Para talaga silang 3 in 1 cofffee. Biniblend ni Serina at Ambross ang bigat ng eksena hahahahahhaaha. poor Ambross
Dahil pamilyar na si Wommie sa barko, hindi na siya nahirapan pa sa pasikot-sikot at istraktura ng barko. Kaya no’ng kinagabihan, hindi siya lumabas sa cabin niya dahil alam niyang kahit saang sulok ay may magsi-sex. She stays in her cabin and just watch movie that will suit to her mood. Kinabukasan, Pumunta si Wommie sa resto para kumain. Si Hut na natatanging founder na nasa barko ay nakita siya. He blinked twice thinking namamalikmata lang siya. “Wommie?” hindi siguradong aniya. He was drunk kaya pakiramdam niya ay kung anu-ano nalang ang nakikita niya pero kumurap ulit siya at nakita nga niya si Wommie. “Holy shit! Why is she here?” Agad niyang nilapitan si Wommie na tahimik lang na kumakain. “Hut!” Umaliwalas ang mukha ng dalaga ng makita siya. “Why are you here? Sinong kasama mo? Napulot mo ba ulit ang ticket na ginamit mo?” Lumabi si Wommie at umiling. “Jed gave me one!” Pinagsingkitan niya ito ng mata. Hindi siya naniniwala na binigyan ni Jed si Wommie ng ticket. “Oo
Nagtataka si Wommie na walang Hut na bumalik. ‘Saan na ba yun?’ aniya at tumayo. Pumunta siya ng pinto, balak sanang buksan pero napahinto siya ng maalala na gabi na. Napabuntong hininga siya at bumalik sa kama niya. Hut told her na kukuha lang siya ng ice cream at babalik agad pero anong oras na ay hindi pa rin ito bumabalik. Si Rem ay naiinip na. Kanina pa niya hinihintay na humiwalay si Hut kay Wommie. Pero inabot sila ng gabi bago lubayan ni Hut ang dalaga. Inutusan niya ang dalawang tauhan niya kanina na pasukin si Wommie sa cabin at dalhin sa kaniya ngunit nakita niya na iyong mga naglilinis lang ay biglang dinampot ang dalawang hinire niya na tauhan at kinaladkad ito palayo sa cabin ni Wommie. Doon niya napagtanto na lahat ng mga empleyado na nasa barko ay bantay ni Wommie. ‘Gaano ba kahigpit ang security sa kaniya?’ natanong ni Rem sa isipan niya. Ilang oras na niyang inaabangan si Wommie, at nananalangin na lumabas ito ng cabin niya. Hindi na siya mapakali pero hindi nam
“Sir, umalis na po si ma’am Wommie.” Iyon ang sinabi ng utility worker na nakasalubong ni Aru, Clark, Jed at Hut. “Aru, kailangan mong magmadali. Rem is here.” Nang malaman ni Jed na nasa barko si Rem, agad niyang hinanap si Aru para sabihing nandito si Rem. Pero nakaalis na si Wommie sa cabin niya. Napamura si Aru at halos hindi na niya alam anong gagawin. “I’ll go to the Information room. I’ll check the CCTV.” Sabi ni Fero at nagmamadaling tumakbo paalis. Tumakbo ulit si Aru, nagbabasakaling makikita pa niya si Wommie. Maraming cabin at mga storage room sa barko. Halos lahat ng mapuntahan nila ay may pinto. Kung iisa-isahin nila lahat ng pinto ay baka mas mapahamak si Wommie. When Aru was about to pass the storage room na nasa harapan nila, may narinig siyang tunog. At first, it sounds like a bird na kadalasan nilang naririnig kapag nasa malapit sila na isla. “Aru, what are you doing?” takang tanong ni Jed nang makita siya na naglalakad para puntahan ang storage room. “I hea
Wommie left, reason why Aru cried that night. Halos lahat ng VIP billionaires ay nasa conference hall para lang damayan si Aru. “Beer kayo diyan!” Sigaw ni Fero na nagbenta pa ng beer na nilagay niya sa malaking cooler. “Anong meron?” tanong ni Maximillian kay Clymenus na tahimik lang na nanonood. “Broken?” dagdag niya. Napailing si Cly at kumuha ng beer sa cooler ni Fero. “How much is this?” “Isang daan,” Kumuha siya sa wallet niya ng pera ngunit bente lang ang nakita niya. Nang makita ni Fero na wala siyang isang daan ay agad nitong kinuha ang notebook niya at nilista ang pangalang Clymenus, utang 130. Kumunot ang noo ni Max. “Bakit 130?” “Interest,” sagot ni Fero at nangibang upuan na para bentahan ang iba pang VIP members. Napaawang ang labi ni Jed na nanonood. “Mandurugas!” Aniya at napatingin kay Aru na kanina pa umiiyak. Hindi niya alam bakit dumami sila sa conference hall. Ang nasa loob lang kanina ay siya, si Hut, Fero, Clark, at Aru. Pero ngayon, halos kalahati na n
“Pasensya ka na chairman, ayaw ka pa munang makausap ng anak ko.” Malungkot na sabi ni Amelie. Nakikinig si Wommie na nasa loob at kumakain ng manga. “Tita,” isang linggo ng nag-aalala si Aru dahil ayaw siyang pansinin ni Wommie. Ang laging humaharap sa kaniya ay mga magulang ni Wommie o mga kuya niya. Tumingin si Amelie sa anak niya na kumakain ng manga at lumapit kay Aru para bumulong. “Ganiyan talaga kapag buntis, anak. Ako nga noon kay Wommin, ayoko siyang lumalapit sa akin.” Mula ng makabalik si Aru galing ship of temptation, agad siyang dumiretso sa pamilya ni Wommie para humingi ng tawad. Akala nga niya ay galit ang pamilya ni Wommie sa kaniya, pero hindi iyon ang nangyari. Tinanggap siya ng pamilya nito at inunawa pero gaya ng sabi nila, kung ayaw siyang kausapin ni Wommie ay wala silang magagawa. “Tita, salamat po… Babalik po ako dito bukas.” Malungkot na sabi niya. “Uuwi ka pa ba? Umuulan,” sabi ni Amelie na ayaw pauwiin si Aru. “Balita ko honey, maraming naaaksidente
Nakaupo si Grey sa mesa, hinihintay si Rem na makalabas sa bilangguan. Hindi niya alam kung paano ito haharapin. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya. Muntik na siyang mamatay sa kamay ng asawa niya. Pero kung hindi niya ito gagawin, kung hindi niya ito kakausapin, ay baka hindi niya matulungan ang sarili niya. Paglabas ni Rem ay nagtagpo ang paningin nila, kita ni Grey na halos hindi makatingin si Rem sa kaniya. Akala ni Grey ay kaya niyang ngumiti sa harapan ng asawa niya pero imbes na pagngiti, pagluha ang nagawa niya. Kusa nalang lumandas ang luha sa pisngi niya. Umupo si Rem, tahimik, at hindi alam anong unang sasabihin niya. “Pinuntahan ako ni mama sa bahay natin,” ang unang sabi ni Grey. “Kaya sa awa ng Diyos, naisugod ako sa hospital at nabuhay.” Nanlaki na ang mata ni Rem. Ang totoo ay hindi siya nakaramdam ng konsensya at takot noon. Wala siyang maramdaman kahit ano noong sinasaktan niya si Grey pero ngayon na nasa harapan na niya ang asawa niya, para siyang nagis
Note: Malapit na matapos itong story ni Aru. Kung napapansin niyo, ang title na Ship of Temptation ay nasa cover lang, hindi sa title niya mismo nakalagay. Haha. Iyon ay dahil sa mga male lead ng series na hindi connected sa isa't-isa. So kahit series siya, may characters na hindi connected, pero parehong VIP members ng Ship of Temptation. May ibang characters din na mag-aappear sa story pero wala silang long and stand alone na story. (Example. Serina and Ambross) I know guys some of you want to read their story, pero hindi na natin sila gagawan kasi alam niyo na naman nangyari sa kanila. Haha. From force marriage to nagka inlaban. Juntis na nga si Serina, so wala na kayong aabangan sa kanila kasi alam niyo na nangyari sa kanila, however, may mga special chapters sila sa story ni Aru at Wommie na sila ang focus. Sa Chapter 79, I introduced some of men na VIP members. Sila ang POSSIBLE next sa series. Clymenus (may 16 chapters na siya, pwede ko e post if I want. Ito bet ko talaga.
“Nakaalis na ba si Womme?” tanong ni Serina sa fiancé niya. “Yes. I wonder what will happen to Aru,” nakatingalang sabi ni Ambross. Napanguso si Serina kasi siya lang naman ang nakakaalam na hindi talaga lumayas si Wommie. Pinaniwala kasi nina Aru at Wommie ang kakilala nila na tinakasan ni Wommie si Aru ng sa ganoon ay hindi makatunog ang mga kalaban niya sa negosyo na tinatago lang niya si Wommie at ang anak nila. “Bakit ka malungkot?” tanong ni Serina at pinagsingkitan ng mata si Ambross. “Because Aru is a good guy. Hindi kami close pero naaawa-" “Wow hindi pa pala kayo close sa lagay na yun? Hindi ba nanghiram ka ng brief sa kaniya no’ng sa condo ka niya nagovernight?” Napaawang ang labi ni Ambross. Hindi niya alam kung saan na naman sila aabot sa usapng ito. “Ituloy mo!” Utos ni Serina. Napakamot siya sa ulo niya. “Hindi nalang baby. May gagawin pa kasi ako e.” Sabay peke ng tawa. “Ay huwag ganoon. Ituloy mo. Makikinig ako. Hindi ba sabi mo hindi kayo close?” Napalunok s
“LEU!” Sigaw ni Wommie habang naka-apron at may hawak na spatula. Kanina pa siya nagsisigaw dahil ni isa sa mga anak niya ang walang sumasagot. “ISA LIEUTENANT!” “Faster kuya Je. Mama is mad.” Sabi ni Leu sa kuya Soldier niyang nakangiti habang busy sa Ipad nito. “Mauna ka na kasi sa ibaba.” “But kuya,” “Is that Leu?” tanong ni Marian ng marinig ang boses ni Leu sa kabilang linya. “Yes and he’s interrupting us.” “Bumaba ka na at baka nga hinahanap na kayo ni tita.” Napabuntong hininga si Soldier at tumango. “Alright. I love you.” Napangiti si Marian at sumagot. “I love you too, lovey.” “Kuya, is ate Marian really your girlfriend?” tanong ni Leu. Tinignan lang siya ni Soldier at nginitian. Humaba naman ang nguso ni Leu. “She’s really your girlfriend and not ate Belinda. Bakit hindi ko pa siya nakikita dito?” Ngumuso si Soldier at lumapit kay Leu para lumuhod. “Dahil nasa America pa si ate Marian mo. Doon sila nakatira ng mama at papa niya.” “So you’re just talkin
“Ma, tiyang, girlfriend ko po, at mga anak ko.” Sabi ni Aru sa pamilya niya. Si Clarissa na nagulat ay biglang kumunot ang noo nang may napagtanto. It’s been 14 years nang huli niyang makita si Wommie. “Another batch ng tinaguan ng anak,” natatawang sabi ni March sa tabi ni Clarissa na inakala na tinaguan nga ng anak si Aru. “Wommie?” sabi ni Clarissa nang maalala na ang mukha ni Wommie. Ngumiti si Wommie at lumapit sa kaniya. “Hi ma’am Clarissa,” natatawang sabi ni Wommie sa kaniya. Napasinghap siya at bumaling sa kuya niya na hindi na makatingin sa kaniya ng maayos. “KUYA, ITINAGO MO SI WOMMIE KAHIT SA AMIN?” Sumenyas si Aru kay Clark for help. Actually, sila nalang ang naiwan dahil si Lieutenant, kinuha na ng mommy nila at ni tiyang Ysabel habang si Soldier ay tangay ng mga pinsan kasama ng Quintuplets at ni Farrah. “Love,” kinakabahang sabi ni Clark. “Uh-oh, mukhang tayo ang tinaguan ni kuya Aru ng anak, hindi siya ang tinaguan,” natatawang sabi ni March sabay lapit kay Womm
Naging malapit si Marian at Rem sa isa’t-isa. Sa loob ng dalawang taon, ginawa ni Rem ang lahat ng makakaya niya para makabawi sa mag-ina niya lalo na sa anak nila. Naghahanda na si Marian at Grey sa paglanding ng eroplano. Galing silang America at ngayon ay nagbabakasyon muli ng Pinas. “Mama, aalis pa rin ba tayo? Hindi ka ba naaawa kay papa?” tanong ni Marian sa mama niya. Isang executive assistant si Grey sa isang kumpanya sa US kaya pabalik balik sila doon ni Marian. “Iri-renew mo pa ba ang contract mo?” nag-alalang tanong ni Marian. Napabuntong hininga si Grey. Ilang ulit na siyang tinanong ng anak niya tungkol sa bagay na iyan. Pakiramdam niya tuloy ay tinutulungan ni Marian ang papa niya para ilapit sa kaniya. “Pag-iisipan ko pa. And besides bakit gusto mo akong manatili na sa Pinas?” Ngumuso si Marian dahil akala niya makukumbinsi na niya ang mama niya. Pagkakuha nila ng maleta nila, agad na silang lumabas ng airport at lumaki ang ngiti sa labi ni Marian ng makita ang pap
Pagdating ni Marian sa bahay nila, wala na ang papa niya pero ang pasalubong na dala ni Rem kanina ay naroon pa rin at iniwan sa ibabaw ng table na nasa garden nila. Kinuha ni Marian ang bulaklak pati ang na ang sweets na sa tingin niya ay para sa kaniya. Tapos sinilip niya ang nasa isang paper bag at nakita niya ang isang sneakers na sakto sa paa niya. Namula si Marian at kinilig. May isang note doon at binasa niya. To my daughter. Iyon lang ang nakalagay pero ang lakas na ng tambol ng puso niya. Ngumuso siya at palihim na nagpunas ng luha sa mata. “Make sure to win the bet, papa, ah?” she’s very hopeful na mapatawad na ng tuluyan ng mama niya ang papa niya. Isa rin naman siyang bata na nangarap ng isang kumpletong pamilya. Sa kwarto naman, kausap ni Grey ang mama niya. Sinabi ni Grey iyong pagbisita ni Rem sa kanila kanina. “Grey, sinaktan ka na ni Rem noon. Muntik ka ng mamatay sa kamay niya. Kung ako ang tatanungin mo anak, my answer is no. Huwag mo na siya hayaang bumalik
Kinabukasan, maaga lumabas si Grey para diligan ang garden niyang pinapaalagaan ng mama niya. Lumabas rin si Marian dala ang scooter niya at nakahelmet pa. “Mama, can I go out for a bit?” “O-Oh sige. Basta huwag kang lalayo,” sabi ni Grey. Tumango ang anak niya at aalis na sana ng biglang dumating si Rem na ikinagulat nilang pareho. Umaliwalas ang mukha ni Marian dahil nakikita na niya na tama lang na pumusta siya sa papa niya. Si Rem naman na napatingin sa kaniya at biglang nagbago ang expression ng mukha. Kagabi pa siya halos hindi makatulog buhat ng malaman na ang batang kausap niya sa Lomihan ay anak pala nila ni Grey. Gusto niya itong lapitan at yakapin pero hindi niya magawa dahil malaki ang respeto niya sa asawa niya. Gusto niya munang humingi ng tawad hanggang sa payagan na siya nitong lumapit sa anak nila. “Bye, mama,” ang sabi ni Marian at nagmamadaling umalis dala ang scooter. Hindi gaya no’ng una, ngayon ay sobrang saya ng puso niya na makita ang papa niya sa persona
Napatingin si Rem kay Marian na nakakapit kay Grey ngayon. Parang nagslowmo lahat sa utak niya ang pinag-usapan nila ng bata kanina. Bigla siyang napasinghap at namutla ng may napagtanto. “Manong, this is my mama po.” Nakangiting sabi ni Marian kay Rem na walang kamalay-malay sa nangyayari. “Marian, pumasok ka muna sa bahay anak.” Sabi ni Grey, hindi na makakurap sa labis na gulat. “Pero mama-" “MARIA RHIAN!” Sigaw ni Grey para lang sumunod sa kaniya ang anak niya. Nabigla si Marian at nang makita ang expression sa mukha ng mama niya, agad na niyang naitindihan na may hindi magandang nangyayari. Tumingin siya kay Rem bago siya pumasok sa loob ng bahay nila. Nang sila nalang ni Grey at Rem ang naiwan, agad na hinarap ni Grey si Rem na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin kay Marian. “Anong ginagawa mo dito Rem?” tanong ni Grey ng makabawi siya sa gulat. Tumingin si Rem sa kaniya. “G-Grey,” halos hind niya alam ano ang sasabihin sa asawa niyang labing dalawampu’t taon rin niyang
“So tell me about your father,” tanong ni Rem. “Saan siya nagta-trabaho? At saan ka nakatira? Gabi na ah? Tapos babae ka pa. Alam mo ba delikado itong ginagawa mo?” Napanguso si Marian sa sunod-sunod na tanong ni Rem sa kaniya. Kumakain pa rin siya ng lomi at napapangiti kapag nasasama ang malilit na sahog sa pagkain niya ng noodles. Naghahanap siya ng tamang salita para simulan ang kwento niya. “Hindi talaga kami mapirmi ni mama dito sa Pilipinas. Nagbakasyon lang kami tapos babalik rin America. Hinihintay lang namin si lola na makauwi para sabay kaming babalik ng ibang bansa.” Napatango si Rem, masinsinan na nakikinig sa bata. “Hindi ko pa nakikilala ang papa ko kaya hinahanap ko siya. So hindi ko alam anong trabaho niya.” Napabuntong hininga si Marian. “Alam mo ba saan siya nakatira ngayon?” Umiling si Marian. “Hindi po e.” Kumunot naman ang noo ni Rem. “Hiwalay ba ang parents mo?” Umiling ulit si Marian. “No. Sabi ni mama e kasal pa rin sila ni papa. Kaya lang, sabi niya
For 12 years, Rem started anew. Matapos ang sampung taon na nakakulong siya, pinalaya na rin siya sa salang nagawa niya. Naninibago siya na marami ng nagbago sa lugar paglabas niya kasama na ang pakikitungo ng mga tao sa kaniya. Hindi na siya pinatutunguhan ng may respeto. Ang turing na sa kaniya ay isa ng criminal kahit pa nakalaya na siya. Hindi na na-elect ang ama niyang si Rey bilang governor sa lugar nila. Malaki ang naging impact niya sa reputasyon ng ama kaya hindi na rin siya nakabalik sa pamilya niya. Inabandona na siya ng mga ito at hindi na tinanggap pang muli. But Rem didn’t stop para hindi makapagsimula muli. He started a small business, nagbi-benta siya ng hardware supplies. For 2 years, umokay naman ang negosyo niya. Kahit papaano ay nakakaprovide siya para sa sarili niya. Wala na siyang balita kay Wommie, ganoon rin sa asawa niyang si Grey na hindi niya alam kung nasaan na ngayon. “I’m sorry,” napatingin si Rem sa likuran niya ng makita ang batang lalaking nakasu
“Soldier, what are you doing? Pupunta pa tayong Namdaemun anak.” “Can we stay here instead? I don’t want to go out.” Inayos ni Aru ang earpiece device niya. He’s on his way kung saan tumutuloy si Wommie at Soldier ngayon. At rinig na rinig niya ang dalawa na nag-uusap. “Anak, walang maiiwan sa’yo dito at marami akong bibilhin now.” Mas lalong humaba ang nguso ni Soldier at nagtago sa comics na binabasa niya. “Papa, mama is mad.” Mahinang sabi niya. Alam niyang pupunta si Aru ngayon that’s why he’s delaying his mother na huwag munang umalis. “I’m sorry son. Malapit na ako.” Sabi ni Aru. Napatanga naman si Soldier ng biglang kunin ni Wommie ang comics niyang nakatabon sa mukha niya. Nakita niya ang taas kilay na mukha ng mama niya. “Susunod ka ba sa’kin o hindi?” Napakamot ng ulo si Soldier. “Mama, I’m sorry. But papa is coming here.” “What?” kunot noong tanong ni Wommie dahil hindi naman niya alam na susunod si Aru sa kanila. “Papa is coming here. He’s on his way.” Pinagkrus