NATASHA'S POV ABOT langit ang ngiti ko habang nakaupo dito sa sala para hintayin si Nicole. Akala ko bukas pa ang dating niya pero ngayong gabi na pala. Excited na akong makita ang kapatid ko. Actually, kinausap ko muna si Logan about sa pag-stay ni Nicole dito. Nakakahiya naman kung hindi ako hihingi ng permiso sa may ari ng bahay. Hindi naman gano'n kakapal ang mukha ko. Isang oras ang nakalipas ng marinig ko ang sasakyan sa labas. Napatayo ako at hinintay na bumukas ang main door, Ilang saglit pa ay bumukas iyon at niluwa ang kapatid ko. “Ateee!” Masayang tawag niya, saka mabilis tumakbo patungo sa akin at dinamba ako ng yakap. “Welcome back, bunso.” Mahina kong usal bago siya niyakap pabalik. “Thank you, ate. Miss na miss kita.” “Namiss din kita bunso.” Humiwalay naman ito sa aking yakap saka ako tiningala. “You look better now, ate. Mas gumanda ka.” Natawa naman ako ng mahina saka ginulo ang buhok niya. “Bolera, Ika
Kahit hindi ako tumitingin ramdam na ramdam ko ang presensya ng bagong dating. Jeez! Malapit lang kaya kami sa daanan ng tao! At mukhang dadaan sila sa table namin. Pasimple akong napasinghap ng maaninagan ko ang pag daan nila. Pigil na pigil ang hininga ko na sana ‘wag sa katapat naming table sila maupo. Napabuga ako ng hangin ng sa kabilang side sila dumeretso sa unahan malapit sa stage. “Tatlo sila kasama niya si Vasquez at Zamora. Be careful later dahil napansin kong napasulyap kanina sa table natin ang mga ito.” Nag-angat ako ng tingin kay Logan na seryoso ang mga matang nakatingin sa akin. “Don't worry mag-iingat ako.” “Good, nagugutom kaba? or gusto mo ba ng maiinom?” Pag-iiba niya ng usapan. “Wine, I want wine.” Sagot ko. Kailangan ko ng alak sa katawan. Gusto ko kumalma dahil simula ng sabihin ni Logan na nandito na sila ay hindi na ito kumalma. “Alright, wait me here. Kukuha lang ako ng wine.” Tumango naman ako saka siya tumayo a
NATASHA'S POV “Hey, you ok?” Napakurap-kurap ako ng biglang magsalita sa aking tabi si Logan. Were here at NAIA. Dito kami dumeretso matapos umalis sa party. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ng mag-tagpo ang mga mata namin kanina ni Giovanni. Kahit matatalim ang titig na ginagawad ko sa kanya iba naman ang nararamdaman ng puso ko. Sobrang bilis nito na tipong nahihirapan akong huminga. “Ah, yeah I'm okay. Papasok kana ba sa loob?” Tanong ko ng bumalik sa wisyo. “You're spacing out, Tasha. Sigurado ka bang ok ka?” Err, seryoso ang mga matang nakatitig siya sa akin kaya kimi akong ngumiti at tumango. “I'm ok, hindi lang ako makapaniwala na nagawa kona ang unang plano ko.” Dahilan ko na lang para hindi na siya maghinala, nakikita ko ‘yun sa kanyang mga mata. “Maniwala kana dahil nasimulan muna at nag-tagumpay kang nagpakita sa kanya. Nakita natin na hinabol ka niya means nakilala ka ng asawa mo. Sa lunes na ang naka-sched niyong appointment, Iyon na ang
******* The next day.. “Damn it!” Galit na hinampas ko ang table ng makaupo. Kagagaling lang namin sa G.A furniture corp. Hindi na kami tinanggap dahil wala kaming appointment ngayong araw. Kahit na ang sinabi ng babaeng ‘yon na bumalik na lang kami kinabukasan, pero ng nandoon na kami sa lobby hindi kami pina-akyat dahil wala daw kaming appointment. Tangina! Pinatawagan ko sa receptionist ang sekretaryang nakausap namin kahapon at ang sinagot lang nito ay wala daw kaming appointment, hindi tumatanggap ang boss niya na walang appointment. Putangina! Nakakagago! Siya pa itong nagsabi na bumalik na lang kami ngayon dahil iyon ang sabi ng boss niya tapos ngayon hindi nila kami tatanggapin? Maaga kaming umalis dito sa kompanya para masigurado na hindi kami ma-aabutan ng traffic pero nasayang na naman dahil sa tanginang appointment na yan! In my research, It's just difficult to make an appointment with G.A. boss because she's so busy, but she's not being rude like this and
“Wife.” Bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng marinig ang malalim at mahinahon niyang boses. No, mali ‘to! Pumalag ako at tinutulak siya. “Let me go! Damn you! Let me go!” Pilit pa rin akong lumalayo sa yakap nito pero malakas siya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Oh gosh, Mas lalo akong nasubsob sa kanyang matipunong dibdib, amoy na amoy ko tuloy ang kanyang pabango. Ito pa rin pala ang gamit niya? Ako ang pumili ng perfume na ito.. “I miss you, wife. After 6 years of looking for you, I finally found you.” What? looking for me? pinapatawa ba ako ng lalaking ‘to?! Biglang nabuhay ang galit sa aking dibdib, Inipon ko ang lakas para makawala sa kanya at hindi naman ako nabigo. Tinabig ko siya at sinampal ng malakas sa kanyang mukha. Pumaling sa kabilang dereksyon ang mukha nito. “Don't you dare to touch me again, Silvestre! And don't ever say that you looked for me because you didn't do that!” Galit na angil ko saka humakbang paatras.
GIOVANNI It's been three days ng magtagpo muli ang landas namin ng asawa ko. Until now hinihintay ko pa ang impormasyon kay Vasquez at Zamora kung saan nakatira ito ngayon. Mahirap daw talaga hanapin ang taong nagtatago. Mukhang may humaharang sa paghahanap ng dalawa pero hindi naman basta-basta nagpapatalo ang mga iyon. Siguradong this week malalaman na namin kung nasaan ang asawa ko. Tatlong araw na rin akong napunta sa G.A. Furniture Corp pero hindi daw napasok ang boss nila. Mukhang nagtatago na naman ang asawa ko sa akin. Tsk! Malaman ko lang talaga kung saan siya nakatira, wala na siyang magagawa pa. Hinding hindi na siya makakapag tago pa sa akin. Nandito ako ngayon sa opisina ko. Tapos kona ang pirmahan ang mga papeles na binigay sa akin ni Eve kahapon, Wala rin akong meeting ngayon kaya nakatunganga lang ako sa opisina ko at naghihintay ng tawag nila Vasquez at Zamora. Damn! Hanggang kailan ba ako mag-hihintay? Sumandal na lang ako sa kinauupuan ko
HABANG lulan ng Elevator si Giovanni abo't langit ang kanyang kaba. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Ibang usapan na kapag asawa niya ang pinag-uusapan. Nang bumukas ang elevator sa tamang palapag umayos ng tayo si Giovanni at bumuga muna ng hangin para pakalmahin ang sarili, saka lumabas at tinungo ang unit ng kanyang asawa. Makailang ulit bumuntong hininga si Giovanni kinakalma ang sarili bago lakas loob na pinindot ang push button ng door chime ng unit ng asawa. Tatlong beses niyang ginawa iyon bago bumukas ang pinto at niluwa ang kanyang asawa na halatang katatapos lang maligo dahil may tuwalya pa sa ulo nito. “Hi.” Bati niya habang kiming nakangiti. Tinatantsa ang magiging reaksyon ng asawa. Bakas naman sa mukha ni Natasha ang gulat, para na naman itong nakakita ng multo. Nang makabawi sa gulat ay agad sinarado nito ang pinto pero naging alerto si Giovanni kaya agad nitong hinarang ang isang kamay. “Aray!” Napangiwi ito
Patay na si Hayashi, siguradong sigurado siya do'n. “Bago ko iwan si Hayashi sigurado akong wala na itong buhay! Kaya papaanong siya ang sinasabi mong nag-utos na pumatay kay Mama?! Saka walang nagpakalat ng pagkatao ko sa underground dahil ako na mismo ang nag-pakilala sa kanila makalipas ang ilang buwan buhat ng umalis ka! Inayos ko ang pamamalakad sa underground, Alam mo kung bakit? Dahil gusto kong sa pagbabalik mo maayos na ang lahat! Isinantabi ko ang lahat, kinalimutan ang pag-hihiganti dahil ayokong magalit ka ng husto sa akin! Inayos ko ang buhay ko habang wala ka! Tapos ito pala ang dahilan? Galit ka sa akin dahil sa maling impormasyon?!” Hindi na niya napigilan ang sarili, sobra ang galit na nararamdaman niya dahil alam niyang si Logan ang may pakana nito. “P-pero iyon ang sinabi sa akin ni Logan! Si Hayashi ang nagpapatay kay mama dahil gusto niyang mag higanti sa ‘yo! Saka sinabi rin sa akin ni Logan na hindi mo naman ako hinanap, masaya kapa nga sa nak
GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.
“I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka
PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n
“Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it
Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong
“Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas