“Ano’ng gagawin natin?” pabulong na tanong ni Analyn sa binata. Pinauna na nilang maglakad si Greg.
“Lansihin mo muna si Lolo. Kuwentuhan mo. Magaling ka naman dun. Ipapalipat ko muna ang mga gamit mo sa kuwarto ko.”
“Ha? Pa’nong lansihin?”
“Ikaw na ang bahalang mag-isip. Ako na nga ang mamomroblema sa itaas, eh.”
“Ano ba’ng pinagbubulungan n’yo diyan?”
Parehong nagulat sila Analyn at Anthony nang marinig nila ang paninita sa kanila ni Greg.
“‘Lo, eto kasi’ng si Anthony.”
Lumipad ang tingin ni Anthony sa dalaga na par
Magmula ng gabing iyon ay naging busy si Anthony. Maaga siyang umaalis at gabi na nakakauwi. Minsan pa nga ay sa opisina na ito natutulog.Habang si Analyn ay nasa bahay lang at hindi pa pumapasok sa trabaho. Ang tanging gawain niya ay makipagkuwentuhan sa dalawang nakatatandang mga kasambahay, kung hindi kay Edna o kay Ria. Minsan ay si Greg ang kausap niya sa telepono.Marami na rin siyang nai-download na mga laro sa telepono niya pampalipas-oras. Pero kinasawaan din niya nang lumaon ang paglalaro sa mga iyon.Hanggang dumating ang isang araw na sobrang inip na inip na talaga si Analyn. Tumipa siya ng mensahe at saka ipinadala kay Anthony.To: Sir AnthonySir Anthony, ano’ng ginagawa mo?Umaga pa niya ipinadala ang mensaheng iyon, pero nakatapos na siyang kumain ng tanghalian ay wala pa ring sagot si Anthony.Sa kawalan ng magagawa ay natulog na lang siya.Pagkagising niya
“Walanghiya ka, Analyn!”Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Analyn, “walanghiya ako sa mga taong walanghiya sa akin.”Matalim ang naging tingin ni Fatima sa kanya pero balewala kay Analyn.“Sige na. Ibigay mo na ang regalo ko sa kanya,” pagkausap ni Analyn sa security staff ni Anthony.Pagkatapos ay tumalikod na siya para umalis na roon kasunod iyong isa pang security ni Anthony. Rinig pa niya ang pag-atungal ni Fatima.“Nasaan si Anthony?” tanong ni Analyn sa kasamang security habang naglalakad sila.“Nandito lang din mam sa same floor.”Nang napatapat sila sa isang pintuan ay napahinto si Analyn ng nakarinig ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Sumilip siya sa nakaawang na pinto at nakita niya roon sila Charles at Anthony. Nakatayo si Charles, habang naka-de kuwatrong upo si Anthony sa pang-isahang sofa. Tila may pagtatalo na nagaganap sa kanilang dalawa, pero mapapansin na kalmado lang ang mukha ni Anthony.&nb
“Hindi mo pa pala lubusang kilala si Anthony.”Nakatingin lang si Analyn kay Edward, sinusukat ang sinseridad sa sasabihin pa.“Anthony will never be good to someone for no reason. What if I tell you that Anthony is a selfish, cold-blooded person? Mananatili ka pa rin ba sa tabi niya?”Hindi alam ni Analyn kung ano ang isasagot niya kay Edward. Sinamantala iyon ni Edward at saka lumapit pa kay Analyn. Gusto sanang lumayo ni Analyn sa lalaki pero ramdam niya na nasa pinakadulo na siya ng sofa at wala na siyang maaatrasan.“Walang hilig sa babae si Anthony. Ako, meron. Analyn, gusto kita. Try me. Maging assistant muna kita para makilala mo muna ako ng lubusan.”Nagulat pareho si Analyn at Edward nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Edward.“Anthony!”Mabilis na inilapag ni Analyn ang hawak niyang baso ng alak sa center table at saka tumayo. Hindi niya napansin ang pagsunod ng tin
Naramdaman ni Analyn na umangat ang mga paa niya. Binuhat siya ni Anthony habang hawak siya sa kanyang magkabilang pigi, kasabay ng pag-angat nito sa dalawang binti niya at saka iyon isinaklang sa magkabilang beywang.Umupo sa sofa si Anthony kasama si Analyn ng hindi pinuputol ang paghalik sa dalaga. Nakakalong si Analyn sa ibabaw ng mga hita ni Anthony at nakasaklang pa rin ang mga hita ni Analyn sa beywang nito. Mapangahas na idiniin ni Analyn ang ibabang katawan niya kasabay ng pagkapit ng isang malayang kamay niya sa leeg ng binata.Lalong nanigas ang katawan ni Anthony. May nasindihang apoy ang dalaga sa kanya. Lalo pa at nalalasahan niya ang alak sa mga labi nito, dahilan para lalo niyang palalimin ang halik sa dalaga.“You’re so brave, Analyn,” sabi ni Anthony sa pagitan n
“Akala ko ba mauuna akong umuwi?” tanong ni Analyn sa loob ng sasakyan ng binata. Sinulyapan lang siya ni Anthony pero wala itong sinabi, Ngumiti na lang si Analyn at hindi na kinulit ang binata.Pagkapasok nila sa bahay ni Anthony, nadatnan nila si Ria na nasa sala. “Oh, Manang? Bakit hindi ka pa natutulog?” “Nag-aalala ako sa inyong dalawa. Nag-away ba kayo? Ilang araw hindi umuwi si Anthony. Tapos, umalis ka naman Analyn ng hindi nagpapaalam.”“Ah, eh…” Hindi na nasabi ni Analyn ang sasabihin niya nang magsalita uli si Ria. Nakita niya agad ang mga namumulang bagay sa balat sa leeg ni Analyn. “Okay na. Mukhang nagkasundo na kayo,” sabi ni Ria habang nakatingin sa leeg ni Analyn. Napansin ni Analyn ang pagtingin ng matandang kasambahay sa leeg niya. Bigla naman niyang naalala kung ano ang naroroon kaya bigla siyang nahiya sa matanda. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang mukha niya. “Oh, sige na, Umakyat na kayo sa kuwarto n’yo. Matulog na kayo kung matutulog kayo. At matut
“May idadagdag ka pa?” muling tanong ni Anthony.Umiling si Vivian, “wala na, boss. Lalabas na ako.”Bago lumabas si Vivian, hindi sinasadyang napatingin siya kay Analyn. Nagkataong nakatingin din sa kanya ang dalaga.“Miss Analyn, baka gusto mo ng maiinom? Magpapabili ako.”Alam ni Analyn na hindi bukal sa loob ni Vivian ang pag-aalok sa kanya, Maaaring bilang paggalang lang dahil bisita siya ngayon ni Anthony. Pero ayaw niyang ipakita sa babae na apektado siya ng presensiya nito. Isa pa, obvious namang hindi nila gusto ang isa’t isa. “Salamat, Assistant Vivian. Okay lang ang mineral water sa akin. Kung okay lang sa 'yo.”Hindi na sumagot si Vivian, agad na itong lumabas ng kuwarto ni Anthony. Agad siyang bumalik sa upuan niya. Napansin ng mga kasamahan niya ang nakasimangot niyang mukha.’“Bakit ganyan ang mukha mo, Miss Vivian? Mainit ba ang ulo ni Sir Anthony?”“Napagalitan ka ba ni boss?”Mapait na ngumiti si Vivian, “mas gugustuhin ko pa nga kung mainit ang ulo niya.”“Ha?” “
“Saan ka nanggaling?” Napahinto si Analyn sa pagpasok sa loob ng opisina ni Anthony. “Kumuha ng tubig?” sabay turo ni Analyn sa bote ng mineral water na hawak niya sa kabilang kamay niya. Pagkasabi niya nun ay tumuloy na siya sa pagpasok sa loob at saka muling naupo sa sofa. “Akala ko ba ikukuha ka ni Vivian?”Nagkibit-balikat si Analyn. “Busy. May kausap sa phone.”Hindi na umimik si Anthony at itinuloy na ang ginagawa. Palihim na pinagmasdan ni Analyn ang binata habang iniinom niya ang tubig. Hindi niya masisisi si Vivian kung bakit patay na patay dito. Napakaguwapo naman talaga nito. Ang seryosong aura nito ay nakadagdag pa sa taglay na kaguwapuhan nito. Sadyang sinuwerte lang siya talaga para ayain ng kasal ng binata. NAGISING si Analyn na nakaupo sa tabi niya si Anthony. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Nagulat siya ng biglang tumayo si Anthony. Sinundan niya ito ng tingin. Nagpunta ito sa mesa niya at saka kinuha sa ibabaw nito ang personal niyang baso na ma
Maraming tao sa ospital. Nasa dulo ng pila sila Analyn at Anthony. Siguro dahil sa hapon na sila nakarating sa ospital. “Sa sasakyan ka na lang, Sir Anthony. Ako na lang ang pipila,” sabi ni Analyn sa binata. “No, it’s okay,” sagot naman ng binata.“Ha? Baka may makakita sa iyo rito, Sir.”Nagkibit-balikat lang ang lalaki. Hindi pa sila nagtatagal sa pila ng may lumabas na nurse mula sa loob ng clinic. “Mr. De la Merced. Papasukin ko na raw kayo sabi ni doc.”“No, okay lang. Maraming nauna sa amin sa pila. Let them in first. Maghihintay na lang kami.”“Sure ka?” tanong ni Analyn. Inaalala kasi niya na baka may makakita kay Anthony at maging laman pa ng mga balita. Actually, hindi inaasahan ni Analyn na tatanggihan ng binata ang pribilehiyo na inalok sa kanya ng nurse. Hindi niya akalain na ang isang presidente ng kumpanya na tulad ni Anthony ay tatanggi na mauna sa pila. Nang sa wakas ay oras na ni Analyn para pumasok sa loob ng clinic, sumama rin si Anthony sa kanya. Nasa tabi
“Dito lang ako babantayan kita,” sagot ni Analyn. “Hindi na. May bodyguard na ibinigay sa akin si Kuya Edward.” Tumingin si Elle sa bandang pintuan para hanapin ang bodyguard niya. Sinundan naman ng tingin ni Analyn ang tiningnan ni Elle. Naroroon nga sa may pintuan ang isang matipunong lalaki na nakaupo roon. Muling nagbaling ng tingin si Analyn sa babae. “Siya, sige. Hahayaan na rin muna kitang magpahinga, para makabawi ka ng lakas. Ang dami pa nating design na gagawin,” pagbibiro pa ni Analyn. Ngumiti naman si Elle. Tumayo na si Analyn at lumabas na ng kuwarto ni Elle. Paglabas niya, may kausap sa telepono si Anthony sa may di-kalayuan kaya si Edward ang sumalubong sa kanya. “Kumusta?”Mabilis na sinulyapan ni Analyn ang kinaroroonan ni Anthony. Nakatalikod ito sa gawi nila ni Edward at tipong hindi pa siya nakikita nito. Nagkibit-ballikat si Analyn, “okay lang.”“By the way, iyong sumbrerong ipinasuot ko sa ‘yo, akin ‘yun.”“Alam ko naman. At alam din ni Brittany, kaya nak
Dalawang araw na sila Analyn at Anthony na nanatili sa hotel. Bihira lang kausapin ni Analyn ang asawa. Gusto niyang iparating dito na galit pa rin siya sa asawa. “Magbihis ka,” masuyong utos ni Anthony.Napabangon bigla si Analyn. Namilog ang mga mata. “Iuuwi mo na ako sa Papa ko?” Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Anthony. “Pupunta tayo sa ospital, dadalawin natin si Elle.”Malapad na napangiti si Analyn. Hindi na niya kailangan pang mag-inarte sa lalaki. Mabilis siyang nagpalit ng damit at baka magbago pa ang isip ni Anthony.Pagdating sa ospital, nasalubong nila Anthony at Analyn ang sekretarya ni Edward na palabas ng kuwarto ni Elle, habang papasok naman sila. “Mr. De la Merced, Miss Analyn.” Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Anthony. Huminto siya at saka iniharang ang katawan sa harap ng sekretarya. Inakbayan niya si Analyn at saka tinanong ang nagulat na sekretarya.“Ano’ng tawag mo sa kanya?” “Ah, eh… Mrs. De la Merced.”Saka lang umalis si Anthony sa harapan ng se
Namalayan na lang ni Analyn na nasa loob na siya ng VIP room sa hotel. Kuwarto iyon na may twin bed. Alam ni Analyn na ayaw din siyang madaliin ng asawa kaya ganung set-up ang kinuha nitong kuwarto.Pumasok muna sa CR si Analyn para maghugas ng kamay. Nakita niya kasing may mantsa ng dugo ni Elle ang mga kamay niya. Isinabay na rin niyang maghilamos. Pero nagulat siya ng paglabas niya mula sa CR ay hindi na niya makita ang telepono niya. Matamang nag-isip si Analyn. Tanda niya ay binuksan pa niya iyon bago siya pumasok sa banyo. Isang tao lang naman ang kasama niya sa loob ng kuwarto, kaya wala naman siyang ibang pwedeng pagbintangan. “Cellphone?” tanong niya kay Anthony. “What?” maang na tanong ni Anthony. “‘Yung cellphone ko, ilabas mo.” Umiling si Anthony. “No cellphone for the meantime. It’s our me-time.”“Hindi pwede!”Kumunot ang noo ni Anthony. “What do you mean? Naghihintay ka ba ng tawag mula kay Edward? Si Edward ba ang kasama mo sa party ni Brittany?” punong-puno ng pa
“A-Anthony… a-ano ba ang sinasabi mo?” Pinilit ni Brittany na tumawa pero parang iyak ang lumabas mula sa lalamunan niya. Binalingan niya si Analyn. “Ikaw!”“Oo, ikaw,” agaw ni Anthony, si Analyn ang pinapatungkulan niya, “you are beautiful. Huwag mong itago sa face mask na ‘yan.” Pagkasabi niya nun ay marahang inalis ni Anthony ang mask mula sa mukha ni Analyn. dahilan para mabunyag ang mukha ni Analyn sa mga taong naroroon, lalo na ang mga press. Wala siyang ka-make up-make up, pero hindi nakakasawang tingnan ang mukha niya. Isang tingin mo pa lang sa mukha niya ay parang alam na alam mo na agad na mabait ito, inside and out. Nagsimula ng kumislap ang mga camera sa harapan ni Analyn. Dahil dito, hindi niya napigilang takpan ang mukha niya. Nang nakita ni Mercy ang mukha ng taong naka-face mask, ang awtomatikong reaksyon niya ay mabigla. Wala sa loob na napaatras siya, kaya naman agad siyang dinaluhan ng asawa na nasa likuran niya. “Siya? Paano nangyari ito?” tanong ni Mercy sa
Alam din ni Brittany na kay Edward ang sumbrero, at marahil ay ipinasuot niya lang ito kay Analyn. Pero nakakita na siya ng pagkakataon na ipahiya ang babae at paninindigan na niya ito. Nagsimula ng magbulungan ang mga bisita.“May magnanakaw daw.”“Ang kapal naman ng mukha nun!” “Ang lakas ng loob na nakawin ang gamit ni Miss Brittany.”Bawat binibitiwang mga salita ng mga naroroon ay mga pana na tumutusok sa katawan ni Analyn. Nasasaktan siya sa mga walang basehang akusasyon. Pero ayaw niyang humingi ng tulong kay Anthony. Ni tingnan ito ay ayaw niyang gawin. Marami ng bisita ang nakapaligid kina Brittany at Analyn. Maski sila Sixto at Mercy ay napahangos ng narinig nila ang balita. Nang nakita nila si Brittany na kinukumpronta ang isang estranghero ay hindi nila iyon nagustuhan.“Ha! Tingnan mo, Edward. Bida-bida na naman ang kapatid ko. Nanghuli kuno ng magnanakaw sa party niya. Makaalis na nga lang.”“Hey! Saan ka naman pupunta? Bakit ka ba nagmamadali? May importante ka bang
Nagulat din si Analyn. Hindi niya inaasahan na makikilala siya ng sekretarya ni Anthony ganung may suot naman siyang face mask.“Nakilala mo ako?” Malapad na napangiti ang sekretarya. “Of course naman, Madam! Kahit takpan mo pa ang buong mukha mo, makikilala pa rin kita.” Pagkatapos ay biglang napawi ang ngiti nito. “Madam, dalawang buwan ka ng hinahanap ni boss Anthony.”Nang dahil sa pagkabanggit sa pangalan ni Anthony, muling napalingon tuloy si Analyn sa gawi kung saan naroroon ang asawa at si Brittany. Nag-alala siya na makita siya ng lalaki. Muli siyang nagbaling ng tingin sa sekretarya nito. “Saka na ako magpapaliwanag. Kailangan ko ng umalis dito.” Nataranta ang sekretarya. Lumipad ang tingin niya sa sekretarya ni Edward na naghihintay kay Analyn. Muli niyang binalingan si Analyn. “Madam, nakita na, eh. Aalis ka na naman?” Naisip niyang hawakan ang kamay nito at isama kay Anthony. “Madam, magpakita ka muna kay boss. Please lang. Mapapagalitan na naman ako kapag pinaalis
Ini-lock kanina ni Edward ang pintuan ng study room mula sa loob para walang sinuman ang makapasok doon. Kaya nakalabas sila ng basement ng ligtas. Inilagay ni Edward ang sumbrero niyang suot sa ulo ni Analyn, tapos ay nauna na siyang lumabas ng kuwarto para makiramdam muna. Wala pa ring tao sa dinaanan nila kanina kaya kampante si Edward na makakalabas ng bakuran ang tatlong kasama niya. Nagpadala siya ng mensahe sa sekretarya na pwede na silang lumabas mula sa study room at hihintayin niya sila sa daan malapit na sa gate. Nakalabas na ng bahay ang tatlo at nag-aabang na sa kanila si Edward sa isang tagong bahagi ng bigla na lang sumulpot si Alfie mula sa kung saan. May kasama itong ilang mga bisita na mukhang ihahatid niya palabas ng gate nila.Agad na umalis si Edward sa pinagkukublihan at saka nilapitan si Alfie. “Alfie!” tawag niya sa lalaki. Nilingon naman siya ni Alfie, tamang-tama naman na nakalabas na ang mga bisitang kasama nito. “Edward!” nakangiting balik-pagbati ni
Pinakinggang mabuti ng dalawa kung saan nanggagaling ang tila pagdaing. Sinundan nila ang tunog nun, hangggang sa nakita nila ang isang nakahigang babae sa isang sulok doon. Agad na nakilala ni Analyn ang kulot na buhok ni Elle. “Elle!” Mabilis na tinakbo ni Analyn ang nakababatang kaibigan. Naupo siya sa tabi nito at saka pinagmasdan ang babae. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang kawalan ng pag-asa. Nang nakita ni Elle ang mukha ni Analyn, tila nagkaroon ito ng pag-asa. Hindi niya napigilan ang mapa-iyak. Ibayong tuwa ang nadama niya pagkakita sa tagapagligtas niya. “A-Analyn…”Nakapadapa si Elle sa sahig kaya nakita ni Analyn ang sira-sirang damit nito sa bandang likod, na tila sanhi ng tama na latigo roon. Nahahaluan na nga rin ng dugo ang tela ng damit niya dahil sa pagkakalatigo sa likod niya. Agad na nakaramdam ng awa si Analyn sa babae. Hindi rin niya napigil ang sarili na hindi maiyak sa kalagayang nakikita niya rito ngayon. “Elle…”“Parang balak ka ng patayin ng asawa
Walang nakakaalam sa garden na may dalawang tao sa study room na iba ang motibo. Maingay doon. Puno ng sayawan, halakhakan at kuwentuhan. Na pabor na pabor kina Analyn at Edward. Pero nagulantang na lang sila ng may biglang kumatok sa pintuan ng study room. “Edward!” Napahinto ang dalawa sa kung ano man ang ginagawa nila at sabay pang napatingin sa direksyon ng pintuan. “Edward! Nandiyan na ba kayo sa loob? Okay lang ba kayo riyan? May problema ba?”Nagkatinginan sila Edward at Analyn. Sa labas, nainip si Mercy sa sagot ni Edward. Naisipan niyang pumasok na sa loobb ng kuwarto. Pero nang akmang pipihitin na niya ang door knob ay saka naman iyon bumukas. Isang nakangiting Edward ang bumungad sa babae. “Tita, hindi pa kami tapos. Medyo masalimuot lang ng konti. Pero sandali na lang siguro ‘to.”Nakangiting tumango si Mercy kay Edward, at saka pasimpleng sumilip sa loob ng kuwarto. Nakita niya si Analyn na may suot pa ring face mask habang nagta-type sa likod ng computer doon.