Lutang na lutang pa rin ako sa mga nang-yari. Hindi talaga ako makapaniwala na pumayag ang boss kong masungit na kumain sa fastfood. Ano kayang sumapi sa kanya at ang bait ata ngayong araw? Naku! Sana naman araw-araw na ganito na lang siya. Para naman mabawasan na ‘yung takot na nararamdaman ko sa kanya. Ngayon ay naka-upo na kami ni Gia sa gilid tabi ng glass wall. Habang nakatingin sa counter kung saan nakapila ang tatlong lalaki. Yes, sila ang pumila. Inutusan ako ng boss ko na maghanap na lamang ng mauupuan. Gusto ko nga sana silang samahan dahil first time nila dito sa Jabee kaso pinili ko nalang sumunod baka kasi magalit pa ang boss ko at masira ang masayang araw ng alaga ko. Katapat ko si Gia ngayon, ayaw niya muna tumabi sa akin at gusto niya na magkaharap daw kaming kakain. Hindi na ako umimik pa sa gusto nito. Habang nakamasid sa tatlong lalaki, kapansin-pansin ang tingin ng mga taong malapit sa kanila at mga nakapila. Hindi ko masisisi ang mga ito dahil ag
Sana pumayag siya kung sakali. Sana hindi ito mag-sungit. Nang maramdaman niya ang tingin namin tumigil siya sa pagkain at nakataas ang isang kilay na tumingin sa amin. “What?" Medyo masungit niyang tanong. Naku! “Tinatanong ni Natasha kung ok lang na ibigay na lang sa taong lansangan ang pagkain na hindi natin mauubos kung sakali. Kesa masayang daw.” Turan ni Sean. Tinignan naman ni Sir Giovanni ang pagkain sa lamesa. Sabay baling sa akin. Napalunok naman ako. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya nagsalita. “Alright, kapag hindi natin naubos ang iba. Give it to people who haven't eaten yet.” Sabay balik ng atensyon nito sa kinakain, hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa mga kasama namin. Si Kiel na nakaawang ang labi habang nakatingin kay Sir Giovanni, si Sean na iiling iling habang nakangiti at si Gia na malawak ang ngiti habang nakatingin sa akin. Pigil ang ngiti ko ng balingan ang kinakain. Hindi ko akalain na papayag siya. Naging magana ang pagka
“Oo, simula ng mamatay ang papa ko. Ako na ang naging padre de pamilya sa amin halos lahat ng klaseng trabaho pinasok ko para lang mabuhay ko sila mama at ang bunso kong kapatid.” “Napakabait mo pala talaga, Natasha. Ang swerte sa ‘yo ng mama at kapatid mo.” Ngumiti lang ako sa sinabi ni Sean. “Sobrang hirap siguro ng mga pinag-daanan mo, no? Ikaw halos lahat sumalo.” Komento naman ni Kiel. “Mahirap dahil hindi ako nakapag tapos ng pag aaral dahil sa hirap ng buhay. Hindi ako makahanap ng magandang trabaho para sana mapag-sabay ang pag-aaral ko at trabaho. Pero okay lang ang importante nakakaraos kami sa araw-araw. Isa pa nagpapasalamat ako na nakilala ko si Don Juanito at binigyan ako ng trabaho. Saka pinatuloy ang pamilya ko sa mansyon." “Talaga? Nandoon din pala ang mama at kapatid mo sa mansyon?" Tumango ako kay Kiel. “Sa tabi ng maid quarters ‘yung maliit na bahay don kami pinatuloy ni Don Juanito. Napaka laking tulong para sa akin ang makasama ko sila ha
Nang makarating kami ng hospital agad-agad akong bumaba ng kotse. Tatakbo na sana ako papasok ng tawagin ako ni Sir Giovanni. “W-wait, Natasha. Hintayin mo ako sabay tayong papasok sa loob." Sambit niya tapos naglakad palapit sa akin. Akala ko ay lalagpasan niya ako pero gano'n na lang ang gulat ko ng hawakan niya muli ang aking kamay sabay hila sa akin papasok sa loob. Napa-angat ako ng tingin sa lalaki ng maramdaman ang pag-higpit ng hawak niya sa kamay ko. Seryoso lang naman itong nakatingin sa unahan. Kapansin-pansin na talaga ang mga pagbabago ng boss ko. Malayong malayo na sa lalaking nakasagutan ko ng mga nagdaang araw. Hindi na kami nag-abala na magtanong pa sa nurse station dahil pag-aari naman nila Sir Giovanni ang hospital na ito. Siguradong kabisado ng lalaki ang pasikot sikot ng hospital. Pagliko namin sa kabilang pasilyo malayo pa lang nakita ko na si mama at Don Juanito na naka-upo. Mukhang inaalo ng matanda ang aking ina. Bumitaw ako sa hawak
Bumalik na ako sa kinauupuan ko at pagod na sumandal doon. Simula ng mailipat sa kwartong ito ang kapatid ko wala akong maayos na tulog. Lagi kong binabantayan si mama at Nicole. Isa o tatlong oras na tulog lang ay sapat na sa akin. Mas pinag-papahinga ko kasi si mama. Baka sa sobrang pag-aalala at puyat magkasakit na rin. Nakatulala ako sa kapatid ko ng biglang bumukas ang pinto. Napaayos ako ng upo at binalingan kung sino iyon. Isang ngiti ang pumaskil sa aking labi ng makita si Gia. Sa tatlong araw na nakalipas ngayon ko lang siya ulit nakita. Kasama niya si Sir Giovanni na may dala-dalang paper bag. Patakbong lumapit sa akin si Gia at dinamba ako ng yakap. “I miss you, ate Natasha." Mahina niyang sabi habang mahigpit akong niyakap. Napangiti ako bago din siya niyakap pabalik. Namiss ko rin ang batang ito. “Kamusta? Hindi ka naman nagpasaway kay Lolo J?" Tanong ko ng makalayo siya sa yakap namin. “Nope! I'm a good girl, Ate. Nag-self study lang ako sa tatl
DALAWANG LINGGO na ang lumipas ang bilis lang ng panahon at balik na ulit kami sa kanya kanya naming trabaho. Si Nicole ay magaling na ng lubusan. Sa dalawang araw na pag-iistay namin sa hospital wala naman ng naging problema, Naging normal naman ang test ng doctor kay Nicole kaya nakalabas din agad siya at sa bahay na lang nag-pagaling. Sobra sobra ang pasasalamat ko kay Lolo J dahil sa kanilang tulong sa amin. Hindi nila kami pinabayaan kahit nakauwi na kami. May nurse pa nga ito na pinapunta sa bahay para lang tignan ang kalagayan ni Nicole. Araw araw din may supply ng gamot at prutas para sa kapatid ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakabawi at bayad sa lahat ng tulong nila para sa amin. Ngayon ay nandito kami sa gazebo kasama ko si Gia at Nicole. Nakangiting nakamasid lang ako sa kanila sa isang gilid habang sila ay nandoon sa center table busy sa coloring book na binili ni Gia. Simula ng ipakilala ko silang dalawa sa isa't isa ay sobrang close na nila. Hindi
NAKAHINGA ako ng maluwag ng makitang wala na si Giovanni sa Gazebo. Naiwan na lang doon sina Nicole at Gia na busy na sa pagkukulay. Wala na rin ang mga pinag-kainan namin. “Ate pinakuha na pala ni Kuya Giovanni sa ibang katulong ‘yung pinagkainan. Sabi pala niya mamaya daw i-akyat na lang sa kwarto niya ‘yung dinner niya. Magiging busy daw siya kaya hindi siya makakababa para sa hapunan.” Bungad na sambit ni Nicole sa akin. Napatango naman ako bago naupo. Buti na lang naisipan umalis ng boss ko kung nagkataon hindi ko alam anong mukha ang maihaharap ko sa kanya. Isang oras pa ang tinagal namin sa Gazebo bago nagyaya pumasok sa loob ng mansyon si Gia. Pinaliguan ko siya at sinabihan na matulog muna dahil oras na ng tulog nila ng hapon. Bumalik naman si Nicole na bagong ligo na rin. Sabay silang natutulog kapag hapon ng alaga ko. Pinatuyo ko muna ang mga buhok nila bago sila parehas pinahiga. Nakakatuwa lang makita na hindi maarte si Gia. Simula ng gumaling ang kapa
PAGKARATING sa Silvestre Empire manghang mangha ako habang nakasunod sa boss ko na seryoso lang. Binabati siya ng mga nakakasalubong namin na empleyado pero ang loko hindi man lang tanguan o batiin pabalik. Napaka talaga porket boss. Nakarating kami sa 10th floor kung saan daw ang team nung Adam. Pagpasok namin dali-daling nag-sitayuan ang mga tao doon at agad binati si Giovanni. “G-goodmorning, Sir!" Halata sa boses at itsura ng mga ito ang kaba. Naiintindihan ko sila, alam nilang galit ang boss nila kaya ganito na lang ang takot ng mga ito. “Tsk, may nahanap ba kayo?" Tanong ni Giovanni. Hala, hindi niya sinabi na may nakuha na siyang papalit don sa photographer na kinuha nila? Luh? “A-ah S-sir about that, meron na po kaming nakuha pero mamayang 1pm pa siya available. Sigurado po kaming maganda na ang magiging kuha n—” “No need, cancel that. Meron na akong nakuha. Kung hihintayin natin ‘yang sinasabi niyo, aabutin tayo ng gabi..Tsk. Prepare the props and the DSLR c
GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.
“I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka
PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n
“Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it
Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong
“Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas