Hindi alam ni Carmela kung bakit nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Kinakabahan siya at pinagpapawisan. Hapon na at hindi siya mapakali dahil wala si Joseph.Inayos niya ang mga sangkap para sa kanyang lulutuin. Narinig niya na tumunog ang cell phone niya at nakita niya ang pangalan ni Darwin. Sinagot niya agad ito."Carmela, nand'yan ba si Joseph?" agad na tanong ni Darwin. Humihinga ito ng malalim."Wala eh bakit? Mamaya sasabihin ko kapag umuwi na siya." sagot ni Darwin. Narinig niya ang mahihinang pagmumura ni Darwin na masyadong bago sa kanya."Carmela, pwede ba na kausapin ko si Joseph mamaya?" tanong ni Darwin sa kanya. Naguguluhan si Carmela dahil hindi niya alam kung bakit ganito ito umasta."Darwin, may nangyari ba?" tanong ni Carmela. Seryoso ang kanyang boses ngunit natatakot siya."Wa-wala naman." nauutal na sagot ni Darwin. Napakunot ang noo ni Carmela dahil nararamdaman niya na ma
Napatingin si Carmela sa kanyang kapatid na humihikbi. Nagkapatawaran na sila ng kanyang kapatid na si Bernadette. Niyakap niya si Bernadette upang maramdaman nito na may kasama siya."Don't worry, kakausapin ko sila daddy tungkol dito. Makasarili ako, Carmela. Nakalimutan kong magpaka-ate sa'yo dahil sa letcheng si Martin." gigil na sabi ni Bernadette. Totoo naman ang sinasabi nito, para sa kanya isang malaking hadlang si Carmela sa kanilang dalawa."Naiintindihan ko. Nagmamahal ka lang, Bernadette. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo." pag-aalo ni Carmela na mas lalong ikinaiyak ng kanyang kapatid."Ano ka ba! Pwede kang magalit sa akin. Hindi naman ako magagalit." biro ni Bernadette. Natawa tuloy si Carmela. Naglakad ito papasok sa kusina at kumuha ng tubig."Bernadette, para saan pa kung magagalit ako? May mangyayari ba kapag sinaktan kita o magtanim ako ng galit sa'yo. Ito na nga eh, pangarap ko na sana maging close tayo at mahalin niyo ako
Nagising si Carmela ngunit hindi pa rin umuuwi si Joseph. Napasulyap siya sa kanyang bintana at nakita niya na umaga na. Tiningnan niya ang kanyang cellphone upang makita kung may tawag ba o reply si Joseph sa kanya ngunit wala pa rin.Nakaramdam siya ng pag-aalala. Nasaan ba si Joseph? Naaksidente ba ito?Kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ni Darwin sa kanyang called logs. Tinawagan niya agad si Darwin ngunit kahit ito ay hindi sinasagot ang kanyang tawag. Tinawagan niya ulit ang numero ni Joseph ngunit nakapatay pa rin ang cellphone nito.Huminga ng malalim si Carmela."Nasaan ka na ba, Joseph? Sumusuko ka na ba sa akin? Ayaw mo na ba sa akin." bulong ni Carmela sa kanyang sarili. Lumabas siya sa kanyang kwarto at nakita niya si Bernadette na papalabas na rin."Hindi pa rin umuwi si Joseph?" tanong ni Bernadette. Malalim ang mga mata nito na parang hindi masyadong nakatulog."Hindi pa
Nagtataka na lamang si Enrique at Darwin dahil nakatulala lamang si Carmela pagkatapos niyang umiyak. Nagkatinginan na naman silang dalawa at saka nagsenyasan."Darwin! Kausapin mo nga siya." bossy na utos ni Enrique sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Darwin sa inaasta nito."Hindi kita kaibigan para utusan ako." pagalit na sabi ni Darwin. Ngumisi si Enrique sa kanya saka kumindat, umakto naman na nasusuka si Darwin.Bumuntong-hininga siya sabay lapit kay Carmela. Nag-aalala siya at baka gutom na ito."Carmela, kumain ka muna." sabi ni Darwin sa kanya. Napasulyap sa kanya si Carmela sabay hawak sa kanyang pisngi."Bakit ang cute mo?" nagtatakang tanong ni Carmela. Nawala na agad ang lungkot sa mata nito at nagkaroon ng kasiyahan."Carmela, anong pinagsasabi mo? Hindi cute si Darwin." kontrabidang sabi ni Enrique, masamang tumingin si Carmela sa kanya."Halika nga rito." seryosong sabi niya. Lumapit naman si Enrique sa
Parehas na napalingon si Darwin at Enrique ng makita si Bernadette na humahangos. Tumigil pa ito at inayos ang sarili ng makita si Enrique. Nagtataka naman si Darwin sa inaasta ng kapatid ni Carmela. Naging seryoso ang mukha ni Enrique habang nakatingin kay Bernadette."Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Bernadette kay Darwin. Nakaiwas ang mata nito kay Enrique na halos hindi maipinta ang mukha."Bigla na lang siya nawalan ng malay kanina. May sasabihin nga pala ako sa'yo." bulong ni Darwin kay Bernadette.Mas lalong bumusangot ang mukha ni Enrique ng nagbubulungan lamang ang dalawa."Hoy! Paki-share sa akin yang pinag-uusapan niyo." iritableng sabi niya at masamang tumingin kay Bernadette na galit ang nasa mukha."Hoy! Kiddo, hindi pwede ang bata sa usapan namin." mataray na sabi ni Bernadette sa kanya sabay irap."Anong kiddo? Hoy! Kaya ko na ngang buntusin si Carmela!" malakas na sigaw ni Enrique at gusto ng sapukin si Bernadette."In your dreams, imposibleng patulan ka ng kapatid
Napatayo si Joseph dahil hindi niya alam kung ano nga ba ang kanyang nararamdaman. Napatingin siya sa nakapatay na cellphone niya at biglang naisip si Carmela. Ang tanga niya dahil nagpadalos-dalos siya ng desisyon.Isip niya, na hindi siya patas kay Carmela. Hindi pa siya nakakamove-on kay Ayana. At ayaw niyang masaktan si Carmela, ngunit ngayon ba ay hindi niya pa ito nasasaktan?Nang makita niya si Ayana akala niya mapapakisamahan niya ito ng maayos ngunit hindi pala. Galit pa rin siya rito at mas lalong lumaki iyon ng nagpakita ito na akala mo walang ginawang mali sa kanya."Sorry, Carmela." bulong niya habang nakadama siya ng lungkot.Iniisip niya kung hanggang ngayon nga ba ay mahal niya pa si Ayana, na baka inakala niya na mahal niya si Carmela ay dahil napapasaya siya nito."Ahh! Nalilito na ako." nanghihinang amin niya. Ilang araw ng ganito ang set up niya. Hindi niya inuwian si Carmela upang makapag-isip ngunit mas lalo siyang nalito.Alam niya ang hirap at sakit ni Carmela k
Hindi nag-aksaya si Carmela ng oras, kinabukasan ay pinuntahan niya agad si Darwin upang hanapin si Joseph. Mabilis naman pumayag si Darwin dahil naisip niyang tama nga si Enrique."Positive tama ba?" tanong niya kay Carmela. Tumango lamang si Carmela habang naluluha. Huminga ng malalim si Darwin."Huwag ka masyadong magpaka-stress baka maapektuhan ang baby." malumanay niyang sabi habang nagmamaneho ng sasakyan.Napuntahan na nila kahit ang bahay ng pinsan ni Joseph ngunit hindi pa rin ito nagpaparamdam. Nakaramdam ng pagod si Carmela kaya nakatulog siya habang nasa byahe.Napasulyap si Darwin sa side mirror dahil napapansin niya na kanina pa sila sinusundan ng kotse na nasa likod nila. Inihatid niya agad si Carmela sa kanilang bahay.Napatitig siya sa mukha ni Carmela na halatang pagod na pagod. Hinaplos ni Darwin ang pisngi nito. Napalunok siya."Darwin, hindi pwede. Kasal na si Joseph at Carmela." kumbinsi niya sa kanyang utak. Nagulat na lamang siya ng magising si Carmela at kinur
Hindi makapaniwala si Carmela sa iniasta ni Joseph sa kanyang kaibigan na si Enrique. Nakita niya ang pagngiwi ni Enrique habang kinakapa ang sugat sa gilid ng kanyang bibig."Grabe 'yan asawa mo! Napakapikonin talaga tapos ang sakit manuntok." angal nito sa kanya. Nag-alala naman si Carmela para sa kanya."Pagpasensyahan mo na si Joseph, baka mainit lang ang ulo niya." malumanay na sabi ni Carmela. Napatungo siya dahil nahihiya siya kay Enrique."Hindi mo kailangan magpasensya sa akin, Carmela. Dahil may kasalanan din naman ako kung bakit napikon siya sa akin." anya ni Enrique. Sinadya niya lang talaga na asarin ang asawa ni Carmela."Kahit na, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para suntukin ka. At saka kaibigan kita." mabilis na sinabi ni Carmela. Umiling si Enrique."Ouch, ang hirap talaga ma-friendzone. Pero Carmela, tigilan mo na ang pagiging mabait, dahil aabusuhin ka ng tao kapag ganoon." advice niya kay Carmela. Umiling ito sa kanya."Walang taong mabait, Enrique. Hindi ako