"Nasan ka na? Kanina pa ako naghihintay sayo."
"Nasa hospital ako."
"What?" rinig ko pa ang ginawa niyang pagtayo dahil sa kung anong tumunog sa tabi niya.
"Anong nangyari sayo?" tanong niya.
"Walang nangyari sakin pero kay Keisha." Putol ko sa sinabi ko.
"Anong meron kay Keisha." Mas lalong sumeryoso ang boses niya.
"Muntik siyang gahasain ng dalawang demonyong lalaki. Nanlaban siguro kaya nabugbog. Ayun tulog."
"Fuck. Sige papunta na ako jan." Pinatay niya na ang tawag kaya ibinaba ko na rin ang cell phone ko at ibinalik kay Keisha ang paningin ko.
'Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sayo' hindi ko namalayan ang lumandas na luha sa aking mukha kaya mabilis ko itong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.
"Kyler?" rinig kong sambit sa likod ko. Si Louie na hingal na hingal ang puma
“Oh heto kainin mo.” Iniabot sakin ni Sir Louie yung kanina pa niyang binabalatan na mansanas.“Thank you po.”“Sa susunod na gagabihin ka sa trabaho. Magpahatid ka na lang kay Kyler o di kaya tawagan mo ako, ako maghahatid sayo. Lalo na ngayon delikado.” Tiningnan naman siya ni Sir Kyler dahil sa sinabi ni Sir Louie.“What?” inosente niyang tanong dahil matalim na nakatingin si Sir Kyler kay Sir Louie. Ewan ko kung matalim nga ba ang tingin niya o namamalikmata lang talaga ako. Hindi na sumagot si Sir Kyler at tumingin na ulit sakin.“Dito ka na muna tawagan mo ako agad kapag may ginawang kalokohan si Louie sayo. Bibili lang akong pagkain mo.”“Ano? Pinag-iisipan mo pa talaga ako ng ganiyan? Ano tingin mo sakin masamang tao?” kunot noong tanong naman ni Sir Louie.“Parang.” Walang ganang sagot ni Sir Kyler at lumabas na.“Ha! at ako pa talaga an
“Huwag mong sabihin na magdamag kang sinamahan dito ng dalawang oppa’ng yun?” pagbabago niya naman sa usapan.“Oh eh ano naman sayo bakla?” si Lalaine.“Aba ay syemre maiinggit ako ng bongga. Dalawang oppa magdamag mong kasama.”“Oo.” Sagot ko.“Anong oo?” nanlalaking mata pa niyang tanong.“Binantayan nila ako. Nang magising kasi ako kanina naabutan ko silang tulog pa.” Napatakip pa siya sa bibig niya na akala mo ay gulat na gulat talaga!“OMG. Makasarili ka. Hindi ka man lang nagshare. Oh anong nangyari?” usisa niya.“Tanga ka ghorl? Kita mong wala nga siyang malay tapos tatanungin mo siya ng ganiyan? Utak nasan?” pambabara nanaman ni Lalaine.“Oo nga ano.” Si bakla.“Hoooy makasabi ka ng ta
“Uwi muna ako Kyler, Keisha” paalam ni Sir Louie. Tinanguan naman siya ni Sir Kyler. Huwag nilang sabihin na iiwan nila ako kay Sir Kyler.“Ah Sir kayo rin po umuwi muna. Ok naman na po ako dito.” Nahihiya ko pang sabi sa kaniya.“Ah-.” Hindi natuloy ni Sir Kyler ang sasabihin niya ng putulin siya ni Sir Louie.“Hindi ka pwedeng iwan mag-isa dito kaya kailangang may maiwan man lang sayo. Pahinga ka, may swimming pa tayo. Mauna na ako Kyler.” Kinuha niya na ang coat niyang nasa ibabaw ng sofa saka tumalikod at lumabas. Napapikit na lang ako ng magsarado na ang pintuan.“Matutulog ka na?” napamulat ako sa tanong ni Sir at nakatingin na siya sakin.“Sige na magpahinga ka na muna. Alam kong kanina mo pa gustong matulog.” Paano niya nalaman na kanina ko pa gusto matulog? Masyado ba akong halata? O sadyang nawili lang silang tatlo kaya hindi nila ako napansin na inaantok na?U
“Ano kayang ginagawa niya dito?”“Kasama niya yung babaeng nakasunod sa kaniya.” Dahil sa pakikinig ko sa kanila ay hindi ko napansin na huminto pala si Sir Kyler kaya nabunggo ko ang malapader niyang likod.“Aray.” Sambit ko.“Are you okay? I’m sorry.” Natigilan ako sa ginawa niya dahil hinawakan niya ang hawak hawak kong noo.“Oh my God.” Rinig kong sabi ng ilang mga taong nasa paligid namin.“Girlfriend niya?”“Maybe. Look at them ang sweeeet.” Ilan pa sa mga narinig ko.“Ok lang po ako Sir. Tara na po.” Aya ko dahil nahihiya na ako sa mga naririnig ko.“Let’s go.” Aniya saka naglakad na sinundan ko naman. Nakarating kami kung saan nakapark ang kotse ni Sir. Nahiya naman ako lalo dahil pinagbuksan pa niya ako ng
Papasok na ako ng building ng mula pa lang dito ay kita ko na silang tatlo sa entrance. Nilapitan ko sila at unti unti na ring naririnig ang pinag-uusapan nila.“Tingin mo papasok kaya si Keisha ngayon?” rinig kong tanong ni Diane.“Alam kong papasok yun.” Siguradong sigurado ni bakla.“Hi.” Bati ko ng makalapit na ako.“Baklaaa. Ano? Ok ka na?” nag-aalalang tanong ni bakla.“Ok na ako. Salamat pala sa inyo ha?”“Sa susunod huwag ka ng dadaan dun ha?” si Diane.“Oo naman. Ok na talaga ako.” Pangungumbinsi ko dahil sa mga itsura nila ngayon ay parang mga hindi sila naniniwala.“Ang daya kasi ni Sir. Parang gusto niya lang na solohin ka eh.” Ewan ko kung naiinis ba ito o nang-aasar.“Ano ba talaga Lalaine?” taas kilay kong tanong sa kaniya.“Hahahaha pede both?” maarte niyang sabi. Natawa na
“Come here.” Tawag niya sakin. Nahihiya naman akong lumapit sa kaniya. Akala ko ba si Mr. Enriquez ang kameeting niya eh bakit babae ang nasa harap niya ngayon. Nang makalapit ako kay Sir ay pansin ko ang ang pag-asim ng mukha ng babae ng makita ako.“Who is she?” turo niya sakin. Inilabas naman ni Sir Kyler ang upuan sa ilalim ng lamesa.“Sit down Keisha.” Gulat ko pang itinuro ang sarili ko at tumango naman si Sir kaya naupo na ako sa upuang inilabas niya kanina. Naglabas rin siya ng upuan sa tabi ko at umupo.“Who is she Kyler?” tanong niya habang sakin pa rin ang tingin niya. Nilaro ko naman ang kuko ko sa ilalim ng lamesa dahil para akong third party sa date nila.“My secretary.” Sagot ni Sir.“Anong ginagawa niya dito?” ngiwi niyang tanong. Eh ikaw anong ginagawa mo rito? Eh si Mr. Enriquez ang kameeting namin.“Kasama ko malamang. Ikaw anong gina
“Sumunod ka na lang ng office.” Sambit ni Sir saka uminom ng tubig niya at umalis. Tapos na agad yun? Eh hindi pa niya ubos yung pagkain niya ah. “Ang bilis naman ni Sir.” Sabi ni Lalaine habang nakasunod pa ang tingin kay Sir Kyler na palabas na ng cafeteria.“Ewan ko dun. Badtrip ata.” Sagot ko na lang saka sumubo ulit.“Nag-away kayo?” tinaasan ko naman ng kilay si bakla. Ano naman sanang pag-aawayin namin.“Hindi ah.”“Eh bakit ganun itsura niya?” Si Bakla.“Naging ganun na lang ng hindi naman pala si Mr. Enriquez ang kameeting niya. Yung Dhia ang pumunta, anak ni Mr. Enriquez.”“Oh eh anong masama?” Si Diane.“Eh kasi ayaw ni Sir ng nakikipagkita kung kanino lalo na kung hindi naman tungkol sa negosyo.”
Nakakainis! Binigyan pa ako ng isipin imbis na tahimik at maayos akong nagtatrabaho dun eh hindi at pinauwi pa ako. Nag-away pa kami! Alam kong hindi ko naman alam yung rason ng galit niya pero pinili ko pa ring sigawan din siya kanina. Nakakaasar naman talaga oo!! Bahala na nga lang. Hindi niya naman ako tinatanggal sa trabaho eh kaya ok lang. Siguro nga mas gusto niyang pagtiisan ang ugali ko kesa sa mga lumalandi sa kaniya. Tsss. KYLER POVNakakabadtrip! Bullshit! Hindi ako mapakali sa office ko. Bakit parang napapadalas ang pagkakamali ng nasa Finance department. Sila ang may hawak ng pera ng kompanya. Mula sa mga nilalabas at pumapasok. Paanong ang Cost ay halos pumantay na sa income. Maayos pa sana ang mood ko kanina ng matapos naming puntahan si Dhia pero nadagdagan ang inis ko ng pumasok sa office ko si Zhenny at ibigay sakin ang records ng mga transaction. Nung isang araw ko pa
“Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia
“Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it
“Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?
“Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl
Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.
“Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&
“Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram
Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag