Maraming salamat sa inyong pagsuporta! Godbless everyone đ„°
Masakit ang likod ni Carmela ng siya'y magising. Nakita niya si Bernadette na nakayuko sa kanyang gilid na mukhang nakatulog na kakabantay sa kanya. Nakarinig siya ng pagpasok ng pinto kaya napatingin siya at nakita ang kanyang mga magulang na nagulat ng magising siya."Carmela, anak! Kanina ka pa ba gising?" tanong ng mommy niya na lumapit agad sa kanya upang hawakan ang kamay niyang may swero.Nagising naman si Bernadette sa ingay at halos hindi alam ang gagawin ng magising si Carmela. Si Alexander naman ay paiwas na tumingin sa kanyang anak."Kakagising ko pa lang po, mommy! Paano niyo po nalaman na na-hospital ako?" mahinang tanong niya. Napangiwi siya sa sakit ng kanyang likod."Tumawag ang eskwelahan niyo sa amin. At sinabi sa amin na isusugod ka sa hospital." sagot ng daddy niya. Nahihiya itong lumapit sa kanyang anak dahil sinisisi niya ang sarili niya.Nalaman niya na binu-bully pala ang kanyang anak at laman parati ng clinic. Ngayon lang nila nalaman ang hirap ng kanyang ana
Hindi pa rin matanggap ni Carmela ang nangyari sa ipinagbubuntis niya. Masakit isipin para sa kanya na nawala ito mismo dahil sa mismong asawa niya. Napatingin siya sa bintana ng mismong hospital. Wala siyang kinakausap at tulala lamang sa isang gilid."Carmela, ayaw mo bang kumain?" tanong ni Darwin. Bakas sa boses nito ang pag-aalala sa kanya. Hindi sumulyap sa kanya si Carmela bagkus ay nakatulala pa rin."Carmela please, kumain ka na muna kahit konti." pag-aamo sa kanya ni Darwin. Lumingon si Carmela sa kanya na ikinagulat ni Darwin."Inutusan ka ba ni Joseph para pilitin ako?" tanong niya sa kaibigan niyang si Darwin. Umiling ito. "Hindi, hindi niya ako kinausap.. gusto ko lang sana kumain ka at baka mapaano ka.." sagot nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya."Galit ka ba kay Joseph?" tanong ni Darwin sa kanya pabalik na ikinatigil niya. Hindi niya alam ang isasagot kay Darwin kaya tumahimik na lamang siya at hindi umimik."Pwede mo ba papuntahin si Enrique rito?" tanong niya. Napak
Napatingin si Carmela sa annulment papers na ibinigay sa kanya ng daddy niya. Hindi niya alam kung masaya ba siya o hindi. Dapat nagtatatalon siya sa tuwa ngayon dahil mukhang pumayag na si Joseph tungkol sa annulment.Nakatitig si Alexander sa kanya habang nasa tabi nito ang mommy ni Carmela."Pirmahan mo na, para maibigay natin ito kay Mr. Villanueva." mahinahon na sabi ni Alexander. Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Carmela. Huminga siya ng malalim. Mukhang tama nga si Mr. Villanueva."Paano ka daddy? hindi ka ba makukulong dahil makikipaghiwalay na ako kay Joseph." tanong ni Carmela sa kanyang ama."Hindi ako makukulong. Itinuring ka na ni Mr. Villanueva na isang anak kaya naiintindihan ka niya. Kung iniisip mo si Joseph, pumayag na siya.." anya ni Alexander. Nakita niya ang pait sa bumalatay sa mukha ni Carmela."Hindi ko tinatanong si Joseph, daddy." seryosong sabi ni Carmela na pilit pinipigilan ang pagluha sa kanyang mga mata."Eh bakit ka umiiyak ngayon?" tanong ni
Iritableng-iritable si Bernadette dahil kay Enrique, hindi niya maintindihan kung bakit makita lang niya ang asungot nitong mukha ay nag-iinit na ang ulo niya ng bongga. Napaismid siya ng kunin niya ang in-order niyang kape at saka pasimpleng umirap sa lalaking kaibigan ni Carmela.Para sa kanya, dumidikit lamang ito sa kanya para kay Carmela katulad ng ginawa ng kanyang dating nobyo na si Martin. At hindi niya iyon papahintulutan, hindi niya hahayaan na gamitin siya ulit ng isang lalaking may kulang sa pag-iisip.Nagulat siya ng umupo si Enrique sa upuan na nasa kanyang tapat. Napairap pa siya ng bongga!"Sinabi ko ba na umupo ka d'yan?" iritang sabi niya. Humigop siya ng kape at nakita niya ang pagngisi nito."Wala ng upuan na available, at ito lang ang nakita kong bakante. Tingnan mo kasi bago ka mag-assume." nakangising sabi sa kanya ni Enrique. Ipinikit pa nito ang kanyang mata upang magpa-cute. Naningkit ang mata ni Bernadette.Lumingon siya sa paligid at nakita nga niya na wala
Nakatulala lamang si Carmela sa annulment papers nila ni Joseph. Ilang beses niya ng pinag-iisipan ang lahat ngunit hindi pa rin siya sigurado.Ilang araw na rin ng hindi nagpaparamdam si Joseph sa kanya. Nakaramdam naman siya ng sakit dahil mukhang sumuko na ito sa kanya.Mas lalong nakaramdam siya ng pait, alam naman niya na hindi pa sila matagal ni Joseph at masyadong bago pa ng maramdaman nila ang pagmamahal sa isat isa ngunit hindi naman tama iyon.Nakarinig siya ng katok ngunit hindi siya sumulyap kahit ilang segundo."Babe.." tawag sa kanya si Joseph. Naluha ang mata ni Carmela dahil mukhang nagha-hallucination na siya. Imposibleng pumunta si Joseph sa hospital dahil pinaalis niya ito.Narinig niya ang paghakbang ng taong pumasok sa kanyang silid. Niyakap siya sa kanyang likod kaya naramdaman ni Carmela na totoong may tao."Babe, galit ka pa rin ba?" tanong ni Joseph sa kanya. Hindi makapaniwala si Carmela ng marinig ang boses ni Joseph. Totoo ito at hindi isang imahinasyon lang
Magkatabing nakahiga si Carmela at Joseph. Hindi makapaniwala si Joseph dahil maayos na sila ni Carmela."Sigurado ka ba na hindi na tayo maghihiwalay? baka mamaya sinasabi mo lang 'yon sa akin para umasa ako at hindi kita habulin." nakangusong sabi ni Joseph. Paulit-ulit niyang tinatanong ito kay Carmela."Ang kulit mo talaga, sabi ko nga na sigurado ako! Talagang magbabago na ang isip ko kapag ganyan ka." kunware na seryosong sagot ni Carmela. Ngumuso si Joseph sa kanya sabay tinuro ang kanyang nguso."Kiss mo nga ako hehe" maharot na sabi ni Joseph, nailing na lamang si Carmela. Aasta na sana ito na hahalikan si Joseph ng bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang pigura ni Bernadette na halatang badtrip pa rin dahil kay Enrique. Lumaki ang mata ni Bernadette, akala niya magiging single na ang kapatid ngunit mukhang napaamo ito ni Joseph."Anong ibig sabihin n'yan?" tanong niya habang nakataas ang kilay. Masama siyang tumingin kay Joseph na nagtago sa likod ni Carmela."Bernadette, bak
Naging maayos ang pagsasama ni Carmela at Joseph. Mas nagkaroon sila ng tiwala sa isat isa at naging maunawain. Napasilip si Carmela sa kanyang asawa na aburido sa pag-aayos ng neck tie nito."Argh!" inis na angal ni Joseph at halos sirain na ang neck tie kaya lumapit na si Carmela sa kanyang asawa. Nakasuot siya ng uniporme niya at sabay silang papasok ni Joseph."Pwede ka naman kasi humingi ng tulong eh bakit kasi sinosolo mo?" puna ni Carmela sa kanyang asawa. Mabilis niyang naiayos ang neck tie ni Joseph."Babe, kasi syempre alam ko na marami ka rin ginagawa ngayon. Puyat ka pa kanina dahil nag-review ka." nakangusong sabi ni Joseph na ikinangiti ni Carmela."Babe, mag-asawa tayo at dapat magtulungan tayo. I love you." malambing na sabi ni Carmela sa kanya kaya halos matigilan si Joseph."Huwag kaya muna tayong pumasok? Sige naman na oh." anya ni Joseph dahil mukhang kamanyakan na naman ang nasa utak nito.Nagdesisyon si Carmela at Joseph na huwag muna mag-anak at kailangan muna n
Nakasimangot pa rin ang mukha ni Joseph habang nagmamaneho. Kinakabahan siya dahil sa mismong guro ni Carmela. Ilang taon na nga ba iyon?Lumingon siya kay Carmela na nakapokus sa kanyang libro kaya napanguso siya."Babe, nakakainis ka ah! Mukhang ang bata pala ng sir Clemento mo." angal ni Joseph sa kanya. Huminto sa pagbabasa si Carmela saka lumingon sa kanya."Babe, huwag mong sabihin na nagseselos ka sa kanya?" tanong ni Carmela. Umiling siya ng mabilis. Bakit siya magseselos eh mag-asawa naman na sila ni Carmela."May dapat ba akong ikaselos ha? kung mayroon talagang magseselos ako." nakangusong sabi niya sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Carmela sa kanya."Wala ka naman dapat ikaselos, babe. Ikaw ang mahal ko at saka propesor namin 'yon. Imposibleng may gusto iyon sa akin, babe. Hindi naman ako maganda para magustuhan ng lahat." ika ni Carmela. Napangiti si Joseph."Maganda ka, babe. Parati mong tatandaan 'yan at ang ganda mo ay para sa akin lang ha. Nako, talaga makikita mo, C