“Alam mo ba kung anong ginagawa ko sa malalanding babae?”inis kong sabi sa kaniya.
“Tayo lang din naman in the end eh kaya bakit hindi na lang natin simulan.” Ngingiti ngiti niyang sabi.
“Huwag kang umasa, hindi pa nga tayo engage eh kasal pa kaya. Kaya tsupe, hindi kita kailangan. Huwag mo akong galitin dahil hindi mo gugustuhin kapag ako na nagalit. Umalis ka na jan, dinudumihan mo lang ang lamesa ko. Nililinisan yan ni Keisha tapos dudumihin mo lang.” Kunwari ko pang pinupunas punasan ang parte ng lamesa na inupuan niya.
“Kahit wala na siya dito, Keisha pa rin ba laman ng bunganga mo. Nakakainis! Jan ka na nga.” Inis niyang sabi.“Mas ikatutuwa ko pa.” Saad ko.
“Nakakabwisit ka!” padabog siyang lumabas ng office ko. Hindi ko na lang pinansin at napatingin nanaman sa table ni Keisha. Kapag nagtatrabaho siya, masyado siyang tutok na tutok na hindi niya na namamalayang ti
KEISHA POVPangalawang araw ko ng hindi napasok sa kompanya. Nandito ako sa kwarto ko habang nag-iisip pero wala naman akong maisip para malutasan ko lahat ng pagbibintang nila. Yawa naman oh, pagbibintangan pa akong nagbenta ng design na iyun sa isang milyong piso kung di rin mga gago eh.“Keisha! Keisha!” rinig kong tawag sa pintuan ko. Bumangon ako sa kama ko at binuksan ang pintuan ko.“Oh ate Sarah.” Tiningnan ko naman siya sa mga mata niya dahil yung mga ganiyanang tinginan ay nang-aasar.Tinaasan ko naman siya ng kilay at nagtatanong mga tingin.“Oh yung manliligaw mo nandito.” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sinong manliligaw?Maya maya pa’y mukha niyang nakangiti ng malapad ang sumalubong sa akin. Lumabas siya mula sa kanan ni Ate Sarah.“Ano pong ginagawa n
“Choose pakikinggan mo siya o aalisin ka sa trabaho at kahit kelan wala ka ng mapapasukang trabaho.” Singit din ni Sir Louie sa amin. Nagulat naman si Jeffrey at napatingin sa akin sunod kay Sir Louie.“Tell them the truth Jeffrey hindi kita aalisin.” Sambit din ng boss niya. Mabilis namang lumuhod si Jeffrey habang nakayuko na.“Patawarin niyo ako Sir, hindi ko sinasadya. Naipit lang din po kasi ako eh.”“What do you mean? May tao pa bang nasa likod mo?” takang tanong ko sa kaniya dahil kung oo, sino?“Hindi naman talaga kita kilala eh, pinuntahan lang ako dito ng isang empleyado niyo rin sa Greenland company.”“Sino?” tanong na rin si Sir Louie.“Pasensya na po talaga kayo Sir, Ma’am Keisha tinakot niya rin po kasi akong irereklamo niya ako o di kaya kaya niya raw po bilhin ang trabaho ko. Tinakot pa po niya akong idadamay niya ang pamilya ko na ayaw ko pon
Natahimik naman kaming lahat sa sinabi ni Sir Kyler. Anong ibig niyang sabihin? Naiwan pang nakanganga si Mrs. Stanford habang nakatingin kay Sir Kyler. Kahit na ako ay hindi ko alam ang sasabihin. Ano bang sinasabi ni Sir? Ginagawa mo lang ba ito para ipagtanggol ako? pero bakit sa ganiyang paraan. Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon!“Ha! ha.” parang hindi pa makapaniwalang saad ni Mrs. Stanford. Lahat naman siguro kami dito.“You’re kidding son right?” mahinahon ng sabi ni Mrs Stanford habang parang nakikiusap ang mga mata niyang bawiin ng anak niya ang sinabi niya.“Off course not mom!”“No! You are just kidding! Diba? Isang tao lang ang pwede mong pakasalan at si Clarrisa lang iyun! Bawiin mo ang sinabi mo!” galit nanaman niyang sabi.“No! Ang sinabi ko ay sinabi ko! Mom hindi na ako bata para kontrolin mo pa ang buhay ko.
“Pero teka maiba ako. Anong ibig sabihin ni Ma’am Florence kanina na si Clarrisa lang?” kuryosong tanong ni Diane.“Ah yun ba. Siya kasi ang future fiancé pa lang ni Sir Kyler.”“What? Future fiancé pa lang pero kung umasta akala mo fiancé na niya. eh bakit naman daw future pa lang?” Si Diane.“Hindi pa sila engage.”“Oo nga naman Diane, hindi ka rin kasi nag-iisip eh. Future pa lang kasi hindi pa engage.” Bara naman sa kaniya ni bakla.“Hoy Lalaine ang tahimik mo naman jan. Mapanis laway mo.” Sambit ko.“Nahihiya kasi ako sayo eh, hindi kita pinansin kanina.”“Tsss ano ka ba sabi ok nga lang eh.”“Ay teka baklang Keisha. Anong napag-usapan niyo ni Sir Kyler kanina ng lumabas kayo ng conference room?”
KEISHA POVHalata ko ang pag-ilang sa akin ni Sir. Kahit naman ako ay naiilang pa sa kaniya pero hindi ko lang pinapahalata. Ano na lang palang mangyayari sa aming dalawa kung pareho kami naiilang sa isa’t isa? Hiyaan na lang ganun? Inihatid niya ako sa bahay.“Huwag ka munang bababa.” Sinundan ko naman siya ng tingin ng bumaba na siya at umikot papunta sa pintuan ng kinauupuan ko at binuksan niya iyun.“Thank you po Sir.” Nahihiya kong sabi sa kaniya.“Sabing huwag ng Sir eh.”“Ay hehe sorry Kyle.”“Hatid na kita sa loob.” Tinanguan ko na lang siya. Inihatid niya lang naman ako sa pintuan ko. Hinarap ko siya.“Salamat.” Nginitian niya lang ako saka unti unting lumapit sa akin.Napapikit na lang ako ng malapit na malapit na siya.
“Mrs. Santos ito na po yung mga papel.” Abot ko sa kaniya ng makarating na ako.“Oh Thank you Keisha.” Ngiti niyang sabi. Patalikod na ako ng mapansin ng mata ko ang pwesto ni Clarrisa at nanlilisik siyang nakatingin sa akin. Alam ko namang galit ka dahil future fiancé mo siya. Napabuntong hininga na lang ako, anong klaseng gulo ba ang pinasok ko at pumayag ako sa gusto ni Sir. Alam ko na ngang nakaarrange marriage na siya pero pinatulan ko pa. Ito na lang gawin mo Keisha kapag umabot na ang isang buwan at sinabi na ni Kyle na ok na siya, nakalimutan niya na yung nararamdaman niya sayo, huwag na huwag kang mahuhulog, nahuhulog ka man ngayon pero huwag yung hulog na hulog dahil sa huli oras na nahulog ka walang sasalo sayo. Masasaktan ka sa sarili mong gawa.“Kamusta buhay mang-aagaw?” napabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Clarrisa. Hindi ko pala namalayang nakatitig na ako sa kaniya. Halos la
KYLER POV“Seriously? Tsss. Don’t worry iniwan man kita ngayon dun hindi naman kita iiwan kahit kailan.” Halos manigas ako sa kinauupuan ko ng sabihin niya iyun. Tiningnan ko siya at walang bakas ng pagbibiro sa sinabi niya.“Yieeeehhhh hahaha sana alllll.” Malakas pang sigaw ni Angelo.“Kinikilig akooooo.” Dagdag pa ng iba.“OMG sila na nga. Basted na ako.” bulong ng isang babae pero narinig ko.Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil para akong hinihigop ng mga magaganda niyang mata.“M-Mauna na ako.” parang naiilang ko pang sabi saka tumayo.“Tapos ngayon ako naman iiwan mo? Ang gulo mo.” Rinig kong bulong niya pero narinig ko.“S-Sunod ka n-na lang m-may nakalimutan akong d-dapat ko p-palang gawin.” Nauutal ko pang sabi saka tumaliko
“Bakit?”“Ah, nothing hehe. Ingat ka.” Napataas naman kilay ko. Bakit ako mag-iingat eh nandito na ako sa tapat ng bahay ko.“Ikaw ang mag-ingat, ikaw itong uuwi pa eh.” Binitawan niya ako sa braso at umiwas ng tingin habang tatawa tawa na parang nahihiya.“O-Oo nga pala hehe. Sige mag-iingat ako.” Nginitian ko naman na siya at bumaba.“Uuwi ka ba o tititigan na lang ako magdamag?” saad ko ng ilang minuto na akong nakababa at hinihintay siyang umalis pero nandito pa rin.“Hehehe oo nga pala. Bye.” Kumaway na lang ako sa kaniya at umalis naman na siya. Pasiring ko pa siyang tiningnan habang papalayo na ang kotse niya. Nakakapanibago talaga ang kilos niya. Wala na yung pagiging cold at seryoso niya. Ibang iba na sa nakikita ko ngayon. Para na siyang may pagkaisip bata kanina. Hindi ako sanay baka kapag nasanay ako hanap
“Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia
“Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it
“Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?
“Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl
Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.
“Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&
“Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram
Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag