"Kailangan mong makipagtulungan sa akin upang mahanap ang isa kong anak, dahil kung hindi ay buhay ng apo mo ang maging kapalit!" Pananakot niya sa ginoo."Please... huwav ang apo ko! Oo, gagawin ko ang lahat ng ipagagawa mo!""Siguradohin mong hindi makatunog ang pinsan mo at girlfriend niya na may alam na ako dahil hindi ako nagbibiro tungkol sa apo mo!"Sunod sunod na tumango si Denis kahit masakit ang ulo at batok niya dahil sa pagkabagsak.Ang alam ng lahat ay nasa bakasyon ang anak mo at apo. Makakauwi lang sila kapag tapos na ang ipatrabaho ko sa iyo."Naiiyak na nagpasalamat si si Denis sa lalaki. Inalis na siya sa pagkatali sa upuan pero nilagyan naman ng kanina ang isa niyang paa upang hindi makatakas."Tawagan mo ngayon ang pinsan mo." Utos ni Timothy sa lalaki. Binigyan niya rin ng instruction kung ano ang sasabihin upang hindi maghinala. Hindi niya maaring diriktang komprontahan ang dalawa hangga't hindi alam kung nasaan ang isa pa niyang anak. Ayaw niyang ilagay muli sa
"Bakit hindi mo ipaalam sa kaniya na confirm ngang kambal ang naging anak niya?" tanong ni Tyron kay Timothy. Lalo lang siya malulungkot at baka ikapahamak pa niya dahil sa padalos dalos na galaw. Kapag nahulog siya sa pain nila Paul at tiyak na mapapahamak siya." Paliwanag ni Timothy. Mas ok na isipin ni Janina sa ngayon na iisa lang ang anakn nila."Ano ang plano mo ngayon upang mahanap ang isa mo pang anak?""Pinasusundan ko na ang bawat galaw ni Paul. Ang sasakyan naman ni Jona ay pinalagyan ko ng monitoring clip upang malaman kung san siya nagpupunta.""That's good idea, pare. Huwag kang mag alala at tutulungan kitang mahanap agad ang kakambal ni Trix." Tinapik ni Tyron sa balikat ang kaibigan."Thank you, pare. Ilihim mo rin sana muna ito sa asawa mo at baka madulas sa pagkuwento."Tumango si Tyron saka ininum ang lamang alak ng nasa baso. Tumingin si Timothy sa orasang suot saka tumanaw sa labad ng terrace. Ang asawa nilang magkaibigan ay nasa silid at nag uusap din."Ok rin
"What is it, daddy?" Excited na tanong ni Trix at tumingin sa dala ng ama.Nakangiti at dahan dahang umalis si Timothy sa kinatayuan upang makita ng anak ang dalagang nasa likuran niya.Ang ngiti sa labi ni Jona ay mabilis na nabura nang makita ang babaeng nasa likuran ni Timothy. Daig pa niya ang nakakita ng multo nang tuluyang mag sink sa isipan kung bakit may dalang maleta ang dating asawa.Namilog ang nagniningning mga mata ni Trix nang makita ang taong kasama ng ama. "Mommy!" Masayang sinalo ni Janina ang bata nang tumalon ito upang mayakap siya. "I miss you, how are you?"Humalik si Trix sa pisngi ng dalaga bago yumakap sa leeg nito. "I miss you more po, Mommy! Daddy said, may sakit ka po?""Okay na ako at ayaw iwan ni Daddy mo na mag isa sa pad kaya isinama ako dito."Naikuyom ni Jona ang kanang kamay at gustong sugurin ang babaing mang aagaw ng asawa at anak. Gusto niya itong hilahin sa buhok at ilampaso ang mukha ngunit kailangan niyang manatiling kalma. Hindi niya maaring
'"Ahhh, bitch!" Halos masira ang unan na hawak ni Jona at doon ibinunton ang galit na nadarama. Pakiramdam niya ay nasasakal siya dahil sa galit a naramda at selos. "Bakit hinayaan mong mapagsolo sila gayong nakita mo nang pumasok sa silid?" nairitang bulong ng isang bahaging isipan ni Jona.Inis na binitiwan ni Jona ang unan at nagmamadali nang lumabas ng room. Hindi maaring magsama ang dalawa sa iisang room at sa mismong pamamahay pa kung nasaan rin siya. Pagkatapat niya sa silid ni Timothy at huminga siya nang malalim at pilit na ngumiti bago kumatok sa pinto. Ngunit bakailang katok na siya ay walang sumasagot. Pagpihit niya sa saradura ay hindi iyon naka lock. Pagalit a binuksan iyon ngunit walang tao sa kama."Hayop ka, ang kapal ng mukha mo at sumabay ka pa talaga sa paliligo ni Timothy!" Bulong niya habang matalim ang tinging ipinukol sa nakasarang pinto ng banyo. Alam niyang sinadya ng babae na huwag e lock ang pinto kanina upang makapasok siya. Sigurado talaga siya ngayon
Napabuga ng hangin sa bibig si Paul at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi dapat silang dalawa ang nag aaway ngayon. "Huwag ka nang magwala diyan at may naisip na akong paraan upang mapasunod ang babaing iyon!"Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ni Jona at may tiwala siya kay Paul. Tanggap nitong si Timothy na ang mahal niya pero kailangan niyang bigyan ito sa kung ano ang natatamasa mula kay Timothy kaya todo suporta ito sa kaniya. Hindi rin siya nito maaring pabayaan sa ganitong sitwasyon at pareho silang makulong kapag umalingasaw ang baho na ginawa nila.Sa banyo, hinahapong niyakap ni Timothy ang dalaga bago pa ito bumagsak dahil nanghina ang mga tuhod. Napangiti siya at hinampas siya nito sa braso."Jerk, kasalanan mo kung bakit nanlambot ang mga tuhod ko." Paninisi niya sa binata."I know, babe, and I'm sorry!" Kinintalan niya ng halik ang dalaga sa noo saka binuhat ito upang ipasok sa bathtub. Hindi siya pumayag na siya lang ang paliguan ng binata. Sinabon niya rin ito sa
Mabilis na nagpakatumba si Janina nang makitang bumukas ang pinto. Ilang sandali pa ay iniluwa ng pinto si Timothy. "Honey—" gusto sanang magsumbong ni Jona ngunit mabilis siyang nilampasan ng binata. Pagtingin niya sa likuran ay nagulat siya nang makita naka upo na sa sahig si Janina."Ano ang ginawa mo?" galing na angil ni Timothy kay Jona sa mahinang tinig lamang habang binuhuhat si Janina."Wala akong ginawa sa kaniya. Siya itong nanakit sa akin na walang dahilan." Pinakita ni Jonq ang kamay na namumula.Natimpi si Timothy ng galit at baka nagising ang anak nila. Sinamaan niya ng tingin si Jona bago ito nilampasan. Nang aasar ang ngiti ni Janina kay Jona habang ang tingin ng huli sa kaniya ay para siyang bubugahan ng apoy. Ang sarap sa pakiramdam na makita itong nagagalit dahil wala namang ginawang masama.Lalo lang nasira ang gabi ni Jona at kaunti na lang talaga ay sasabog na siya dahil sa galit. Nagmamadali na siyang lumabas ng silid at dumiritso sa sariling room. Tiyak na h
"Bitch, kasalanan mo ang lahat ng ito!" Sinugod ni Josie ang dalaga upang sampalin sana ngunit nakailang ito na kamuntik na niya ikadapa."Hey, wala akong ginagawa sa iyo, manang. Kasalanan ko ba kung bakit nanunugod ka sa akin na hindi ko alam amg dahilan?" Natatawa pa rin niyang pangatwiran sa ginang."Huwag ka nang magpanggap dahil kahit magsuot ka pa ng mascara ay makilala pa rin kita!" Bulyaw ni Josie sa babae."Oww, mukhang malaki talaga ang galit at inggit ninyong mag ina sa babaing kamukha ko." Amused na pinakatitigan ni Janina ang ginang. Natutuwa siyang paglaruan ang isipan ng mga ito ngayon.Natigilan Josie at biglang nagdalawang isip na kung tama ba talaga ang pagkakilala nila sa babae."Ang mabuti pa ay umuwi ka na po at mukhang pagod na kayo kakaisip. Huwag ninyong pabayaan ang sarili ninyo at baka matulad kayo sa anak ninyo na nababaliw na kakaisip upang maagaw sa akin si Timothy." Pang aasar pa niya sa ginang."Hayop ka, ikaw ang mang aagaw at hindi ang anak ko!" Hal
Pabalya niyang isinakay ang ginang sa kaniyang sasakyan. Bago tinawagan ang secretary para sabihin ma late siya ng pasok."Ano ang gagawin mo sa akin at saan mo ako dadalhin?" tanong ni Josie habang binubuksan ang pinto ng sasakyan ngunit naka lock iyon."Nanay kita di ba? Nakakahiya naman kung iwan kita sa labas ng kompanya at baka patuloy kang magkalat doon. Ihahatid nita sa impyernong niyong bahay!"Nanlaki ang mga mata ni Josie at saka matigas na umiling. "No, ibaba mo ako ngayon din!""Tsk, kapag hindi ka pa tumigil ay itapon kita sa ilog!" Panakot niya sa ginang. Naisip niyang oras na rin upang harapin ang walang kuwentang ama.Biglang napatuwid ng upo si Josie at natakot sa banta ng babae. "Sinasabi na nga ba at ikaw si Janine."Inirapan Janina ang ginang mula sa front mirror. "Saan pala ang daan pauwi sa inyo?""Nagdududa ang tingin ni Josie sa babae at hindi ito sinagot. "Kapag hindi mo sinagot ay ibaba na kita dito." Itinigil ni Janina ang sasakyan sa alaganganing lugar at
Kahit may baril na nakatutok sa kaniya ay maliksi pa ring kumilos si Paul. Dumaklot siya ng lupa at isinaboy iyon sa babae sabay bangon. Bago pa ito makabawi sa oagkabigla ay sinipa niya ito ngunit nailigan pa rin. Nangalit ang bagang niya nang ngumiti ang babae. Hindi siya maaring tumagal doon. Kahit gusto niyang basagin ang mukha ng babae ay pinili niyang umalis. Ngumit pagkatalikod niya ay may lalaking nakahatang na sa daraanan niya. At hindi lang basta nakaharang dahil may baril ding hawak at nakatutok na sa kaniya."Police ito at napapalibutan ka na namin!" Pakiramdam ni Paul ay may bombang sumabog sa ulo niya. Napatulala na lang siya nang pagtulungan siyang lagyan ng posas sa dalawang kamay. Napahagulhol ng iyak si Jona nang maalis na ang busal sa kaniyang bibig. Ibinaba na rin siya sa sasakyan. Tulad ni Paul ay naka posas din ang mga kamay niya.Lalong nanlaki ang ulo ni Paul at nanlaki ang mga mata nang makita si Jona. "Damn, kahit kailan ay dinadamay mo ako sa pagiging tang
"Sir wala pa sa location ang suspect." Napangisi si Jona nang marinig ang tinig na nagmula sa radyo na hawak ng Timothy. Napakuyom ng kamay si Timothy at mukhang naniniguro si Paul bago magpakita sa tagpuan. Kita sa mukha ni Jona na natuwa ito sa narinig. Napatingin siya sa cellphone ni Jona nang tumunog iyon at si Paul ang natawag. "Nasaan na ang stand in?"Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jona sa narinig. Bigla siyang kinabahan at mukhang may ibang plano si Timothy na hindi sang ayon sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumukas ng pinto at tumambad sa kaniya ang mukha ng isang babaeng na sa unang tingin ay kamukha niya. "Takpan ang bibig niya upang hindi makalikha ng ingay." Timothy sa tauhan habang nakatingin kay Jona."No, please... Timothy hindi ka magtatagumpay at matalino si Paul!" Nanlilisik ang mga mata ni Jona ngunit wala na naman siya nagawa nang malagyan ng busal ang bibig niya."Sagutin mo at sabihing malapit na kayo sa location." Ibinigay ni Timothy ang cellphone sa baba
"Babe, bibili lang ako ng pagkain natin." Paalam ni Timothy sa dalaga habang naroon pa ang nurse."Mag ingat ka." Hinatid ni Janina hanggang pinto ang binata.Sa malapit na kainang bukas bente kuwatro oras lang bumili si Timothy. Ayaw niyang umalis mamaya na hindi pa naka kain ang dalaga. Ang anak nila ay may provide na tamang meal ang hospital para dito.Kumain na rin siya kasabay si Janina. Hindi niya pinaalam ang lakad ngayon at ayaw niyang mag alala ito sa kaniya."Mag ingat ka sa lakad mo at bumalik agad."Napangiti si Timothy at parang bata ang nobya na takot maiwan nang matagal. Niyakap niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tawagan mo ako kung may problema dito at sikapin kong makabalik agad." Bilin niya sa dalaga bago hinalikan sa noo ang natutulog pa ring anak.Gumanti siya ng yakap sa binata. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ngayon ng binata.Nagmadali nang umalis si Timothy nang makawala sa dalaga. Ayaw miyang magtagal.at baka makahalata na ito at pigilan siyang u
"Danny, gising na si Marian at hinahanap ka!" Masayang tawag ni Janina sa kaibigang bakla."Ayy, my baby girl!" Pumilantik ang mga daliri ni Danny at masayang lumapit sa bata. "I'm here, anak!"Napangiti si Timothy habang pinapanood ang bakla at ang anak. Naiinggit siya sa closeness ng dalawa at ito agad ang hinanap ng anak niya. Pero naintindihan niya ang bagay na iyon dahil si Danny ang nakagisnan ng bata at tumayong parang ama dito noong wala siya. "Hello, princess!" Bati ng asawa ni Danny mula sa video call.Hinawakan ni Janina ang kamay ng binata at mukhang na out of place ito bigla. Sadyang malapit ang abak nila sa mag asawang bakla dahil madalas ay ang mga ito ang kasama at siya ay nagta trabaho noon."Don’t worry, masaya ako at may ibang nagmamahal sa anak natin." Niyakap ni Timothy mula sa likod ang dalaga."Honey, siya ang biological father ni Marian." Iniharap ni Danny ang camera kay Timothy. Nakangiting bumati si Timothy sa lalaki na marunong umitindi ng kanilang salita.
"Bantayan ninyong mabuti ang babaeng iyan at hindi maaring makatakas. Huwag palinlang sa mga dahilan niya, maliwanag?" Bilin ni Timothy sa tatlong tauhan niya."Opo, sir!" Magkapanabay na tugon ng tatlo sa binata."Honey, please pakawalan mo ako dito! Nagbago na ako at tunay kitang mahal!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Jona sa binata.Mukhang nabibinging tiningnan ni Timothy ang babae. "Busalnan niyo na rin ang bibig niya at maingay."Nanlaki ang mga mata ni Jona at matigas na umiling. "No... you can't do this to me, Timothy! Labag sa batas itong ginagawa mo sa akin!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Timothy. "Alam mo pa lang may batas. Pero nang ninakaw mo ang mga anak ni Janina ay naisip mo va iyan?"Umiiyak na umiling si Jona at patuloy na nagmakaawa sq binata. "Nagsisi na ako! Please, huwag mo gawin ito sa akin alang alang sa pinagsamahan natin bilang mag asawa noon!""Walang kapatawaran ang ginawa ninyo at nararapat lang na pareho kayong mabulok sa bilangoan!" Matigas na turan ni
Natigilan si Jona at kinabahan na naman. Binalot ng takot ang puso niya sa pagkakataong ito. Kung ang pagkatao ni Trix ay natuklasan ni Timothy, hindi malabong napahanap na rin nito ang isa pang anak. "Imposible!" naibulong ni Jona sa sarili. Imposibleng mahanap nila ang bata dahil walang clue kung nasaan na ito o kung saan niya dinala noon."Lahat ng ginagawa ninyo ng kasabwat mo ay may mabuting naidudulot sa amin. Hindi mo magamit sa akin ang alas mong iyan dahil hindi pinabayaan ni Lord ang bata noong itinapon mo sa ilog."Biglang bumigay ang mga tuhod ni Jona dahil nanghina sa narinig. Nagmukha siyang nakalambitin na mula sa pagkahawak ng dalawang lalaki sa mga braso niya. Sa ilog nga niya itinapon ang bata noon. Paano nalaman ng binata ang tungkol doon?"Hindi siya pinabayaan ng kaniyang anghel at agad ding ibinalik kay Janina nang gabing ding iyon ang isa pa niyang anak." Dugtong pa ni Timothy.Nandidilat ang mga mata ni Jona habang nakayuko. Kung ganoon, ang naampon ni Janina a
"Honey...." sinalubong ni Jona ang binata at tangkang yayakapin ito ngunit umiwas sa kaniya ang binata. Nilapitan ni Timothy ang anak at hinalikan ito sa pisngi. "Sumama ka muna kay Tita Minche sa room."Nakakaunawang tumango si Trix at mabilis na humawak sa kamay ng tiyahin upang pumanhik sa ikalawang palapag.Nang masigurong hindi na sila maririnig at makita ni Trix ay saka lang hinarap ni Timothy si Jona."Timothy, I miss you! Alam mo bang sobra akong nag aalala sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin ng anak mo." Lalapit sana siya sa binata ngunit inunahan sya nito. "Dalhin siya sa basement." Utos ni Timothy sa tauhan na kanina pa sa labas lang ng pinto.Nanlaki ang mga mata ni Jona at kinabahan nang may tatlong lalaki ang biglang pumasok sa pinto. "Honey, a-ano ang ibig mong sabihin?" Umurong siya ng hakbang nang lumapit sa kaniya ang tatlong lalaki.Sa halip na sagutin ang babae ay mabilis niyang inagaw ang cellphone nito nang tumunog."Timothy, cellphone ko iyan!" Inagaw
"Nagsagawa ako ng DNA test at ito ang result!" Inilaabit na niya sa kamay ng dalaga ang papel.Saka lang parang nagkaroon ng lakas si Janina at mabilis na kinuha ang papel. Pagkabasa sa pangalan ng bata ay napahagulhol na siya ng iyak at tinakpan ang bibig gamit ang sariling palad. "A-anak mo siya?" Tumingin siya kay Marian. Niyakap ni Timothy ang dalaga mula sa tagilirian nito. "Hindi siya nawala sa iyo at ibinalik siya sa iyo ni Lord nang hindi mo namalayan.""Oh my, God! All this time ay tunay kong anak ang inangkin kong anak?" Nagtatalon na si Janina dahil sa tuwa habang nakayakap sa baywang ng binata."Yes!" Sinapo niya sa magkabilang pisngi ang dalaga at nangiting hinalikan ito ng mabilis sa labi."Thank you! Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko ito matuklasan maging ang pagkatao ni Trix!" Parang balon na bumalong ang luha sa mga mata niya. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama niya ngayon. "Kambal ang anak natin?"Napaluha na rin si Timothy at nakangiting tumango bilang tugon
Mabilis kumambiyo ang sasakyan nila Minche at nag iba ng daan. "Ma'am, ibang daan po ang tatahakin natin!" ani ng Driver kay Minche habang nakatingin ito sa side mirror.Tumango si Minche sa driver at niyakap ang pamangkin. Ang bodyguard nilang nakaupo sa unahan ay naging alerto rin. Mabilis niyang tinawagan si Timothy upang ipaalam na may sumusunod sa kanila.Lumayo muna si Timothy kay Janina bago sinagot ang tawag ng kapatid. Napatiim bagang siya nang marinig ang binabalita ng kapatid. Kailangan niyang manatiling kalmado at baka magalata ni Janina at mag aalala ito."Pero huwag kang mag alala at alam ng driver ang gagawin." Bawi ni Minche upang hindi na mag alala ang kapatid."Tatawagan ko po ang kaibigan ko upang pasundan kayo riyan." Agad na ibinaba na ni Timothy ang tawag saka tinawagan si Tyron. Sa kanilang dalawa kasi ay mas marami itong connection at mapadali ang lahat. "May porblema ba?" tanong ni Janina sa binata nang bumalik na ito sa tabi niya.Pilit na ngumiti si Timothy