"So, totoo ngang pinalayas ka na." Nang aasar na ani Emily habang nakatingin sa maleta ni Jesabell. "Excuse me, ako ang kusang aalis at hindi pinalayas. Dapat kang magpasalamat sa akin dahil sinalo kita na siyang mapatalsik sana sa bahay na ito." Mataray niyang tugon kay Emily."Thank you!" Sa halip na maasar lay Jesabell ay iniinis niya rin ito. "At sana ay hindi ka na malabalik at makalapit pa kay Tyron." Dugtong pa niya."Sorry pero malabong mangyari iyan dahil siya mismo ang lalapit sa akin." Napangisi siya nang tumalim ang tingin sa kaniya ni Emily. "Alam mo bang sa silid ko siya natulog kagabi?""At sa tingin mo ay maniniwala ako sa iyo?" Nakangiti niya ring tanong kay Jesabell pero feep inside ay gusto na niya itong sabunutan."Well, hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla niya akong pinayagang umalis?" Patuloy niyang tanong sa tonong nang aasar.Sandaling natigilan si Emily at napaisip dahil sa tanong ni Jesabell. Ang alam nga niya ay hindi pumapayag si Tyron na umalis ang bab
"Please behave there, ok?" Masuyong hinaplos ni Tyron ang buhok ng dalaha habang yakap ito."Hindi ba ako matino dito?" Tonong nagtatampong tanong niya sa binata.Napabuntong hininga ang binata at sandaling natahimik. Ilang sandali pa mukhang nahihirapang bigkasin ang laman ng isipan. "Huwag mong hayaang masaktan ang sarili mo dahil sa akin. Kailangan natin maghiwalay sa ngayon para na rin sa kabutihan mo."Napalabi si Jesabell. Gusto niyang kintrahin ang binata ngunit sinarili na lamang niya. Kung alam lang nito na ito ang kaniyang lakas at inspiration. Kaya paano nito nasabing nakabubuting malayo siya rito? Huminga siya nang malalim at tumango na lamang upang mapanatag na ang loob nito."Pinapayagan na kitang maging kaibigan si Jason, pero siya lang at wala nang iba, understand?"Napatikwas ang kilay niya at kumalas sa pagkayakap sa binata. Nagdududang sinalubong niya ang mga titig nitong tila nangungusap. Gusto niyang itanong sa binata kung ano ang nakain nito at ang daming nagbag
"Enough, nakarami ka na ng halik."Inirapan niya ang binata at mukha siyang naging mapagsamantala pa sa kabaitan nito. Pero napangiti rin siya agad at ang saya niya. Sana ay ganito na lang lagi sila ni Tyton kahit walang linaw ang relasyon nilang dalawa. Ganoon niya ito kamahal. Kung kinakailangang lumayo kung iyon ang gusto nito ay gagawin niya rin. Napalabi siya at inirapan ang sarili sa isipan. Ang daling sabibin na kaya niyang layuan binata pero halos madurog naman ang puso niya mapag naiisip iyon.Nang patakbuhin na ni Tyron ang sasakyan ay binuhay niya ang stereo ay pumili ng music. Napangiti siya nang marinig ang kantang 'I Need You.' Tumutugma kasi iyon sa kaniyang buhay para sa binata. Nang mag chorus na ang kanta ay sinabayan niya iyon habang nakatitig sa binata. Nang sumulyap ito sa kaniya ay parang tumalon ang puso niya sa kilig. Kinindatan lang naman kasi siya ng binata. Ang guwapo talaga nito at ang cool. "Baka matunaw na ako sa kakatitig mo." Sita ni Tyron sa dalaga ha
Nagulat si Julia nang makita ang binata na bumalik. Malapit na kasi ang uwian kaya hindi niya inaasahang babalik pa ito matapos umalis kanina. "Sir, may naiwan po ba kayo o may kailangan pang gawin?""Tawagan mo sa bahay at ipadala dito ang mga gamit ko na dadalhin sa pag travel, then maari ka nang umuwi."Napasunod ang tingin ni Julia sa binata na umupo na sa upuan nito. Sunod na ginawa nito ay ipinatong ang cellphone nang patayo. Ngayon niya lang nakikita ito na laging hawak ang cellphone. Noon kasi ay laging nasa bulsa or basta na ipatong kung saan. Mukha ring may kausap ito sa video call pero ang tahimik.Tumingin si Tyron sa kaniyang assistant nang hindi pa rin ito umaalis sa harapan niya."Ahhm, right away, sir!" Tarantang turan ni Jullia at nagmamadali nang kinuha ang cellphone upang tawagan ang driver at iutos ang pinagagawa ng amo nila.Inis na naibato na naman ni Emily ang unan sa sahig matapos marinig na pinadadala ni Tyron ang naka impake ng damit nito sa opisina. Wala s
"What's wrong?" tanong ni Tyron nang mapansin ang assistant. Biglang umaliwalas ang mukha ni Emily pagkarinig sa tinig ni Tyron. Naka loud speaker kasi ang cellphone ni Nida."Sir, tumatawag po sa inyo si Nida dahil masama daw ang pakiramdam ni Ms. Emily." Napalunok ng sariling laway si Julia matapos magsalita. Mukhang hindi na kasi maipinta ang mukha ni Tyron."Bakit hindi niya dalhin sa hospital?" Tinakpan ni Nida ang speaker ng cellphone at pabulong na nagtanong sa dalaga. "Ano po ang isasagot ko?""Sabihin mong ayaw kong lumabas ng silid at hindi pa kumakain."Napamura si Nida sa isipan at gusto talaga ng babae na mapagalitan siya. Pikit mata niyang sinabi ang kung ano ang nais iparating ni Emily sa binata."What the hell, Nida? Don't make me repeat what I said before, do you understand?"Mangiyak ngiyak na napapunas ng ilong si Nida kahit hindi naman sinisipon. Napagalitan na nga siya, parang dudugo pa ang ilong niya at nag english pa ang amo. Kulang na lang ay sabihan siya ng
"You like him?" Napalunok ng sariling laway si Jesabell at ang lagom ng boses ng binata. Tila ba nagabadya ng delobyo kapag nagkamali siya ng sagot. Tikom ang bibig na umiling siya. Baka kasi iba ang mabigkas ng matabil niyang dila."Then, stop smiling." Malamig na dugtong ni Tyron.Mabilis na nanulis ang nguso ni Jesabell at hindi alam na nakangiti pa pala siya. "And eat." Dugtong pa ni Tyron saka tumingin sa orasan."Okay." Ang tanging sagot niya sa binata saka ipinatong ang cellphone sa harapan niya. Wala pa rin ang ka room mate niya at nasa pary time job nito. Parang gusto niya ring sumubok ng ganoon upang maging abala ang isipan. Ngunit malapit na ang intern niya or OJT kung tawagin kaya maging busy din pala siya."I need to go."Gulat na napatingin siya sa cellphone nang maring ang sinabi ni Tyron. "Kumain ka na ba?""Sa eroplano na ako kakain. Ubusin mo iyang pagkain mo." Ani Tyron habang kinukuha ang coat na nakasukbit sa likod ng inuupuan nito."Mag ingat ka. Malolobat na r
"Grabe ka naman, kung ako naging close friend mo ay hindi kita lalayuan kahit wala ka ng pera."Napaismid si Jesabell sa isipan. "Talaga? So puwede na kitang maging kaibigan?"Natigilan ang babae at mabilis na dumistansya kay Jesabell. "Sorry, may kaibigan na kasi ako."Natawa na lamang siya nang lumayo na ang babae. Ok na ang ganito at ayaw niya na rin namang makipag kaibigan sa mga nasa paligid niya. Kilala na niya kasi ang ugali ng mga ito. Nang mapatingin siya kay Lory ay inirapan pa siya. Ginantihan niya ito. Kahit wala pa ang tamang oras ng uwian ay nauna na siyang lumabas ng class room. Kailangan niyang magmadali upang maabutan si Jason. Gusto niyang sabayan ito papuntang coffee shop kung saan ito may part time job."Pare, hindi na kayo break?" Biro ng isa sa kasabay ni Jason na naglalakad nang makita si Jesabell. "Huwag mo nang alamin at wala kang pag asa diyan sa puso niya." Pabaliwalang buska ni Jason sa kasama saka nilapitan si Jesabell. "Papasok ka na sa work mo?" Nakang
Jesabell, ano ang ginagawa mo dito?" Mukhang gulat na tanong ni Emily pagkakita sa dalaga. "Nagsa-shabu ka rin ba at hindi mo alam kung ano ang ginagawa ng isang tulad ko sa lugar na ito?" Sarkastikong tugon ni Jesabell sa babae.Mariing naglapat ang mga labi ni Emily at pilit na ngumiti. Kailangan niyang magpakahinahon lalo na at nakatingin na sa kaniya lahat nang naroon. "Jesabell, alam kong galit ka sa akin dahil napalayas ka sa bahay kaya naiintindihan kita sa mga sinasabi mo ngayon.Umawang ang bibig ng mga naroon at nalipat ang tingin kay Jesabell. Hindi napigilan ni Jesabell ang pag ikot ng mga mata nang marinig ang sinabi ni Emily. Nag feeling victim na naman ito at binili naman ng mga naroon ang drama ng babae."Paano hindi mapalayas eh ang sama kasi ng ugli. Mahilig pang gumawa ng gulo at isa ako sa napahamak." Nangungutyang segunda ni Dory sa sinabi ng kaibigan.Sa halip na mainis ay ngumiti si Jesabell sa dalawa. "Sino ang nagpalayas sa akin? Sa pagkatanda ko kasi ay ako
"Babe, bibili lang ako ng pagkain natin." Paalam ni Timothy sa dalaga habang naroon pa ang nurse."Mag ingat ka." Hinatid ni Janina hanggang pinto ang binata.Sa malapit na kainang bukas bente kuwatro oras lang bumili si Timothy. Ayaw niyang umalis mamaya na hindi pa naka kain ang dalaga. Ang anak nila ay may provide na tamang meal ang hospital para dito.Kumain na rin siya kasabay si Janina. Hindi niya pinaalam ang lakad ngayon at ayaw niyang mag alala ito sa kaniya."Mag ingat ka sa lakad mo at bumalik agad."Napangiti si Timothy at parang bata ang nobya na takot maiwan nang matagal. Niyakap niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tawagan mo ako kung may problema dito at sikapin kong makabalik agad." Bilin niya sa dalaga bago hinalikan sa noo ang natutulog pa ring anak.Gumanti siya ng yakap sa binata. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ngayon ng binata.Nagmadali nang umalis si Timothy nang makawala sa dalaga. Ayaw miyang magtagal.at baka makahalata na ito at pigilan siyang u
"Danny, gising na si Marian at hinahanap ka!" Masayang tawag ni Janina sa kaibigang bakla."Ayy, my baby girl!" Pumilantik ang mga daliri ni Danny at masayang lumapit sa bata. "I'm here, anak!"Napangiti si Timothy habang pinapanood ang bakla at ang anak. Naiinggit siya sa closeness ng dalawa at ito agad ang hinanap ng anak niya. Pero naintindihan niya ang bagay na iyon dahil si Danny ang nakagisnan ng bata at tumayong parang ama dito noong wala siya. "Hello, princess!" Bati ng asawa ni Danny mula sa video call.Hinawakan ni Janina ang kamay ng binata at mukhang na out of place ito bigla. Sadyang malapit ang abak nila sa mag asawang bakla dahil madalas ay ang mga ito ang kasama at siya ay nagta trabaho noon."Don’t worry, masaya ako at may ibang nagmamahal sa anak natin." Niyakap ni Timothy mula sa likod ang dalaga."Honey, siya ang biological father ni Marian." Iniharap ni Danny ang camera kay Timothy. Nakangiting bumati si Timothy sa lalaki na marunong umitindi ng kanilang salita.
"Bantayan ninyong mabuti ang babaeng iyan at hindi maaring makatakas. Huwag palinlang sa mga dahilan niya, maliwanag?" Bilin ni Timothy sa tatlong tauhan niya."Opo, sir!" Magkapanabay na tugon ng tatlo sa binata."Honey, please pakawalan mo ako dito! Nagbago na ako at tunay kitang mahal!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Jona sa binata.Mukhang nabibinging tiningnan ni Timothy ang babae. "Busalnan niyo na rin ang bibig niya at maingay."Nanlaki ang mga mata ni Jona at matigas na umiling. "No... you can't do this to me, Timothy! Labag sa batas itong ginagawa mo sa akin!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Timothy. "Alam mo pa lang may batas. Pero nang ninakaw mo ang mga anak ni Janina ay naisip mo va iyan?"Umiiyak na umiling si Jona at patuloy na nagmakaawa sq binata. "Nagsisi na ako! Please, huwag mo gawin ito sa akin alang alang sa pinagsamahan natin bilang mag asawa noon!""Walang kapatawaran ang ginawa ninyo at nararapat lang na pareho kayong mabulok sa bilangoan!" Matigas na turan ni
Natigilan si Jona at kinabahan na naman. Binalot ng takot ang puso niya sa pagkakataong ito. Kung ang pagkatao ni Trix ay natuklasan ni Timothy, hindi malabong napahanap na rin nito ang isa pang anak. "Imposible!" naibulong ni Jona sa sarili. Imposibleng mahanap nila ang bata dahil walang clue kung nasaan na ito o kung saan niya dinala noon."Lahat ng ginagawa ninyo ng kasabwat mo ay may mabuting naidudulot sa amin. Hindi mo magamit sa akin ang alas mong iyan dahil hindi pinabayaan ni Lord ang bata noong itinapon mo sa ilog."Biglang bumigay ang mga tuhod ni Jona dahil nanghina sa narinig. Nagmukha siyang nakalambitin na mula sa pagkahawak ng dalawang lalaki sa mga braso niya. Sa ilog nga niya itinapon ang bata noon. Paano nalaman ng binata ang tungkol doon?"Hindi siya pinabayaan ng kaniyang anghel at agad ding ibinalik kay Janina nang gabing ding iyon ang isa pa niyang anak." Dugtong pa ni Timothy.Nandidilat ang mga mata ni Jona habang nakayuko. Kung ganoon, ang naampon ni Janina a
"Honey...." sinalubong ni Jona ang binata at tangkang yayakapin ito ngunit umiwas sa kaniya ang binata. Nilapitan ni Timothy ang anak at hinalikan ito sa pisngi. "Sumama ka muna kay Tita Minche sa room."Nakakaunawang tumango si Trix at mabilis na humawak sa kamay ng tiyahin upang pumanhik sa ikalawang palapag.Nang masigurong hindi na sila maririnig at makita ni Trix ay saka lang hinarap ni Timothy si Jona."Timothy, I miss you! Alam mo bang sobra akong nag aalala sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin ng anak mo." Lalapit sana siya sa binata ngunit inunahan sya nito. "Dalhin siya sa basement." Utos ni Timothy sa tauhan na kanina pa sa labas lang ng pinto.Nanlaki ang mga mata ni Jona at kinabahan nang may tatlong lalaki ang biglang pumasok sa pinto. "Honey, a-ano ang ibig mong sabihin?" Umurong siya ng hakbang nang lumapit sa kaniya ang tatlong lalaki.Sa halip na sagutin ang babae ay mabilis niyang inagaw ang cellphone nito nang tumunog."Timothy, cellphone ko iyan!" Inagaw
"Nagsagawa ako ng DNA test at ito ang result!" Inilaabit na niya sa kamay ng dalaga ang papel.Saka lang parang nagkaroon ng lakas si Janina at mabilis na kinuha ang papel. Pagkabasa sa pangalan ng bata ay napahagulhol na siya ng iyak at tinakpan ang bibig gamit ang sariling palad. "A-anak mo siya?" Tumingin siya kay Marian. Niyakap ni Timothy ang dalaga mula sa tagilirian nito. "Hindi siya nawala sa iyo at ibinalik siya sa iyo ni Lord nang hindi mo namalayan.""Oh my, God! All this time ay tunay kong anak ang inangkin kong anak?" Nagtatalon na si Janina dahil sa tuwa habang nakayakap sa baywang ng binata."Yes!" Sinapo niya sa magkabilang pisngi ang dalaga at nangiting hinalikan ito ng mabilis sa labi."Thank you! Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko ito matuklasan maging ang pagkatao ni Trix!" Parang balon na bumalong ang luha sa mga mata niya. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama niya ngayon. "Kambal ang anak natin?"Napaluha na rin si Timothy at nakangiting tumango bilang tugon
Mabilis kumambiyo ang sasakyan nila Minche at nag iba ng daan. "Ma'am, ibang daan po ang tatahakin natin!" ani ng Driver kay Minche habang nakatingin ito sa side mirror.Tumango si Minche sa driver at niyakap ang pamangkin. Ang bodyguard nilang nakaupo sa unahan ay naging alerto rin. Mabilis niyang tinawagan si Timothy upang ipaalam na may sumusunod sa kanila.Lumayo muna si Timothy kay Janina bago sinagot ang tawag ng kapatid. Napatiim bagang siya nang marinig ang binabalita ng kapatid. Kailangan niyang manatiling kalmado at baka magalata ni Janina at mag aalala ito."Pero huwag kang mag alala at alam ng driver ang gagawin." Bawi ni Minche upang hindi na mag alala ang kapatid."Tatawagan ko po ang kaibigan ko upang pasundan kayo riyan." Agad na ibinaba na ni Timothy ang tawag saka tinawagan si Tyron. Sa kanilang dalawa kasi ay mas marami itong connection at mapadali ang lahat. "May porblema ba?" tanong ni Janina sa binata nang bumalik na ito sa tabi niya.Pilit na ngumiti si Timothy
Binuhat ni Timothy ang anak at inilapit sa natutulog na kapatid nito."Daddy, she looks like me." Manghang pinakatitigan ni Trix ang batang natutulog. "Ok lang po ba siya?" Bigla naman siya nalungkot nang makita ang ilang bandage sa pisngi at noo ng bata."Of course because she's your sister. And as of now, nagpapagaling pa ang kapatid mo kaya tutok kami ni Mommy sa pagbabantay sa kaniya." Nakangiting paliwanag ni Timothy sa anak."Don’t worry about me po, mommy and daddy. I'm strong po at hindi kailangan ng alaga. Lahat din po ng sasabihin ninyo at ni Tita Minche ay susund8j ko upang hindi kayo mag alala sa akin!"Nagpapasalamat ang tinging ipinukol ni Janina kay Minche. Nagpasalamat siya dito dahil sa tamang paggabay sa anak niya. Lumaki ito na amy malawak na unawa at mapagmahal. "Mula ngayon ay huwag ka nang sumama sa Mommy Jona mo okay? Huwag kang humiwalay sa tita at yaya mo kahit ano ang mangyari." Paalala dito ni Timothy. "Opo, ayaw ko rin po sa kaniya sumama at baka ilayo n
"Head namin siya at huwag mo nang dagdagan ang issue ngayon at ayaw kong matanggal sa trabaho." Halos pabulong na ani ng lalaki.Pagtingin muli ni Paul sa lalaking nasa unahan ay wala na ito roon. Inis na umalis na siya at binalikan sa sasakyan si Jona."Ano ang nangyari?" tanong agad ni Jona kay Paul."Bulshit, mukhang may alam na nga si Timothy sa tunay na ina ni Trix!" Naihampas ni Paul ang nakakuyom na kamay sa manibela."Ano na ang gagawin natin ngayon?" Kabadong tanong ni Jona sa binata. "Bumalik ka sa bahay ni Timothy at gumawa ng paraan na maitakas si Trix. Ikaw pa rin ang ina sa papel ng bata kaya maari mo siyang isalay sa eroplabo at ilayo pansamantala. Kailangan natin ng alas upang hindi pareho mapahamak." Utos ni Paul sa dalaga.Nakagat ni Jona ang ibabang labi. "Saan ko naman siya dadalhin upang itago?""Doon muna kayo sa bagong nabili kong property sa isang isla. Walang nakakaalam sa lugar na iyon mula sa kaanak ko dahil gusto ko iyon gawin private place ko sana.Hindi