Nagtataka na lamang si Enrique at Darwin dahil nakatulala lamang si Carmela pagkatapos niyang umiyak. Nagkatinginan na naman silang dalawa at saka nagsenyasan.
"Darwin! Kausapin mo nga siya." bossy na utos ni Enrique sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Darwin sa inaasta nito."Hindi kita kaibigan para utusan ako." pagalit na sabi ni Darwin. Ngumisi si Enrique sa kanya saka kumindat, umakto naman na nasusuka si Darwin.Bumuntong-hininga siya sabay lapit kay Carmela. Nag-aalala siya at baka gutom na ito."Carmela, kumain ka muna." sabi ni Darwin sa kanya. Napasulyap sa kanya si Carmela sabay hawak sa kanyang pisngi."Bakit ang cute mo?" nagtatakang tanong ni Carmela. Nawala na agad ang lungkot sa mata nito at nagkaroon ng kasiyahan."Carmela, anong pinagsasabi mo? Hindi cute si Darwin." kontrabidang sabi ni Enrique, masamang tumingin si Carmela sa kanya."Halika nga rito." seryosong sabi niya. Lumapit naman si Enrique saParehas na napalingon si Darwin at Enrique ng makita si Bernadette na humahangos. Tumigil pa ito at inayos ang sarili ng makita si Enrique. Nagtataka naman si Darwin sa inaasta ng kapatid ni Carmela. Naging seryoso ang mukha ni Enrique habang nakatingin kay Bernadette."Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Bernadette kay Darwin. Nakaiwas ang mata nito kay Enrique na halos hindi maipinta ang mukha."Bigla na lang siya nawalan ng malay kanina. May sasabihin nga pala ako sa'yo." bulong ni Darwin kay Bernadette.Mas lalong bumusangot ang mukha ni Enrique ng nagbubulungan lamang ang dalawa."Hoy! Paki-share sa akin yang pinag-uusapan niyo." iritableng sabi niya at masamang tumingin kay Bernadette na galit ang nasa mukha."Hoy! Kiddo, hindi pwede ang bata sa usapan namin." mataray na sabi ni Bernadette sa kanya sabay irap."Anong kiddo? Hoy! Kaya ko na ngang buntusin si Carmela!" malakas na sigaw ni Enrique at gusto ng sapukin si Bernadette."In your dreams, imposibleng patulan ka ng kapatid
Napatayo si Joseph dahil hindi niya alam kung ano nga ba ang kanyang nararamdaman. Napatingin siya sa nakapatay na cellphone niya at biglang naisip si Carmela. Ang tanga niya dahil nagpadalos-dalos siya ng desisyon.Isip niya, na hindi siya patas kay Carmela. Hindi pa siya nakakamove-on kay Ayana. At ayaw niyang masaktan si Carmela, ngunit ngayon ba ay hindi niya pa ito nasasaktan?Nang makita niya si Ayana akala niya mapapakisamahan niya ito ng maayos ngunit hindi pala. Galit pa rin siya rito at mas lalong lumaki iyon ng nagpakita ito na akala mo walang ginawang mali sa kanya."Sorry, Carmela." bulong niya habang nakadama siya ng lungkot.Iniisip niya kung hanggang ngayon nga ba ay mahal niya pa si Ayana, na baka inakala niya na mahal niya si Carmela ay dahil napapasaya siya nito."Ahh! Nalilito na ako." nanghihinang amin niya. Ilang araw ng ganito ang set up niya. Hindi niya inuwian si Carmela upang makapag-isip ngunit mas lalo siyang nalito.Alam niya ang hirap at sakit ni Carmela k
Hindi nag-aksaya si Carmela ng oras, kinabukasan ay pinuntahan niya agad si Darwin upang hanapin si Joseph. Mabilis naman pumayag si Darwin dahil naisip niyang tama nga si Enrique."Positive tama ba?" tanong niya kay Carmela. Tumango lamang si Carmela habang naluluha. Huminga ng malalim si Darwin."Huwag ka masyadong magpaka-stress baka maapektuhan ang baby." malumanay niyang sabi habang nagmamaneho ng sasakyan.Napuntahan na nila kahit ang bahay ng pinsan ni Joseph ngunit hindi pa rin ito nagpaparamdam. Nakaramdam ng pagod si Carmela kaya nakatulog siya habang nasa byahe.Napasulyap si Darwin sa side mirror dahil napapansin niya na kanina pa sila sinusundan ng kotse na nasa likod nila. Inihatid niya agad si Carmela sa kanilang bahay.Napatitig siya sa mukha ni Carmela na halatang pagod na pagod. Hinaplos ni Darwin ang pisngi nito. Napalunok siya."Darwin, hindi pwede. Kasal na si Joseph at Carmela." kumbinsi niya sa kanyang utak. Nagulat na lamang siya ng magising si Carmela at kinur
Hindi makapaniwala si Carmela sa iniasta ni Joseph sa kanyang kaibigan na si Enrique. Nakita niya ang pagngiwi ni Enrique habang kinakapa ang sugat sa gilid ng kanyang bibig."Grabe 'yan asawa mo! Napakapikonin talaga tapos ang sakit manuntok." angal nito sa kanya. Nag-alala naman si Carmela para sa kanya."Pagpasensyahan mo na si Joseph, baka mainit lang ang ulo niya." malumanay na sabi ni Carmela. Napatungo siya dahil nahihiya siya kay Enrique."Hindi mo kailangan magpasensya sa akin, Carmela. Dahil may kasalanan din naman ako kung bakit napikon siya sa akin." anya ni Enrique. Sinadya niya lang talaga na asarin ang asawa ni Carmela."Kahit na, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para suntukin ka. At saka kaibigan kita." mabilis na sinabi ni Carmela. Umiling si Enrique."Ouch, ang hirap talaga ma-friendzone. Pero Carmela, tigilan mo na ang pagiging mabait, dahil aabusuhin ka ng tao kapag ganoon." advice niya kay Carmela. Umiling ito sa kanya."Walang taong mabait, Enrique. Hindi ako
Natuwa lang naman si Carmela sa mukha ni Darwin kaya nakangiti siya sa lalaki. Hindi niya inakala na magagalit si Joseph sa kanya. Mukhang iba ang nasa isip nito. Napatingin siya kay Joseph na papalayo sa kanila. Umaalog ang balikat nito kaya nanakit ang dibdib ni Carmela. Umiiyak ba si Joseph?Nakita niya pa ang pag-angat ng kamay ni Joseph na parang may pinunasan sa kanyang mukha. Naluha si Carmela sa kanyang nakita.Masama ba siya dahil gusto muna niya ng space para makapag-isip? Mali ba siya sa naging desisyon niya?"Carmela." tawag ni Darwin sa kanya. Napaiwas siya ng tingin dahil ayaw niyang makita ng dalawa na gusto niyang umiyak."Pakinggan mo mamaya si Joseph, pwede ba 'yon?" pakiusap ni Darwin sa kanya. Tumango rin si Enrique bilang pagsang-ayon."Oo nga, Carmela kahit naiinis ako sa ginawa ng asawa mo. Deserve pa rin niya ang mapakinggan. Wala naman taong perpekto." sabi rin ni Enrique na parang kinilabutan pa dahil hindi naman sila close ni Joseph.Huminga ng malalim si C
Binuhat agad ni Joseph si Carmela habang tumutulo ang luha niya. Narinig niya ang pagmura ni Darwin at Enrique.Nagkagulo lalo sa mismong loob ng classroom nila."Magsialisan nga kayo! Kapag may nangyari masama kay Carmela, makikita niyo talaga!" sigaw ni Enrique. Nasa mukha nito ang pag-aalala kay Carmela."Bilisan mo ngang tumakbo, Joseph!" utos naman ni Enrique sa kanya. Halos takbuhin na nila palabas mismo sa kanilang eskwelahan. Nagkaroon ng tanungan ang ibang estudyante."Sa kotse ko na!" sigaw ni Darwin dahil ang kotse niya ang pinakamalapit. Nakaramdam ng pagwewelga si Joseph sa kanyang puso."Tigilan niyo nga muna 'yan! Mamaya makunan si Carmela dahil sa selos mo." seryoso ngunit pabulyaw na sabi ni Enrique dahil nakita niya na parang nagalit pa si Joseph.Binilisan nilang dalhin si Carmela sa mismong malapit na hospital sa eskwelahan nila. Humahangos silang tatlo habang buhat ni Joseph ang katawan ni Carmela na walang malay."Nurse! Please, pakiasikaso po ang kaibigan namin
Masakit ang likod ni Carmela ng siya'y magising. Nakita niya si Bernadette na nakayuko sa kanyang gilid na mukhang nakatulog na kakabantay sa kanya. Nakarinig siya ng pagpasok ng pinto kaya napatingin siya at nakita ang kanyang mga magulang na nagulat ng magising siya."Carmela, anak! Kanina ka pa ba gising?" tanong ng mommy niya na lumapit agad sa kanya upang hawakan ang kamay niyang may swero.Nagising naman si Bernadette sa ingay at halos hindi alam ang gagawin ng magising si Carmela. Si Alexander naman ay paiwas na tumingin sa kanyang anak."Kakagising ko pa lang po, mommy! Paano niyo po nalaman na na-hospital ako?" mahinang tanong niya. Napangiwi siya sa sakit ng kanyang likod."Tumawag ang eskwelahan niyo sa amin. At sinabi sa amin na isusugod ka sa hospital." sagot ng daddy niya. Nahihiya itong lumapit sa kanyang anak dahil sinisisi niya ang sarili niya.Nalaman niya na binu-bully pala ang kanyang anak at laman parati ng clinic. Ngayon lang nila nalaman ang hirap ng kanyang ana
Hindi pa rin matanggap ni Carmela ang nangyari sa ipinagbubuntis niya. Masakit isipin para sa kanya na nawala ito mismo dahil sa mismong asawa niya. Napatingin siya sa bintana ng mismong hospital. Wala siyang kinakausap at tulala lamang sa isang gilid."Carmela, ayaw mo bang kumain?" tanong ni Darwin. Bakas sa boses nito ang pag-aalala sa kanya. Hindi sumulyap sa kanya si Carmela bagkus ay nakatulala pa rin."Carmela please, kumain ka na muna kahit konti." pag-aamo sa kanya ni Darwin. Lumingon si Carmela sa kanya na ikinagulat ni Darwin."Inutusan ka ba ni Joseph para pilitin ako?" tanong niya sa kaibigan niyang si Darwin. Umiling ito. "Hindi, hindi niya ako kinausap.. gusto ko lang sana kumain ka at baka mapaano ka.." sagot nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya."Galit ka ba kay Joseph?" tanong ni Darwin sa kanya pabalik na ikinatigil niya. Hindi niya alam ang isasagot kay Darwin kaya tumahimik na lamang siya at hindi umimik."Pwede mo ba papuntahin si Enrique rito?" tanong niya. Napak