“Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong naman ni Sir.
“Natakot po akong magsumbong dahil baka ang pagbintangan ni Sir Teodor ay si Mark, akala ko rin po kasi ay hindi iyun mahahalata kaya pinagsawalang bahala ko na po.” Napahilamos naman sa mukha niya si Sir Kyler.
“You may go out now.” Kalmado niyang sabi. Lumabas naman na si Jayrus at si Mang Miko. And Mang Miko mouthed ‘thank you’. Nginitian ko na lang siya.
“Ano ba talagang ginawa mo Clarrisa?” baling niya naman kay Clarrisa.
“Eh Sir paano naman po kasi ang sabi nila--.”
“Sayo ko pinatrabaho pero si Keisha ang nakaayos. And she’s correct bago ka magbintang dapat ay sigurado ka, may ebidensya ka hindi yung bumabase ka sa sumbong lang.” Napayuko naman si Clarrisa.
“Ayusin mo ang trabaho mo bago ko maisipang alisin ka rito.” Walang kapreno prenong sabi ni Sir.
Kanina pa ako ikot ng ikot dito sa opisina ni Sir dahil hindi ko mahanap yung folder na binigay niya sa akin kahapon.Saan ko ba yun nilagay? Ang alam ko talaga naiwan ko dito iyun kahapon bago ako umuwi. Pero bakit hindi ko makita? Hindi kaya kinuha na ni Sir? Pero ibinilin niya sa akin iyun. Sinabing hindi ko dapat ibigay sa iba. Hindi ko naman yun binigay kahit kanino eh pero bakit wala dito sa opisina niya?Hindi ako naghanap sa bahay dahil alam kong hindi ko iyun nakuha kahapon. Naiwan ko dito iyun sa office. Bakit ko pa kasi nakalimutan iyun eh. Sinabi na ngang ingatan ko pero anong ginawa mo? Jusko malalagot ako nito eh.“Nakakainis nasaan ka na?” inis kong sabi habang naghahanap pa rin, halos mabaligtad ko na ang buong office ni Sir lalo na ng table ko kahahanap dun.“Arrrrgh bwisit.” Sabunot ko sa sarili ko dahil hindi ko talaga makita. May pumasok ba dito sa office ni Sir? Pero kung nandito s
“Hi.” Sagot ko ng walang kagana gana.“Parang wala sa timpla ang mood mo ah.” Saad pa rin niya sa akin.“Oo kaya pwede bang huwag muna ngayon? Maghanap ka na lang ng ibang aasarin jan.”“Wala akong aasarin maliban sayo dahil ikaw lang naman ang babaeng nilalapitan ng future fiancé ko.” Napairap na lang ako sa kaniya. Mas matanda siya sa akin pero parang mas matanda pa akong mag-isip sa kaniya.“Future pa lang naman Clarrisa, hindi ka sigurado kung matutuloy ba talaga.” Aalis na sana ako ng magsalita nanaman siya.“Bakit? Kapag ba nangyari yun pipigilan mo siya?” seryoso niya ng sabi sa akin. Hinarap ko siya at sinagot.“Hindi ako nangingialam sa inyo. Wala akong paki kung ikaw ang pakakasalan ni Sir o kung sino ka man. Ano ko ba siya?” taas kilay kong sabi.“Akala mo ba hindi ko nahahalata ang mga
"Hoy Keisha anong nangyari?""Ha?" tanong ko dahil hindi ko narinig. Masyado na kasing malalim ang iniisip ko. Lunch break na kasi kaya magkakasama na kaming apat."Pinagalitan ka ba ni Sir?" nag-aalalang tanong sa akin ni Diane."Hindi naman." Sagot ko."Huwag ka ngang sinungaling Keisha. Galing siya sa department namin kanina at nagagalit siya tungkol sa design na binigay niya sayo. Kapag nabalitan niya lang daw na may nanguha ng design niya mananagot siya." Si Lalaine."Ang alam ko lahat ng department pinuntahan niya at nagagalit din. May nagsasabi na ngang ano daw kinalaman nila dun kung ikaw naman daw pala ang may hawak." Seryoso ring sabi ni bakla."Oo nga Keisha. Ano bang kadesign iyun?" si Diane."Hindi ko alam. Nakalimutan ko yun na dalhin nung isang araw. Ang akala ko ay nasa office lang iyun pero hindi pala, walang folder dun. Paanong mawawala i
"Hindi ko alam kung nawala ba talaga ang design kong iyun o may nangahas na kunin iyun sa office ko." Panimula niya. Halata sa mukha niya ang pagod siguro kaiisip sa design niya."Tatlong buwan. Tatlong buwan kong ginawa iyun, tatlong buwan na pinag-isipan pero mukhang mawawala na parang bula.""Eh bakit hindi ka magalit kay Keisha dahil siya naman talaga ang nakawala." Singit ni Clarrisa."Hindi ko nawala ang design na yun Clarrisa.""Oh talaga? Hindi mo nga siguro nawala, o baka naman ibinigay mo na sa ibang kompanya?" napakunot noo na lang ako sa sinasabi niya. Anong ibinigay? Anong dahilan ko para ibigay ko iyun."Huwag mo akong pagbintangan Clarrisa. Hindi nakakatuwa.""Talagang hindi ka matutuwa."ngising saad niya."Enough. Tama na walang mangyayari kung puro kayo sisihan." Singit sa amin ni Sir Kyler."Bakit hindi niyo alamin Sir kung ano ang nadiskobre ko ngayon?" nilingon ko siya ng nagtataka."What do you mean?
Saan ako magsisimula? Sino ang una kong tatanungin? Nagsimula ang gulong ito ng makapasok si Clarrisa sa kompanya at dumating si Mrs. Stanford. Ano ba talagang plano nilang dalawa sa akin? Bakit ganun na lang ang galit nila. Sumandal ako sa sofa ng isang coffee shop na pinagtatambayan ko. Nakakainis. Wala akong maisip para malusutan ito. Sino ba talaga ang nagbigay dun sa lalaking iyun ng mga design ni Sir? Saka kung may plano nga akong ibenta iyun, saan ko naman sana igagastos yung pera? Badtrip naman oh.Naalala ko naman yung reaksyon ng mukha ni Sir Kyler nun, mukha siyang galit at alam kong itinatago lang niya iyun. Nakakainis lang dahil dinagdagan pa ng Clarrisa’ng iyun ng kaartehan niya. Buhus buhusan pa kasi niya sarili niya ng tubig tapos ako ang ituturo niya. Tssss. Badtrip ka, badtrip kayong dalawa ng future byenan mo. Naiinis ako dahil naalala ko kung paanong inalo alo ni Sir Kyler si Clarrisa. May payakap yakap pa kasing
“Alam mo ba kung anong ginagawa ko sa malalanding babae?”inis kong sabi sa kaniya.“Tayo lang din naman in the end eh kaya bakit hindi na lang natin simulan.” Ngingiti ngiti niyang sabi.“Huwag kang umasa, hindi pa nga tayo engage eh kasal pa kaya. Kaya tsupe, hindi kita kailangan. Huwag mo akong galitin dahil hindi mo gugustuhin kapag ako na nagalit. Umalis ka na jan, dinudumihan mo lang ang lamesa ko. Nililinisan yan ni Keisha tapos dudumihin mo lang.” Kunwari ko pang pinupunas punasan ang parte ng lamesa na inupuan niya.“Kahit wala na siya dito, Keisha pa rin ba laman ng bunganga mo. Nakakainis! Jan ka na nga.” Inis niyang sabi.“Mas ikatutuwa ko pa.” Saad ko.“Nakakabwisit ka!” padabog siyang lumabas ng office ko. Hindi ko na lang pinansin at napatingin nanaman sa table ni Keisha. Kapag nagtatrabaho siya, masyado siyang tutok na tutok na hindi niya na namamalayang ti
KEISHA POVPangalawang araw ko ng hindi napasok sa kompanya. Nandito ako sa kwarto ko habang nag-iisip pero wala naman akong maisip para malutasan ko lahat ng pagbibintang nila. Yawa naman oh, pagbibintangan pa akong nagbenta ng design na iyun sa isang milyong piso kung di rin mga gago eh.“Keisha! Keisha!” rinig kong tawag sa pintuan ko. Bumangon ako sa kama ko at binuksan ang pintuan ko.“Oh ate Sarah.” Tiningnan ko naman siya sa mga mata niya dahil yung mga ganiyanang tinginan ay nang-aasar.Tinaasan ko naman siya ng kilay at nagtatanong mga tingin.“Oh yung manliligaw mo nandito.” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sinong manliligaw?Maya maya pa’y mukha niyang nakangiti ng malapad ang sumalubong sa akin. Lumabas siya mula sa kanan ni Ate Sarah.“Ano pong ginagawa n
“Choose pakikinggan mo siya o aalisin ka sa trabaho at kahit kelan wala ka ng mapapasukang trabaho.” Singit din ni Sir Louie sa amin. Nagulat naman si Jeffrey at napatingin sa akin sunod kay Sir Louie.“Tell them the truth Jeffrey hindi kita aalisin.” Sambit din ng boss niya. Mabilis namang lumuhod si Jeffrey habang nakayuko na.“Patawarin niyo ako Sir, hindi ko sinasadya. Naipit lang din po kasi ako eh.”“What do you mean? May tao pa bang nasa likod mo?” takang tanong ko sa kaniya dahil kung oo, sino?“Hindi naman talaga kita kilala eh, pinuntahan lang ako dito ng isang empleyado niyo rin sa Greenland company.”“Sino?” tanong na rin si Sir Louie.“Pasensya na po talaga kayo Sir, Ma’am Keisha tinakot niya rin po kasi akong irereklamo niya ako o di kaya kaya niya raw po bilhin ang trabaho ko. Tinakot pa po niya akong idadamay niya ang pamilya ko na ayaw ko pon
“Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia
“Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it
“Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?
“Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl
Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.
“Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&
“Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram
Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag