Maraming salamat sa inyong pagsuporta! Maaring mag-iwan ng komento at huwag kalimutan na i-rate ng 5 star ang aking kwento. Godbless
Magkatabing nakahiga si Carmela at Joseph. Hindi makapaniwala si Joseph dahil maayos na sila ni Carmela."Sigurado ka ba na hindi na tayo maghihiwalay? baka mamaya sinasabi mo lang 'yon sa akin para umasa ako at hindi kita habulin." nakangusong sabi ni Joseph. Paulit-ulit niyang tinatanong ito kay Carmela."Ang kulit mo talaga, sabi ko nga na sigurado ako! Talagang magbabago na ang isip ko kapag ganyan ka." kunware na seryosong sagot ni Carmela. Ngumuso si Joseph sa kanya sabay tinuro ang kanyang nguso."Kiss mo nga ako hehe" maharot na sabi ni Joseph, nailing na lamang si Carmela. Aasta na sana ito na hahalikan si Joseph ng bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang pigura ni Bernadette na halatang badtrip pa rin dahil kay Enrique. Lumaki ang mata ni Bernadette, akala niya magiging single na ang kapatid ngunit mukhang napaamo ito ni Joseph."Anong ibig sabihin n'yan?" tanong niya habang nakataas ang kilay. Masama siyang tumingin kay Joseph na nagtago sa likod ni Carmela."Bernadette, bak
Naging maayos ang pagsasama ni Carmela at Joseph. Mas nagkaroon sila ng tiwala sa isat isa at naging maunawain. Napasilip si Carmela sa kanyang asawa na aburido sa pag-aayos ng neck tie nito."Argh!" inis na angal ni Joseph at halos sirain na ang neck tie kaya lumapit na si Carmela sa kanyang asawa. Nakasuot siya ng uniporme niya at sabay silang papasok ni Joseph."Pwede ka naman kasi humingi ng tulong eh bakit kasi sinosolo mo?" puna ni Carmela sa kanyang asawa. Mabilis niyang naiayos ang neck tie ni Joseph."Babe, kasi syempre alam ko na marami ka rin ginagawa ngayon. Puyat ka pa kanina dahil nag-review ka." nakangusong sabi ni Joseph na ikinangiti ni Carmela."Babe, mag-asawa tayo at dapat magtulungan tayo. I love you." malambing na sabi ni Carmela sa kanya kaya halos matigilan si Joseph."Huwag kaya muna tayong pumasok? Sige naman na oh." anya ni Joseph dahil mukhang kamanyakan na naman ang nasa utak nito.Nagdesisyon si Carmela at Joseph na huwag muna mag-anak at kailangan muna n
Nakasimangot pa rin ang mukha ni Joseph habang nagmamaneho. Kinakabahan siya dahil sa mismong guro ni Carmela. Ilang taon na nga ba iyon?Lumingon siya kay Carmela na nakapokus sa kanyang libro kaya napanguso siya."Babe, nakakainis ka ah! Mukhang ang bata pala ng sir Clemento mo." angal ni Joseph sa kanya. Huminto sa pagbabasa si Carmela saka lumingon sa kanya."Babe, huwag mong sabihin na nagseselos ka sa kanya?" tanong ni Carmela. Umiling siya ng mabilis. Bakit siya magseselos eh mag-asawa naman na sila ni Carmela."May dapat ba akong ikaselos ha? kung mayroon talagang magseselos ako." nakangusong sabi niya sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Carmela sa kanya."Wala ka naman dapat ikaselos, babe. Ikaw ang mahal ko at saka propesor namin 'yon. Imposibleng may gusto iyon sa akin, babe. Hindi naman ako maganda para magustuhan ng lahat." ika ni Carmela. Napangiti si Joseph."Maganda ka, babe. Parati mong tatandaan 'yan at ang ganda mo ay para sa akin lang ha. Nako, talaga makikita mo, C
Hindi makapaniwala si Enrique sa sinabi ni Bernadette, hindi siya sanay sa ganoong set up. Oo, na-comfort nila ang isat isa ngunit hanggang ganoon lang pala 'yon. "Ibig mong sabihin wala pa lang dahilan ang lahat ng 'yon? 'Yong ginawa natin sa kotse, sa pagmo-motel natin." seryosong sabi ni Enrique. Hindi niya alam kung bakit mas nasasaktan siya ngayon kaysa ng malaman niya na nagkabalikan si Joseph at Carmela."Oo, ikaw na rin naman ang may sabi hindi ba? na kapag ayaw na natin ng ganoong set up ay mas magandang huwag na lang tayo magpakita sa isat isa." anya ni Bernadette, tumalikod ito upang itago ang pagbuo ng luha sa kanyang mga mata.Napailing si Enrique sa sinabi ng babae sa kanya. Ganoon ba ito kawalang puso para hindi nito maramdaman na gusto niya ng seryosong relasyon."Bernadette, simula ng may mangyari sa atin sa kotse na 'yon, binigyan mo na rin ako ng karapatan sa buhay mo." gigil na sabi niya saka pilit pinaharap si Bernadette at nakita niya ang luha nito."Bakit ka um
Napakurap naman si Carmela, mukhang nagsasabi sa kanya ng totoo si Ezekiel. Umiwas ng tingin si Ezekiel sa kanya at saka napatingin sa mga estudyanteng halos ayaw na silang lubayan."Hindi ka ba naniniwala sa akin?" tanong ni Ezekiel sa kanya. Nag-panic naman si Carmela at mamaya ay mapikon ang kanyang propesor at pahirapan na naman siya sa recitation."Naniniwala naman po, sir." sagot agad ni Carmela. Napangiti si Ezekiel kaya halos lahat ng estudyante tumitingin sa kanila ay mas naiinggit kay Carmela."Bakit parang takot ka sa akin, Carmela? Hindi mo kailangan matakot dahil wala naman akong balak saktan ka." seryosong sabi ni Ezekiel saka umiwas na naman ng tingin.Biglang na-guilty tuloy si Carmela ng wala sa oras dahil mukhang nahalata ni Ezekiel na hindi siya komportable."Sorry, sir. Hindi ako palakaibigan at masyado akong naiilang kapag may lalaking kumakausap sa akin." dahilan niya. Ngumiti naman si Ezekiel na mabilis din nawala sa kanyang magandang mukha."Kung ganoon ay bakit
Nagbabaga ang mga mata ni Enrique sa mga sinabi ni Bernadette. Nakaramdam siya ng panggigil sa babae dahil masyado itong mapagmalaki."Ah ganoon ba, sige ibuka mo na ngayon!" pagalit na sabi ni Enrique saka itinulak ito papahiga sa kama. Nagpumiglas naman si Bernadette."Bansot! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Bernadette ng patungan siya ni Enrique. Napangisi naman si Enrique."Mukha pa rin ba akong bansot para sa'yo eh mas matangkad na nga ako sa'yo kahit nakatakong ka pa." pang-aasar ni Enrique, mabilis nitong binigyan ng mapusok na halik si Bernadette. Mas lalong nagpumiglas si Bernadette sa ginagawa niya."F*ck you, This is rape!" angal ni Bernadette sa kanya. Mabilis na tinanggal ni Enrique ang kumot na nasa katawan niya saka hinaplos ang gitnang sentro niya."You said it's rape but you are wet, Bernadette." nakangising sabi ni Enrique saka mas hinaplos ang bagay na 'yon. Napaiwas ng tingin si Bernadette sa kanya.Huminto si Enrique sa kanya kaya napatingin tuloy siya. Tumayo ito
Lumipas ang mga araw mas lalong naging busy si Carmela at Joseph sa pag-aaral nilang dalawa. Naglalakad si Joseph ng makita niya si Ayana na papalabas sa kanyang pinag-aaralan.Nakita siya nito kaya lumapit ito agad sa kanya at umangkla sa kanya. Nakangisi itong tumingin sa kanya. Halos dalawang taon na rin ng huling makita ni Joseph si Ayana."Love!" tawag sa kanya ni Ayana. Nabalitaan niya na huminto na ito sa pagmo-model at nagdesisyon na lamang ito na ipagpatuloy ang pag-aaral."Anong ginagawa mo rito?' tanong agad ni Joseph. Bakas sa kanyang mukha ang iritasyon habang sinasabi iyon."Dito ako mag-aaral, surprise!" nakangising sabi ni Ayana sa kanya. Mas kinabahan si Joseph. Bakit pakiramdam niya ay gulo ang habol nito ngayon?"Bakit dito pa? Maraming eskwelahan na pwede mong enroll-an!" iritang sabi ni Joseph. Nagdesisyon na siyang maglakad at saka iwan si Ayana ngunit makulit ito. Nagulat si Joseph ng halos ilapit ni Ayana ang katawan nito sa kanya."Love naman, galit ka pa rin
Tahimik lamang si Grasya habang pinapanood si Carmela at Joseph na naglalambingan sa isat isa. Hindi siya makapaniwala na kasal na pala ang dalawa matagal na.Ngunit nagpapasalamat din siya na hindi na malaman dahil baka umasa siya sa lalaking minamahal niya simula pa ng bata siya. Naging malungkot ang kanyang ekspresyon ng maalala ang lahat."Grasya, ayos ka lang ba? Bakit ang tahimik mo?" puna sa kanya ni Carmela. Ihahatid siya nila Carmela sa bahay nito."Paano ako makikipag-usap sa inyo kung kulang na lang ay kagatin na ako ng langgam sa kinauupuan ko." mataray na sabi niya. Natawa naman si Carmela sa kanya saka palihim na ngumisi."Wala ka bang naging boyfriend?" tanong ni Carmela sa kanya na ikinatigil ng kanyang katawan. Ayaw niya ng maalala ang lahat. Ayaw niya ng maalala ang sakit na naranasan niya.Tumikhim si Joseph na mukhang may nalalaman kay Grasya."Babe, huwag mo ng tanungin si Grasya, nakikita mo naman na medyo uncomfortable siya." suway ni Joseph na ikinataas ng kilay
Labis na nagulat si Joseph ng nakita niya mismo si Carmela. Basang-basa ito at bakas ang takot sa mukha nito. He stepped back. Nanaginip ba siya?“Carmela...“ tawag niya sa babaeng minamahal niya. Mabilis niyang kinusot ang kanyang mga mata at ng makasigurado siya na si Carmela nga iyon ay mabilis niya itong hinatak ngunit hinatak siya ni Carmela para parehas silang mabasa ng ulan.“Shit. What are you doing? Magkakasakit ka. You are a doctor!“ Napasigaw si Joseph ng basang basa na siya.Mabilis na hinawakan ni Carmela ang kanyang kamay saka ito humagulgol. Napasinghap siya ng halikan ni Carmela ang bawat daliri ng kanyang mga kamay na naging dahilan ng pamumula ng kanyang mata.He was thankful it was raining, or else he might humiliated himself if Carmela discovered that he was crying. He felt weak. Ang imahe ni Carmela na hinahalikan ang kanyang kamay ay labis na nagbigay dingas sa kanyang puso. He thought that he might have an heart attack.“A-Akala ko umalis ka na...“ pabulong na
Carmela didn't say anything especially when she saw the crews were cheering for Ezekiel. She bit her lip, she didn't know what she would do next.Seeing Ezekiel kneeling in front of her, made her think Joseph. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.“Ezekiel...” she uttered.Ang kinang sa mga mata ni Ezekiel ay bigla na lamang naglaho na parang buhay. Kilala niya si Carmela matagal na ngunit mukhang wala naman itong balak na palitan si Joseph sa puso nito. He was afraid because there was a big possibility that Joseph might steal Carmela from his hands. Alam niya na wala pa siyang karapatan kay Carmela ngunit hindi niya alam kung bakit gustong gusto niya ito.He cleared his throat before he stood up. He stared at the bouquet of roses in his hand. He was hurt. Hindi niya alam kung luluha ba siya sa labis na sakit o dahil sa kahihiyan. Ilang beses ba siyang dapat i-reject ni Carmela para maitatak niya sa kanyang isip na imposibleng bigyan siya ni Carmela ng chance para maging nobya
“Where are we going?” tanong ni Wendy ng mabilis na bumalik si Joseph at Lucas sa pagmamay-ari nitong unit.Napanguso si Lucas ng nakita niya ang magandang katawan ni Wendy. Alam ni Lucas na wala namang relasyon si Wendy at Joseph ngunit hindi niya sasabihin ang bagay na 'yon sa kanyang mommy.“Magbihis ka. Bilisan mo kung ayaw mo na kaladkarin kita ng ganyan ang suot mo. Susundan natin si Carmela.“ mabilis na utos ni Joseph kay Wendy kaya halos madapa na si Wendy sa pagmamadali upang makapagpalit ng damit.“Shit! Joseph! Akala ko ba hindi mo ugali ang maging stalker. Sinungaling ka talaga!” pang-aasar ni Wendy kay Joseph.“Auntie, is it true that my father didn't know how to stalk someone? but what is he doing here?” pagsali ni Lucas sa pag-aalaska ni Joseph. Nanglaki ang mga mata ni Wendy saka niyakap si Lucas.“Don't speak english, huh? Sumasakit ulo ko sa'yong bata ka. May hang over pa ako tapos papasakitin mo lang ang ulo ko sa pagiging spokening dollars mo!” gigil na turan ni We
“Ang gaga mo talaga, Wendy! Kasalanan mo kung bakit hindi ka na virgin!” Nababaliw na bulong ni Wendy sa kanyang sarili. Ilang beses siyang gumulong gulong sa kanyang kama ngunit hindi niya mahanap ang tamang pwesto para siya'y makatulog.Hindi maintindihan ni Wendy kung bakit parang naninibago siya? Wala pang isang araw ng magkasama sila ni Matthew ngunit parang hinahanap na ng kanyang katawan si Matthew. Ang mainit na katawan nito na nagbibigay init sa kanyang laman at puso.Napalunok si Wendy ng naalala niya kung ano nga ba ang ginawa ni Matthew sa kanya. Wala man siyang experience ngunit sigurado siya na magaling si Matthew sa kama!“Kanino kaya siya natuto?” Tanong ni Wendy sa kanyang sarili. Nakaramdam siya ng pagwewelga sa kanyang puso sa tuwing iisipin niya na may mga babaeng napaligaya na si Matthew maliban sa kanya. Hindi niya kayang tanggapin 'yon! Kung kaya ni Matthew na makipag-wrestling sa ibat-ibang babae, aba'y kaya niya rin gawin ang bagay na 'yon.“Pero ang laki no'n
“DADDY, I love you," Malambing na sabi ni Lucas kay Joseph. Napangiti naman si Joseph matapos marinig iyon. Ilang beses na itong nagsasabi ng I love you sa kanya ngunit imbes na mainis ay natutuwa pa siya. Nalaman ni Joseph na galing pala si Lucas sa condo unit niya. Umiyak ito dahil akala nito ay hindi na siya magpapakita. Masaya si Joseph ngunit may bahid ng lungkot ang nararamdaman niya. Naawa siya sa kanyang anak dahil hindi buo ang pamilya na mayroon ito.“Mahal ka rin ni daddy,” Sagot niya saka hinalikan sa ulo si Lucas. Napasulyap si Joseph kay Carmela na naghuhugas ng pinggan. Napaiwas siya ng tingin dahil napasulyap si Carmela sa kanya. Hanggang kailan nga ba na magiging ganito ang set-up ni Joseph?Ilang oras na naglaro si Joseph at Lucas habang si Carmela naman ay nakatitig sa laptop nito. Busy ito sa ginagawa kaya hindi ito maistorbo ni Lucas. Napabuntong-hininga si Joseph saka sinulyapan ulit si Carmela. Lumapit siya roon at nakita niya ang mga ginagawa ni Carmela. May p
HINDI nakatulog si Carmela dahil sa nangyari. Ito ang unang beses na nagtampo sa kanya si Lucas kaya parang naninibago siya. Hindi niya akalain na magiging ganito si Lucas dahil kay Joseph. Ganoon na lamang ba kagusto ni Lucas na maging buo ang pamilya niya? Siya rin naman, ang kaso paano si Wendy? Hindi bat may relasyon ito kay Joseph?‘Anak, I'm sorry! Naging immature yata ako sa'yo,’ isip ni Carmela.Nakokonsensya niya dahil naalala niya kung paano unti-unting tumulo ang luha ni Lucas habang pinapanood si Joseph na papalayo sa kanila. Ang lungkot na bumabalot sa maganda nitong mata ay labis na nagbigay lungkot din sa kanyang puso. Hindi niya naman pinangarap na magkaroon ng broken family ang kanyang pamilya. Sino ba naman nanay ang gugustuhin na magkaroon ng hindi buo na pamilya ang anak nila?Napasulyap siya sa kanyang phone ng tumunog ito. Nakita niya ang pangalan ni Ezekiel, kaya agad niyang sinagot ang tawag na 'yon.“Hello, Carmela! Kumusta ka na?” Agad na sabi ni Ezekiel sa k
“LUCAS!” Malakas na tawag ni Carmela sa anak. Patakbo siyang lumapit kay Lucas na kasama ni Joseph ngunit natigilan siya ng nakita niya si Wendy na kasama ng dalawa. Hindi alam ni Carmela ang kanyang mararamdaman ng oras na iyon. Hindi niya inasahan na magkasama pala si Wendy at Joseph ng igala si Lucas.Hindi alam ni Carmela kung ano man ang emosyon na pumasok sa kanya. Pakiramdam niya ay naging isang buong pamilya si Wendy at Joseph kasama si Lucas. Pakiramdam niya ay may bumabarang bagay sa kanyang lalamunan na agad niyang nilunok.Nakangiti lamang si Wensy sa kanila ngunit naging ngiwi ang labi nito ng nakita si Matthew na kasama si Carmela. Nakatingin lamang din ang lalaki sa kanya na parang pinagmamasdan siya.“Mommy!" Masayang tawag ni Lucas kay Carmela. Ngumiti ng pilit si Carmela saka mabilis na niyakap si Lucas. Kinarga niya ito.“Ms. Carmela, totoo pala na anak niyo ni Joseph si Lucas,” Nakangiting sabi ni Wendy. Napasulyap pa ito kay Joseph dahil pinanglalakihan siya ng ma
“Oh, bakit ka nakangiti? Iniisip mo ba na baka si Joseph talaga ang nagpaalis ng video? Paano kung si Ezekiel pala? Akala ko ba galit ka sa ex mo?” Natigilan si Carmela ng narinig niya ang sinabi ni Matthew sa kanya. Hindi niya alam na napapangiti siya. Bakit nga ba siya ngumingiti?Masaya ba siya na baka nagseselos si Joseph? Masaya ba siya na gumawa ng ganoon na aksyon ang dating asawa niya?“Umaasa ka ba, Carmela? Na may nararamdaman pa si Joseph sa'yo?” dagdag ni Matthew.Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa punto ang kanyang kapatid. Umaasa pa ba siya? Maganda na ang plano niya sa kanyang buhay. Matapos ang pagmomodelo ay magiging full-time doctor na siya ngunit bakit ba hindi siya masaya? Bakit pakiramdam niya ay may kulang pa rin na piraso sa kanyang sarili?“Ano ba ang sinasabi mo, Matthew? Hindi ba kami pwedeng maging magkaibigan dahil lamang naghiwalay kami?”“Iniisip lang kita pati ang anak mo. Sa totoo lang, alam ko na gusto ni Lucas mabuo ang kanyang pamilya pero k
Napanganga ang mga nanonood kina Carmela at Matthew ng kumuha ng tubig si Matthew at halos subuan na si Carmela. Ang daming babae na naiinggit kay Carmela ngunit marami ring lalaki ang naiinggit kay Matthew.Nakangiti lamang si Carmela sa ginagawa ng kanyang kapatid. Alam niya na maasikaso si Matthew sa kanya dahil solong anak ito. Hindi nito naranasan na magkaroon ng kapatid kaya kahit galit ito kay Alexander ay mahal na mahal nito sila Carmela at Bernadette.“Wow! Nakakainggit si Carmela!”“Sana bigyan din ako ng tulad ni Matthew! Ahh!”“Matthew, please, anakan mo ako!”“Bakit parang normal lang sa kanila ang ganitong set-up? Parang matagal na silang sweet sa isat isa!”Mas lalong nagkagulo ang comment section nagulat na lamang ang mga tao na kusang nabura ang live video ng babaeng iyon. Halos naging usap-usapan si Carmela at Matthew ng hindi nila nalalaman.SI JOSEPH naman ay galit na tumingin sa kanyang cellphone. Hindi niya akalain na maba-badtrip siya ng wala sa oras. Nagngingit