Maraming salamat po sainyong pagbabasa. God bless. --------ANALIA. ❤️
Malakas na pagbagsak ng kutsarat tinidor na hawak ni Darwin ang narinig sa buong kitchen area. Huminga ito ng malalim saka napasulyap kay Grasya na nakaawang ang labi habang nakatingin sa kanya.Tumikhim si Darwin sabay bawi ng tingin kay Grasya. Pakiramdam niya ay namumula ang kanyang mukha sa kahihiya."Pasensya na, nabagsak ko ang utensils," mahinang sabi ni Darwin na ikinatango ni Grasya. Napakagat naman si Grasya sa kanyang labi ng palihim. Gusto niya kasing matawa kay Darwin dahil nakasambakol ang mata nito."Okay lang, mabuti na lamang at hindi nagulat si Sharwin," sabi ni Grasya. Lumingon siya sa kanyang anak na busy tumitig sa kanya. Bumungisngis pa ang baby na si Sharwin at mukhang nagpapa-cute pa sa nanay niya na si Grasya."So, may nangliligaw pala sa'yo sa inyong eskwelahan," mahinang sabi ni Darwin saka tumikim ng bacon na kinakain niya. Nanggigil siya sa bacon na kinakain niya at hindi niya alam bakit."Sa totoo lang, oo, marami sila pero sinasabi ko naman na wala ako
Si Bernadette naman ay nakasimangot dahil kasama na naman niya si Lance. Nakangisi lamang ang lalaki sa kanya at parang nagpapa-cute pa sa harapan niya."Tigilan mo nga ako! Hindi ka cute sa paningin ko," galit na sabi ni Bernadette saka humigop ng kape na paborito niya. Masyadong naging blooming lalo si Bernadette simula ng hindi na niya iniisip si Enrique."Ang ganda mo kasi," biglang sabi ni Lance na saktong humihigop siya ng kape kaya napaubo siya. Masama siyang tumingin kay Lance dahil sa sinabi nito. Para sa kanya ay hindi man lang ito nagbigay ng warning na pupurihin siya nito? Alam naman niya na maganda siya at simula pa ng pinanganak siya. Marami na rin ang nagsabi kaya hindi niya kailangan si Lance upang i-inform siya at hindi naman niya nakakalimutan iyon."Oh, unang beses ka lang ba nasabihan ng maganda kung maka-react ka naman," nakangusong sabi ni Lance. Kinuha niya ang kape ni Bernadette saka tumikim ng kape nito. Pinanglakihan naman siya ni Bernadette ng mata dahil sa
Mabilis naman na humiga si Bernadette sa kanyang sofa saka naman lumapit agad si Lance sa kanya. Napalunok pa ito ng makita na nakadapa si Bernadette."Wala ka bang oil d'yan, para masyadong madulas," biglang sabi ni Lance na ikinalaki ng mata ni Bernadette.Napaharap agad ito saka nakakunot ang noo nito ng tumingin kay Lance. Nakabusangot na ang magandang mukha ni Bernadette kay Lance."Ang bastos mo!" galit na sigaw ni Bernadette. Napakunot naman ng noo si Lance dahil sa reaksyon ni Bernadette."Ha? Masasaktan ka kapag minasahe kita ng walang langis kasi pangpadulas 'yon," depensa ni Lance sa kanyang sarili. Namula naman ang pisngi ni Bernadette dahil akala niya ay niyayaya siya ni Lance ng pasimple."Ahh----" magpapaliwanag sana si Bernadette ng ngumisi si Lance sa kanya. Umiling pa si Lance na parang inaasar siya."Ibang klase ka talaga, baby, ang sabi mo kasi hindi mo ako type tapos ganyan ang nasa isip mo," biro ni Lance. Nanggigil na tuloy siya kay Bernadette ngunit pinipigilan
Tinawag ni Lance sila Bernadette upang kumain na. Siya ang naghanda ng lahat at ayaw niyang madismaya ang kapatid ni Bernadette sa kanya. Kinakabahan siya dahil pakiramdam niya ay masyado siyang inoobserbahan ni Carmela kaya sigurado na may iniisip na ito sa kanya."Nako, ang swerte mo kasi matitikman mo 'yong luto ni Lance, ang sarap ng carbonara niya!" kwento ni Bernadette habang naglalakad papunta sa kusina kasama ang kanyang kapatid at nasa likod naman nito si Joseph.Si Joseph naman ay nakasimangot lamang dahil hindi niya mayakap si Carmela at parating inaagaw ni Bernadette sa kanya. Hindi niya tuloy maharot ang kanyang asawa kahit gustuhin man niya. Napasimangot tuloy siya ng pasimple siyang inirapan ni Bernadette saka sumimangot sa kanya."Talaga? Nasarapan ka sa luto ni Lance, si Enrique ba marunong magluto?" tanong ni Carmela. Nanglaki ang mga mata ni Bernadette at saka inis na dinuro ang kanyang kapatid."Don't say bad words! Isa siyang malaking virus!" OA na reaksyon ni B
"Anong ginagawa niyo!" galit na tanong ni Bernadette saka masamang tumingin kay Carmela at Joseph na nakita niyang nagtutukaan. Namula naman si Carmela habang si Joseph ay iritado na dahil nagiging kontrabida na naman si Bernadette sa kanila.Tumikhim naman si Lance saka ngumiti dahil kanina pa niya gustong lumabas sa kusina ngunit busy sa paglalambingan ang dalawa sa daanan."Hay, finally! Tapos na rin kayong magtukaan," pang-aasar ni Lance saka lumapit kay Bernadette na nakasimangot na."Pabayaan mo na sila, baby, alam mo na mag-asawa sila kaya natural lang 'yon," maamong sabi ni Lance kay Bernadette. Nakaramdam naman ng tuwa si Joseph sa sinabi ni Lance. Parang gusto niya ng sumaludo kay Lance dahil nakita niya ang biglang pag-amo ng mukha ni Bernadette."Eh kasi----" magdadahilan sana si Bernadette ngunit hinila na ito ni Lance kaya ang nagawa na lamang nito ay tingnan ng masama si Joseph na nakangisi ngayon."Gusto ko si Lance para kay Bernadette," nakangisi na bulong ni Joseph
Napasulyap si Enrique sa asawa niyang si Karina. Kita sa mukha nito ang pamumutla ng kanyang mukha at medyo nagkakaroon na rin ng umbok ang tiyan nito."Saan ka galing?" nag-aalalang tanong agad ni Enrique. Bumaba siya sa hagdan saka mabilis na lumapit kay Karina na nakangiti sa kanya."Huwag kang magalit, tumingin lamang ako sa garden para marelax ako," dahilan ni Carmela. Huminga naman ng malalim si Enrique saka mahinang hinila si Karina papaupo sa sofa nila."Next time gisingin mo ako, natakot ako akala ko ay napaano ka na, hindi kita mahanap kahit sa kusina," mahinang sabi ni Enrique. Natawa tuloy si Karina kasi sobrang putla na ng labi nito."Salamat, Enrique kahit nakakabigat ako sa'yo, hanggang ngayon ay nakokonsensya ako na nagpakasal tayong dalawa. Nasaktan mo ang mahal mo dahil sa akin," anya ni Karina. May namumuong luha sa mga mata nito saka iniwas ang tingin kay Enrique."Hindi mo kailangan humingi ng tawad dahil si mommy naman ang nag-blackmail sa akin, at hindi ikaw," a
Biglang napaluha si Joseph pagkatapos na marinig ang bagay na iyon. Bakit maaksidente ang daddy niya? Masyadong maingat ang driver nila, ibig sabihin ay mukhang ang truck nga talaga ang may problema. Tumayo na agad si Carmela saka nag-asikaso upang pupunta agad sila sa hospital. Naawa siya sa kanyang asawa dahil halatang nag-aalala na ito sa daddy niya.Para kay Carmela ay hindi pwede na si Joseph ang magmaneho ngayon at baka magmadali ito. Kaya lumabas siya agad sa kanila kwarto upang pakiusapan si Bernadette at Lance na samahan sila.Agad naman sumang-ayon si Lance at Bernadette ng malaman ang dahilan. Nag-asikaso na rin sila agad at saka hinintay si Joseph na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin."Babe, si daddy! Wala na si mommy tapos ngayon bakit ganito ang nangyari sa kanya," umiiyak na sabi ni Joseph. Niyakap siya agad ni Carmela at saka inalo. Naiiyak na rin si Carmela ngunit kailangan niyang manalig sa Panginoon."K-Kasi babe, hindi ko kaya na mawala si daddy babe," naiiyak na
Napahilot naman si Carmela sa kanyang sentido dahil nanakit bigla ito. Masyado na siyang stress sa pag-aaral niya ngayon at mukhang papunta pa lang talaga siya sa exciting part. Nasa cafeteria siya ng magulat siya ng may naglapag ng dalawang bote ng gatas sa kanyang lamesa.Nakita niya si Ezekiel na umupo sa upuan na nasa kanyang harapan at saka may hawak pa ito na libro."Masakit ba ang ulo mo? masyado mo yata ini-stress ang sarili mo," puna ni Ezekiel. Huminga ng malalim si Carmela, halata na sa mukha niya ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mata."Wala ka pa sa hospital, nag-aaral ka pa lang ngunit mukhang problemado ka na haha!" natatawang sabi ulit ni Ezekiel na ikinasimangot ni Carmela."Sige lang tawanan mo ako! Porke propesor ba kita ay hindi kita susungitan, nakikita mo naman na problemado na ako ngayon," inis na sabi ni Carmela. Nagsulat siya ng mga notes sa kanyang libro.Natuwa naman si Ezekiel, naalala niya ng nag-aaral pa siya ay grabe na ang stress niya dahil sa pressur
Labis na nagulat si Joseph ng nakita niya mismo si Carmela. Basang-basa ito at bakas ang takot sa mukha nito. He stepped back. Nanaginip ba siya?“Carmela...“ tawag niya sa babaeng minamahal niya. Mabilis niyang kinusot ang kanyang mga mata at ng makasigurado siya na si Carmela nga iyon ay mabilis niya itong hinatak ngunit hinatak siya ni Carmela para parehas silang mabasa ng ulan.“Shit. What are you doing? Magkakasakit ka. You are a doctor!“ Napasigaw si Joseph ng basang basa na siya.Mabilis na hinawakan ni Carmela ang kanyang kamay saka ito humagulgol. Napasinghap siya ng halikan ni Carmela ang bawat daliri ng kanyang mga kamay na naging dahilan ng pamumula ng kanyang mata.He was thankful it was raining, or else he might humiliated himself if Carmela discovered that he was crying. He felt weak. Ang imahe ni Carmela na hinahalikan ang kanyang kamay ay labis na nagbigay dingas sa kanyang puso. He thought that he might have an heart attack.“A-Akala ko umalis ka na...“ pabulong na
Carmela didn't say anything especially when she saw the crews were cheering for Ezekiel. She bit her lip, she didn't know what she would do next.Seeing Ezekiel kneeling in front of her, made her think Joseph. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.“Ezekiel...” she uttered.Ang kinang sa mga mata ni Ezekiel ay bigla na lamang naglaho na parang buhay. Kilala niya si Carmela matagal na ngunit mukhang wala naman itong balak na palitan si Joseph sa puso nito. He was afraid because there was a big possibility that Joseph might steal Carmela from his hands. Alam niya na wala pa siyang karapatan kay Carmela ngunit hindi niya alam kung bakit gustong gusto niya ito.He cleared his throat before he stood up. He stared at the bouquet of roses in his hand. He was hurt. Hindi niya alam kung luluha ba siya sa labis na sakit o dahil sa kahihiyan. Ilang beses ba siyang dapat i-reject ni Carmela para maitatak niya sa kanyang isip na imposibleng bigyan siya ni Carmela ng chance para maging nobya
“Where are we going?” tanong ni Wendy ng mabilis na bumalik si Joseph at Lucas sa pagmamay-ari nitong unit.Napanguso si Lucas ng nakita niya ang magandang katawan ni Wendy. Alam ni Lucas na wala namang relasyon si Wendy at Joseph ngunit hindi niya sasabihin ang bagay na 'yon sa kanyang mommy.“Magbihis ka. Bilisan mo kung ayaw mo na kaladkarin kita ng ganyan ang suot mo. Susundan natin si Carmela.“ mabilis na utos ni Joseph kay Wendy kaya halos madapa na si Wendy sa pagmamadali upang makapagpalit ng damit.“Shit! Joseph! Akala ko ba hindi mo ugali ang maging stalker. Sinungaling ka talaga!” pang-aasar ni Wendy kay Joseph.“Auntie, is it true that my father didn't know how to stalk someone? but what is he doing here?” pagsali ni Lucas sa pag-aalaska ni Joseph. Nanglaki ang mga mata ni Wendy saka niyakap si Lucas.“Don't speak english, huh? Sumasakit ulo ko sa'yong bata ka. May hang over pa ako tapos papasakitin mo lang ang ulo ko sa pagiging spokening dollars mo!” gigil na turan ni We
“Ang gaga mo talaga, Wendy! Kasalanan mo kung bakit hindi ka na virgin!” Nababaliw na bulong ni Wendy sa kanyang sarili. Ilang beses siyang gumulong gulong sa kanyang kama ngunit hindi niya mahanap ang tamang pwesto para siya'y makatulog.Hindi maintindihan ni Wendy kung bakit parang naninibago siya? Wala pang isang araw ng magkasama sila ni Matthew ngunit parang hinahanap na ng kanyang katawan si Matthew. Ang mainit na katawan nito na nagbibigay init sa kanyang laman at puso.Napalunok si Wendy ng naalala niya kung ano nga ba ang ginawa ni Matthew sa kanya. Wala man siyang experience ngunit sigurado siya na magaling si Matthew sa kama!“Kanino kaya siya natuto?” Tanong ni Wendy sa kanyang sarili. Nakaramdam siya ng pagwewelga sa kanyang puso sa tuwing iisipin niya na may mga babaeng napaligaya na si Matthew maliban sa kanya. Hindi niya kayang tanggapin 'yon! Kung kaya ni Matthew na makipag-wrestling sa ibat-ibang babae, aba'y kaya niya rin gawin ang bagay na 'yon.“Pero ang laki no'n
“DADDY, I love you," Malambing na sabi ni Lucas kay Joseph. Napangiti naman si Joseph matapos marinig iyon. Ilang beses na itong nagsasabi ng I love you sa kanya ngunit imbes na mainis ay natutuwa pa siya. Nalaman ni Joseph na galing pala si Lucas sa condo unit niya. Umiyak ito dahil akala nito ay hindi na siya magpapakita. Masaya si Joseph ngunit may bahid ng lungkot ang nararamdaman niya. Naawa siya sa kanyang anak dahil hindi buo ang pamilya na mayroon ito.“Mahal ka rin ni daddy,” Sagot niya saka hinalikan sa ulo si Lucas. Napasulyap si Joseph kay Carmela na naghuhugas ng pinggan. Napaiwas siya ng tingin dahil napasulyap si Carmela sa kanya. Hanggang kailan nga ba na magiging ganito ang set-up ni Joseph?Ilang oras na naglaro si Joseph at Lucas habang si Carmela naman ay nakatitig sa laptop nito. Busy ito sa ginagawa kaya hindi ito maistorbo ni Lucas. Napabuntong-hininga si Joseph saka sinulyapan ulit si Carmela. Lumapit siya roon at nakita niya ang mga ginagawa ni Carmela. May p
HINDI nakatulog si Carmela dahil sa nangyari. Ito ang unang beses na nagtampo sa kanya si Lucas kaya parang naninibago siya. Hindi niya akalain na magiging ganito si Lucas dahil kay Joseph. Ganoon na lamang ba kagusto ni Lucas na maging buo ang pamilya niya? Siya rin naman, ang kaso paano si Wendy? Hindi bat may relasyon ito kay Joseph?‘Anak, I'm sorry! Naging immature yata ako sa'yo,’ isip ni Carmela.Nakokonsensya niya dahil naalala niya kung paano unti-unting tumulo ang luha ni Lucas habang pinapanood si Joseph na papalayo sa kanila. Ang lungkot na bumabalot sa maganda nitong mata ay labis na nagbigay lungkot din sa kanyang puso. Hindi niya naman pinangarap na magkaroon ng broken family ang kanyang pamilya. Sino ba naman nanay ang gugustuhin na magkaroon ng hindi buo na pamilya ang anak nila?Napasulyap siya sa kanyang phone ng tumunog ito. Nakita niya ang pangalan ni Ezekiel, kaya agad niyang sinagot ang tawag na 'yon.“Hello, Carmela! Kumusta ka na?” Agad na sabi ni Ezekiel sa k
“LUCAS!” Malakas na tawag ni Carmela sa anak. Patakbo siyang lumapit kay Lucas na kasama ni Joseph ngunit natigilan siya ng nakita niya si Wendy na kasama ng dalawa. Hindi alam ni Carmela ang kanyang mararamdaman ng oras na iyon. Hindi niya inasahan na magkasama pala si Wendy at Joseph ng igala si Lucas.Hindi alam ni Carmela kung ano man ang emosyon na pumasok sa kanya. Pakiramdam niya ay naging isang buong pamilya si Wendy at Joseph kasama si Lucas. Pakiramdam niya ay may bumabarang bagay sa kanyang lalamunan na agad niyang nilunok.Nakangiti lamang si Wensy sa kanila ngunit naging ngiwi ang labi nito ng nakita si Matthew na kasama si Carmela. Nakatingin lamang din ang lalaki sa kanya na parang pinagmamasdan siya.“Mommy!" Masayang tawag ni Lucas kay Carmela. Ngumiti ng pilit si Carmela saka mabilis na niyakap si Lucas. Kinarga niya ito.“Ms. Carmela, totoo pala na anak niyo ni Joseph si Lucas,” Nakangiting sabi ni Wendy. Napasulyap pa ito kay Joseph dahil pinanglalakihan siya ng ma
“Oh, bakit ka nakangiti? Iniisip mo ba na baka si Joseph talaga ang nagpaalis ng video? Paano kung si Ezekiel pala? Akala ko ba galit ka sa ex mo?” Natigilan si Carmela ng narinig niya ang sinabi ni Matthew sa kanya. Hindi niya alam na napapangiti siya. Bakit nga ba siya ngumingiti?Masaya ba siya na baka nagseselos si Joseph? Masaya ba siya na gumawa ng ganoon na aksyon ang dating asawa niya?“Umaasa ka ba, Carmela? Na may nararamdaman pa si Joseph sa'yo?” dagdag ni Matthew.Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa punto ang kanyang kapatid. Umaasa pa ba siya? Maganda na ang plano niya sa kanyang buhay. Matapos ang pagmomodelo ay magiging full-time doctor na siya ngunit bakit ba hindi siya masaya? Bakit pakiramdam niya ay may kulang pa rin na piraso sa kanyang sarili?“Ano ba ang sinasabi mo, Matthew? Hindi ba kami pwedeng maging magkaibigan dahil lamang naghiwalay kami?”“Iniisip lang kita pati ang anak mo. Sa totoo lang, alam ko na gusto ni Lucas mabuo ang kanyang pamilya pero k
Napanganga ang mga nanonood kina Carmela at Matthew ng kumuha ng tubig si Matthew at halos subuan na si Carmela. Ang daming babae na naiinggit kay Carmela ngunit marami ring lalaki ang naiinggit kay Matthew.Nakangiti lamang si Carmela sa ginagawa ng kanyang kapatid. Alam niya na maasikaso si Matthew sa kanya dahil solong anak ito. Hindi nito naranasan na magkaroon ng kapatid kaya kahit galit ito kay Alexander ay mahal na mahal nito sila Carmela at Bernadette.“Wow! Nakakainggit si Carmela!”“Sana bigyan din ako ng tulad ni Matthew! Ahh!”“Matthew, please, anakan mo ako!”“Bakit parang normal lang sa kanila ang ganitong set-up? Parang matagal na silang sweet sa isat isa!”Mas lalong nagkagulo ang comment section nagulat na lamang ang mga tao na kusang nabura ang live video ng babaeng iyon. Halos naging usap-usapan si Carmela at Matthew ng hindi nila nalalaman.SI JOSEPH naman ay galit na tumingin sa kanyang cellphone. Hindi niya akalain na maba-badtrip siya ng wala sa oras. Nagngingit