SA saglit na paghihiwalay ng mga labi nila nina Cataleya at Lukas, napatitig siya sa mukha ng lalaki. Pinakatitigan niya ang gwapong mukha nito at namamalas niya ang pagtaas-baba ng adam’s apple nito. Nais niyang tiyakin sa sarili na hindi panaginip ang mga nangyayari sa gabing iyon.“I love you so much, Lukas Adriatico,” sa wakas ay malaya niyang nasasabi dito ang mga nasabing kataga. Mga salitan na mahabang panahon na ikinubli ng sariling damdamin niya.Ang dating tinatanaw niya noon ay malaya na niyang naaabot na ngayon. Isang pangarap ang nagkaroon ng katuparan. Ang masidhing inaasam ng puos niya.“And I love you more my angel, Cataleya.” Muling hinuli ng labi nito ang labi niya. Nadugtungan ang pinagsasaluhan nilang halik. Hinayaan niyang pumasok ang dila nito sa loob ng bibig niya. Napayakap siya sa leeg nito para lalo pang maglapit ang kanilang mga mukha.Sandaling iyon ay nais nilangh ipadama ang pagmamamahal nila sa isa’t isa. Sila muna ang iinog sa takbo ng mundo at walang m
“SOMETHING wrong my angel?” nagtatakang tanong ni Lukas kay Cataleya. Pareho na silang nasa loob ng writing room ng kanyang nobyo. Ang gwapo pa rin nitong pagmasdan kahit pawisan na ang mukha. Tila nagpadagdag ng appeal ang nasabing likido sa katawan nito.“Linisan mo na ang lahat dito sa bahay, huwag lang ang wri- este ang room na ito.” Humihingal siya sa harap nito na nag-aapuhap pa rin ng ibang dahilan. Mabuti na lang at hindi ganap na nadulas ang dila niya sa pagbanggit ng writing room. Lalo itong magtataka at maghihinala kapag nalaman ang silid na kinaroroonan nila.Nangunot ang noo nito. “Bakit, may itinatago ka ba dito? May hindi pa baa ko nalalaman tungkol sa’yo?”“O-oo,” nagkakadabuhol ang dila na sabi niya. Nawawala tuloy siya sa konsentrasyon dahil nasasapul siya sa mga tanong nito. “Ahm, wala naman pero spare this room please… iba na lang ang linisin mo at ako na ang bahala dito.”Tatango na sana ito pero may biglang umagaw sa atensyon nito. Nabaling ang tingin nito sa ka
NARAMDAMAN ni Cataleya ang pag-angat ng kung anong bagay sa loob ng suot ng short ni Lukas. Dumampi ang dulo n’on sa may palad niya. Hot and hard. Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin iyon using her thumb. Kitang-kita niya napaigtad ang nobyo sa pangahas na ginawa niya sa core ng pagiging isang lalaki nito.Bigla nitong hinuli ang isang pasaway na kamay niya. Nakadama siya ng kahugkagan nang mawala iyon sa loob ng bulsa ng short nito. “Ngayon ko lang nalaman na may pagka-naughty ka my angel.”“Ako ba naman ang magkaroon ng hot na boyfriend.” Ngumisi siya, imbes na mahiya ay lakas-loob niyang sinalubong ang mga tingin nito. Lumalabas na naman ang pilyang side niya. “Sorry huh, hindi ako nakapagpigil sa sarili ko.”“Not now my angel.” Ngumisi ito saka kinintalan ng halik ang kamay niya na hawak pa rin nito. “Darating din tayo sa bagay na ‘yan. But right now, I feel like dreaming about us.”“Hoy Mr. Adriatico, hindi lang panaginip lang ang lahat ng ito ah,” kunwa’y naiinis niyang
“I am expecting you are working here in Palawan Lukas. But it seems that you are flirting with someone else,” dismayadong sabi ng bagong dating na babae sa loob ng opisina. May katandaan na ito pero taglay ang karangyaan mula sa suot na mamahaling dress at alahas. Napapailing ito na nakatingin sa binata.Nahihiyang umalis siya Cataleya sa pagkakaupo sa lap ng nobyo. Ramdam niya na hindi basta-basta ang bisita ni Lukas ngayong umaga. Tumingin siya sa ginang. “G-good morning po Ma’am.”Umismid lang ito bilang tugon sa kanya. Kita pa rin sa mukha nito na parang hindi makapaniwala sa pagkakatitig sa kanya. Nakadama siya ng estrange feeling ukol dito. May kung anong tension ang nagsimulang mabuo sa paligid.Kaagad na nilapitan ni Lukas ang bagong dating matapos ang saglit na pagkabigla. “Kayo po pala Mom, hindi man lang kayong nagpasabi na pupunta kayo dito sa El Nido.”“I was planning to surprise you hijo pero ako yata ang ginulat mo,” sabi pa ng babae na may pagkauyam ang tono ng pananal
KUMURAP-kurap ang mga mata ni Cataleya nang makailang beses. Pinakatitigan niya ang mukha ng napangasawa ng yumao niyang kakambal na si Claudia. Ang isang mukha ng lalaki na kilalang-kilala niya. at hindi siya maaaring magkamali sa nakikita niya sa hawak na lumang picture.Bakit ba parang nilalaro siya ng tadhana? Bakit siya pa? sa dinami-dami ng lalaki dito sa mundo!May bumibikig sa lalamunan niya na maisatinig pa ang ang mga sinasabi niyang iyon sa sarili. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang lakas niya sa katotohanang natuklasan niya.Natakasan niya ang isang masakit na bahagi ng kahapon niya ngunit may kapalit pala. At ngayon nga ay pinagdadaanan niya. Hanggang kailan ba siya susubukin?Nanghihina siyang lumabas ng bodega na dala-dala ang lumang picture. Nalimutan na niya ang pakay sa lumang cabinet na balak sana niyang linisan. Nawala na siya ng gana sa dapat sana ay gagawin niya ngayong gabi.Animo’y nasa gitna siya ng dalawang maalaking bato ng handang mag-umpugan. Ang n
“N-NOTHING Lukas, napagod lang ako,” pagkakaila ni Cataleya sa nobyo. Nakuyumos ng kamay niya ang hawak na lumang picture saka ipinasok sa loob ng bulsa ng short niya. Mabuti at hindi napansin iyon ng kaharap. Pinahid niya ang mga butil ng pawis na lumitaw sa mukha niya at sinikap na i-relax ang sarili. “Naglinis kasi ako ng ilang gamit.”He frowned. “At this hour of night? Masyado mo yatang pinapagod ang sarili mo.” Lumapit ito sa kanya at tinabihan siya sa kinauupuan niyang sofa.Bigla niyang nailayo ang sarili dito. “Naku my love, talagang lumapit ka pa sa akin, amoy pawis pa naman ako.” Sininghot pa niya ang sariling amoy. Gusto niyang pagaanin ang mabigat na dalahin ng dibdib niya.“No worries, hindi naman halata eh.” Pa-simple siyang tinaasan nito ng kilay na nangingiti pa. “Kahit ano pa ang maging amoy mo ay mamahalin pa rin kita Cataleya.”Ang kilig na naramdaman niya ay nahaluan ng malaking lungkot. Iyon ay dahil sa isang kasinungalingan ng kahapon na nag-ugnay sa kanilang d
INILAPAG ni Cataleya ang dala niyang bulaklak sa ibabaw ng isang puntod. Nabasa niya sa lapida ang buong pangalan ng yumao niyang kakambal at kapatid na si Claudia. Hindi niya alintana ang init ng araw na dumadampi sa balat niya. Nagsindi rin siya ng kandila saka nag-ukol ng isang tahimik na panalangin.Sa sandaling iyon, hindi niya napigilan na kausapin ang namayapang kapatid. Panatag naman siya na magsalitang mag-isa dahil nasa private cemetery siya. Bukod sa guard na naroon sa gate ay wala na siyang makita na ibang tao na naroon.“Ayan sis, sinadya kitang dalawin ngayon huh. Nasaan ka man ay sana marinig mo ang sasabihin ko sa’yo. Naalala mo pa ba ang ginawa ipinagawa mo sa akin noon kapalit ng pagtulong mo sa akin? Ang naging dahilan kung bakit nawala ang virginity ko…“Kakaloka lang na ang asawa mong si Lukas ay kasama-sama ko ngayon. Aaminin ko sa’yo na mahal na mahal ko siya. Huwag mo sanang isipin na inagaw ko sa’yo huh. Pangako, hindi ko siya sasaktan. Ayokong sisihin ka kung
INIGNORA ni Cataleya ang nasabing message na iyon. Ibinalik ang cellphone niya sa ibabaw ng conference table. Ibinalik niya ang atensyon kay Lukas na abala pa rin sa presentation nito. Kita sa mukha ng board ang paghanga sa katalinuhan ng nobyo niya pagdating sa negosyo.At hindi niya hahayaang mawala ito sa buhay niya. Panaka-nakang pumasok sa isip niya ang message na galing kay Anne. May hindi maipaliwanag na takot siyang naramdaman. Kahit sabihin pa na baka ibang Anne ito at hindi iyong kakilala niya. Pa-simpeleng napailing ang ulo niya.Ang masigabong palakpakan ang nagpabalik sa diwa niya sa reyalidad. Namalayan na lang niya na isa-isang kinakamayan si Lukas ng board. She must be proud of him. Masaya siya para sa magandang result ng gawain nito ngayong araw.“Congratulation my love, mukhang napabilib mo ang board mo ah,” bati niya sa nobyo nang silang dalawa na lang ang tao sa conference hall.He smiled and gently cupped his face. “Of course, dahil kasama kita. You’re my inspirat
TUMIGIL ang van sa compound na nasa labas ng Metro Manila. Mula sa nasabing sasakyan ay sapilitang ibinaba ang dinukot na mag-asawa. May nakasaklob na sako sa mga ulo nito. Bumaba na rin ang mga goon saka pakaladkad na ipinasok ang mga bihag sa loob ng isang lumang bodega. Papakalat na ang dilim sa buong paligid.Sa loob ng bodega ay may dalawang upuang kahoy kung saan iniupo sina Lukas at Cataleya. Nagpapalag ang dalawa pero walang silang magawa para makatakas. Nakatali ang kanilang mga kamay at panibagong tali pa ang ginawa sa kanilang mga katawan sa kanilang kinauupuan.“Welcome,my dear Lukas at Cataleya,” anang ng isang boses na babae na may pagbubunyi ang tono.Kasabay n’on ay ang pagtanggal ng nakasaklob na sako sa kanilang mga ulo. Hindi makapaniwala si Lukas sa mukha ng taong nagpadukot sa kanila. “M-Mama Matilde, kayo ang may kagagawan nito?”Si Cataleya naman ay maang nakatingin sa may katandaan ng babae. Halatang may ginagamit para mapigilan ang pagkulubot ng mukha. Hindi n
"I admit Cataleya, iniwan nga kita noon dahil sa pagkagalit ko sa'yo," walang emosyong pag-amin ni Lukas. Nagtagis ang bagang nito pero sa kislap ng mga mata ay naroon ang pagka-guilt. "Inisip ko na niloko mo ako, dahil nalaman ko ng gabing iyon na ikaw pala ang kakambal ng namatay kong asawa.""At k-kailan nangyari iyon?" Kumabog ang dibdib niya sa walang kalinawang dahilan. Pakiramdam niya ay mas lalo pang nahiwa ang puso niya.Kagaya ng nitong nakaraang araw, wala siyang maapuhap sa alaala niya."It was three years ago, nang i- invite tayo ng father ko sa mansyon for a dinner date. Gusto ka nilang makilala," pagpapatuloy ni Lukas. "Pero malaki ang pagka-disgusto sa'yo ng Mama Matilde. Siya ang nagsiwalat ng pagkatao mo kasabwat ang dating secretary ng kakambal mo."Marahan siyang napatango ngunit may isang particular na emosyon ang nagnanais kumawala sa dibdib niya. Her temporary memory loss prevented her from fully bursting out."Iyong totoo Lukas, until now ay galit ka pa rin ba
"KANINONG bahay ito Lukas?" tanong ni Cataleya sa nagpakilalang asawa niya. Kabababa lang nila sa sasakyan at nasa harap sila ng dalawang palapag na bahay na tabing-dagat. "Ang ganda namam ng view dito."Sumalubong sa paningin ang tanawin ng dagat na kung saan ay may natatanaw siyang tila maliliit na isla.Nilingon siya ni Lukas, karga nito ang dalawa sa triplet na parehong nakatulog sa mahabang byahe. "Bahay mo ito my dear wife."Namanghang nanlaki ang mata niya. "Wow talaga, sa akin talaga ang bahay na ito.""Oo, dito ka tumira noong nag-stay ka pa dito sa El Nido," sagot ni Lukas. "Anyway, pumasok na muna tayo sa loob at para madala sa kwarto ang mga anak natin."Marahan siyang tumango at napasunod na lang sa muling paglakad ng asawa. Humahanga siya sa magandang interior ng bahay na pag-aari niya daw. Dulot ng amnesia niya ay hindi niya maalala ang pagiging bahagi n'on sa buhay niya.Isang kuwarto ang binuksan ni Lukas at nanatiling nakasunod siya dito. Marahan nitong inihiga sa ka
NAGISING siya ng umagang iyon na pakiramdam niya ay malakas na siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Nakasanayan na ng mga mata niya ang kinaroroonan niyang apat na sulok ng silid, ang madalas niyang makamulatan sa bawat umaga.Isang malaking tanong sa kanya kung nasaan siyang lugar. Humakbang siya palabas silid. Marahan niyang pinihit ang seradura para ganap na siyang makalabas.Hindi pamilyar sa kanya ang pasilyo na nabungaran niya. malinis, maaliwalas at maalwan ang bahaging iyon ng kabahayan. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.Natagpuan niya ang sarili na bumababa sa grand staircase. Indikasyon na naroon siya sa isang mansion. Pero ang tanong, kaninong bahay ang kinaroroonan niya?“Gising ka na pala, ahm okay na ba pakiramdam mo?” Salubong sa kanya ng isang matangkad at gwapong lalaki pagkababa niya ng hagdan. Kita niya ang concern sa mukha nito.Tumango siya pero kinikilala pa rin niya ang itsura nito. “Ayos naman ang pakiramdam ko. Teka, s-sino ka ba?”“Ak
CATALEYA gently stroked him. Tila may nakikipaglaban sa mahigpit niyang pagkakapit niya sa isang bagay nasa loob ng short ni Lukas. Biglang napahiwalay ang labi ng asawa sa kanya at napaungol ito sa bawat paghagod ng kamay niya sa ebidensya ng pagiging lalaki nito. Naroong nakagat pa nito ang sariling labi.“You’re making me crazy,” anas ni Lukas saka naipikit pa nito ang mga mata. Nanatiling pa ring nakaupo ito.Lihim naman siyang nangiti dahil nagawa niyang paligayahin ang asawa sa kanyang mga kamay. Lalo pa ito naging hot sa mga mata niya dahil nakikita niyang reaksyon ng gwapong mukha nito.Lalo pa niyang itinodo ang ginagawa niya. Ayaw niyang maputol ang mainit na sandaling iyon. She loves every inch of him.Maging si Lukas ay hindi na rin nakapagpigil sa matinding init na lumuukob dito. Marahan nitong inalis ang kamay niya na nasa loob ng shot nito. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa ere at saka niya namalayan na pangko na siya ng asawa.Iniangkla niya ang magkasug
“MAY kailangan ka ba sa akin Lukas?” tanong ni Cataleya sa asawa nang mabungaran niya ito sa mini-bar ng bahay nito. Prente itong nakaupo sa isang round table na kanugnog ng ipinasadyang table. Naka-display ang mga mamahaling alak at iba’t ibang uri ng kopita. A sign of luxurious living.Nilagok muna nito ang lamang alak ng hawak na kopita saka tumingin sa gawi niya. “May gusto lang akong sabihin about sa nangyari kanina sa mansion. Take a seat first.”Medyo kinakabahan na naupo siya sa upuang itinuro nito na malapit lang sa pwesto nito. Sinikap niya na maging kalmado. “I’m sorry kung naging rude o nawalan ako ng galang sa Mama Matilde mo.”Hindi kaagad ito tumugon bagkus ay kumuha pa ito ng isang kopita. Ipinatong sa mismong tapat niya saka sinalinan iyon ng vodka. “It’s not what I mean my dear wife. Ang totoo n’yan ay napahanga mo pa ako sa ginawa mo kanina. Hindi ko inaasahan iyon lalo na ang DNA result.”My dear wife. Tila musika iyon sa pandinig niya na kinasabikang marinig ng pu
“ARE you crazy Lukas?” naiiling na tumingin si Matilde sa gawi nh asawa saka bumalik ang tingin kay Cataleya. “Sa dami ng babae na pwede mong pakasalan ay ang oportunista pang ito ang napili mo. So disappointing.”Chin-up pa rin si Cataleya para ipakita na hindi siya apektado sa kagasapangan ng ugali ni Matilde. “I’m sorry Mama, ganap na kaming kasal at katulad mo ay isa na rin akong Adriatico.”Pinanlisikan siya ng matandang babae ng mata. “I can’t believe it, isang linggo lang akong nawala ng bansa pero ang daming naganap na hindi kaaya-aya.”“Ma, enough!” saway ni Lukas sa kinalakihan nitong ina. “Nasa harap tayo ng pagkain at pati ng mga apo ninyo.”Saka lang niya napansin ang triplet na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Kita sa inosenteng mga mukha ang kuryusidad.“Paano ka nakakasigurado na ikaw nga ang anak ng mga batang ‘yan?” tanong ni Mstilde na nakatingin sa tatlong anak niya. “Knowing Cataleya na isa ring manloloko. Hindi sapat na kamukha mo lang sila Lukas at ayok
MAKAILANG beses na dinala ni Lukas sa ikapitong langit si Cataleya. Nakasubsob sa pagitan ng mga nakabuka niyang hita ang ulo ng asawa. Pinagpapala ng labi at dila nito ang kaibuturan niya bilang isang babae. Napakapit siya sa gilid ng unan kasabay ang pag-arko ng sariling katawan.Isang malakas na ungol ang pinakawalan niya at tila namumuti ang mga mata niya. Hnggang sa parang hinang-hina siya matapos ang na parang may dam na nagpakawala ng tubig sa katawan niya.“L-Lukas,” anas niya sa pangaan ng asawa. Ngunit hindi pa ito tapos sa pagpapaligay sa kanya. Gumapang muli ang katawan nito paitaas sa kanya at muling nagpantay ang mga mukha nila.Pareho silang pawisan sa kabila na nakabukas ang aircon. May mga butil na nasabing likido mula dito ang pumatak sa mukha niya. Kitang-kita niya ang nag-aapoy na desire sa mga mata nito.Isang mainit na sandali na kinasabikan niyang mangyari kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Naramdaman niya ang pagpasok nito sa kanya na sinundan ng pag-ulos.
"By the power vested in me by the Republic of the Philippines, here in the company of those who love and support you, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss each other! Friends, it’s my honor to introduce Lukas and Cataleya Adriatico.," masayang pronouncement ni Judge Alena Cortez sa kanilang kasal.Tila sa nakatitig sa kawalan si Cataleya sa mukha ni Lukas. May ngiting nakakintal sa labi niya pero sa mga mata niya ay nakasungaw ang isang lungkot na pilit niyang itinatago. Hinayaan niya ang asawa ang mag-initiate ng halik. Hanggang sa naramdaman niya ang pagdampi ng labi sa nito sa labi niya. Saglit lanh iyon dahil maging ito ay walang emosyon sa nasabing aksyon.Nagpalakpakan ang mga taong naroon sa loob ng opisina ng RTC judge. May tig- isang ninong at ninant sila na si Lukas mismo ang kumuha. Mga malapit nitong kaibigan sa negosyo. Naroon din ang nanay nitong si Conchita at kapatid na si Aya nasa Manila na rin naniniraham. Kita sa mukha ng mga ito ang kaligayahan pa