Share

CHAPTER 27

Pagkauwi ni Zyon ay diretso siyang umakyat ng kanyang silid at doon umiyak nang umiyak. Sumubsob siya sa unan sa kama at humagulhol. Maya-maya pa, narinig niya ang mahinang katok sa pinto.

“Zyon, anak, kumain ka na at lunch time na.” Tawag ng kanyang Yaya Marta sa labas ng pinto.

Sinikap niyang ayusin ang boses at sumagot.

“Mamaya na po, Ya. Busog pa po ako.”

Pero malakas ang pakiramdam ng kanyang Yaya Marta na may problema siya.

“May problema ka ba?”

“Wala po, Ya. Gusto ko po munang mapag-isa.”

Matagal bago niya naramdamang umalis ang kanyang Yaya Marta. Saka pa lang siya nagsimulang umiyak ulit. Hindi yata maubos-ubos ang kanyang luha. Sakit at poot ang nararamdaman niya. Kahit sa hinagap niya ay hindi niya akalaing magagawa ni Cooper sa kanya iyon. Alam niyang mahal siya nito. Ramdam niya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status