NATASHA NAGISING siya dahil sa pananakit ng ulo, Hindi lang iyon pati ang kanyang buong katawan ay masakit. Ano ba ang nang-yari? Bumangon siya pero agad din napangiwi ng sumakit din ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Biglang nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto na wala siyang suot maski isang saplot. Ang comporter lang ang tanging tabing ng kanyang katawan. She bit her bottom lip. Jeez! What have she done last night? Bakit siya umabot sa ganito? Ipinilig niya ang ulo at pilit inaalala ang mga nangyari kagabi. Nagsasayaw lang naman siya sa dance floor at ine-enjoy ang gabi. And with that sunod-sunod niyang naalala ang nangyari kagabi. Napasinghap siya at napatakip ng bibig. Oh my gosh! Anong ginawa niya! Bakit tila siya naging ibang tao kagabi? Bakit nagawa niyang akitin ang asawa? Aah! Nakakahiya, ano na lang ang mukhang ihaharap niya ngayon? Her face turned red as she remembered all the details of how they made love. Now, she was hit with shame
NATASHA KINABUKASAN magka-holding hands kaming naglalakad ni Giovanni sa lobby ng kompanya. Medyo masakit pa rin ang katawan ko pero hindi naman katulad kahapon na para akong binugbog ng tatlong tao. Saka hindi na rin masyado masakit ang nasa pagitan ng hita ko. Nakakapag lakad na ako ng maayos. Ayaw pa nga sana ng asawa ko na pumasok ngayon dahil hindi pa daw ako ok pero pinilit kona siya dahil alam kong tambak ang mga trabaho niya. Isa pa na-sobrahan sa caring and sweetness ang lalaki. Naiilang naman ako na siya halos lahat ang kumikilos ultimo pag kuha ng tubig siya pa ang bababa sa kama para kumuha, pati pag kain ko kahit kaya ko naman sinusubuan pa rin niya ako. Nakakatuwa pero nahihiya rin ako, kaya kahit anong mang-yari niyaya kona siyang pumasok sa kompanya. Sumama na lang ako para hindi na siya tumanggi. At heto na nga nandito na kami kaso tinanghali kami ng pasok. 10am na. “Goodmorning Mr. Silvestre.” “Goodmorning mam Natasha, Sir Giovanni.”
Wala siyang alam kaya ‘wag na wag niya akong huhusgahan! Sumosobra na siya para maliitin ako pati ang pamilya ko! Ok lang sana kung ako lang ang minamaliit niya tatanggapin ko dahil iyon naman ang totoo. Pero ang idamay ang pamilya ko, Ibang usapan na ‘yon! “Oh, ano gagawin mo? Galit kana niyan? Nagsasabi lang a—” Hindi kona pinatapos ang sasabihin niya. Hinablot ko ang kanyang buhok saka malakas na sinubsob sa lamesa. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon.. “Ouch! Aah! Let me go!” Mas diniin kopa ang pag-subsob niya sa lamesa. Gumalaw ang kanyang kamay para hablutin ako at kalmutin pero mas mabilis ang naging kilos ko. Nahawakan ko ang kamay niya saka pinilipit ‘yon kaya mas lalo siyang napahiyaw. Gigil na gigil ako sa kanya! “Aaah! Help me! G-gio! Help!!” Ngumisi ako saka mas lalong diniin ang mukha niya sa lamesa. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya saka nagsalita. “Walang tutulong sa ‘yo kahit mag sisisigaw ka!” “Hayop ka! Humanda ka sa akin!
NATASHA KINABUKASAN hindi ako sumama kay Giovanni sa kompanya. Iniwas ko muna ang sarili ko kay Ellaine dahil baka mag-pang abot na naman kami. Mahirap na hindi pa rin humuhupa ang galit ko sa babae. Alam ko naman na nandoon pa rin iyon dahil business partner sila ng asawa ko. MAAGA umalis ang asawa ko dahil may conference meeting siya ng 8am. Ako naman ay kagigising lang din. Feeling ko napagod ang katawang lupa ko sa mga nang-yari. Nag-hilamos at toothbrush muna ako bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko sa sala si Lolo J, Nicole at Gia. Kapwa nagtatawanan. “Goodmorning.” Nakangiti kong bati ng makalapit ako sa kanila. Lumiwanag naman ang mukha ni Gia at mabilis na tumayo para salubungin ako ng yakap. “Oh my! I miss you, Ate Natasha! Bibihira na lang po tayo mag-kita.” Niyakap ko naman siya pabalik. “I miss you too, baby. Sorry, busy na si Ate sa pag-tulong kay Kuya mo. Saka mas magiging busy si Ate dahil ako ang nag-aasikaso ng renovation ng restaurant.” Pali
Parehas kaming nagulat ng isang malakas na busina ang kumuha sa aming atensyon. Napatili ako ng muntikan na kaming bumangga sa isang malaking truck. Naging mabilis ang pagkabig ni Ellaine sa manibela para maiwasan ang truck dahil doon ay inalis niya ang pagkakatutok ng baril sa akin. Napakapit naman ako sa upuan at bintana dahil sa lakas ng pagkakaliko. Nakakuha naman ako ng tiyempo. Hindi na ako nagkapag isip ng matino, ang gusto ko lang kung sakaling mamatay ako ngayon lumaban ako at may ginawa. Mabilis akong lumapit kay Ellaine at inagaw ang baril na hawak niya. “Shit! Bitawan mo akong babae ka!” Naging malikot ang sasakyan namin at puro busina ng mga nakakasalubong namin na sasakyan ang maririnig. “Hindi ba't sabi mo kanina, magsama tayo sa empyerno? then see you in hell, Ellaine!” Kinabig ko ang manibela sa kanan at tumama iyon sa poste. Dahil sa lakas ng impact ay napunta ang kalahati ng katawan ko sa unahan at tumama sa dashboard ang ulo ko. Habang si Ellaine
NATASHA Unti-unting nagising ang diwa ko dahil sa mahinang pag-tatalo. Naramdaman ko rin ang pananakit ng aking katawan lalo na ang ulo. Sa boses pa lang na aking naririnig alam kong ang asawa ko iyon at sila Kiel. Kabisado ko ang boses nilang tatlo. Ano ang pinag-tatalunan nila? Mukhang nag-didiskusyon sila at hindi nagkakasundo sa isang bagay. Gusto kona sana mag-mulat at tignan sila pero parang may pumipigil sa akin na ‘wag muna at hayaan na pakinggan ang pinag-uusapan nila. Hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba pero narinig ko kanina na nabanggit ang pangalan ko. I'm curious. “King, are you sure about this?” Kung hindi ako nagkakamali si Kiel ang nag-tanong. “Yes. She needs to know the truth.” Seryosong sagot naman ng asawa ko. Bigla akong kinabahan. Ako ba ang tinutuloy niya? Kung ako nga ano ang dapat kong malaman? “But king, It's too dangerous to both of you especially to Mam Natasha..I know you're just worried about her, but haven't
Matapos namin mag-kwentuhan ay umorder si Lolo J ng pagkain namin. Dumating din si Giselle at Rose kaya naging kumpleto kami. Hanggang sumapit ang gabi at kailangan na nilang umuwi. Kami na lang ni Giovanni ang naiwan sa kwarto ko. Hindi pa daw ako pwede lumabas dahil kailangan pang imonitor ang sugat ko sa ulo. Siguro aabutin pa daw ako ng dalawang araw dito sa hospital. “Rest wife, kailangan makabawi ng katawan mo.” Malambing na sabi ng asawa ko habang inaayos ang pag-kakahiga ko. Ngumiti naman ako sa kanya saka sinenyasan siyang tumabi sa akin. “Tabi tayo matulog.” Napatigil naman siya sa ginagawa saka ako tinignan. “Are you sure?” Paninigurado nito na siyang kinatawa ko. Parang hindi naman kami nagtatabi matulog. “Yes, Gusto kong katabi kita kasi kapag magkatabi tayo kumakalma ang katawan ko at masarap ang nagiging tulog ko. Feeling ko safe ako lagi sa mga bisig mo.” Nakangiti kong sambit, tila naman siya natigilan sa aking sinabi. Namula rin ang tenga nito at
GIOVANNI'S POV PARA akong sinabugan ng bomba at paulit-ulit binaril dahil sa nakita kong reaksyon ni Natasha. Napakasakit makita sa maganda niyang mga mata ang takot at galit para sa akin. Dumating na ang pinaka-kinatatakutan ko. “Natasha!” Tawag ko dito at akmang siyang susundan pero mabilis akong napigilan ni Zamora. “Don't follow her, King. Let Mam Natasha think first.” Mahinahong sabi niya kaya hindi na ako sumunod pa. “Putangina!” Galit na sigaw ko sabay sunod-sunod na sinuntok ang pader sa aking gilid. Wala akong pakealam kung dumudugo na ang kamao. Fvck! bakit ngayon pa niya nalaman ang tungkol sa isa pang pagkatao ko? Bakit sa maling paraan pa! Sigurado narinig niya ang pinag-usapan namin kaya gano'n na lang ang kanyang takot. “King, kumalma ka.” Galit kong hinarap si Vasquez. “Kalma? How can I calm down if I know my wife is mad and afraid of me! How can I explain everything to her? Fvck!” Tinalikuran ko sila saka muling pumasok sa loo