WALA nang nagawa si Cataleya kundi ang magpatianod sa kagustuhan ni Lukas na sumakay sa ferris wheel. Pagkabili nito ng ticket ay kaagad na sumakay sila sa gondola na nakalaan para sa kanila. Nilalabanan niya ang kaba na nadarama niya. Iyon talaga ang ride na ayaw niyang sakyan.‘Kayanin mo Cataleya, alam ko naman na ayaw mong mawalay kay Papa Lukas,’ anang ng isang bahagi ng puso niya.Eksaktong sabay na pagsandal nila sa railing ay hinawakan ni Lukas ang isang kamay niya. “Nanlalamig ka yata Cath? Something wrong?”Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya dito. “N-ngayon na lang kasi ako sasakay ng ferris wheel. Ang tagal na noong pinaka-last at medyo traumatic ako after that.”High school siya noon nang magka-ayaan sila ng mga kaklase niya na sumakay ng ferris wheel. Dahil first time niya ay naging excited tuloy siya. Ngunit nang umaandar na ay nagkaroon siya ng kadalaan. Bigla siyang nahilo at kaagad na nagpababa. Naroong sumuka siya at nangako sa sarili na hindi na muli na sasakay
HINAYAAN ni Cataleya na lalo pang lumapit sa kanya si Lukas. Nakabukas ang mga bisig niya para sa binate. Pinagbigyan niya ito sa request nitong mayakap siya. At alam niya sa kanyang puso na hindi niya ito kayang tanggihan.“Ikaw talaga, akala ko pa naman kung ano na ang request mo sa akin.” Kusa niyang hinapolos ang broad back nito. Ang texture ng balat nito na tila nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Naroong lumakas pa ang kabog ng dibdib niya.Hindi niya maikakaila sa sarili ang kakaibang epekto nito sa kanya. Aminado siya sa sarili kung gaano ito kahalaga sa buhay niya. Isang damdamin na natatakot siyang malaman nito.Walang kasuguraduhan kung hanggang kalian iyon magiging lihim. Ngunit iyon ang pinaka-safe niyang magagawa. Kailangang protektahan niya ang sariling damdamin.Dalawang bagay lang ang pwedeng kahantungan ng lahat. Ang magkaroon iyon ng katugunan o ang magbayad siya. Minsan pa niyang sinisi ang clause sa relationship contract nila.Kaagad na hinamig niya ang
"ARE you alright? " tanong ni Lukas sa kanya. Napansin nito ang pagka-unease ng mukha niya. Nanunuri ang ang mga mata nitong nakatingin. Sinikap ni Cataleya na hamigin ang sarili. Tumikhim siya. "Medyo nagulat lang ako. Hindi ko kasi akalain na ang isang kagaya mo ay nagbabasa ng romance novel. Iyon ang genre ni Leyah Rose. "" At nagbabasa ka rin pala ng mga sinulat niya? " Ito naman ang nagkaroon ng amusement sa sandaling iyon. 'Ako 'yun Lukas. Ako si Leyah Rose' at hindi niya kayang maisatinig ang mga nasabing kataga. Hanggang sa sarili lang niya. "Minsan ko lang na-browse ang story niya, " bagkus ay sabi niya. "Alam mo naman, wala na ako masyadong time na magbinasa pa. Buti ikaw ay meron pa. ""Si Lorraine kasi ang may kagagawan nito, " tukoy nito sa pangalan ng pamangkin nito. "Pinilit niya akong basahin dahil parang ako daw kasi yung male character doon. ""And then? " Pilit niyang ikinampante ang sarili. Nagkaroon siya ng kuryusidad kung paano niya naging reader ang boss niy
NAGPALINGA-LINGA ang tingin ni Cataleya sa paligid. Mula sa labas ng comfort room ay may hinahanap siya na gumawa ng kaluskos. Naging alerto ang lahat ng nerve niya sa katawan. Nag-aalala siya sa na baka may nakarinig sa sinabi niya sa harap ng salamin.Lumakad na siya hanggang sa makarating sa magandang sala ng bahay ni Lukas. Niyakap siya ng nakakabinging katahimikan, patunay na walang ibang taong naroroon.Inisip na lang niya nab aka si Manang Goreng lang iyon. Baka napadaan lang ito kanina. Bumuntong-hininga siya saka lumabas na muli ng kabahayan.Pagdating niya sa labas ay napansin niya na nabago na ang set-up. Wala na ang dining table at napalitan iyon iyon ng dalawang sand chair. Sa pagitan ng dalawang upuan ay naroon ang isang square na lamesa. May mga nakasapaw doon na mga snack at drink. Nanatiling naroon pa rin ang makeshift stage pero wala na ang babaeng violinist. Ang tunog ng banayad na pag-alon ng dagat ang nagsilbing musika ng paligid.“Wow mukhang may part two pa yata
“MAY sinasabi ka ba Lukas?” tanong niya sa binate na pinakatitigan pa ang mukha nito. Naghihintay siya ng kumpirmasyon mula dito at umaasam siya na hindi siya na namamali nang narinig. Kulang na lang ay sapuin ang sariling dibdib dahil sa pagkabog n’on. Sana nga ay tama ang mga katagang binigkas ng lalaki na lihim na itinatangin ng puso niya.Umiling ito na parang nabuhusan ng malamig na tubing ang ulo. “W-wala, I mean, kilala mo ako Cataleya. Hindi ako nagbibigay ng pipitsuging regalo sa isang tao. Kaya nga dito nagpunta.”Tila mahinang pader na gumuho ang lahat ng inaasam niya. Nawalan siya ng gana sa sandaling iyon. Pilit niyang itinago ang nadaramang pagkadismaya. Pilit pa rin niyang pinasigla ang expression ng mukha niya. “Ah okay, pero sabi ko naman sa’yo, hindi mo ako kailangang bigyan ng mamahaling regalo.”“You’re stubborn Cat.” Pinisil na naman nito ang dulo ng baba niya. Bigla siya nitong nilagpasan. “P’wes ako na lang ang pipili ng gift ko para sa’yo.”Napasunod na lang an
IMBES na makadama ng pagkapahiya si Cataleya, lungkot ang lumukod sa dibdib niya. Sa ginawang pagtatapos ni Lukas sa video call nilang dalawa ay malinaw na natapos na ang relationship contract nila. Ganap na nga bang babalik sa dati ang Samahan nila sa isa’t isa?Nakatulugan na niya ang isiping iyon. Nagising siya makalipas ang isang minute, naalala kasi niya na hindi pa niya natatanggal ang suot na contact lens. Nang maalis na niya iyon sa kanyang mga mata ay biglang namasa ito. Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya.Tila may mga nagliliparang mga sibat patusok sa dibdib niya. Mas masakit pa sa break up. Kung noong una ay nag-aalinlangan siya sa kasunduang inilatag ni Lukas pero ngayon na nagtapos na, masasabing nasasaktan siya.‘Stop na ang pagiging assuming mo Cataleya, malinaw na hindi ka mahal ni Lukas. Malinaw naman na ginamit niya para isalba ang kanyang reputasyon. Mataas ang tingin niya sa sarili niya at ayaw niyang madudungisan iyon. Isang pansamantalan
"L- Lukas, " sambit ni Cataleya habang namamasdan ang binata sa hindi kalayuan. Wala sa hinagap niya na ito ang makakasama sa picture. In fairness, ang galing nito dahil hindi niya namalayan nakalapit ito sa kanya. "Ma'am, pasensya po kung hindi ko na napigilan si Sir sa paglapit sa inyo kanina. Pero mukha naman po siyang mabait,. " itinuro pa ni Mark si Lukas. Inismiran niya si Lukas sabay baling sa photographer. "Mukha lang 'yung mabait at huwag kang pakatiwala sa itsura niya. Mapanakit 'yan. " Nangunot ang noo ni Mark sa pagtataka. " Huh, kilala n'yo ho s'ya? ""Ui Cataleya, narinig ko ang sinabi mo huh. " Paglapit sa kanila ni Lukas. Sa kanya agad ito tumingin.Tinaasan niya ito ng kilay. "Sinasabi ko lang naman ang pagkakilala ko sa'yo. Ano akala mo sa akin, madaling makalimot sa ginawa mo? "Nagsisimulang lumabas ang sama ng loob niya kay Lukas dahil sa ginawang pangdi-deadma sa kanya buong maghapon. At ngayon bigla na lang itong susulpot sa harap niya na parang walang nangya
SA saglit na paghihiwalay ng mga labi nila nina Cataleya at Lukas, napatitig siya sa mukha ng lalaki. Pinakatitigan niya ang gwapong mukha nito at namamalas niya ang pagtaas-baba ng adam’s apple nito. Nais niyang tiyakin sa sarili na hindi panaginip ang mga nangyayari sa gabing iyon.“I love you so much, Lukas Adriatico,” sa wakas ay malaya niyang nasasabi dito ang mga nasabing kataga. Mga salitan na mahabang panahon na ikinubli ng sariling damdamin niya.Ang dating tinatanaw niya noon ay malaya na niyang naaabot na ngayon. Isang pangarap ang nagkaroon ng katuparan. Ang masidhing inaasam ng puos niya.“And I love you more my angel, Cataleya.” Muling hinuli ng labi nito ang labi niya. Nadugtungan ang pinagsasaluhan nilang halik. Hinayaan niyang pumasok ang dila nito sa loob ng bibig niya. Napayakap siya sa leeg nito para lalo pang maglapit ang kanilang mga mukha.Sandaling iyon ay nais nilangh ipadama ang pagmamamahal nila sa isa’t isa. Sila muna ang iinog sa takbo ng mundo at walang m
TUMIGIL ang van sa compound na nasa labas ng Metro Manila. Mula sa nasabing sasakyan ay sapilitang ibinaba ang dinukot na mag-asawa. May nakasaklob na sako sa mga ulo nito. Bumaba na rin ang mga goon saka pakaladkad na ipinasok ang mga bihag sa loob ng isang lumang bodega. Papakalat na ang dilim sa buong paligid.Sa loob ng bodega ay may dalawang upuang kahoy kung saan iniupo sina Lukas at Cataleya. Nagpapalag ang dalawa pero walang silang magawa para makatakas. Nakatali ang kanilang mga kamay at panibagong tali pa ang ginawa sa kanilang mga katawan sa kanilang kinauupuan.“Welcome,my dear Lukas at Cataleya,” anang ng isang boses na babae na may pagbubunyi ang tono.Kasabay n’on ay ang pagtanggal ng nakasaklob na sako sa kanilang mga ulo. Hindi makapaniwala si Lukas sa mukha ng taong nagpadukot sa kanila. “M-Mama Matilde, kayo ang may kagagawan nito?”Si Cataleya naman ay maang nakatingin sa may katandaan ng babae. Halatang may ginagamit para mapigilan ang pagkulubot ng mukha. Hindi n
"I admit Cataleya, iniwan nga kita noon dahil sa pagkagalit ko sa'yo," walang emosyong pag-amin ni Lukas. Nagtagis ang bagang nito pero sa kislap ng mga mata ay naroon ang pagka-guilt. "Inisip ko na niloko mo ako, dahil nalaman ko ng gabing iyon na ikaw pala ang kakambal ng namatay kong asawa.""At k-kailan nangyari iyon?" Kumabog ang dibdib niya sa walang kalinawang dahilan. Pakiramdam niya ay mas lalo pang nahiwa ang puso niya.Kagaya ng nitong nakaraang araw, wala siyang maapuhap sa alaala niya."It was three years ago, nang i- invite tayo ng father ko sa mansyon for a dinner date. Gusto ka nilang makilala," pagpapatuloy ni Lukas. "Pero malaki ang pagka-disgusto sa'yo ng Mama Matilde. Siya ang nagsiwalat ng pagkatao mo kasabwat ang dating secretary ng kakambal mo."Marahan siyang napatango ngunit may isang particular na emosyon ang nagnanais kumawala sa dibdib niya. Her temporary memory loss prevented her from fully bursting out."Iyong totoo Lukas, until now ay galit ka pa rin ba
"KANINONG bahay ito Lukas?" tanong ni Cataleya sa nagpakilalang asawa niya. Kabababa lang nila sa sasakyan at nasa harap sila ng dalawang palapag na bahay na tabing-dagat. "Ang ganda namam ng view dito."Sumalubong sa paningin ang tanawin ng dagat na kung saan ay may natatanaw siyang tila maliliit na isla.Nilingon siya ni Lukas, karga nito ang dalawa sa triplet na parehong nakatulog sa mahabang byahe. "Bahay mo ito my dear wife."Namanghang nanlaki ang mata niya. "Wow talaga, sa akin talaga ang bahay na ito.""Oo, dito ka tumira noong nag-stay ka pa dito sa El Nido," sagot ni Lukas. "Anyway, pumasok na muna tayo sa loob at para madala sa kwarto ang mga anak natin."Marahan siyang tumango at napasunod na lang sa muling paglakad ng asawa. Humahanga siya sa magandang interior ng bahay na pag-aari niya daw. Dulot ng amnesia niya ay hindi niya maalala ang pagiging bahagi n'on sa buhay niya.Isang kuwarto ang binuksan ni Lukas at nanatiling nakasunod siya dito. Marahan nitong inihiga sa ka
NAGISING siya ng umagang iyon na pakiramdam niya ay malakas na siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Nakasanayan na ng mga mata niya ang kinaroroonan niyang apat na sulok ng silid, ang madalas niyang makamulatan sa bawat umaga.Isang malaking tanong sa kanya kung nasaan siyang lugar. Humakbang siya palabas silid. Marahan niyang pinihit ang seradura para ganap na siyang makalabas.Hindi pamilyar sa kanya ang pasilyo na nabungaran niya. malinis, maaliwalas at maalwan ang bahaging iyon ng kabahayan. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.Natagpuan niya ang sarili na bumababa sa grand staircase. Indikasyon na naroon siya sa isang mansion. Pero ang tanong, kaninong bahay ang kinaroroonan niya?“Gising ka na pala, ahm okay na ba pakiramdam mo?” Salubong sa kanya ng isang matangkad at gwapong lalaki pagkababa niya ng hagdan. Kita niya ang concern sa mukha nito.Tumango siya pero kinikilala pa rin niya ang itsura nito. “Ayos naman ang pakiramdam ko. Teka, s-sino ka ba?”“Ak
CATALEYA gently stroked him. Tila may nakikipaglaban sa mahigpit niyang pagkakapit niya sa isang bagay nasa loob ng short ni Lukas. Biglang napahiwalay ang labi ng asawa sa kanya at napaungol ito sa bawat paghagod ng kamay niya sa ebidensya ng pagiging lalaki nito. Naroong nakagat pa nito ang sariling labi.“You’re making me crazy,” anas ni Lukas saka naipikit pa nito ang mga mata. Nanatiling pa ring nakaupo ito.Lihim naman siyang nangiti dahil nagawa niyang paligayahin ang asawa sa kanyang mga kamay. Lalo pa ito naging hot sa mga mata niya dahil nakikita niyang reaksyon ng gwapong mukha nito.Lalo pa niyang itinodo ang ginagawa niya. Ayaw niyang maputol ang mainit na sandaling iyon. She loves every inch of him.Maging si Lukas ay hindi na rin nakapagpigil sa matinding init na lumuukob dito. Marahan nitong inalis ang kamay niya na nasa loob ng shot nito. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa ere at saka niya namalayan na pangko na siya ng asawa.Iniangkla niya ang magkasug
“MAY kailangan ka ba sa akin Lukas?” tanong ni Cataleya sa asawa nang mabungaran niya ito sa mini-bar ng bahay nito. Prente itong nakaupo sa isang round table na kanugnog ng ipinasadyang table. Naka-display ang mga mamahaling alak at iba’t ibang uri ng kopita. A sign of luxurious living.Nilagok muna nito ang lamang alak ng hawak na kopita saka tumingin sa gawi niya. “May gusto lang akong sabihin about sa nangyari kanina sa mansion. Take a seat first.”Medyo kinakabahan na naupo siya sa upuang itinuro nito na malapit lang sa pwesto nito. Sinikap niya na maging kalmado. “I’m sorry kung naging rude o nawalan ako ng galang sa Mama Matilde mo.”Hindi kaagad ito tumugon bagkus ay kumuha pa ito ng isang kopita. Ipinatong sa mismong tapat niya saka sinalinan iyon ng vodka. “It’s not what I mean my dear wife. Ang totoo n’yan ay napahanga mo pa ako sa ginawa mo kanina. Hindi ko inaasahan iyon lalo na ang DNA result.”My dear wife. Tila musika iyon sa pandinig niya na kinasabikang marinig ng pu
“ARE you crazy Lukas?” naiiling na tumingin si Matilde sa gawi nh asawa saka bumalik ang tingin kay Cataleya. “Sa dami ng babae na pwede mong pakasalan ay ang oportunista pang ito ang napili mo. So disappointing.”Chin-up pa rin si Cataleya para ipakita na hindi siya apektado sa kagasapangan ng ugali ni Matilde. “I’m sorry Mama, ganap na kaming kasal at katulad mo ay isa na rin akong Adriatico.”Pinanlisikan siya ng matandang babae ng mata. “I can’t believe it, isang linggo lang akong nawala ng bansa pero ang daming naganap na hindi kaaya-aya.”“Ma, enough!” saway ni Lukas sa kinalakihan nitong ina. “Nasa harap tayo ng pagkain at pati ng mga apo ninyo.”Saka lang niya napansin ang triplet na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Kita sa inosenteng mga mukha ang kuryusidad.“Paano ka nakakasigurado na ikaw nga ang anak ng mga batang ‘yan?” tanong ni Mstilde na nakatingin sa tatlong anak niya. “Knowing Cataleya na isa ring manloloko. Hindi sapat na kamukha mo lang sila Lukas at ayok
MAKAILANG beses na dinala ni Lukas sa ikapitong langit si Cataleya. Nakasubsob sa pagitan ng mga nakabuka niyang hita ang ulo ng asawa. Pinagpapala ng labi at dila nito ang kaibuturan niya bilang isang babae. Napakapit siya sa gilid ng unan kasabay ang pag-arko ng sariling katawan.Isang malakas na ungol ang pinakawalan niya at tila namumuti ang mga mata niya. Hnggang sa parang hinang-hina siya matapos ang na parang may dam na nagpakawala ng tubig sa katawan niya.“L-Lukas,” anas niya sa pangaan ng asawa. Ngunit hindi pa ito tapos sa pagpapaligay sa kanya. Gumapang muli ang katawan nito paitaas sa kanya at muling nagpantay ang mga mukha nila.Pareho silang pawisan sa kabila na nakabukas ang aircon. May mga butil na nasabing likido mula dito ang pumatak sa mukha niya. Kitang-kita niya ang nag-aapoy na desire sa mga mata nito.Isang mainit na sandali na kinasabikan niyang mangyari kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Naramdaman niya ang pagpasok nito sa kanya na sinundan ng pag-ulos.
"By the power vested in me by the Republic of the Philippines, here in the company of those who love and support you, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss each other! Friends, it’s my honor to introduce Lukas and Cataleya Adriatico.," masayang pronouncement ni Judge Alena Cortez sa kanilang kasal.Tila sa nakatitig sa kawalan si Cataleya sa mukha ni Lukas. May ngiting nakakintal sa labi niya pero sa mga mata niya ay nakasungaw ang isang lungkot na pilit niyang itinatago. Hinayaan niya ang asawa ang mag-initiate ng halik. Hanggang sa naramdaman niya ang pagdampi ng labi sa nito sa labi niya. Saglit lanh iyon dahil maging ito ay walang emosyon sa nasabing aksyon.Nagpalakpakan ang mga taong naroon sa loob ng opisina ng RTC judge. May tig- isang ninong at ninant sila na si Lukas mismo ang kumuha. Mga malapit nitong kaibigan sa negosyo. Naroon din ang nanay nitong si Conchita at kapatid na si Aya nasa Manila na rin naniniraham. Kita sa mukha ng mga ito ang kaligayahan pa