Nagsimula na nga ang kalbaryo ni Atanasha sa kamay ni Mr. Buenavista. Oras-oras siya nitong inuutusan at dahil sa kontrata na kanilang pinirmahan ay hindi makaangal o makareklamo ang dalaga. Isang matagalang pag titimpi na lamang ang kaniyang magagawa dahil alam niya sakaniyang sarili na makikinabang din siya sa contract na ito.
"Napaka bagal mo naman kumilos. Ilabas mo nga pala lahat ng b****a. Tanungin mo nalang sa mga kasambahay kung nasaan ang trash bin." Usal nito kay Atanasha.
"Yes po sir" sarcastic nitong sagot at padabog na lumabas ng pinto.
Red POV
Halatang galit na galit na talaga siya sa mga inuutos ko. Laging nag uusok ang ilong niya kapag nagsimula na akong mang-utos. Dapat lang yun, binabayaran ko siya para mag trabaho at hindi para mag pakasarap lang sa buhay.
Lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin siya nakakabalik. Gaano kadaming b****a ba ang inilabas niya? Pagtatapon lang naman ng b****a ang inutos ko sa babaeng iyon. Sa tagal niya ay parang inutusan ko na rin siyang mag laba. Oh baka sa sobrang sipag niya ay dumiretso na siya sa pasig para mag tapon ng b****a. Natawa ako sa aking naisip.
Bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang aking naka busangot na sa asawa. Ang cute niya talaga kapag nagagalit.
"Ang tagal mo ah, saan ka ba galing? Ang utos ko lang naman sayo ay ilabas ang mga b****a at inabot ka pa talaga ng isang oras." Seryosong sambit ko sa kaniya.
Inirapan lamang ako nito.
"Forget it, ipag pitas mo nalang ako ng white roses sa garden. Kaya mo naman sigurong gawin na ng tama yan, hindi ba?"
Hindi na ito sumagot at umalis na agad ng kwarto ko.
Nangingiti akong sumilip sa bintana upang tignan kung ano ang kaniyang magiging reaction kapag nakarating siya sa garden. Nandoon din kasi ang dog house ng aking alagang bulldog na si Blaze.
Nakita ko siyang pumasok sa garden at ilang minuto lang ang tumili na ito.
"AAAHH BASTARD!" Sigaw nito nang bigla siyang tahulan ni Blaze.
Suminghap ako ng hangin at bumulong sa sarili. "Ahh, so interesting, how much longer can she endure?"
==========1 hour later===========
Nakabalik na siya rito sa aking kwarto. Inilapag niya sa mesa ang mga white roses na kaniyang napitas. Para itong dinaanan ng bagyo sa sobrang pangit ng itsura. Agad akong tumayo at nilapitan siya.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay, pinagmasdan ko pa ito ng maigi at sabay sambit ng "Wala ka namang kapansanan sa kamay. Bakit napakapangit mong pumitas ng mga bulaklak?" ani ko sa kaniya.
"I'm very sorry, Mr. Buenavista, kanina kasi eh hinabol ako ng aso sa garden kaya nasira ang mga bulaklak. Sino ba naman kasing maglalagay ng aso sa garden at hindi pa nakatali." Sarkastiko nitong sagot sa akin. "Alam niyo po ba na may kasabihan na nakukuha daw ng aso ang ugali nila sa amo nila? Kaya naman kung ang aso ay hindi matino at parang baliw na nakawala sa kulungan at nanganggat kapag nakakita ng tao, malamang sa malamang ay mas malala ang ugali ng amo, Mr. Buenavista." Dagdag pa nito.
Seryoso ko siyang tinitigan. "Dadating ang panahon na aalagaan mo rin si Blaze and you're going to be his female owner. Kaya kung ako sayo, baguhin mo na yang ugali mo at baka makuha pa ni Blaze." Sambit ko.
==========================
Lumipas ang oras at palapit na ang dinner. Inutusan na namang muli ni Mr. Buenavista si Atanasha upang maghain ng pagkain.
Matapos ang isang oras ay naihanda na ng dalaga ang pagkain na kaniyang iniluto para kay Mr. Buenavista.
"Hindi ka marunong pumitas ng bulaklak, mukhang hindi mo rin kayang alagaan si Blaze, pati ba naman sa pagluluto ay pagkaing baboy lang ang kaya mong ihain?" inis na tanong ni Mr. Buenavista.
"Aba pasensya na ha, paghuhugas lang naman ng plato ang gawaing bahay na nagagawa ko sa amin." Sagot ng dalaga.
*Step step-----*
Biglang may pumasok na isang magandang ginang. Nakasuot ito ng itim na dress at may suot na kumikinang na mga alahas.
"Mom?" Sambit ni Mr. Buenavista at agad itong tumayo upang batiin ang ina.
"Ano ba naman itong pinaggagagawa mo? At ano itong nababalitaan ko? Where did all your manners go?" Galit na usal ng ginang.
Agad namang bumati si Atanasha habang halata sa kaniyang mukha ang kaba. "Hello, mother." mahinang sambit nito.
"Wag na wag mo akong matawag-tawag na mother, wala akong maalala na may anak akong babae na walang pinag aralan." sumisigaw na sambit nito sa dalaga.
Halata naman sa mukha ng dalaga ang pagkapahiya. Natahimik na lamang ito sa naiusal ng ina ni Red. Sa sinabi palang nito ay alam niya ng hindi siya gusto ng ina ni Red.
Agad namang tumayo si Red at hinarangan ang kaniyang ina. "She's definitely not your daughter, she's your daughter in-law." pagpapakalma ni Red sa kaniyang ina.
Natigilan si Mrs. Buenavista sa sinabi ng kaniyang anak. Nagkaroon ng mainit na tension sa loob ng silid na iyon.
Bigla itong nag drama na parang naiiyak-iyak pa "Talagang malaki na ang anak ko at pati pagpapakasal ay hindi na ipinapaalam muna sa akin. Wala na ba akong karapatan sa buhay mo? At bakit ganiyang klaseng babae pa anak? Pipili ka nalang ng babae ay mukha pang katulong." usal ni Mrs. Buenavista na pinupunas punasan pa ang kaniyang mata na wala namang luha.
Hinawakan ni Red ang kamay ni Atanasha at nginitian ito. Pinagagaan niyang loob ng asawa dahil ramdam niyang kailangang kailangan ito ngayon ni Atanasha.
"Although Atanasha has low status, I like her. Kahit na hindi mo siya magustuhan mom, please don't insult her. She's very nice." sagot nito sa kaniyang ina.
Bigla namang pinulot ng ginang ang isang baso at itinapon sa sahig sa sobrang galit.
"You, you---you are going to treat Sofia like this? Anak, walang wala ang babaeng iyan kay Sofia. Hinintay ka ni Sofia for so many years, and you're going to do this to her?" galit na galit na usal ni Mrs. Buenavista
Hinigpitan lamang ni Red ang pagkakahawak sa kaniyang asawa.
Huminga ng malalim si Mrs. Buenavista. "Anak, lahat ng sinasabi ko sa iyo ay para lang din naman sayo. Para lang din sa kapakanan mo. Yang ganiyang klase ng babae na may small family background, sige nga, sabihin mo sa akin kung paano ka mag be-benefit sa kaniya?" Mahinahong sambit nito sa anak.
"Are you saying that I have to rely on woman in order to achieve anything, mother?" sagot nito sa kaniyang ina.
Natigilan naman si Mrs. Buenavista sa sinagot ng anak.
"I don't care, ayokong maikasal ka sa babaeng iyan. Quickly divorce at dadalhin ko rito si Sofia, she is worthy of being your woman!" Inis nitong sagot bago umalis.
================
Atanasha POV
Hindi ko ine-expect na ipagtatanggol niya ako kanina sa mama niya.
Nandito ako ngayon sa sofa, yakap-yakap ang unan habang nag iisip. Si Mr. Manyak naman, ayun nagpaalam kanina na mag shower muna daw siya.
Nagulat ako nang biglang may nag salita. "Water" sambit nito.
"Ah...Ha?.." nagtataka kong tanong kay Mr. Manyak na kitang kita na kakatapos niya lamang maligo, basang-basa pa ang kaniyang buhok at tumutulo ito sa sahig.
"Bobo ka ba? To the point na pati ang tubig ay hindi mo alam? Nevermind, maligo ka na." inis na sagot nito sa akin.
Grabe naman. Kitang may iniisip yung tao tapos mang uutos siya. Hmph! Ang sama talaga ng ugali. Trial lang pala yung kabaitan niya kanina, expired na ngayon.
Tumayo na ako at dumiretso sa bathroom.
========After taking a bath=====
Paglabas ko ng bathroom ay nakita ko siya sa study area na nag babasa ng libro. Ang sarap niyang pag masdan. Para akong nanonood sa isang anghel na nagbabasa. Napailing na lamang ako sa aking naiisip.
"Do I have to live here?" tanong ko sa kaniya.
Hindi na ito lumingon at bigla nalang sumagot. "Then why did you come over here? Para mag nakaw?" Seryoso nitong sagot habang ang mga mata ay naka focus parin sa kaniyang binabasa.
Ha? Ano daw? Tinatanong ko lang naman kung kailangan kong tumira dito. Minsan talaga hindi ko ma reach utak ng taong to.
"Hanggat hindi pa umaalis si Mom, you can sleep there, or on the floor." Turo nito sa sofa.
What?! Seryoso ba siya?! Papatulugin niya ako sa sofa?! Wow ha! Ang gentleman sobra. Grrrr!
Atanasha POV Nandito ako ngayon sa bathroom habang nakaharap sa salamin. Kakatapos ko lang ma utos-utusan ng demonyong 'yon. Hindi manlang ako pinag pahinga. Ano bang tingin niya sa akin robot? Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko at kung hanggang saan ang pasensiya ko sa taong iyon pero kailangan kong tatagan ang aking sarili. "Damn you Red Caden Buenavista!" galit na sigaw ko sa salamin. Siguro noong pinagbubuntis pa siya ng kaniyang ina ay punong puno ng problema ang mama niya kaya naman pinaglihi siya sa sama ng loob kaya ganiyan na lamang kasama ang ugali ngayong tumanda. Ngunit, sabagay may pinagmanahan nga naman siya ng angking ugali. Attitude palang ng mama niya mukhang masakit na rin sa ulo. Like mother, like son.
Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang pag sasama ni Atanasha at Red ngunit hindi pa rin mawawala ang mga araw na puro lang sila bangayan. Para silang aso at pusa sa iisang bahay.Isang umaga, habang nag kakape si Atanasha dahil wala sa mansion ang Redemonyo na utos ng utos sa kaniya at busy sa office, ay nagulat siya sa pag pasok ng maid sa kaniyang silid."Miss may nag hahanap po sa inyo sa baba." Maikli nitong saad kay Atanasha.Nag tataka namang napatingin sa kaniya si Atanasha rito. "Natanong niyo po ba kung sino?" Tanong nito sa kasambahay.
Atanasha POV"The next item is a Diamond Ring weighing 8.20 carats, let's start the bidding, the bidding starts at 300,000" sambit ng mc sa stage.Namangha ako sa aking nakita. Napakaganda nito at napakalaki ng bato. Hindi ko alam kung gaano kataas ang kaya kong i-bid, pero kung kukulangin pwede ko naman sigurong gamitin ang salary ko in advance."600,000"Nagulat ako nang biglang mag salita si Redemonyo. What? Mag bi-bid siya? Napansin niya yata na gusto ko ang ring na iyon."800,000" sigaw naman ng isang matandang lalaki sa harap.
Atanasha POVNandito ako ngayon sa park. Agad akong pumunta dito para mapag isa. Gusto ko muna kasing lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko na namalayan ang oras, 11 pm na pala pag tingin ko sa aking phone.Nag text ako kay Redemonyo upang hindi ito mag-alala at hindi ako bungangaan bukas. Sinabi ko na may emergency sa bahay kaya hindi muna ako makaka uwi.Matapos kong maisend ang message ko ay nag uunahan naman sa pag tulo ng aking mga luha.Naalala ko na naman ang mga pangyayari sa bahay bago ako umalis.---------------------Flashback---------------------
Red POV"Emergency? Ako ba ang niloloko niya?" inis kong bulong habang papasakay sa aking sasakyan.------------------Flashback-----------------"Mrs. Buenavista is really blessed, nawawala palang siya ng ilang minuto ay hinahanap na agad siya ni Mr. Buenavista."Dinig kong usapan ng mga tao habang busy ako sa kakahanap kung saan na napadpad si Atanasha. Tinawag ko ang isa sa mga crew ng hotel at tinanong kung nakita niya ba ang aking asawa."Umm, Your wife sir? She left half an hour ago, sir." sagot nito sa akin.--------------end of flashback----------------
"However, you will be held accountable for breaking the contract." Nakakapanindig balahibong sambit ni Red kay Atanasha. Natigilan si Atanasha sa kaniyang narinig. Naninigas ang kaniyang katawan sa kaba at tila ba'y pinag papawisan pa. Hindi na maipinta ang kaniyang mukha at napayuko na lamang. "S-sorry..." mangiyak-ngiyak nitong sambit. Dahil sa kabang nararamdaman ni Atanasha ay nagsimula itong umiyak habang ang mga mata ay nakatulala pa rin sa sahig. "Hindi ko sinasadya... na sabihin kay Kent yung tungkol sa kontrata..." takot na takot nitong sambit. "So, close na kayo? Kakakilala mo lang sa tao na yan, Atanasha. Baka nakakalimutan
Red POVThe audience is becoming louder and louder as the band finishes their I don't know how many songs, I've lost count. Ibinaling ko ang aking paningin kay Atanasha and I could tell she was really having a great time watching the show, I can see it from her expression. Nang mag simulang kumanta muli ang grupo ay naririnig kong sumasabay pa siya sa pagkanta. She's indeed a fan."Atanasha, gusto mo bang sumama sa akin sa backstage mamaya para makapagpa picture ka sa kanila? Maaari ko ring hingiin ang signature nila kung gusto mo?" Silva said.This man is really something. Tigas ng mukha. Hindi ba siya aware na katabi niya ang asawa ng babaeng kinakausap niya? Is he blind or dumb? I'm not sure about his intention for Atanasha, but I don't like him. This man makes me feel like something isn't right with him."Seryoso ba 'yan?! Oo naman gusto ko! Thank you, Mr. Silva!" Masayang tugon ni Atanasha.
Atanasha POVBigla akong naalimpungatan sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha. Agad kong hinanap ang aking phone upang tignan ang oras. Natagalan pa ako sa aking paghahanap dahil nahulog pala ito sa ilalim ng aking kama.8:24 am palang pala, masyado pang maaga.Dumiretso na ako sa baba at napansin kong medyo nakabukas ang pinto ng office ni Redemonyo. Tumigil ako sa paglalakad upang silipin ito ngunit walang tao. Baka may maagang meeting kaya umalis na. Bago ako umalis ay sinarado ko muna ang pinto ng kaniyang office at nagpatuloy na pababa."Good morning po manang!" masaya kong bati kay manang Fe. Isa sa mga kasambahay dito sa mansion."Good morning din po ma'am!" Magiliw na bati rin nito.Nginitian ko na lamang ito at dumiretso na sa kusina. Nagulat ako sa aking pagpasok nang makitang nag kak