Iba POV ni Atilla at Ten, iba rin kay Manzo. But anyway, bukas na po ako sa next update. Super busy talaga ako this day. Bawi ako sunod. Sorry guys
One of the business affiliated sa mga Floreza ay ang perfume business na pinamamahalaan ni Loreen.She’s the one managing it dahil galing pa iyon mismo sa namatay niyang ina.The Floreza’s Fantastic Scent distributed not only in the Philippines but also in some countries in the South East.Slowly, they are expanding in Austrialia and soon enough, papasukin na rin nila ang US market.Loreen is preparing for the new release ng kanilang bagong perfume and at the same time, magkakaroon rin ng malaking event bilang ‘honor’ sa kaniyang ina.Kasama niya ngayon ang ama niya. Pinapakita niya ang proposal ng event na sinagawa ng team niya.“Everything is settled, dad. From interior to food at kahit ang mga invitation cards ay handa na rin. I even contacted our brand ambassadors..” Tapos mas lalo pa siyang lumapit sa dad niya. “How about you, dad? Aasahan ko ba ang presensya mo sa party?”Umiling ang senior. “I am busy, Loreen. Si Beth nalang ang imbitahin mo doon.”Nagulat si Loreen.“Dad, no. W
Lucio and Beth were having their peaceful dinner when Regar came in, holding an invitation card.“Excuse me po ma’am Beth,” aniya at bahagya pang nagbow.“What is that Regar?” tanong ni Lucio while looking at the card.“Galing po ito sa Miss sir.”“Loreen?”“Yes.”“Oh. Then it must be the party of FFS.”Tumango si Regar dahil iyon nga.“FFS?” tanong ni Beth kasi wala siyang ideya kung ano iyon.“Floreza’s Fantastic Scent, wife. One of dad’s businesses.”Hindi na nagulat si Beth nang magbanggit si Lucio ng isa pang negosyo sa ngalan ng Floreza.Lahat nalang yata siguro ng negosyo e meron sila.“Dad wanted to invite you. Gusto mo ba?”Napatigil si Beth sa pagkain. “Ako?” tinuro pa niya ang sarili.Lucio nodded.“Kung si dad nagsabi pupunta ako, magfa-file nalang ako ng leave agad bukas.”“Kung ayaw mo, ayos lang naman.”Umiling si Beth. “Hindi. Pupunta na ako. Ayoko madisappoint si dad.”Ipinatong ni Lucio ang kamay niya sa kamay ni Beth na nasa mesa.“Wife, kung ayaw mo, then we can rej
Pagpasok ni Beth, lahat ng mga mata e nasa kaniya.Nagtataka ang mga tao pagka’t hindi nila ito kilala. Ganoon pa man, napapatingin sila dito dahil sa angkin nitong ganda na hindi nakakasawa tignan.“Gorgeous,” ang mga nasasabi ng mga manager sa iba’t ibang modelling agency.Kahit iyong mga respetadong bisita ni Loreen e napapatitig kay Beth.“Who is she?” tanong nila sa kanilang mga assistant.Pero niisa, walang nakasagot dahil si Beth e nagmimistulang ligaw na magandang bulaklak sa kanilang harapan. Hindi kilala, ngunit napakaganda.Naglalakad pa lang si Beth pero naagaw na niya ang lahat ng attention ng mga tao na nasa loob.Bahagya pa siyang nahiya nang makita na tinitignan siya ng mga ito.‘Sabi lang naman ni dad umattend ako. Hindi naman niya sinabi na makihalubilo ako.’ Aniya sa kaniyang isipan kaya agad siyang nagpunta sa buffet table para kumain.She’s craving for chocolate fondue.Si Regar, nakapampante sa tabi pagka’t wala namang gulong nangyari. Hindi na niya nilapitan si B
Hindi nakatiis si Nice. Yung mga brand-ambassadress na nagpapapansin sa kaniya kanina e sinasamaan na siya ng tingin.Ang iba ay sinasadya pa siyang banggain kapag napapadaan sa tabi niya.Kung hindi lang ito isang event kung saan dumalo ang iba’t-ibang importanteng tao, hindi mahihiya ang limang ambassadress na kuyugin siya at saktan.Yung mga tao kanina na tinitignan siya nang may paghanga sa mata, ngayon ay pakiramdam niya tinatawanan siya.May isang bisita ang tumabi pa sa kaniya at tinawanan siya. “Asawa daw. Ang delusional mo miss.” Sabi pa sa kaniya.“What’s your problem?”Bago pa siya makapagsimula ng eksena, tumabi na si Loreen sa kaniya.“Huwag kang mag-umpisa ng gulo. Nakakahiya. Hindi mga basta-basta ang mga bisita dito, Nice. They came from well-known families. Some are the long-time friends of dad. At ang iba e mga celebrities pa at kilalang social media influencers. Kung gagawa ka ng eksena dito, pati ako mapapahiya.”Galit siyang hinarap ni Nice. “Huwag mo ‘kong pagsabi
A lot of people are witnessing na hindi magkasundo si Loreen at Beth.Pero dahil hindi nila kilala si Beth, mas kumampi sila kay Loreen.“Ungrateful! Kahit pa isa siyang asawa ni Lucio, hindi dapat niya binabastos si Ms. Loreen!” Ang sabi ng isang bisita na die-hard fan ng mga Floreza.Sumang-ayon ang iba, at nanahimik naman ang ibang ayaw makigulo.Si Nice ay ngumisi. Natutuwa siya na makitang napapahiya ngayon si Beth.‘Sige pa. Kuyugin niyo ang bwesit na yan!’Binawi ni Loreen ang kamay niya na hawak ni Beth.“You know what, it’s a mistake na inimbita ka ni dad dito. You get out!” Aniya sabay turo doon sa exit.“Dad told me to finish the event so no, hindi ako aalis Loreen.”“Are you defying me? Talaga bang makapal ang mukha mo dahil lang sa pinapaboran ka ni Lucio?”Hindi nagpatinag si Beth.“Kung may aalis, si Nice iyon at ang limang alipores niya kanina.”Agad tumalima ang limang brand-ambassadress na ng harass kay Beth kanina.Nakikita nila itong chance to amend. Lumapit sila ka
Napapaatras na iyong limang brand-ambassadress nang makita ang matatalim na mata ni Lucio.“Sino nagsabi no’n lahat, wife?”Lihim na ngumisi si Beth at humarap sa harapan habang nakayakap pa rin kay Lucio.Isa-isa niyang tinuro iyong limang brand-ambassadress na namahiya sa kaniya.Lahat sila e mga kilalang social media influencer.Bigla silang natakot at humarap sila kay Loreen, umaasang ipagtatanggol sila nito.Pero nang makita nila na hindi sila pinansin ni Loreen, agad na silang lumuhod.“S-Sir, m-ma’am… P-Patawad. Hindi po namin yun sinasadya. M-Mali po kami.” Nagsimula na rin silang umiyak.Nagpapapansin sila kay Nice kanina sa pag-aakalang mas mapapalapit sila sa mga Floreza, pero mas lalo pa pala silang napalayo.“Hindi ko tatanggapin ang tawad niyo.” Sabi ni Beth. All of her life, parati siya ang binu-bully.Parating siya ang naga-adjust. Siya na lang lagi.Now, hindi na siya papayag sa ganoon.Humarap siya kay Lucio. “Ayos lang naman hubby hindi ba na paalisin sila sa event n
Sarap na sarap na si Beth sa kaniyang muffins. Halos lahat ng kinakain niya puro matatamis.She’s having her moment nang bigla niyang marinig ang pagtikhim ni Lucio.“You’re eating?” hindi makapaniwalang sabi ni Loreen. “You’re eating after you set this up?” lumalakas na ang boses niya.Pakiramdam ni Loreen e pinaglalaruan sila ni Beth.Hindi pwedeng makulong si Nice dahil alam niyang tatakutin siya ni Nice na kakanta siya kung hahayaan niya ito sa kulungan.“LOREEN!!” Lucio’s authorative voice. “That’s my wife. Maghinay hinay ka sa pananalita mo.”“Your wife is making a scene. Ipapakulong niya si Nice for what? Dahil lang sa sinabi nito na siya ang asawa mo? Marami ng gumawa no’n. Beth is just too much! She’s abusing her power and influence.”Kumuha si Beth nang dalawang cupcake at tumayo para lumapit ulit kay Lucio at Loreen.Hindi niya alam bakit pero naiinis siya kay Loreen na inaaway nito ang hubby niya.“Loreen,” she’s looking at Loreen intently, at sa ganoong aura niya, halos na
Kung si Loreen e pinapagalitan ng dad niya, si Beth naman at Lucio e nasa presinto, nakatingin kay Nice na sumisigaw sa loob ng kulungan.Mahaba ang nguso ni Beth kasi wala na siyang makain. Kanina pa naubos. Pero ayaw naman niyang umalis kasi gusto pa niya panoorin ang step-sister niya dati na nasa rehas.“Hayop ka Beth! Anong karapatan mo para ipakulong ako? Pagbabayaran mo ito lahat oras makalabas ako dito!”Humikab si Beth. Kanina pa niya naririnig yan kay Nice.Medyo nabobore na siya sa naririnig niya.Hindi naman nila ito masasampahan ng kaso, at plano lang naman niya e patulugin si Nice sa kulungan ng isang gabi ng sa ganoon e magtanda.“Bakit ka naman galit? Ginusto mo ito hindi ba?”“Bitch! I will not forget this day!”“Ako rin. Hindi ko rin kakalimutan ang araw na ito na natulog ka sa kulungan.” At natawa siya kaya mas lalong nainis si Nice.“Hubby!” Tawag niya kay Lucio. “Akin na ang cellphone ko.”Tumaas ang sulok ng labi ni Lucio habang naglalakad siya palapit sa asawa niy
Hindi inakala ni Loreen na mararanasan niya ito lahat. Wala sa isipan niya dati na aabot siya sa puntong ipagsisigawan nalang niya na sana ay tapusin na ang buhay niya.The pain is draining her. Sa sobrang sakit, pakiramdam niya ay impyerno ang napuntahan niya.Sobra siyang napakampante na hindi mabubunyag ang tungkol kay Rainah.Ngayon, she’s paying the price.Habang nasa loob siya ng kwarto, may lalaking pumasok at inabutan siya ng tubig.“Please, t-tulungan mo ‘ko.” Pagmamakaawa niya. “K-Kahit magkano, magbabayad ako. Triple pa ang bayad ko sa sahod niya sayo.”Tumingin sa kaniya yung lalaki pagkatapos ay napailing.“Bakit ko naman tutulungan ang isang criminal na kagaya mo?”Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Gusto pa niyang mabuhay.“Please… Hindi ko sinasadya ang nangyari kay Rainah. Maawa naman kayo sa akin oh.”“Mali ka ng binangga.” Sabi no’ng lalaki sa kaniya. “Hindi mo dapat pinakialaman si Ms. Rainah.”“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kamuntikan na niya akong pinatay.
A week after…No sign of Loreen, no sign of Nice… as if they both are gone.Sa pagkawala ni Loreen, naging sanhi iyon para bumagsak ang katawan ni Sr. Floreza.Nag-aalala si Beth habang nakatingin dito na nakaratay sa kama. Mag-iisang linggo na itong may sakit dahil sa stress at pag-aalala kay Loreen.Pansamantala muna siyang bantay dito dahil marami pang inasikaso si Lucio lalo’t kaliwa’t kanan ang negosyo na inaatupag niya ngayon.Napatayo siya nang makitang nagmulat ng mata ang senior.“D-Dad,” agad niya itong nilapitan.Tumingin ang senior sa kaniya. “Is there no sign of my daughter?”“Wala pa, dad.”Makikita ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng senior. Hindi na niya alam saan niya hahanapin ang anak niya.Kita sa CCTV footage ang ginawang krimen ni Loreen at Nice at kita rin ang pagtakbo ni Loreen palabas.Pero kahit anong hanap nila dito, wala na silang makitang bakas nito.“I’m sorry. I know it’s been hard for you.” Sabi ng senior kay Beth. “But I cannot help it. She’s still my da
Tumulo ang luha ni Leah.Dahil likod, braso at hita ang nasaksak ni Nice kanina, nagkaroon pa siya ng oras para harapin ito.Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nanghihina.Nanlalabo na ang paningin niya. At hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil alam niyang hindi niya na maipagtatanggol ang kapatid niya.Nagtataka siya bakit nakalagpas sila Nice sa security. She wondered anong nangyari sa labas. “Stop hoping for back-up. Patay na lahat ng iniwan ni Lucio sa labas.” Sabi ni Loreen. Tinulak siya ni Nice kaya nakawala ito sa harapan niya.Tumingin siya kay Loreen kung saan nakatutok pa rin ang baril sa kaniya.“Ako nalang ang patayin mo, huwag na ang kapatid ko.” Pagmamakaawa niya.Tumawa si Loreen.“Ikaw at si Beth, malaki ang ginawa niyong kasalanan sa pamilya namin. That wench ruined my family. Lucio crushed Joliever’s leg because of her at IKAW! ANONG KARAPATAN MO PARA SIRAIN ANG PANGALAN NG PAMANGKIN KO? YOU PUT OUR FAMILY NAME IN SHAME!”“Kill that b*tch Loreen!” Sab
Pagkapasok ni Leah sa loob ng kwarto ni Beth, nakita niya itong nagpapahinga sa kama pero gising.“Leah?” gulat na gulat ito at hindi makapaniwala na nakita siya nito.Agad siyang tumakbo at niyakap ang kapatid. “I’m sorry.” Unang sinabi niya.“Huh? Pero bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang mali na ginawa.”“Sa video. Alam kong napanood mo na yun.”Huminga ng malalim si Beth. “Iyon ba ang dahilan kung bakit umiyak ka noon?”Tumingin siya sa sahig, nahihiyang salubungin ang mga mata ni Beth.“Isa yun sa dahilan. Matapos kong malaman na ama ko si Bernardo, nagpatong-patong yung guilt ko. Ayoko kasi masira ang friendship natin kaya natakot ako.”“Well, hindi ko sasabihing hindi ako nasaktan kasi umiyak ako nong nakita ko yung video na yun noon. Pero kung titignan, naging eye-opener ko yun noon para humiwalay ako sa kaniya.”Nag-angat siya muli ng tingin.“Bago pa yung video, alam ko na talagang nagloloko si Joliever sa akin, wala lang ebidensya. Kaya kahit ilang ulit na akong nasak
Marami ang nagulat sa nangyari lalo na iyong mga taong humusga noon kay Beth. Sa caption ng video, ibinunyag na kaya naghiwalay si Joliever at Beth ay dahil unang nagloko si Joliever.Yung mga taong inakusahan na nagloko si Beth at biktima si Joliever, ay nakakaramdam na ng hiya ngayon.Hindi sila makapaniwala sa kanilang napanood.Kahit si Monique na siyang anonymous na nagpost no’ng video ay gulat na gulat pa rin.Tinanong niya si Leah kung sigurado ba ito sa gagawin, pero si Leah pa mismo ang nag-udyok sa kaniya na gawin iyon.Walang nagawa si Monique kun’di sundin ang pabor na hinihingi nito.Kaya kalat na sa social media ang nangyari at halos pagpyestahan na ng lahat ang mga Floreza.Kung nakarating iyon sa ibang tao, nakarating rin iyon kay Sr. Floreza.Because of this, he came up a decision na alam niyang hindi papaboran ni Roviech.He will send Joliever abroad, at hindi niya ito pababalikin ng bansa hangga’t nabubuhay pa siya. It’s his way of protecting him at huli na rin niyan
Napasinghap sina Loreen matapos buksan ni Lucio ang pinto.Sumigaw agad si Ashanelle at agad nilang nilapitan si Joliever na wala ng malay ngayon.Lucio just walk freely, like he did not do wrong.Nilapitan siya ni Lucinta. “Come, bukas ka na pumunta ng hospital. Hindi ka dapat makita ni Beth na ganito at baka matakot yun at mag-alala.”Nagpatianod si Lucio sa mama niya, walang pakialam sa masasamang tingin ng mga kapatid.Nang mawala sila, agad tumayo si Loreen.“Are you happy now dad?? Tignan mo ang apo mo!”Tumingin ang senior kay Joliever at para siyang kinakapos ng hininga sa kaniyang nakita.Dinala nila agad si Joliever sa hospital.Umiiyak si Ashanelle at Loreen habang si Roviech e nagpaiwan. Nang tumingin ito sa dad niya, agad niya itong kwinelyuhan.Umalma ang mga bodyguards pero tinaas ng senior ang kamay niya para pigilan sila.“Pinakita mo lang sa amin kung gaano ka kawalang kwentang ama!”Nalungkot ito pero hindi niya yun pinakita. Paano niya magawang mamili sa anak niya a
Lucio and Joliever are now inside the room. No one can open the door.Kaya hindi nila makita anong ginagawa ni Lucio kay Joliever para sumigaw ito nang sobrang lakas.Pigil pigil ni Roviech ang sarili. He’s powerless. He cannot help his son, na sumisigaw para humingi ng tulong sa kaniya. Kung tutulungan niya ito, takot siyang mawalan siya ng mana.“D-DAAAAAAAD!!!!” Nagmamadaling pumasok si Ashanelle at halos mahimatay siya nang marinig ang sigaw ng anak.“Roviech, our son!” lumuluhang sabi nito.Tumingin si Asha kay senior Floreza. Agad itong lumapit at hinawakan niya ang kamay nito. “Dad, have mercy… Please..”But Leo just stared at her blankly. “Muntik ng mamatay si Beth dahil sa ginawa ng anak mo.”“Why are you siding that woman? Joliever is your grandson!”“Beth is my son’s wife. I did help your son Ashanelle. Kung hindi ko kinausap si Lucio, baka kamatayan ang inabot ng anak mo!”“AAAAAAHHHHHH!!!” Napatingin sila muli sa kwarto nang sumigaw na naman si Joliever.“Dad please…. Pigi
Hindi alam ni Loreen bakit iba ang mood pag-uwi niya galing ng coffee shop.Aligaga ang lahat ng katulong at pakiramdam niya ay may hindi magandang nangyayari.“What happened?” tanong niya sa isang katulong na nakasalubong niya.“Ms. Loreen, may n-nangyari po kasi kay sir Joliever.”Nang marinig niya yun, nagmamadali siyang pumunta ng sala. Naabutan niya si Joliever na maraming pasa sa mukha.Agad nanlaki ang mata niya at nilapitan ito agad.“Hijo, what happened to your face?”Agad yumakap si Joliever sa kaniya, parang isang spoiled na batang napagalitan ng nakakatanda.“Get away from that bastard Loreen. Wala na yang ginawang tama kun’di ang suwayin akoat bigyan ng problema.” Sabi ni Roviech.“Kuya! Ano bang nangyayari sayo? He is your son. Kahit pa anong nagawa niyang mali, hindi mo dapat siya sinasaktan ng ganto.”Inakala niyang kapatid niya ang naglagay ng pasa sa mukha ni Joliever.“He got that from Floyen!”“What? Magsasampa tayo ng kaso! Sino siya para saktan ang pamangkin ko ng
Takot na takot si Beth sa sinabi ni Joliever. Parang hindi siya makapaniwala na nasasabi nito ngayon ang mga bagay na yun.“L-Let’s talk about it paglabas natin ng elevator.” Aniya at pinilit pa niyang ngumiti.“Kung ganoon, p-payag ka ng patayin natin yan?”Humarap si Beth sa front door para maiwasan niya ang mga mata ni Joliever. Hindi niya alam paano itago ang tunay na nararamdaman niya.“Y-Yeah…” Aniya sabay hawak sa tiyan niya.Niyapos siya ni Joliever ng yakap mula sa likuran at napatalon siya sa gulat.Hindi sinasadyang napalayo siya dito.Sumama ang mukha ni Joliever sa kaniya.“Why?”“N-Nagulat lang ako.”Tinitigan ni Joliever ng mabuti ang mukha niya. Pagkatapos ay umabante ito palapit sa kaniya. “You’re lying.”“H-Huh? W-What do you mean?” Beth tried to act like everything is fine.“Hindi mo ipapalaglag ang baby…”Hindi na alam ni Beth kung anong gagawin niya. Hindi niya kayang itago ang kaba niya.“Beth, sabi ko diba kailangan kita?”“O-Oo J-Joliever. B-Babalik naman ako sa