Medyo may pagkagago si Rem noh? Nasa huli talaga ang pagsisisi
Wommie. Wommie. Wommie. Lagi nalang si Wommie. Paulit-ulit na sinasabi ni Grey habang nakatingin kay Rem na lasing at nakapikit at binibigkas ang pangalang Wommie. Ano bang meron kay Wommie? Iyon ang mga tanong niya mula pa no'ng mga bata sila. Tumingin si Grey sa salamin at nakita ang itsura niyang miserable. Tanda pa niya, no'ng high school pa sila. Masaya siya habang papasok siya ng room. She's a transfer student and she's expecting that everybody will like her. But sa pagpasok pa lang niya sa loob ng room, agad na niyang nakabanggaan ang mean girl ng campus. Instead of apologizing, siya pa ang nagalit at tinulak ang classmate niya dahilan kung bakit naging target of bullying siya. Sa CR, sa hallway, or kahit sa canteen, kahit saan siya magtungo, lagi siyang bin-bully ni Morin. That mean girl is naturally a bully, halos lahat ay binu-bully niya but not to the extent like what she's doing to Grey. But Morin is different to Wommie. That mean girl na si Morin, despite of havin
"Ang arte! Akala mo kung sino!" Saad ni Grey no'ng makita niya si Wommie na nakaupo sa bench at hinihipan ni Rem ang tuhod niyang may sugat mula sa pagkakadapa. Nagkaroon ng inggit sa katawan niya nang makita na may gwapong lalaki na handang gawin lahat para kay Wommie. "Gusto ko rin ng ganoon," sabi ni Grey sa isipan niya habang titig na titig kay Rem. Rem is handsome. Maraming nagkakagusto dito but he's sometimes cold yet warm to his only best friend na si Wommie. Dahil sa pinapakita ni Rem kay Wommie na special treatment, naisipan ni Grey na gusto rin niya magkaroon ng ganoon. Magkaroon ng lalaking bibigyan siya ng special treatment. Dahil hindi siya nagtagumpay sa plano niya kay Wommie, si Rem ang naging bago niyang target para lang maagaw ito kay Wommie. Inalam at sinundan ni Grey si Rem kahit saan ito magpunta kaya alam niya kung saan at anong oras pumupunta si Rem sa mga lugar na madalas nitong tambayan. One Saturday, alas singko palang ng umaga, nasa open field na si
Nababasa lahat ni Grey ang mga galaw ni Wommie. Kahit ang mga letters nito sa notebook niya na para kay Rem ay alam rin ni Grey. Dahil pinapakialaman niya ito kapag naiiwan ni Wommie ang mga gamit niya sa desk niya. Wommie is clueless na alam ni Grey na may gusto siya kay Rem, and Grey used that to her advantage. "Wommie, saan ka pupunta?" tanong ni Grey. "Pupuntahan ko si Rem. May pinapabigay sa kaniya si mama. Gusto mong sumama?" inaasahan na ni Wommie na sasama talaga si Grey sa kaniya ngunit nagulat siya nang tanggihan siya ni Grey. "Hindi na. Magkikita naman kami ni Rem this Saturday," nawala ang ngiti sa labi ni Wommie at napansin iyon ni Grey. "Saan?" curious na tanong ni Wommie. "Mag ja-jogging. Hindi ka ba niya inaya?" Nakagat ni Wommie ang pang ibabang labi niya at umiling. Kunwari nagulat si Grey. "Hala. Akala ko kasama ka Wommie. Bakit ako lang ang inaya ni Rem?" Nasasaktan na si Wommie pero pinakita niyang masaya siya. Na unbothered siya. "Baka may crush si Rem
Habang inaalala iyon lahat ni Grey, bumabalik ang inis niya lalo't napapansin niya ngayon na nakakawala na si Wommie sa tali na nilagay niya sa leeg nito. Nakaabang siya ngayon sa kumpanyang pinagtatrabahuan ni Wommie. Inaabangan niya itong dumating ngunit natigilan siya nang makita niya si Wommie na paparating at nakangiti habang masayang nakikipag-usap sa isang gwapong lalaki. Nagtaka si Grey kung sino ang gwapong binatilyong iyon. Lumapit siya kay Wommie dahilan kung bakit natigilan ang dalawa sa paglalakad. Napatingin si Wommie sa kaniya. "Grey?" gulat na aniya. Sinulyapan ni Grey si Trooper, na wala namang emotion na nakatingin sa kaniya. "Wommie, mabuti naabutan kita. Aayain sana kita magbreakfast kung ayos lang sa'yo." Tumingin si Wommie kay Trooper. "Ayos lang na isama natin siya?" Tinitigan ni Grey si Trooper kung paano ito magreact kay Wommie, nakita niya kung paano lumambot ang expression ng mukha nito. "Kung anong gusto mo, susundin ko." Malumanay at puno ng lambin
"Hi," pagkuha ni Grey sa attention ni Trooper nang makaalis si Wommie. Tumingin si Trooper sa kaniya at napangiti si Grey. Iniisip niyang makukuha rin niya si Trooper gaya sa kung paano niya nakuha si Rem kay Wommie. "I'm Grey. Mukhang nakalimutan tayong ipakilala ni Wommie sa isat-isa kanina." Tumango lang si Trooper at bumaling na ang attention sa cellphone niya, na para bang hindi siya interesado sa presenya ni Grey. And that's what he felt. Hindi naman talaga siya interesado sa mga kagaya ni Grey. Kumukulo ang dugo niya to be precise. "I heard Trooper ang pangalan mo," sabi ni Grey, nakangiti pa rin ngunit hindi sumagot si Trooper. Nagsisimula na ring mainis si Grey sa ginagawa niya. Ayaw niyang iniignora siya. Gusto niyang pini-please siya ng lahat. "Crush mo ba si Wommie?" dahil sa sinabing iyon ni Grey, napatingin si Trooper sa kaniya. Napangisi si Grey doon. "I see. May crush ka nga kay Wommie." Nagbago ang expression ng mukha nito, tila ba concern siya kay Trooper. A
"Are you okay, Trooper?" takang tanong ni Wommie nang makitang hindi na ito kumakain. "Masama ba ang lasa? Masakit ba ang tiyan mo?" Humaba ang nguso ni Trooper at ginulo ang buhok niya. "Kumain ka na. I'm relly fine. Busog na kasi ako," palusot na sabi niya. Pinagsingkitan siya ni Wommie ng mata. Hindi naniniwala sa sinabi niya. Pero dahil wala naman siyang magagawa, kumain nalang siya ulit. While eating, naisip niya na mula ng nagtrabaho siya sa MGC, si Trooper na pala ang lagi niyang nakakasabay sa pagkain. Si Trooper na ang lagi niyang kasama at hindi ang dalawang bestfriend niya na si Grey at Rem. Kaya siguro kahit ang simpleng pag-akbay nito, o paggulo sa buhok niya ay hindi na siya naiilang. Nakikita niya si Trooper bilang kuya niya. Lumabi siya. Si Mr. Whore, nakikita niya dito ang papa niya, si Trooper naman, nakikita niya ang mga kuya na maalaga sa kaniya. Mula ng sabihin ng mga kuya niya sa kaniya na mahal siya ng mga ito at hindi si Grey, saka pa lang na realize
Nakabalik nalang si Wommie sa office niya ay hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi niya. Syempre, agaw pansin ang bouquet na bigay sa kaniya ni Aru kaya lahat ay binabati siya at tila ba ay kinikilig pa. Naiintindihan ni Clarissa na kinikilig si Wommie pero hindi niya gets kung bakit tila yata pati kuya niya ay para ng kamatis ngayon sa sobrang pula. “Kuya, mabibisto ka in no time,” sumimangot si Aru pero ngumiti na naman ulit ng makita ang ngiti ni Wommie sa table nito. Nayayamot na si Clarissa sa kaniya. “Ah kuya, stop smiling. Halata ka masiyado. Sabi ko naman sa’yo e na bad idea itong pagdi-disguise mo as Trooper.” Tumingin si Aru sa kaniya. “Paano naman naging bad idea? Natututo ako paano magtrabaho ng walang special treatment na binibigay.” Kumibot ang labi ni Clarissa. “Iyon nga ang ayaw ko kuya. Dapat ka naman talaga bigyan ng special treatment. Kahit si mommy, iyon din ang gusto kasi syempre, deserve mo pagsilbihan.” Alam kasi ni Clarissa na hindi natamasa ng kuya n
“Anong totoo mong pangalan?” tanong ni Wommie matapos niyang hawakan ang mukha ni Aru. “Warrius Malaque. Hindi mo alam ang buong pangalan ko?” Agad umiling si Wommie para iparating na hindi ganoon ang ibig niyang sabihin. Ang totoo niyan ay wala rin siyang alam sa dapat niyang itanong sa boss niya na hindi lumalagpas sa boundary niya bilang empleyado. “A-Alam ko po sir,” nauutal na sagot niya. “Pero wala naman po akong itatanong na sa inyo.” Sagot niya sabay haba ng nguso. Itong special task na binigay sa kaniya ay napakasimple lang pero para sa kaniya ay sobrang hirap gawin. Magkakaantrapisyon pa yata siya sa kinauupuan niya. Kumunot naman ang noo ni Aru. “Bakit wala kang gustong itanong sa akin?” Hindi rin alam ni Wommie ang sagot sa tanong na iyon. “Bakit hindi mo itanong kung may girlfriend ba ako o anong favorite color ko?” “Po?” hindi makapaniwala si Wommie. “Is that relevant?” dagdag na tanong niya, hindi sigurado kung tama bang sinabi pa niya. Nabigla si Aru at kumuno
“LEU!” Sigaw ni Wommie habang naka-apron at may hawak na spatula. Kanina pa siya nagsisigaw dahil ni isa sa mga anak niya ang walang sumasagot. “ISA LIEUTENANT!” “Faster kuya Je. Mama is mad.” Sabi ni Leu sa kuya Soldier niyang nakangiti habang busy sa Ipad nito. “Mauna ka na kasi sa ibaba.” “But kuya,” “Is that Leu?” tanong ni Marian ng marinig ang boses ni Leu sa kabilang linya. “Yes and he’s interrupting us.” “Bumaba ka na at baka nga hinahanap na kayo ni tita.” Napabuntong hininga si Soldier at tumango. “Alright. I love you.” Napangiti si Marian at sumagot. “I love you too, lovey.” “Kuya, is ate Marian really your girlfriend?” tanong ni Leu. Tinignan lang siya ni Soldier at nginitian. Humaba naman ang nguso ni Leu. “She’s really your girlfriend and not ate Belinda. Bakit hindi ko pa siya nakikita dito?” Ngumuso si Soldier at lumapit kay Leu para lumuhod. “Dahil nasa America pa si ate Marian mo. Doon sila nakatira ng mama at papa niya.” “So you’re just talkin
“Ma, tiyang, girlfriend ko po, at mga anak ko.” Sabi ni Aru sa pamilya niya. Si Clarissa na nagulat ay biglang kumunot ang noo nang may napagtanto. It’s been 14 years nang huli niyang makita si Wommie. “Another batch ng tinaguan ng anak,” natatawang sabi ni March sa tabi ni Clarissa na inakala na tinaguan nga ng anak si Aru. “Wommie?” sabi ni Clarissa nang maalala na ang mukha ni Wommie. Ngumiti si Wommie at lumapit sa kaniya. “Hi ma’am Clarissa,” natatawang sabi ni Wommie sa kaniya. Napasinghap siya at bumaling sa kuya niya na hindi na makatingin sa kaniya ng maayos. “KUYA, ITINAGO MO SI WOMMIE KAHIT SA AMIN?” Sumenyas si Aru kay Clark for help. Actually, sila nalang ang naiwan dahil si Lieutenant, kinuha na ng mommy nila at ni tiyang Ysabel habang si Soldier ay tangay ng mga pinsan kasama ng Quintuplets at ni Farrah. “Love,” kinakabahang sabi ni Clark. “Uh-oh, mukhang tayo ang tinaguan ni kuya Aru ng anak, hindi siya ang tinaguan,” natatawang sabi ni March sabay lapit kay Womm
Naging malapit si Marian at Rem sa isa’t-isa. Sa loob ng dalawang taon, ginawa ni Rem ang lahat ng makakaya niya para makabawi sa mag-ina niya lalo na sa anak nila. Naghahanda na si Marian at Grey sa paglanding ng eroplano. Galing silang America at ngayon ay nagbabakasyon muli ng Pinas. “Mama, aalis pa rin ba tayo? Hindi ka ba naaawa kay papa?” tanong ni Marian sa mama niya. Isang executive assistant si Grey sa isang kumpanya sa US kaya pabalik balik sila doon ni Marian. “Iri-renew mo pa ba ang contract mo?” nag-alalang tanong ni Marian. Napabuntong hininga si Grey. Ilang ulit na siyang tinanong ng anak niya tungkol sa bagay na iyan. Pakiramdam niya tuloy ay tinutulungan ni Marian ang papa niya para ilapit sa kaniya. “Pag-iisipan ko pa. And besides bakit gusto mo akong manatili na sa Pinas?” Ngumuso si Marian dahil akala niya makukumbinsi na niya ang mama niya. Pagkakuha nila ng maleta nila, agad na silang lumabas ng airport at lumaki ang ngiti sa labi ni Marian ng makita ang pap
Pagdating ni Marian sa bahay nila, wala na ang papa niya pero ang pasalubong na dala ni Rem kanina ay naroon pa rin at iniwan sa ibabaw ng table na nasa garden nila. Kinuha ni Marian ang bulaklak pati ang na ang sweets na sa tingin niya ay para sa kaniya. Tapos sinilip niya ang nasa isang paper bag at nakita niya ang isang sneakers na sakto sa paa niya. Namula si Marian at kinilig. May isang note doon at binasa niya. To my daughter. Iyon lang ang nakalagay pero ang lakas na ng tambol ng puso niya. Ngumuso siya at palihim na nagpunas ng luha sa mata. “Make sure to win the bet, papa, ah?” she’s very hopeful na mapatawad na ng tuluyan ng mama niya ang papa niya. Isa rin naman siyang bata na nangarap ng isang kumpletong pamilya. Sa kwarto naman, kausap ni Grey ang mama niya. Sinabi ni Grey iyong pagbisita ni Rem sa kanila kanina. “Grey, sinaktan ka na ni Rem noon. Muntik ka ng mamatay sa kamay niya. Kung ako ang tatanungin mo anak, my answer is no. Huwag mo na siya hayaang bumalik
Kinabukasan, maaga lumabas si Grey para diligan ang garden niyang pinapaalagaan ng mama niya. Lumabas rin si Marian dala ang scooter niya at nakahelmet pa. “Mama, can I go out for a bit?” “O-Oh sige. Basta huwag kang lalayo,” sabi ni Grey. Tumango ang anak niya at aalis na sana ng biglang dumating si Rem na ikinagulat nilang pareho. Umaliwalas ang mukha ni Marian dahil nakikita na niya na tama lang na pumusta siya sa papa niya. Si Rem naman na napatingin sa kaniya at biglang nagbago ang expression ng mukha. Kagabi pa siya halos hindi makatulog buhat ng malaman na ang batang kausap niya sa Lomihan ay anak pala nila ni Grey. Gusto niya itong lapitan at yakapin pero hindi niya magawa dahil malaki ang respeto niya sa asawa niya. Gusto niya munang humingi ng tawad hanggang sa payagan na siya nitong lumapit sa anak nila. “Bye, mama,” ang sabi ni Marian at nagmamadaling umalis dala ang scooter. Hindi gaya no’ng una, ngayon ay sobrang saya ng puso niya na makita ang papa niya sa persona
Napatingin si Rem kay Marian na nakakapit kay Grey ngayon. Parang nagslowmo lahat sa utak niya ang pinag-usapan nila ng bata kanina. Bigla siyang napasinghap at namutla ng may napagtanto. “Manong, this is my mama po.” Nakangiting sabi ni Marian kay Rem na walang kamalay-malay sa nangyayari. “Marian, pumasok ka muna sa bahay anak.” Sabi ni Grey, hindi na makakurap sa labis na gulat. “Pero mama-" “MARIA RHIAN!” Sigaw ni Grey para lang sumunod sa kaniya ang anak niya. Nabigla si Marian at nang makita ang expression sa mukha ng mama niya, agad na niyang naitindihan na may hindi magandang nangyayari. Tumingin siya kay Rem bago siya pumasok sa loob ng bahay nila. Nang sila nalang ni Grey at Rem ang naiwan, agad na hinarap ni Grey si Rem na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin kay Marian. “Anong ginagawa mo dito Rem?” tanong ni Grey ng makabawi siya sa gulat. Tumingin si Rem sa kaniya. “G-Grey,” halos hind niya alam ano ang sasabihin sa asawa niyang labing dalawampu’t taon rin niyang
“So tell me about your father,” tanong ni Rem. “Saan siya nagta-trabaho? At saan ka nakatira? Gabi na ah? Tapos babae ka pa. Alam mo ba delikado itong ginagawa mo?” Napanguso si Marian sa sunod-sunod na tanong ni Rem sa kaniya. Kumakain pa rin siya ng lomi at napapangiti kapag nasasama ang malilit na sahog sa pagkain niya ng noodles. Naghahanap siya ng tamang salita para simulan ang kwento niya. “Hindi talaga kami mapirmi ni mama dito sa Pilipinas. Nagbakasyon lang kami tapos babalik rin America. Hinihintay lang namin si lola na makauwi para sabay kaming babalik ng ibang bansa.” Napatango si Rem, masinsinan na nakikinig sa bata. “Hindi ko pa nakikilala ang papa ko kaya hinahanap ko siya. So hindi ko alam anong trabaho niya.” Napabuntong hininga si Marian. “Alam mo ba saan siya nakatira ngayon?” Umiling si Marian. “Hindi po e.” Kumunot naman ang noo ni Rem. “Hiwalay ba ang parents mo?” Umiling ulit si Marian. “No. Sabi ni mama e kasal pa rin sila ni papa. Kaya lang, sabi niya
For 12 years, Rem started anew. Matapos ang sampung taon na nakakulong siya, pinalaya na rin siya sa salang nagawa niya. Naninibago siya na marami ng nagbago sa lugar paglabas niya kasama na ang pakikitungo ng mga tao sa kaniya. Hindi na siya pinatutunguhan ng may respeto. Ang turing na sa kaniya ay isa ng criminal kahit pa nakalaya na siya. Hindi na na-elect ang ama niyang si Rey bilang governor sa lugar nila. Malaki ang naging impact niya sa reputasyon ng ama kaya hindi na rin siya nakabalik sa pamilya niya. Inabandona na siya ng mga ito at hindi na tinanggap pang muli. But Rem didn’t stop para hindi makapagsimula muli. He started a small business, nagbi-benta siya ng hardware supplies. For 2 years, umokay naman ang negosyo niya. Kahit papaano ay nakakaprovide siya para sa sarili niya. Wala na siyang balita kay Wommie, ganoon rin sa asawa niyang si Grey na hindi niya alam kung nasaan na ngayon. “I’m sorry,” napatingin si Rem sa likuran niya ng makita ang batang lalaking nakasu
“Soldier, what are you doing? Pupunta pa tayong Namdaemun anak.” “Can we stay here instead? I don’t want to go out.” Inayos ni Aru ang earpiece device niya. He’s on his way kung saan tumutuloy si Wommie at Soldier ngayon. At rinig na rinig niya ang dalawa na nag-uusap. “Anak, walang maiiwan sa’yo dito at marami akong bibilhin now.” Mas lalong humaba ang nguso ni Soldier at nagtago sa comics na binabasa niya. “Papa, mama is mad.” Mahinang sabi niya. Alam niyang pupunta si Aru ngayon that’s why he’s delaying his mother na huwag munang umalis. “I’m sorry son. Malapit na ako.” Sabi ni Aru. Napatanga naman si Soldier ng biglang kunin ni Wommie ang comics niyang nakatabon sa mukha niya. Nakita niya ang taas kilay na mukha ng mama niya. “Susunod ka ba sa’kin o hindi?” Napakamot ng ulo si Soldier. “Mama, I’m sorry. But papa is coming here.” “What?” kunot noong tanong ni Wommie dahil hindi naman niya alam na susunod si Aru sa kanila. “Papa is coming here. He’s on his way.” Pinagkrus