Maraming salamat po sa inyong pagbabasa ng kwento ni Joseph at Carmela. Naway suportahan niyo po sila upang maabot natin ang 30k views at i-rate ng 5 stars ang istorya na ito. Sana rin po ay iboto niyo rin po ito using gems. Maraming salamat sa malaking achievement na ipinadama niyo sa akin biglang unang experience sa pagsusulat.-----ANALIA ❤️
Napahilot naman si Carmela sa kanyang sentido dahil nanakit bigla ito. Masyado na siyang stress sa pag-aaral niya ngayon at mukhang papunta pa lang talaga siya sa exciting part. Nasa cafeteria siya ng magulat siya ng may naglapag ng dalawang bote ng gatas sa kanyang lamesa.Nakita niya si Ezekiel na umupo sa upuan na nasa kanyang harapan at saka may hawak pa ito na libro."Masakit ba ang ulo mo? masyado mo yata ini-stress ang sarili mo," puna ni Ezekiel. Huminga ng malalim si Carmela, halata na sa mukha niya ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mata."Wala ka pa sa hospital, nag-aaral ka pa lang ngunit mukhang problemado ka na haha!" natatawang sabi ulit ni Ezekiel na ikinasimangot ni Carmela."Sige lang tawanan mo ako! Porke propesor ba kita ay hindi kita susungitan, nakikita mo naman na problemado na ako ngayon," inis na sabi ni Carmela. Nagsulat siya ng mga notes sa kanyang libro.Natuwa naman si Ezekiel, naalala niya ng nag-aaral pa siya ay grabe na ang stress niya dahil sa pressur
Halos hindi na rin magkita masyado si Carmela at Joseph. Masyado na sila nag-focus sa pag-aaral nila. Minsan ay uuwi si Joseph ng pagod ngunit tulog na ang kanyang asawa, may time naman na hindi siya nakakauwi dahil nagkaroon ng problema ng kompanya nila.Nami-miss na ni Joseph ang kanyang asawa ngunit nagtitiis na lamang siya sa simpleng pagyakap niya rito kapag umuuwi siya. Iniisip na lamang niya na para rin naman sa kanilang dalawa iyon kaya kailangan niyang galingan parati."A-Andrea?" nagtatakang tawag ni Joseph sa babaeng papasok sa kanyang kompanya. Hindi siya makapaniwala na ito pala ang sinasabi ni Mr. Rosales na anak niya."You're a Rosales?" nagtatakang tanong ni Joseph. Bigla siyang napalunok, ayaw niyang malaman ni Carmela ang bagay na ito. Nakakatakot pa naman ang asawa niya."Yeah," tamad na sagot ni Andrea. Umupo agad ito sa upuan kahit hindi pa ito pinapaupo ni Joseph. Napatikhim tuloy si Joseph dahil biglang nawala ang mga lines na nasa utak niya. Masyadong nangingit
Nagdesisyon si Carmela na tumikim ng konting pagkain dahil bawal niyang biglain ang kanyang tiyan. Nakabantay naman si Ezekiel sa kanya habang may ginagawa sa laptop nito. Nakaramdam tuloy ng hiya si Carmela dahil masyadong busy si Ezekiel ngayon ngunit binabantayan pa siya nito."Hindi ka ba busy masyado ngayon? pasensya na sa abala," mahinang sabi niya habang ngumangata ng biscuit."Hindi ka abala sa akin, Carmela tandaan mo na gagawa ako ng paraan para tulungan ka parati," seryosong sabi ni Ezekiel. Nakaramdam naman ng saya si Carmela sa sinabi ng lalaki. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng sandigan habang wala ang kanyang asawa.Alam naman ni Carmela na masyadong tutok din si Joseph sa pag-aaral nito at pati na rin sa kumpanya. Ayaw rin nito na madismaya ang daddy nito na hanggang ngayon ay nasa coma pa rin."Alam ko na masyadong busy ngayon ang asawa mo ngunit hindi pa rin sapat na dahilan iyon para pabayaan mo ang sarili mo," sabi ni Ezekiel sa kanya na ikinatango niya. Totoo
Nakatulog si Joseph at Carmela ng magkaaway. Napalingon si Joseph sa kanyang asawa na si Carmela saka marahan na bumuntong hininga. Bakit pakiramdam niya ay malayo na ang kanyang asawa sa kanya?Hinaplos niya ng marahan ang pisngi nito at nakadama siya ng kalungkutan sa kanyang sarili. Hinihiling niya na sana ay maayos na lang ang daddy niya ngayon para natututukan niya si Carmela. Pakiramdam niya ay may iba pang rason ang galit ni Carmela sa kanya.Napatingin siya sa orasan at saka nagdesisyon ng mag-asikaso upang pumasok agad sa opisina. Hindi niya man lang nasabi kay Carmela na may meeting siya sa ibang bansa para sa proyektong ginagawa nila."Hay! Mas maganda yata sabihin ko na lang siguro. Mas mahirap kung madadagdagan ang pag-aaway namin," bulong ni Joseph sa kanyang sarili habang nagsa-shower. Kinuha ang kanyang tuwalya at saka nagpunas ng kanyang sarili. Kinuha niya rin ang isa pang tuwalya upang ilagay sa kanyang bewang. Naglakad siya papalabas ng banyo nila saka mabilis na
Nakasimangot na lamang si Joseph ng biglang tumawag ang sekretarya ng kanyang daddy. Labis ang inis niya, gusto niya ng magwala talaga dahil nabitin siya. Hindi pa nga nagsisimula tapos biglang natapos na agad."Huwag ka ng sumimangot, kailangan maganda ang mood mo para naman mas dumami ang investor ng kumpanya," nakangising sabi ni Carmela. Binigyan tuloy siya ni Joseph ng masamang tingin. Daig pa na may lazer gun ang kanyang mga mata."Hindi pa nga tayo nagsisimula, biglang nawala na? babe, please simulan mo naman," reklamo niya saka nagpa-cute ng todo kay Carmela. Natawa tuloy si Carmela sa kanya."Ganoon talaga at saka akala ko ba para future natin ito?" Walang pakialam na sabi ni Carmela.Napanguso tuloy si Joseph. Hindi niya akalain na walang puso ang kanyang asawa! Hindi ba nito alam kung gaano kasakit ang puson niya sa tuwing nabibitin siya.Hindi ba ito naawa sa kanya na baka siya'y lagnatin o kombulsyonin ng wala sa oras. Wala ba talaga itong pakialam sa kanya?"Babe, ang sa
Lumipas ang ilang oras ng makarating si Joseph at Andrea sa kanilang destinasyon. Nakaramdam ng pagod si Andrea dahil sa mga ginawa niyang design na ilalagay sa kanyang portfolio. Hatak-hatak niya ang kanyang bagahe kaya tinulungan siya ni Joseph upang dalhin ito.Nakaramdam tuloy siya ng hiya at inaakala niya na baka ay nagiging pabigat na siya kay Joseph."Ako na, pasensya na medyo napagod ako sa ginawa kong designs," mahinang sambit niya. Tumango naman si Joseph sa kanya at saka ngumiti."Maayos 'yang ginagawa mo. Mas maganda talaga na gawin natin ang lahat sa pangarap natin," nakangiting sabi ni Joseph. Tumango naman si Andrea sa kanya saka naman sumulyap sa ibang direksyon. Napakunot ang kanyang noo ng nakita niya ang kanyang kapatid ngunit biglang nawala iyon."Andrea!" malakas na tawag ni Joseph sa kanya. Bumalik tuloy ang tingin niya kay Joseph."Hey! Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag eh kaso nakatulala ka lang sa isang tabi," mahinang sabi ni Joseph kay Andrea. Mahin
Napasulyap si Carmela sa kanyang cellphone dahil malapit ng matapos ang kanyang klase ngunit hindi man lang nagmensahe si Joseph sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba at baka at napaano na ito ngayon. Hindi niya alam na nakatingin pala si Ezekiel sa kanya kanina pa."Ano na naman ba ang iniisip mo?" biglang tanong ni Ezekiel na ikinagulat niya. Napalunok si Carmela dahil nag-aalala siya sa kanyang asawa.Hindi ugali ni Joseph na hindi mag-text sa kanya kapag nakarating na ito sa airport o kaya ay sa meeting place nito. Pakiramdam niya ay may mali sa nangyayari. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari na hindi niya inaasahan."Nagtataka lang ako kasi hindi nag-text sa akin si Joseph. Ang alam ko kasi ay ilang oras lang naman ang meeting nila," sagot ni Carmela ko. Naging seryoso naman ang mukha ni Ezekiel saka umupo sa katapat na upuan niya."Carmela, ganoon talaga. At saka malay mo nagpapahinga lang si Joseph ngayong araw? Isipin mo na lang na pinipilit niyang mapapapayag ang
Ilang araw ang lumipas ngunit walang paramdam si Joseph sa asawa niyang si Carmela. Halos nanglumo na si Carmela habang iniisip niya na baka masyadong busy si Joseph sa babae nito na si Andrea. Pinunasan agad ni Carmela ang kanyang luha ng pumatak na naman ito. Ito ang pangalawang beses na umiyak siya sa lalaki ngunit mas masakit ang ipinaramdam ni Joseph sa kanya.Gusto niyang malaman ang side ni Joseph ngunit mukhang wala itong balak na magpakita. Kahit ang pagtawag niya sa kumpanya ng mga Villanueva ay hindi na sinasagot ng sekretarya nito.Pakiramdam niya ay basta na lamang siya iniwan ni Joseph sa putikan. Naii-stress na siya sa lahat kasama na ang pag-aaral niya na dumadagdag sa kanyang pasanin."Miss Dela Rosa," tawag sa kanya ng propesor nila. Mabilis na lumapit si Carmela sa kanyang propesor habang nakayuko."Miss Dela Rosa, sa totoo lang natutuwa ako dahil matalino ka at alam ko na magiging isa kang magaling na doctor," panimula ng kanilang propesor. "Ngunit masyadong naapek