Share

Chapter 59

WALA nang nagawa si Cataleya kundi ang magpatianod sa kagustuhan ni Lukas na sumakay sa ferris wheel. Pagkabili nito ng ticket ay kaagad na sumakay sila sa gondola na nakalaan para sa kanila. Nilalabanan niya ang kaba na nadarama niya. Iyon talaga ang ride na ayaw niyang sakyan.

‘Kayanin mo Cataleya, alam ko naman na ayaw mong mawalay kay Papa Lukas,’ anang ng isang bahagi ng puso niya.

Eksaktong sabay na pagsandal nila sa railing ay hinawakan ni Lukas ang isang kamay niya. “Nanlalamig ka yata Cath? Something wrong?”

Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya dito. “N-ngayon na lang kasi ako sasakay ng ferris wheel. Ang tagal na noong pinaka-last at medyo traumatic ako after that.”

High school siya noon nang magka-ayaan sila ng mga kaklase niya na sumakay ng ferris wheel. Dahil first time niya ay naging excited tuloy siya. Ngunit nang umaandar na ay nagkaroon siya ng kadalaan. Bigla siyang nahilo at kaagad na nagpababa. Naroong sumuka siya at nangako sa sarili na hindi na muli na sasakay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Eckolohiya23
oo nga po ma'am
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
sarado lng ang puso ng tatay mo Lukas kya ayaw nyang tanggapin ang pakikipag-ayos mo sa nanay mo pero kung willing syang makinig sana malaman nya ung tunay na nangyayari
goodnovel comment avatar
Eckolohiya23
maraming salamat po...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status