Mischell's POV
"Magagawa mo bang ipaglaban ako Mitch? Takasan natin ang mundo, dahil gusto kong maranasan ang totoong saya at nang makilala kita doon ako nagkaroon ng dahilan upang gawin iyon. Mitch ilang beses kong ipinaunawa sa sarili ko na mali ang nararamdaman kong ito pero sa ilang ulit kong ginawa ay lagi paring may dahilan na ang pag-ibig ay hindi kailanman naging mali dahil kusa itong nararamdaman, ngayon mo sabihin sa 'king magagawa mo akong ipaglaban dahil buong puso ko ring gagawin iyon sa'yo," mahabang sambit ni prof habang nakatingin sa mga mata ko, kitang-kita ko na puno nang sinsero ang bawat salitang binitawan niya.
"Kalimutan natin ang lahat, magbingi-bingahan tayo sa lahat ng sasabihin nila, wala akong pakialam kong mawala ang lahat sa akin ang mahalaga ay makasama kita, ikaw ang pipiliin ko higit pa sa lahat." dagdag pa niya.
Sa mga sinabi n'yang iyon dahilan na para kumawala ang luha sa
Mischell's POVLumabas na ako ng cr na iyon matapos ng ilang minuto kong pagtatago, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayon dahil sa kumakalat na litrato namin ni prof pero bago pa ako mawalan ng lakas ng loob kailangan kong harapin ito dahil alam ko naman ang pagkakamali ko, pero bago harapin ang kasalanang nagawa ko sa paaralan na ito gusto ko munang alamin kung sino man ang nagtraydor sa akin —na mga itinuring ko nang kaibigan.Nagmistula akong bingi at hindi pinakinggan ang bulungan ng mga istudyante tungkol sakin habang tinatahak ko ang corridor patungo na sa room namin dahil alam kong nandoon sila Nath.Kaya naman pala nagso-sorry ito sa chat kanina ay dahil sa post na iyon. Kung mas maaga lang siguro akong pumasok sana maaga ko rin nalaman ang tungkol rito.Nakayuko akong naglalakad dahil pakiramdam ko sirang-sira na ang pangalan ko sa buong university dahil sa iskandalo sa post.
Mischell's POVPagkagaling sa school ay dumiretso ako sa hospital ng matanggap ko ang text ni Aling Gemma na sinugod daw si mama sa hospital.Napalitan ng pag-aalala ang kaninang galit at kabang nararamdaman ko ng malaman ang balitang iyon.Agad na hinanap ko ang room na nasaad sa text ni Aling Gemma sa akin matapos kung makarating sa hospital."Ano pong nangyari?" nag-aalala kong tanong ng makaharap ko na ang ginang."Naninikip ang dibdib ng mama mo kanina kaya dinala ko na siya rito agad, nag-aaway kasi sila kanina ng tita mo at pinagsusumbatan nito ang mama mo dahil sa nangyari sa school mo," paliwanag ni Aling Gemma sa akin."Alam na po ba ni mama ang nangyari?" tanong ko patungkol sa issue ko sa school.Tumango si Aling Gemma bilang sagot. "Alam na niya pero pilit ka n'yang pinagtatanggol kaya siguro hindi na naman niya nakuntrol ang galit."
Zedic's POVNagpalipas ako ng oras habang nagmumukmok sa opisina ko, kasalukuyan akong nakaharap sa bintanang ding-ding ng opisina ko habang pinapanood ang unti-unting pagkagat ng dilim sa buong paligid, paraan ko rin iyon upang mapanatag ang loob ko kahit saglit lang.Tambak ang mga paper works ko ngunit wala akong lakas upang galawin iyon dahil hindi rin naman ako makapag-isip ng maayos sa dami nang gumugulo sa utak ko.Nagpasya akong palalimin muna ang gabi bago umuwi dahil may mga paparazzi sa labas ng kumpanya para mag-imbistiga sa issue at sadyang nakakasagabal iyon sa akin sa dami pa ng mga tanong nila na wala namang kabuluhan.Ilang saglit pa akong nakaupo lang habang nakatingin sa malayo, unti-unti nang lumiliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw sa siyudad. Lumipas ang maghapon at hindi ko na nakausap pa si Mischell mula ng makauwi siya kabina alam kung subra s'yang nahihirapan dahil sa nangy
Zedic's POVHindi na rin nakatanggi si Mischell ng magprisenta akong ihatid siya, matapos kong makapagbihis sa bahay ay binalikan ko siya sa kanila, mabuti na lang na hindi pa ito nakakaalis dahil nagliligpit pa ito ng mga gamit ng mama niya na dadalhin sa hospital, mas okay nang masigurado kung ligtas siya makakarating sa hospital dahil malakas pa rin ang ulan."Hindi pa rin ba umuwi ang tito mo?" naitanong ko rito habang sabay na kaming naglakad palabas ng bahay nila habang hawak ko rin ang isang payong at pinapayungan siya."Hindi pa po, hindi ko pa nga ito nakakausap tanging si tita lang kanina sa school.""Ayos ka na ba ngayon?""Kung pagiging ayos lang ang pag-uusapan hindi ko alam, sabay-sabay na ang problema ko ngayon eh... 'Wag na nating pag-uusap 'yan prof." sunod na pag iwas nito sa topic kaya mas minabuti kong hayaan muna siyang manahimik.Mabilis
Zoey's POV"How are you my dear, you look so sad? Did your friend Mischell slap you hard when she found out that you are a traitor," nang-iinsultong saad ni ate matapos kong maratnan ito sa harap ng hapag dahil nakahanda na ang dinner, naupo ako sa isang silya katabi niya.Isang araw na ang lumipas ay hindi pa kami nito nakakapag-usap, kaya mabuting kausapin ko na ito ngayon habang wala pa sina mom at dad dito sa kusina."If Mitch will slap me I will accept it 'cause I know it was all my fault but she didn't, because she doesn't have a narrow brain like you," sarkastikong saad ko."Really hmp, yet you betrayed her." Mataray pang saad niya."I didn't betrayed her, you manipulated me ikaw ang may kagagawan ng lahat kung hindi mo pinakita sa girlfriend ni prof hindi mangyayari ito.""She also deserve to be punished my dear, flirting her own proffes
Mischell's POV"Tito sorry po," kinakabahang paghingi ko ng tawad kay tito tungkol sa problema ko sa iskwelahan, ngayon lang ako nagkaroon ng sapat na lakas ng loob upang makahingi ng tawad rito.Ngayon lang kasi ito dumalaw sa hospital matapos ang buong araw kahapon, hindi ko makikita ang galit sa mukha niya dahil kalmado naman ito katulad ng madalas kong nakikita.Kasalukuyan kaming nakaupo pareho sa isang sopa sa loob ng silid ni mama, pinauwi ko na rin muna si Aling Gemma sa kanila upang makapag-ayos din muna siya ng sarili dahil mukhang pagod na ito at walang sapat na tulog dahil sa pagbabantay rin sa hospital."Mitch 'wag na nating pag-uusap 'yan nangyari na ang mga nangyari, ang kailangan nating isipin ngayon ay ang mama mo nakausap ko na si Doc. Sanchez at kailangan daw ma-operahan ang mama mo upang maalis ang nakabara sa ugat ng puso niya.""Iyon nga po ang sabi ni Doc."
Mischell's POV"Ay susmariyosep!" Gulat na sigaw ni Aling Gemma kasabay ng malakas na pagkalabog ng mabigat na bagay sa sahig dahilan kaya agad ko itong nilingon."Nagulat ko po ba kayo?" matamlay kong saad rito, kahit halata naman na nagulat talaga siya dahil nabitawan pa nito ang hawak n'yang kahon at nalaglag sa sahig."Ano bang ginagawa mo riyan Mitch." sita nito sa akin."Gusto ko lang maranasan kung anong pakiramdam ni mama habang nakaupo sa wheelchair niya." matamlay ko pa ring sagot sa ginang.Kasalukuyan kasi akong nakaupo ngayon sa wheelchair na ilang taon ding ginamit ni mama, nakaupo ako roon habang nakaharap sa binta at saka ko binalik ang paningin ko sa kawalan. Ang ginagawa ko ngayon ay ang madalas na senaryong nasasaksihan ko kay mama ang madalas na pagtitig niya sa labas ng bintana habang walang imik na nakaupo sa wheelchair na kinauupuan ko ngayon. Siguradong na
Zedic's POVAlas otso na ng gabi ng masulyapan ko ang relong suot ko, hindi ko maipaliwanag ang bigat sa loob na nararamdaman ko ngayon siguro ay dala na rin ng pagod sa maghapon kong pagtatrabaho.Hinubad ko na ang coat kong suot saka pabato ko iyong inilapag sa kama, tanging polo na lang ang suot ko saka pantalon. Kakauwi ko lang galing sa trabaho at umuaasa akong maaalis ang pagod ko kapag nakauwi na ako ng bahay ngunit subrang bigat sa pakiramdam na para bang hindi ako makahinga ng maayos sa bahay na ito na tila ba kahit paghinga ko ay kuntrulado na nila.Tatlong magkasunod na katok ang sunod na umagaw ng atensyon kaya nilingon ko ang pinto at bumukas naman agad iyon saka pumasok ang isang katulong."Sir nakahanda na po ang hapunan bumaba na raw po kayo sabi ng mommy mo." magalang na saad ng isang katulong na hindi rin naman nalalayo ang edad sa akin.Ilang taon
1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r
Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap
Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko
Zedic's POVBlankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.
Zedic's POVMabilis akong tumuloy ng resort ni Nath, at agad itong hinanap sa mga tauhan niya agad naman akong sinamahan ng isang staff patungo kung saan si Nath. Nakita ko ito na tumutulong mag-ayos ng mga table sa restaurant area ng resort."Prof ikaw pala?" Nakangiting bati nito sa akin ng makalapit ako, wala pa ring pinagbago kung anong tawag niya sa akin dati kahit na hindi na rin naman na ako proffesor ngayon."Puno ng guest ang mga rooms namin, wala kang matutuluyan dito prof," dagdag nito."Can we talk Nath?" tanong ko rito at nakita ko pa ang sumilay sa mukha nitong gulat na tila pinag-isipan pa ang sinabi ko."Pumunta ka ba rito para kausapin ako?" Tumango ako."Sige prof, saglit lang." Kinuha nito ang phone niya na tila may kung anong pinipindot roon, matapos noon ay pinasunod niya ako sa isang area kong saan may lamesa at doon kami naupo upang makapag-usap.
Zedic's POVNakangiting sinalubong kami ng mommy ni Estella nang makapasok kami ng bahay nila, hindi ko alam kung anong dahilan ni Estella at inimbitahan ako nito ngayon upang mag-dinner sa kanila gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa dahil kasama ko ang mga magulang ko.Pilit na ngumiti rin ako rito saka siya nakipagbiso sa akin at sunod kay mom.Tumuloy kami sa malawak na dining area ng mansiyon at doon naghihintay naman si Mr. Chua ang daddy ni Estella. Masayang nakipagbatian pa ito sa daddy ko bago kami naupo.Saktong paglabas ng mga maid ay dala na nila ang iba't ibang putahi ng pagkain upang ihanda sa hapag."Hindi ko alam kung anong meron at nagpahanda ng dinner si Estella, pero masaya na rin ito para magkakasama tayo." natutuwa pang sambit ni Mrs. Chua bago ito naupo kalapit ng asawa niya. Sunod nitong inutos sa isang katulong na tawagin na ang
Warning Rated 18+Zedic's POV'5 YEARS ALREADY PAST, STILL YOU.' nasambit ko sa isip habang tinititigan ko ang singsing niya na ginawa ko nang pendant sa kwentas ko.Nakakailang naman kasi kung palagi kong isusuot ito sa daliri dahil na rin kina mom na lagi na lang kinukuwistiyon ang lahat sa akin.Limang taon ang lumipas ngunit nanatili ako sa sitwasyon kung saan sunud-sunuran na lang ako sa lahat ng gustuhin ng mga magulang ko.Sa limang taon na iyon hindi na ako nakabalik pa sa pagtuturo dahil buong buhay ko umiikot sa kumpanya at sa walang kwentang relasyon ko kay Estella na hanggang ngayon ay nanatili pa rin.Hindi ko na lang namalayan lahat ng mga nangyari na taon na pala ang lumipas ngunit parang wala manlang ipinagbago sa buhay ko.Walang pinagbago at patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik niya, dahil siya lang ang alam kong muling magpap
Mischell's POVTinatakpan ko na naman ng mga kolorete ang mukha ko baka sakaling doon hindi nila mapapansin ang lungkot ko, ngayon ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ni papa patungo sa ibang bansa.Pilit kung pinag-isipan kung itutuloy ko nga ang pag-alis ngunit nauwi pa rin ako sa desisyong ito at sasama ako kay papa, hindi niya ako pinilit na sumama dahil kung hindi nga naman ako sasama sa kaniya ay si tito Hector ang makakasama ko sa mansiyon ngunit mas malulungkot lang ako roon.Mabuti na rin ito upang makapagbagong buhay at bumuo ng mga bagong ala-ala kasama si papa.Sana lang sa araw na bumalik ako rito sa pilipinas may Zedic Lim pa rin akong babalikan, panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihintay siya, sana hindi pa huli ang pagkakataon para sa amin.Sinulyapan ko ang itim na maskara ni prof na nakalapag sa lamesa katabi ng cellphone ko, dadalhin ko ang maskara niya sa pag-alis ko ito la
Zedic's POVMinuto ang lumipas na iyon, mukhang kasama nang wine na ininom ko nilunok ko rin ang sinabi ko kaninang agad na akong uuwi matapos magpakita ni Mr. Collins. Pero ngayon tapos na nga magsalita si Mr. Collins at nakikipagsalamuha na sa mga bisita niya habang ako nandito pa rin nakatayo lang sa may sulok hindi alam ang gagawin.Gusto kong umalis ngunit hindi ko magawa at ito ako ngayon nanatili sa lugar na ito na tanging pinagmamasdan lang ng mata ko ay ang babaeng tanging pinakamaganda sa gabing ito, ayaw kong maniwala sa hinala ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, simula ng magtama ang paningin namin kanina para bang siya na lang lahat ang nakikita ko, nag-iikot siya sa malawak na lugar na iyon na pinagdadausan ng party para makihalubilo sa mga bisita kahit pansin na puro may edad na ang mga bisita sa lugar na ito, habang ako naman ay hindi maalis ang paningin sa kanya dahil nagbabakasakali akong tatanggalin niya ang maskar