TAHIMIK lang akong sumunod kay Kevyn palabas ng mansyon habang bitbit niya ang basket na may lamang pagkain na dadalhin namin sa farm. Wala kaming imikan kanina pa. Hindi ko rin magawang tumingin sa kaniya kapag magkaharap kami kaya panaka-naka ko lang siyang tinitingnan. Nahihiya pa rin kasi ako sa kaniya dahil naaalala ko ang namagitan sa amin sa terrace. Pakiramdam ko'y palaging namumula ang pisngi ko kapag naalala ko iyon. Habang minsan naman ay napapansin kong tinitingnan ako ni Kevyn.Inilagay niya ang mga basket sa backseat at ako naman ay dumeretso na sa may driver's seat. Pagkalagay niya ng mga iyon, sumakay na rin siya ng kotse. Hindi siya tumingin sa akin at tahimik lang niyang pinaandar ang kotse. Naiilang ako sa presensiya niya kaya bumaling ako sa labas ng kotse. Berdeng bundok at ilang bahay ang tumambad sa akin. Nanatili akong nakatingin doon habang nakahalukipkip.Habang naiwan naman sa mansyon si Jenicka na hindi na pinasama ni Donya dahil mas kailangan daw ako roon
TAHIMIK AKONG bumaba sa kotse ni Kevyn nang makarating kami sa mansyon mula sa farm. Hindi ko naman alam kung umuwi na rin si Nicko at Ma'am Jenicka dahil nauna na kaming umuwi sa kanila. Bumaling ako kay Kevyn at ngumiti ako sa kaniya na agad naman niyang ginantihan. Naisip kong mas mabuting i-enjoy ko na lang ang mga oras na kasama ko pa siya. Lihim akong napangiti at nagpasiyang pumasok na sa mansyon habang pinaparada niya ang sasakyan."O, Mara, Mabuti naman at nandito ka na," bungad ni Ate Mil sa akin. Nagtaka ako dahil sa tila kabado nitong expression."Kanina ka pang hinihintay ni Ma'am Jenicka. Galit na galit siya, Mara!" kinakabahang sabi naman ni Andrea. Bakas sa mga mukha nila ang tila pagkabahala na labis kong pinagtakahan.Napakunot ang noo ko at nagtatakang tiningnan silang dalawa. Bakit ako hinihintay ni Jenicka at bakit siya galit na galit? Agad akong kinabahan."Bakit daw po, Ate Mil?" tanong ko."Ewan, hindi man niya sinasabi. Kanina pa nga kaming hindi mapakali, e,"
"SIR KEVYN, salamat po sa lahat!" malungkot kong sabi. Nakalma ko na ang sarili ko at medyo okay na ako kahit sobrang sama ng loob ko. Kahit ayaw ko man 'tong gawin, alam kong ito ang tama dahil kahit ano'ng sabihin ko hindi niya ako kayang paniwalaan.Mabigat man para sa akin na iwan ang mansyon at si Kevyn, wala akong ibang maisip na gawin. Ang hindi niya paniniwala sa akin ay nangangahulugang wala akong halaga sa kaniya. Ito na rin siguro ang tamang panahon para hindi na ako umasa sa kaniya. Ang pag-alis ko sa mansyong ito ay ang pagputol ko rin sa nararamdaman ko sa kaniya.Hindi niya ako nilingon. Nanatili siyang nakatuon sa dyaryong binabasa. Hindi man lang ba niya ako pipigilan? Sabihin lang niyang huwag akong umalis, hinding-hindi ako aalis. Ilang saglit pa akong naghintay ng sasabihin niya ngunit nanatili siyang tahimik. Nakagat ko ang ibabang labi ko at yumuko. Bakit nga ba naghihintay pa ako na pigilan niya? Ang tanga ko na naman!Tumalikod na ako at mabigat ang mga paang n
PINAHID ko ang mga luhang tumulo pisngi ko habang naririnig ko pa rin sa isip ang sinabi ni Kevyn sa akin nang araw na iyon. 'I'm disappointed!' Ang sakit pa rin at nananatili 'yon sa isip ko na para bang tattoo na hindi basta-basta nabubura.Huminga ako ng malalim para makalma ko ang aking sarili at inabala ang sarili sa magandang tanawin kung nasaan ako ngayon. Kasalukuyan kong nililibang ang sarili ko kaya pumunta ako sa parang para kahit pa paano gumaan ang pakiramdam ko dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa nangyari pero sa kabila niyon, alam kong nananabik pa rin ako sa kaniya. Gusto ko siyang puntahan at makita kaya lang hindi na maaari dahil magnanakaw ako sa paningin niya at hindi niya ako kayang pakinggan at paniwalaan kahit ano pang sabihin ko.Sa tuwing naiisip ko ang nangyari nandiyan agad ang luhang gustong pumatak at tila tinutusok ng karayom ang puso ko. Siguro nga na hindi talaga kami ang para sa isa't isa dahil napatunayan kong umaasa lang pala ako na baka
HINDI KO maiwasang hindi kabahan habang tinitingnan kami ni Mama at Papa. 'Yong tingin kasi nila para kaming mga kriminal na kailangan nilang litisin. Ayaw ko pa nga sanang ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin ni Kevyn pero nagpumilit siya dahil gusto niyang maging legal kami at para na rin daw mahingi niya ng formal ang kamay ko sa mga magulang ko. Kinilig namana ko roon dahil alam niya kung paano irespeto ang pamilya ko.Magkatabi kami ni Kevyn sa sofa at halos lahat ay pigil hininga sa sasabihin namin dahil lahat sila'y nag-aabang.Mayamaya'y napatingin ako kay Kevyn nang hawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. Ramdam ko pa rin ang kaba niya kahit sabihing malakas ang loob niya kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Ahm! Tita, Tito...g-gsto lang po naming ipaalam ni Mara sa inyo na...na...k-kami na po," kinakabahang pagtatapat ni Kevyn na kahit ako'y ganoon din ang nararamdaman. Naghintay kami ng isasagot nila.Isa-isa kong tiningnan ang mga reactio
"OMG! Mara!" gulat pero tuwang bungad sa akin ni Andrea nang hindi niya inaasahang makikita niya ako sa mansyon. Pumunta ako rito para makausap si Nicko para linawin ang lahat sa pagitan namin. Wala naman ngayon si Kevyn dito dahil nasa farm siya ngayon. "Kumusta ka na? Na-miss ka namain." Pagkasabi niyon ay niyakap niya ako."Na-miss ko rin kayong lahat! Okay lang ako, e, kayo, kumusta kayo rito?" balik kong tanong. Kahit pa paano, nami-miss ko rin yong dating buhay ko dito sa mansyon. Sila Andrea ang naging kakampi ko dito kaya hindi ko sila malilimutan. Hindi nila ako iniwan kahit ang tingin sa akin ni Jenicka, isa akong magnanakaw. Sa maikling panahon ko na nakatrabaho sila, nakita ko kung gaano sila kabuting tao."Okay lang kami dito," aniya.Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Sila Ate Mil, nasaan?" tanong ko."Si Ate Mil, nasa kusina at si Ate Clara, nasa likod," sagot niya at tinuro pa ang kinaroroonan nila. "Pumasok ka. Wala ngayon si Donya at si Jenicka," nakangiti pa
Kevyn's POV"'MA, aalis na po kami," paalam ko sa Mama ni Mara nang paalis na kami. Hanggang ngayon naiilang pa rin ako na tawagin silang Mama at Papa dahil hindi ako sanay pero masasanay din siguro ko kapag tumagal."Sige, hijo mag-iingat kayo, ha?" bilin ng Mama ni Mara at saka ngumiti sa amin. Lumapit pa siya kay Mara at nagbeso, ganoon rin sa akin."Sige po, Ma," ani naman ni Mara at ngumiti. Ngumiti muli ako at saka naglakad na kami patungo sa kotse. Pinaandar ko iyon at bumaling kay Mara. Kita ko ang kaba sa kaniya ngayon. Ngayong araw kasi namin napagpasiyahang aminin kila Mommy at Nicko na kami na. Ilang linggo na ring kami at sa tingin namin ito na ang tamang panahon para aminin namin sa kanila ang relasyon namin. Hindi na rin muna ako nagpasiyang bumalik ng Maynila. Kapag maayos na ang lahat dito saka ko aayusin ang problema ko sa Maynila. Balak ko ring isama si Mara, kung papayag siya.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwal na official na kami dahil akala ko'y tuluya
Mara's POV"NONG mga oras na 'di mo ako pinansin, ano 'yong sinabi mo sa akin na pinag-isipan mo? Ano 'yong bagay na nilinaw mo?" tanong ko kay Kevyn. Kasalukuyan kaming naglalakad sa dalampasigan kung saan ko siya noon unang dinala. Gusto niya raw kasing bumalik doon. Naalala ko tuloy 'yong mga nangyari sa lugar na ito. No'ng natamaan ako ng bola sa pisngi at hinila niya ako patungo sa tindahan para manghiram ng ice pack, hanggang sa siya na rin ang naglapat niyon sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil noon pa lang concern na rin siya sa akin.Tiningnan niya ako. "Ah, 'yon ba? That was the time na naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko sa'yo at kay Jenicka. Oo, medyo may naramdaman akong pananabik kay Jenicka, no'ng bumalik siya pero nawala rin agad. Marahil dahil naging parte pa rin siya ng puso ko at matagal din kaming hindi nagkita. Hanggang sa napagtanto ko na mas higit ka sa puso ko. Sobrang na-miss kita at hindi ko rin kinayang hindi ka pansinin ng matagal," paglalaha
Mara's POV"HANDA ka na ba, my loves?" tanong ko habang inaayos ko ang suot ni Kevyn na tuxedo. Ito ang araw na hinihintay niya para makakuha ng investors sa kompanya para maibangon iyon mula sa malaking pagkalugi. May presentation si Kevyn sa harap ng maraming investors at kailangan niyang ma-convince ang mga ito na mag-invets sa project nila ni Nicko.Ngumiti si Kevyn. "I'm ready, my loves. Nandito ka kaya alam kong kaya ko, you're my strength at wala akong hindi kayang gawin dahil sa iyo," seryosong aniya.Inayos ko ang necktie niya at ngumiti. "Basta kailangan mong galingan, ok? Naniniwala naman ako sa iyo na kaya mo dahil magaling at mahusay ka, alam naming lahat 'yan." Pinagpag ko pa ang balikat niya. "Palagi mong ginagawa ang best mo para sa iba at sa pagkakataong ito, gawin mo ito para sa sarili mo."Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha habang nakangiti pa rin. "Kung may babaeng investors, for sure na makukuha mo na agad sila dahil napakagwapo mo," pagbibiro ko pa.Ngumuso siya
Mara's POVNAGULAT na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko habang nagluluto ako nang almusal. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kevyn sa Manila dahil sumama ako roon dahil may kailangan siyang tapusin sa kompanya."Hmm! Ang bango naman niyan, my loves," ani Kevyn.Natawa ako sa ginawa niya. "Sino'ng mabango, ako o 'yong pagkain?""Syempre...'yong pagkain," sabi niya.Sumimangot ako. "Aww! Hindi ka kakain ng umagahan—""Joke! I'm just kidding, Mara ikaw ang mabango for me, syempre." Napaigtad na lang ako nang bigla niyang paghahalikan ang leeg ko. Nakiliti ako kaya kumiling ako sa kanan at kaliwa. Hindi ko na rin napigilan ang mapatawa dahil sa ginagawa niya."Kevyn, ano ba?! T-tama na, nakikiliti ako," saway ko sa kaniya. "S-saka nagluluto ako," dahilan ko. Pilit akong lumalayo sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas dumikit ako sa kaniya."I just can't help myself but to kiss you, my loves," aniya nang huminto siya sa ginagawa. Kapagkuwa'
Maica's POV"MARA?!" gulat kong sigaw nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich kasama si Kevyn. "Kevyn!" aniko. Mabilis kong tinakbo si Mara at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko siya dahil ilang linggo rin siya nawala nang sumama siya sa Maynila para samahan doon si Kevyn. "OMG! Ikaw na ba 'yan? Parang Tatlong linggo lang nang pumunta kang Maynila, ah, bakit bigla kang gumanda?" puna ko habang sinusuri siya.Natawa si Kevyn at Mara. "Sira, ano'ng gumanda ka riyan, eh, dati pa naman akong maganda," confident niyang turan. "Hindi ba, Kevyn?" Naghanap pa siya ng kakampi.Kumibitbalikat lang si Kevyn at kunyaring tumitingin sa mga paninda.Natawa ako. "Pati nobyo mo ayaw nang maniwala sa iyo." Sumimangot si Mara. "Ayaw lang niyang aminin na nagandahan siya sa akin nang makita niya ako noon. Siya nga 'tong unang na-in love sa akin, eh," patuloy ni Mara.Tiningnan ko si Kevyn habang nakapamulsa ito. Sumilay ang ngiti sa labi nito at talaga namang gwapo ito, iyon nga lang naunahan ako
Maica's POV"SERYOSO ka na ba talaga, Oscar, liligawan mo ako?" seryosong tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi. Katulad nga ng sinabi niya, palagi niya akong sinusundo sa trabaho dahil nag-aalala siya kapag umuuwi ako ng gabi.Kumunot ang noo niya. "Bakit sa tingin mo naglalaro lang ako? Kilala mo ako, Maica at alam mong hindi ako marunong maglaro," balik nito.Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang yumuko. Alam ko naman na hindi marunong maglaro si Oscar, palagi itong seryoso sa lahat ng bagay kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na kung ano'ng pagmamahal ang mayroon siya sa akin.Bumuga ako ng hangin. "Alam ko 'yon, Oscar kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na baka akala mo lang mahal mo ako dahil nasaktan ka kay Mara," pagtatapat niya.Huminto si Oscar at hinarap ako. "Iyon ba ang iniisip mo? Maica, makinig ka, ok? Tama ka, nasaktan ako kay Mara dahil minahal ko siya pero alam ko ang ginagawa ko at nararamdaman ko para sa iyo. Hindi kita ginagamit bi
(Maica and Oscar Story)Maica's POV"OH! Ano'ng ginagawa mo rito, Oscar?" nagtataka kong tanong nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich habang may bitbit itong plastik na ulam ata ang laman. Bumili ba siya ng ulam?Napakamot sa noo si Oscar at bahagya siyang yumuko. "Uhm!""Anong uhm?" kunot-noo kong tanong."Uhm!" ulit niya at inabot sa akin ang hawak nito. "Binilhan na kita ng pagkain dahil pasado ala-una ng hapon pero hindi ka pa rin kumakain," nahihiya niyang sabi na hindi makatingin sa akin.Natigilan ako at tiningnan siya. Kumunot pa lalo ang aking noo. Ano'ng nakain nito ni Oscar para bilhan niya ako ng pagkain? Kanina pa ba siyang nandito at alam niyang hindi pa ako kumakain?"T-teka nga, Oscar paano mo nalamang hindi pa ako kumakain, huh?" usisa niya.Saglit na napatingin siya sa akin pero kapagkuwa'y tila naguluhan na siya kung saan babaling. Hindi na siya makatingin sa akin. "Ahm! K-kasi ano...ahm! N-namili kasi ako kanina at napatambay diyan sa labasan kaya alam kong h
Kabanata 63Kevyn's POVTAHIMIK AKONG nakaupo sa swiver chair sa opisina ko habang nilalaro sa aking daliri ang isang lapis. Ilang linggo na ako dito sa Maynila at sobrang nami-miss ko na si Mara. Sana mapatawad niya ako at muling bigyan ng pagkakataon. Totoo lahat ng sinabi ko sa kaniya. Hinalikan ako ni Jenicka dahil nakita niya si Mara na parating. Nagalit ako kay Jenicka at muntik ko na siyang saktan. Si Mommy naman, hindi nakialam dahil kasalanan ko daw at ayusin ko daw 'tong mag-isa. Mahal na mahal ko si Mara at masakit sa akin na mawala siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman 'to.Pero malapit ko na siyang makitang muli. Babalik ako at muling hihingi ng tawad. Akala ko kaya ko siyang iwan at hayaan na lang pero hindi ko kaya. Mahirap at labis akong nasasaktan. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Siya ang nasa isip ko habang binabangon ang kompanyang para sa kinabukasan naming dalawa. Gagawin ko ang lahat para muli ko siyang makuha."Kevyn, pumayag
DALAWANG LINGGO na ang lumipas simula ng tuluyan akong iwan ni Kevyn. Sa dalawang linggong 'yon, umasa akong makikita ko siya sa harap ng bahay na nakangiti. Na maririnig ko siyang kumakatok. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto, mabubungaran ko ang gwapo niyang mukha na nanabik sa akin. Pero umasa lang ako at hindi 'yon nangyari. Halos araw-araw akong umiiyak at parang hindi nauubos ang mga luha ko.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na tanda kung kailan ako huling lumabas ng silid kong ito. Palagi lang akong nandito. Para akong may sakit na inaalagaan na lang. Wala kasi akong ganang gumalaw at tumayo. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kevyn at hindi na babalik pa."Ate, kailangan mong lumabas, may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay Melay. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Para ring mahalaga ang taong naghahanap sa akin dahil bakas ang gulat sa mukha niya. Agad akong napatayo. Baka si Kevyn ang nandiyan. Baka babalikan na niy
NAGISING AKO mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pumikit muli ako kasabay nang aking pag-inat. Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Bumaba ako ng katre at sinuot ang tsinelas. Nadatnan ko sila Mama na kasalukuyang nag-aayos ng hapag."Mabuti naman at nagising ka na. Hali ka na't kumain," ani Mama ng makita akong papalit sa hapag."Okay ka lang ba, anak? Sabi ng mga kapatid mo umuwi ka daw na umiiyak kanina. May nangyari ba?" usisa naman ni Papa. Biglang naalala ko ang tagpo namin ni Kevyn sa bukid kanina, kung saan tinapos niya ang lahat. Kung saan hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw ko.Yumuko ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandiyan na naman ang labis na sakit at lungkot. "Ma, Pa, akala ko magiging masaya na ako kapag tinigilan na ako ni Kevyn. Akala ko magiging okay na ako, pero hindi. Mas lalo akong nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala. Gusto ko ring
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon.Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko magawang kalimutan siya at hindi ko rin magawang alisin sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sobrang hirap niyang kalimutan."Mara!"Napailing ako. Bakit ba naririnig ko na naman