sa katanungan niya ay hindi na nag-eexist sa mundong ibabaw.Ganun pa man ay hindi na mahalaga ang kasagutan sa mga katanungan na iyon. Dahil ang tanging mahalaga ay siya, si Tin-Tin at ang kanilang mga anak. Buong-buo na ang pagkatao niya.it's okay if Tintin did not remember the promises of their young hearts made twenty-two years ago, dahil kung sus